Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 105 - THE HANDSOME GAB

Chapter 105 - THE HANDSOME GAB

Heto si Marble, tila nasa gitna ng karera habang nakikipaghabulan sa mga sasakyang nakakasabay sa kalsada. Kailangan niyang makaabot sa oras nang walang idahilan si Vendrick para ireject ang kanyang application. Ilang beses na siyang nag-overtake sa ibang mga nagkapasingle din lalo na kung mababagal ang mga itong magpatakbo subalit nang nasa bandang Boni na siya, saka naman bumigat ang trapiko. Di na siya makasuot sa gilid-gilid kaya napilitan siyang ihinto ang motor.

Nang biglang marinig ang paglangitngit ng isang gulong kasabay ng pagbangga niya sa nasa unahan ding motor. Mabuti na lang, di siya natumba at di rin natumba ang nasa unahan niya sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanyang motor.

Tinginan ang mga nasa sasakyan sa gawi nila, yung iba'y naglabasan na sa kotse ng mga ito, kahit yung mga naglalakad sa gilid ng kalsada'y nakiusyoso na rin na lalong nagpabigat sa daloy ng trapiko.

Umusok bigla ang kanyang bumbunan sa galit sabay lingon sa kotseng bumangga sa kanya.

Pagalit niyang itinukod ang center stand ng motor saka tiningnan ang nayuping likod niyon.

Ang pinakamamahal niyang Mio, pinakaiingat-ingatan pa naman niya yun, na halos araw-araw niyang linisin, ni walang galos na makikita sa kahit saang parte ng katawan nito, ni ayaw niyang natatapunan ng gasolina ang tangke niyon para hindi nasisira ang pintura ng motor. Tapos ngayon, nayupi lang dahil sa walanghiyang may-ari ng sasakyan na kung di ba naman tanga ay gumilid pa sa gawi nila gayung kita naman nitong nagpakahilira duon ang mga single na motor sa lane na kinalalagyan niya.

Nagdadabog na nilapitan niya ang magarang kotse na yun sabay pukpok ng kamay sa bintana niyon.

"Hoy lumabas ka jan, tarantado ka! Animal! Wala ka bang matang gago ka? Di mo ba nakitang nasa gilid na kami ng kalsada, gumilid ka pang punyeta ka! Hoy! Lumabas ka jan, siraulo ka!" pagdadakdak niya habang binabayo ng kamay ang bintana ng sasakyan.

Nang walang lumalabas ay tinanggal na niya ang suot na sapatos at yun ang ipinangpukpok sa katawan ng kotse.

"Tarantado , lumabas ka jan sabi! Bayaran mo ang nasira sa motor ko, punyeta ka!" patuloy niya sa pagsigaw sa sobrang galit.

Kaya tuloy nang lumuwang ang daloy ng trapiko, naiwan siya sa ere, sila nung kotseng bumangga sa kanya.

Sa wakas bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwan dun ang isang matangkad na lalaking nakasunglass. Naka office attire ito, kumikintab ang suot nitong tuxedo sa liwanag ng sikat ng araw nang umagang iyon.

Sandali siyang napanganga habang pinagmamasdan ito mula paa hanggang mapadako ang tingin sa mukha, sa tangkad na 6 feet yata'y naisuot niya pabalik ang hinubad na sandals nang kahit papano'y di siya tumingala sa lalaking agad namang humarap sa kanya pagkalabas lang ng sasakyan.

Liban kay Erland, ngayon lang siya humanga sa taglay na kagwapuhan ng isang lalaki---No! No! No! Wag nang isama yung siraulong Vendrick na yun. Pero heto ang isang mala Adonis na mukha ng isang binatang kahit nakasunglass ay mapapanganga at mapapatitig ang sinumang makakakita dito, isama na siya. Kahit ang mga labi nitong bahagyang nakaawang ay bumagay o lalo lang nagpadagdag sa appeal nito.

What?! Ngayon pa lang sumagi sa isip niya ang salitang sex appeal. Para itong isang sikat na hollywood actor, o isa sa pinakagwapong lalaki sa buong mundo, nakakabading tignan ang pagmumukhang yun, naramdaman tuloy niyang nagba-blush siya lalo nang magsalita ito at marinig ang baritono nitong boses.

"I'm sorry miss. Kasalanan ko ang nangyari. I will pay for the damage or i can even buy you a new one kung yun ang gusto mo. Just give me your number ang I'll call you later. Nagmamadali kasi ako." anang lalaki, hindi tinatanggal ang sunglass na suot.

Duon lang siya tila natauhan at naalala kung bakit siya galit ng mga oras na yun.

"Aba, bakit ikaw lang ba ang nagmamadali?" pabara niyang singhal dito, naipameywang na ang kamay at nagtataas-baba ang mga kilay habang sinisermunan ang lalaking napapakamot na lang sa batok sa pagkapahiya.

"Ipagawa mo ngayon din ang sasakyan ko! Kailangan kong magamit yan ngayon!" mando niya.

"Okay, okay Miss. Ipaayos natin yan ngayon din." anito't tinanggal na ang sunglass saka muling bumaling sa kanya.

"May alam ka bang----" bigla itong natigilan at mariing tumitig sa kanya.

"You look familiar. Do i know you?" curious nitong tanong.

"Wala akong pakialam ke kilala mo ako o hindi, basta ipaayos mo ang sasakyan ko!" nanlalaki pa ang mga matang sigaw na uli niya, hindi ipinahahalatang crush niya agad ito sa unang tingin lang.

"Marble? Is that you?"bulalas nito.

"Ha?" bulalas din niya.

Paano nitong nalaman ang pangalan niya? Kunut-noong napatitig na din siya rito nang mariin pero wala siyang maalalang may kakilala siyang ganto kagwapo.

May bumisina sa kanila, napatingin siya ruon.

"Marble! Ikaw nga yan! Don't you recognize me? I'm Gab!" pakilala ng binata.

"Ha? S--Sir Gab?!" bulalas niya uli.

Ito si Sir Gab?! Aba'y bakit ang laki ng ipinagbago ng mukha nito? Talagang ang gwapo na ng binata. Gwapo naman ito noon pero ngayon, makalaglag panty ang kagwapuhan nito.

Nagblush siya agad. Kung anu-ano pa naman ang sinabi niya rito kanina.

Nahihiya siyang ngumiti.

"Kayo pala yan Sir Gab, sensya na po pero wala tayong personalan. Bayaran niyo na lang po ang sira sa motor ko, ako na ang magpapaayos. Nagmamadali din po kasi ako." biglang kambyo niya.

Wala siyang balak magpacute kahit sabihin pang sobra ang paghanga niya dito. Mas mahalaga pa rin ang hinahabol niyang trabaho ngayon. Pero ayaw niyang maging marahas sa muling pagkikita nila ng lalaki kaya napilitan siyang pakalmahin ang sarili.

"You can give me your number para maibigay ko sayo ang pampaayos through your Atm. Ibigay mo din sakin ang account number mo. Wala kasi akong cash ngayon. Okay lang ba?" ang tamis ng ngiting pinakawalan nito pagkatapos magsalita.

Natameme tuloy siya sandali.

"O-okay po. Sige." di na siya nakahindi at inilabas na ang phone para tignan ang kanyang number duon. Di niya kasi kabisado ang sariling numero.

Subalit bago pa niya maibigay sa binata ang number, may humablot na sa kanyang phone sabay hawak sa kanyang kamay at hinila siya patalikod sa lalaki.

Mas malaki pa ang awang ng kanyang bibig sa pagkakataong yun.

"Hoy, bitiwan mo ako!" sigaw na naman niya sa pangahas namang lalaking mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay habang hinihila siya palapit sa nakaparada ding sports car sa gilid ng kalsada.

Hindi ito sumagot, nagpatuloy lang sa paglalakad ngunit wala atang balak na pakawalan siya.

Nagpumiglas na siya upang bawiin ang kamay rito nang nasa tapat na sila ng sasakyan.

"Bitiwan mo ako sabi! Bastos ka ah." singhal niya.

Saka lang siya nito binitawan at salubong ang mga kilay na humarap sa kanya.

Nagulat na naman siya sa nakita, napanganga na uli. Sa totoo lang, ngayon niya lang nasilayan nang mabuti ang mukha ng lalaki, at ewan kung bakit iniiwas niya agad ang tingin. Di niya ito kayang titigan katulad ng ginagawa niya sa ibang lalaki.

Whyy??

She doesn't know. She only knew this guy in front of him is very domineering.

Related Books

Popular novel hashtag