Tulad ng nakagawian pag bumibisita sa sementeryo, inipark ni Marble ang kanyang Mio sa isang tabi malapit sa puntod ng bibisitahin.
Iniikot muna niya ang paningin sa buong paligid. Wala siyang nakikitang taong naruon liban sa isang babaeng nakabandana at palapit sa nakaparadang sasakyan, dalawampung metro yata ang layo mula sa kanyang kinaruruonan. Pagkuwa'y tumingala siya sa langit. Maganda ang panahon ngayon, walang ulap siyang nakikita sa itaas, bughaw lang na kulay niyon.
Napangiti siya. Mamaya na siya uuwi. Dala naman niya ang kanyang payong na sinadya na niyang ilagay sa compartment ng kanyang motor. Folded kasi yun kaya kasya sa loob.
Nakangiti siyang naglakad palapit sa sadyang puntod. Marami siyang isusumbong sa babae. Marami siyang ikukwento dito.
Bakit ba kay sarap ng kanyang pakiramdam ngayon kahit sobra ang inis niya kanina lang kina Vendrick at Chelsea. Pero pag andito siya sa lugar na to, parang nawawala lahat ng kanyang mga hinanakit at sama ng loob.
Huminto na siya sa palagi nang binibisitang puntod saka inilapag ang binili niyang orchids sa malapit na flower shop.
"Hi, andito na naman ako. Kumusta ka na? Sensya na kung ako lang palagi ang nagpupunta rito." simula niya.
"Siyanga pala, birthday mo na sa sunod na linggo. Dadalhin ko rito si Kaelo sa birthday mo nang makita mo naman ang anak ko." patuloy niya saka pa-squat nang umupo.
"Ikakasal na pala ako ngayong araw pero palabas lang yun. After three months maghihiwalay din kami." mapaklansiyang ngumiti at naging mailap ang mga matang tumingin sa malayo.
"Tama ka, iba-iba nga ang mukha ng pag-ibig sa bawat isa satin. Iba sayo, iba sakin." lumungkot bigla ang kanyang mukha, sandaling natahimik.
"Pero wala sa bukabularyo ko ang salitang retreat. Go lang nang go! Iyon ako eh." napayuko siya, biglang pumiyok ang boses habang nagsasalita.
"Sayo ko lang nagagawang magsumbong kasi alam kong nauunawaan mo ako." bigla nang pumatak ang kanyang mga luha, sandaling yumugyog ang kanyang mga balikat.
Ang akala niya dahil maaliwas ang panahon at magaan ang pakiramdam niya kanina'y di na siya mapapaiyak sa harap ng puntod, baligtad pala ang nangyari.
Napangiti siya nang mapakla saka pinahid ang luha sa mga mata.
"Buang talaga ako noh? Nagsasalitang mag-isa, tumatawang ma-isa, umiiyak mag-isa. Hindi ko kasi magawa to sa harap ng ibang tao, sayo lang." garalgal na naman ang boses niya.
Maya-maya'y nakangiti na uli siya, sabay hinga nang malalim upang payapain ang sarili.
"Ate, isa lang ang hihilingin ko sayo. Wag mo siyang kukunin sakin. Siya lang ang kayamanan ko." pakiusap niyang sa lapida nakatingin.
Isa uling buntunghininga bago siya tumayo.
"Sensya ka na. Kailangan ko pa kasing maghanda para sa kasal. Pero pangako pupunta kami rito ni Kaelo sa birthday mo. Hintayin ko kami ha?" matamis na ang ngiting kanyang pinakawalan saka tinapik tapik muna ang ibabaw ng lapida bago tumayo.
"Aalis na ako ha? Bye!" paalam niya at tumalikod na upang umalis sa lugar na yun.
Kailangan niyang bumalik sa kinaruruonan ni Kaelo. Baka hinahanap na siya ng kanyang anak.
Sumilay na naman ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi na tila nakadikit na yun sa kanya upang itago sa kahit na sino ang tunay niyang nararamdaman. Ewan ba niya, siya seguro ang klase ng taong magaling magtago ng problema, yung tipong sasabog na ang dibdib niya sa bigat ng nararamdaman pero nagagawa mo pa ring ngumiti nang matamis. Yung tipong ang lakas ng hagikhik at tawa pero deep inside nasasaktan pala.
Mula nang dumating siya rito sa Maynila, iisa lang ang naging sumbungan niya ng problema, wala nang iba.
Naalala na naman niya ang nangyari, nalungkot na naman siya ngunit agad ding nabura yun nang mapansing nasa kalsada na pala siya malapit sa may gate ng sementeryo at biglang nahagip ng paningin ang isang kotseng mabilis ang pagpapatakbo palapit sa kanya.
Napahinto siya agad sa paglalakad sa takot na biglang bumalot sa kanyang pagkatao. Bakit hindi nagpipreno ang sasakyan? Balak ba talaga siya nitong sagasaan?!
Pero bakit di niya maigalaw ang mga paa, bakit biglang bumigat ang mga yun?
Subalit bago pa siya masagasaan ng sasakyan merun nang isang matigas na kamay ang biglang humila sa kanya palayo sa kalsada sabay yakap sa kanya.
Duon niya lang naramdamang nanginginig pala siya, nanlalamig ang kanyang buong katawan, pati mga labi niya'y nangangatal sa takot.
"Oh my God, Marble!" bulalas ng kanyang tagapagtanggol.
Duon lang siya tila natauhan at tumingala sa lalaking nakayakap na sa kanya.
Huh? Bakit na naman ito narito?
"Sir Gab? Anong ginagawa mo rito?" taka niyang tanong nang makabawi, agad niyang inilayo ang katawan mula sa pagkakayakap nito.
"Bumisita uli ako kay Lolo. Ikaw bakit wala ka sa sarili habang naglalakad?" usisa nito.
"Hindi. Talagang walang balak magpreno yung sasakyang yun. Gusto niya akong sagasaan." pagtatama niya sa sinabi nito sabay turo sa sasakyang tuluy-tuloy lang sa pagharurot pero parang nananadyang umikot lang iyon sa buong sementeryo, lumabas din agad duon.
"Marble, mag-iingat ka sa sunod. I still do care for you until now." bakas sa boses nito ang pag-aalala para sa kanya.
Tipid siyang ngumiti saka tumitig dito.
"Salamat po Sir ha? Kahit noon pa man, lagi niyo na akong inililigtas. Ang laki na ng utang na loob ko sa inyo, Sir. Di ko na yata kayang suklian yun." anya rito.
Tinapik siya nito sa balikat at tila nagpapacute na ngumiti, nalantad ang maliliit na dimples nito sa magkabilang gilid ng mga labi.
Bakit ngayon niya lang napansing may dimples pala ito.
"I still love you until now Marble. Walang nabago sa nararamdaman ko sayo. Kaso nga lang, ayaw mong paniwalaan ang mga sinasabi ko." anito sa kanya, ngunit napawi din ang ngiti sa huling sinabi.
Napayuko siya.
"Sensya na po Sir pero di po ako bagay sa inyo." sagot niyang nakayuko.
Inabot nito ang kanyang kamay, hinawakan iyon saka pinisil. Di siya nakapalag lalo na't alam niyang muli siya nitong iniligtas mula sa kapahamakan.
"Bigyan mo lang ako ng chance na iparamdam sayo ang pagmamahal ko." seryoso nitong sambit.
Ewan kung bakit bigla siyang naasiwa, hinablot agad ang kamay mula rito.
"Ikakasal na po ako kay Vendrick. Pasensya na po." alanganin niyang sagot.
"I know it's just a make believe para makuha ni Vendrick ang ipinamana sayong kayamanan ni Lolo. Pero alam kong di mo siya mahal."
Kunut-noong napatitig siya rito, nagtataka ang mga matang sinuri ang mga mata nito kung paano nitong nalaman ang impormasyong yun? O baka si Vendrick mismo ang nagsabi nun sa binata? Kung hindi, sino?
Pero wala siyang clue na nakuha sa mga mata nito.
"Pano niyo po nalaman?" usisa niya.
Natawa ito bigla.
" We're friends, remember? He is my bestfriend. Natural na alam ko ang sekreto niya. I'm sorry to tell you this pero kahit noon pa mang mga bata pa kami, si Chelsea talaga ang kanyang crush, kahit si Erland alam yan. ngunit hindi siya pansin ni Chelsea dahil ako ang gusto ni Chelsea. Pero ewan ko ba, sayo lang talaga ako nagkagusto mula nang makita kita sa Cebu." pag-amin nito.
Ewan niya pero may parte ng kanyang puso ang sumakit nang malamang si Vendrick talaga ang naghahabol kay Chelsea mula pa noon. Pansin naman niya yun kahit ngayon. Pero bakit siya nasasaktan?
Iniiwas niya ang tingin sa binata.
"Sensya na po pero wala po akong balak magkaruon ng kaugnayan sa inyo o kay Vendrick. Pagkatapos ng lahat ng to'y lalayo din ako. May anak na ako Sir. Siya na lang ang pagtutuunan ko ng pansin." prangka niyang sagot ngunit di maipako ang tingin sa kausap.
"Kahit sabihin kong iyon ang gusto kong kabayaran sa ilang bese kong pagligtas sa buhay mo?"
Duon lang siya muling napatitig dito.
Ano'ng ibig nitong sabihin? Nanghihingi ito ng kabayaran sa mga ginawa nito para sa kanya, yung dalawang beses nitong pagligtas sa kanya noon at pangatlo ngayon?
Di siya agad nakaimik, nanatili lang blangko ang mukhang nakatitig sa binatang muling hinawakan ang kanyang kamay.
"Marble, bigyan mo lang ako ng Chance na mahalin ka. Yun lang ang gusto kong kabayaran sa ginawa kong pagligtas sa buhay mo."
"Pero---"
" Please..." pagmamakaawa nito.
Prangka siyang tao, ayaw niya ng paliguy-ligoy, pero mukhang di uubra ang ugali niyang yun dito sa binata kaya napabuntunhininga na lang siya.
"Kahit naman bigyan kita ng chance, wala ka pa ring sagot na makukuha po sakin. Merun na po kasi akong mahal." pag-amin niya, dahan-dahang binawi ang kamay mula sa lalaki saka tipid na ngumiti.
"Salamat po sa pagligtas niyo sakin, Sir. But i have to go now." paalam niya at humakbang na palayo dito, pinuntahan ang kanyang Mio.
Naiwang nakatiim-bagang ang binata habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Kahit nang makaalis na siya sa lugar na yun ay habol pa rin siya nito ng tingin.