Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 103 - AND THEY MET AGAIN...

Chapter 103 - AND THEY MET AGAIN...

"Vendrick!?" bulalas niya sa pagkagimbal.

"Why are you frightened? Aren't you aware that my grandfather is the owner of this bank and he appointed me as the CEO of his company?" nakakaloko nitong ngisi sa kanya.

Hindi siya nakatinag sa kinatatayuan. Pakiramdam niya umikot ang buo niyang paligid sa natuklasan. Ganun ba talaga kayaman ang kanyang alaga? Bakit di man lang niya ito nakita sa kilos noon? Alam niyang mayaman ito pero hindi niya akalaing ganun ito kayaman na magmamay-ari ito ng isang bangko. Hindi lang isang bangko, maraming branches ng bangko!

L.S.O Bank. Bakit ngayon lang sumagi sa isip niya yun?

Kaya pala alam na agad ng manager kanina ang kanyang pangalan?

Pero hindi! Hindi siya dapat magpatalo sa nararamdaman. Narito siya para mag-apply ng trabaho, hindi para matakot sa pagmumukha ng lalaking to.

Umayos siya ng tindig and comforted herself saka pinakawalan ang isang magiliw na ngiti.

"Why would i be frightened? I knew about your family. It's just that it didn't come to my mind that your grandfather would choose you as the CEO. For sure, marami ang tumutol sa desisyon niya." kampante niyang sagot, hindi ipinahalatang nangangatog ang mga tuhod.

Kinalkula niya ang bawat hakbang nito. Sakali mang may gawin ito sa kanya, makakalabas siya agad kung sa doorknob ng pinto siya hahawak kaya yun nga ang kanyang ginawa.

Ngumisi na uli ito.

"You're trying to be smart now, huh!" panunuya sa kanya nang makalapit.

Pakiramdam niya, mawawalan siya ng balanse sa sariling katawan lalo na nang itukod nito ang dalawang kamay sa pinto malapit sa magkabila niyang balikat.

Hindi na lang katawan ang naisandig niya sa pinto, pati na ang kanyang ulo.

"Why? Nagulat ka dahil hindi na ako bobo tulad ng lagi mong itinatawag sakin?" ganti niya.

Hindi ito sumagot sa halip ay tikom ang bibig na mariin siyang tinitigan, umiwas siya ng tingin ngunit bahagyang tumaas ang isang kilay nang marinig niya ang paanas nitong mura.

"Fuck!" mahina lang yun, halos di lumabas sa bibig nito kasabay ng pagtalikod sa kanya.

"I Have my resume here!" habol niya agad, biglang naalalang kailangan niya ng trabaho. Wala siyang pakialam kung kanino siya makikisama. Alam naman niyang makapal ang kanyang mukha. Ang mahalaga, hindi siya maubusan ng pera ngayon. Kunti na lang kasi ang natitira sa kanyang savings. Next week, magpapadala na naman siya sa kanyang mga magulang. May check-up din si Kaelo sa sunod na buwan.

"Hah! And you're still shamelessly eager to get the job. You're not qualified for it!" pagrereject agad sa kanya, ni hindi man lang siya nilingon, nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang makaupo na uli sa swivel chair nito.

Tila nagdadabog siyang lumapit dito at ibinagsak sa mesa ang sliding folder kung saan nakalagay ang kanyang resume.

"It's olny 3 seconds to read it. It's not that long to consume all your time for this day." giit niya.

"Besides, the manager recommended me verbally, patunay lang na qualified ako for the job." pliwanag niya.

Isang malamig na titig ang ibinigay nito sa kanya.

Okay lang yun, at least hindi sila nagsisigawan. Plastikan, kaya niya yun makuha lang ang trabahong yun.

Dinampot yun ng binata subalit nagulat siya nang ihagis iyon sa sahig.

'You're such an inhuman, cold-blooded bastard! Bwisit ka!' gusto niyang isigaw rito nang paulit-ulit sa sobrang galit niya.

Subalit nagpigil pa rin siya at dahan-dahang pinulot ang tumilapon niyang resume.

"I want your CV." anito pagkuwan.

"What?!" naibulalas na niya, naniningkit ang mga matang biglang tumayo at humarap dito.

"Why? Hindi mo ba alam ang meaning ng CV?" he asked, obviously mocking her.

Ilang beses siyang huminga nang malalim para pakalmahan ang sarili. Kunting-kunti na lang at talagang mababato na niya ito ng suot niyang sapatos with pointed heels.

Muli niyang inilapag sa mesa ang itinapon nitong resume niya.

"You want my CV, fine! You'll have it tomorrow! Just make sure tatanggapin mo ako bilang executive secretary. Got it?" may halo nang pananakot sa boses niya.

Siya ang nag-aapply pero siya itong matapang sa kanyang boss. Kung hindi niya yun gagawin, ngayon pa lang magback-out na siya. Nakita na niya ang totoong ugali ng walanghiyang to. Dapat na niyang paghandaan ang lahat kung gusto niyang makuha ang bakanteng posisyon na yun.

Pagkatapos lang magsalita ay nagmamadli na siyang umalis, hindi na ito binigyan ng pagkakataong umangal. Bilang ganti, pabalibag niyang isinara ang pinto, nagulat tuloy ang mga empleyadong napadaan sa hallway at salubong ang mga kilay na tumingin sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan.

"Oops! Napalakas ng sara, sorry!" wika niya saka nagmamadali pumasok sa kabubukas lang na elevator at umalis sa lugar na yun.

Naiwan si Vendrick na salubong ang kilay habang nakatitig pa rin sa ibinalibag na pinto, nagtataka kung bakit ang tapang niya pa rin gayung siya ang may kasalanan dito.

---------@@@@@-----------

"Mom, is your watch broken? Why are you always late? I told you to come at 11 sharp." sermon na naman sa kanya ng bata.

"Traffic anak, nahirapan si Mommy lumusot sa gilid-gilid para lang masundo ka agad." katwiran niya.

Pambihira. Ngayon pa lang siya nakakita ng batang kada segundo ay binibilang at is treated as gold.

Biglang humaba ang nguso nito saka humalukipkip.

"You're always like that. An hour late is too much. Next time ayuko nang nagpapasundo sayo." nagtatampo na nitong sambit saka nagpatiuna nang maglakad palabas ng school.

Ngumiti na lang siya sa naruong teacher nito.

"Sensya na po sa paghihintay. Salamat po." wika niya.

"Okay lang po yun." nakangiting sagot ng guro.

Tumalikod na siya't hinabol ang bata. Hayy magkaruon ka ba naman ng anak na very punctual.