Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 132 - A CUNNING LADY

Chapter 132 - A CUNNING LADY

Hatinggabi na nang matapos ang reception. Kahit private wedding ang naganap at mga malalapit lang na kaibigan at mga kamag-anak ang naruon ay masaya pa rin si Marble. Pakiramdam niya, siya na nga ang totoong asawa ni Vendrick. Hindi lumayo man lang sa kanya ang lalaki kahit karga na niya ang makulit na anak na saka lang natahimik nang kunin ni Eva at patulugin sa kwarto nila ng matanda noon.

Kahit nang maihatid na nila lahat ng mg bisita ay di pa rin siya nito nilalayuan, parang bubuyog na nakadapo sa isang bulaklak, kung nasaan siya, andun din ito. Natural na matuwa siya.

Subalit nawala ang tuwang yun nang sa pag-akyat nila patungo sa kwarto ng asawa'y nakaabang na pala ang ama nito kasama ang abugado hawak ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan maliban pa sa bitbit nitong atache case.

Humahalakhak pang sumalubong sa kanila ang senyor.

"Hindi na ako makapaghintay, Vendrick. Gusto kong makitang pinipirmahan ni Marble ang mga papeles na dala ni Attorney," anang ama ng asawa.

Iniiwas niya agad ang tingin sa mga kasama, kunwari'y pinasadahan ng tingin ang suot na damit kaya't di niya nakita ang pagsasalubong ng kilay ni Vendrick habang nakatingin sa ama.

Isang malutong na uling halakhak ang pinakawala ni Keven saka iginiya ang abugado papunta sa visitor's room.

Humarap sa kanya si Vendrick. "Marble, it's okay if--"

"It's okay!" putol niya agad sa sasabihin nito't mabilis na ngumiti nang mapasulyap dito. "I knew naman from the start kung ano talaga ang gusto mo eh. Pero sinabi ko naman sayo, di mo kailangan makasal sakin para lang maibalik sa inyo ang yaman ng lolo mo," nakangiti niyang wika saka nagmamadali nang sumunod sa dalawang lalaki papunta sa visitor's room. Pero ang totoo, parang nilalamukos sa sakit ang puso niya. Di man lang pinatapos ng mga 'to ang masaya na sana niyang wedding kahit pa-feeling lang. Grrrrrr!

Nagmamartsa siyang pumasok sa loob ng visitor's room ngunit nang makita ang dalawang lalaking magkaharap na nakaupo sa magkatapat na bean bag chair sofa ay taas-noo siyang lumapit sa mga ito at umupo na rin sa mahabang sofa malapit sa abugado.

Iniabot agad ng lawyer ang mga papeles na kanyang pipirmahan.

Hindi na niya binasa ang mga yun.

"Asan ang pipirmahan ko?" tanong niya dito pagkatapos sulyapan ang ama ni Vendrick na abot-tenga ang ngisi sa kanya.

"Di mo ba muna babasahin?" balik-tanong ng abugado.

"No need," aniya saka inabot ang ibinigay nitong ballpen.

Alanganing itinuro isa-isa ng abugado ang kanyang mga pipirmahan.

Muli siyang sumulyap sa ama ni Vendrick na humaba bigla ang leeg para lang makita kung pinipirmahan niya ang lahat ng mga papeles. Napangisi siya saka pinirmahan isa-isa ang mga yun pagkuwa'y nakangiti pa ring ibinalik sa abugadong sandaling nangunot ang noo nang makita ang kanyang pirma pagkuwa'y ngumiti na rin.

Pumailanlang ang isang malutong na halaklak sa buong silid, halakhak ng senyor.

"Very good, Marble. Iyan ang gusto ko sa'yo eh. Mabilis kang kausap. So akin na uli ang lahat ng mana ni Papa," anang ginoo saka lumapit sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat nang makita siyang natigilan.

"What do you mean sa'yo na uli ang mana ng alaga ko?" litong tanong niya rito pagkuwa'y bumaling sa abugado. "Ang sabi ko, ililipat ko sa pangalan ni Vendrick ang mana, hindi sa papa niya."

"I told you to read first the documents," sagot naman ng lawyer.

Muling tumawa nang malakas ang senyor, eksakto namang kapapasok lang ni Vendrick. Sinalubong agad ito ng ama at tuwang-tuwang niyakap sabay tapik sa likod nito.

"I really like your moves, Vendrick. Hindi talaga ako nagsisisi na naging anak kita," wika nito sa anak.

Hindi nagsalita si Vendrick ngunit agad na kumawala sa pagkakayakap nito at tumabi sa kanya. Lumipat naman ng upuan ang abugado at pumuwesto sa inupuan ng senyor habang ang huli ay nagmamadali nang lumabas duon bitbit ang mga papeles na kanyang pinirmahan.

Napahagikhik siya pagkaalis ng senyor. Ang abugado nama'y binuksan ang atache case na dala saka kinuha ang panibagong mga papeles sa loob niyon at iniabot sa kanya.

"Pumirma na ako ah. Merun na naman?" taka niyang usisa saka sumulyap kay Vendrick na tahimik lang na nakade-kwatro at nakasandig sa headboard ng sofa habang ang isang braso ay nakaakbay sa kanya.

"Your marriage contract," sagot ng abugado saka ibinigay sa kanya ang tatlong pirasong dokumento. Pairap niya iyong kinuha sa kamay ng lawyer saka nagmamadaling pinirmahan nang matapos na saka agad na ibinalik sa abugadong tiningnan munang maigi kung totoo ngang pirma niya yun, nang masegurong pirma niya ang inilagay ay may isang papeles uli itong iniabot sa kanya.

"Ano na naman 'yna?" naksimangot na niyang angal.

"My client just wanted to make sure that you'll comply," anang abugado.

Salubong ang kilay na bumaling siya kay Vendrick.

"Comply to what?" naguguluhan na naman niyang tanong sa asawang wala man reaksyong makikita sa mukha.

"He has conditions na kailangan mong sundin at pirmahan," ang abugado uli ang nagsalita.

Bigla ang pagkulo ng kanyang dugo sabay matalim na tinitigan ang binatang ngumisi lang sa kanya saka pagalit na hinablot ang mga papeles sa abugado at binasa ang nasa ibabaw na bond paper.

"Conditions for three months contract marriage?" bulalas niya, gigil na uling sumulyap sa lalaki at binasa ang nakasulat sa papel pagkuwa'y nanlalaki ang mga matang inihampas ang hawak sa mukha nito.

"You brute! Bakit ang dami mong kondisyon samantalang tatlo lang naman ang sakin?" reklamo niya.

Duon lang ito umayos ng upo at tumitig na din sa kanya.

"Mag-asawa na tayo. Dapat lang na pagbawalan na kitang makipagkita sa mga lalaki mo!" sagot nito.

Gigil na binasa niya isa-isa ang mga isinulat na kondisyon nito.

'Bawal makipagkita kay Gab nang wala akong pahintulot. Bawal makipagkita kay Erland pag hindi ako kasama. Bawal umalis nang hindi ako kasama. Hindi ka pwedeng maging executive secretary ko. Kailangang bayaran mo ang utang mo sakin, pagsilbihan mo ako tulad ng ginawa mo noon. Hindi ka papalag pag hinalikan kita o niyakap kita. Ako ang magsasabi kung kelan bawal ang physical contact sating dalawa.' Yun ang nakasaad sa mga kondisyon nito.

Napatayo siya sa sobrang panggigigil saka tuluyang inihampas sa mukha nito ang papel.

"Walanghiya ka talaga!" nagpupuyos sa galit niyang sigaw.

"Pumayag ka na sa mga kondisyon ko bago tayo ikinasal! Bakit ngayon binabawi mo na?!" nakapameywang niyang usig dito.

"Mamili ka. Pipirmahan mo o tatawagan ko ang mga magulang mo para sabihin sa kanilang ikinasal ka nang wala man lang silang kaalam-alam," pamba-blackmail nito sa kanya na lalo niyang ikinagalit sabay kuyumos sa papel at inihagis sa mukha nito at biglang pumihit patalikod upang umalis na sana nang marinig niya itong nagsasalita.

"Hello po Tatang. Wala bang sinasabi sa inyo si Marble tungkol samin?"

Nanlaki na naman ang kanyang mga mata sa narinig at biglang humarap na uli sa lalaki saka tinakpan ng palad ang bibig nito.

"Makakatay kitang walanghiya ka! Patayin mo na yan, pesteng yawa ka talaga!" gigil na pabulong niyang utos dito nang marinig sa kabilang linya ang boses ng ama pagkapindot lang ng lalaki sa loudspeaker.

Tumawa ito nang malakas saka pinatay ang tawag at ibinalik sa bulsa ang phone nito.

"Sign it," utos sa kanya.

Bago siya sumunod. Kinagat niya muna nang mariin ang balikat nito sa sobra niyang inis saka mangiyak-ngiyak na dinampot ang kanina'y nilamukos na papel at mabilis iyong pinirmahan at muling itinapon sa mukha nitong napapaiyak na sa kakatawa.

Iniamba niya ang kamao dito.

"Makakaganti rin ako sayong hinayupak ka!" singhal niya't nagmamadali nang umalis sa silid na yun.

Naiwang patuloy sa pagtawa ang lalaki.

"Like what you've told me, she really signed the documents with 'smiley emoji'," sabad ng abugado.

Lalo lang napalakas ang tawa ng lalaki.

"I told you, she's a cunning lady," anito.

"How about the transferring of the inheritance?" usisa ng kausap.

Duon lang natigil sa pagtawa si Vendrick at umayos ng upo saka dinampot ang pinirmahan niyang papeles.

"Forget it for now," anang lalaki, sumeryoso ang mukha habang pinagmamasdan ang kanyang signature.