Chapter 95 - ERLAND

"Hi Dude! Long time no hear! By the way condolence nga pala sa nangyari kay Lolo. Sensya na 'di ako nakadalo, busy kasi kami ng girlfriend ko eh. Wala ring bantay sa anak namin," paliwanag ni Erland sa phone habang palabas ito ng sasakyan at nagmadaling pinagbuksan silang mag-ina sa kabilang pinto.

"Mommy, can I buy Halu-halo?" tanong ng bata.

Hawak na niya ito sa kamay at naglakad papunta sa Robinsons Galleria, ang pinakamalapit na mall sa kanila. Nakasunod lang si Erland, kausap pa rin ang tumatawag sa phone.

"Yes cutie. Pero small lang, hindi mo mauubos ang malaki. Hati na lang tayo," bilin niya.

"Ahmm, I'm with my gf and kiddo, Dude. Kakain kasi kami sa Mang Inasal."

Narinig niyang wika ni Erland.

Nilingon niya ito.

"Who's that?" usisa niya, hinintay na ito nang sabay na silang pumasok.

"Mommy, let's go na po. I'm hungry na po eh," pangungulit na naman ng bata.

"Ah-- my classmate in high School. Sa Amerika nag-aral ng College. Kauuwi lang, namatay kasi ang lolo niya," bulong ni Erland sa kanya, sandaling inilayo ang phone sa tenga nito.

Tumango na lang siya.

"Daddy Lan, will you stop talking on the phone? Let's go inside na po. Nagugutom na ako," inis nang sambit ng makulit na bata.

"Sensya na Dude, makulit kasi tong anak ko. Nagugutom na daw siya. Bye muna ha? Tatawag na lang ako mamaya after lunch. Bye," pagtatapos nito saka ibinulsa na ang phone sabay karga sa batang kanina pa nangungulit.

"Ang bibig mo talaga, may pinagmanahan,"

pasaring sa bata pero sa kanya sumulyap.

Hinampas na lang niya ito sa braso at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng Robinsons.

------------@@@@@--------------

Alas kwatro na nang hapon nang makauwi sina Marble sa inuupahan nilang condo malapit lang sa salon ni Erland. Actually, 'di naman upa, regalo 'yon ni Erland nang magtapos siya sa two year-course secretarial at sa pagiging model niya sa salon nito. Pero alam ni Erland na ayaw niya ng gano'n kamahal na regalo kaya pinaupahan na lang sa kanya, isang libo sa isang buwan, ito din naman kasi ang may-ari ng gusaling 'yon.

Sa totoo lang, mayaman ang pamilya ng binata ay kung bakit nito nagustuhang magtayo ng isang beauty salon, hindi naman ito bakla. Nakahiligan lang nito ang gano'ng trabaho at dahil dito lumaki ang kanyang cutie kaya natuto na rin manggupit sa edad na tatlong taon ang huli. Yes, three years old lang ang anak niya nang matutong manggupit. Ngayong apat na taong gulang na ito'y may sarili na din itong mga customer. Bata pa, may pera na ang kanyang baby.

"Bukas maghahanap ako ng trabaho. Baka sakali matanggap na ako," paalam niya sa binata nang papasok na sila sa loob ng condo at karga nito ang tulog nang bata.

"Bakit kasi nagpapakahirap kang maghanap ng trabaho? Sabi ko naman sa'yo, i-manage mo ang travel and tours sa Dansalan nang kumita naman ako ro'n," giit nito.

Humaba lang ang nguso niya sabay bukas sa pinto ng kwarto ng kanyang anak.

"Tse! Ayuko nga ro'n. Wala akong alam sa pagma-manage. Mamaya malugi 'yon, ako pa ang sisihin mo," katwiran niya.

Inihiga nito ang bata sa kama, saka naman niya kinumutan anv huli at ini-open ang aircon, mahina lang, ayaw niya ng malakas.

"Ayaw mo lang amining ayaw mo sa tulong na binibigay ko. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit." Sumeryoso ang boses ng binata saka lumapit sa kanya.

Siya nama'y sandaling pinagmasdan ang natutulog na anak.

"Ayuko lang iasa sayo lahat," tipid niyang turan.

"Marble--"

Hinawakan siya nito sa kamay.

"I know you. Sa limang taong magkasama tayo, kilala na kita. Ayaw mong magkaruon ng utang na loob sa kahit na kanino. Whatever the reason, sana naman 'wag mo akong itulad sa kanila," usal nito.

Napabuntunghininga siya sabay bawi sa kanyang kamay.

"Matagal na nga tayong magkakilala, ngayon ka pa nagdrama. Tumahimik ka nga!" pambabara niya at nagmamadaling lumabas sa silid ng bata.

Ngumisi lang ito, sumunod sa kanya.

Saka naman tumunog uli ang phone nito.

"'Yong friend mo na namang balikbayan?" kumpirma niya, nagtungo sa kusina, lumapit sa ref at kumuha ng canned juice--dalawang piraso, saka bumalik sa kinaruruonan ni Erland.

"Dude, sensya na, hindi talaga ako makakasama ngayon. Andito ako sa bahay ng gf ko."

Pabiro siyang lumapit sa binata at idinikit ang tenga sa phone saka bumulong dito.

"Sabihin mo, busy tayo ngayon," anya sabay hagikhik.

Tumawa na rin si Erland. "You silly girl." sambit nito pagkuwa'y kumunot ang noo.

Humagikhik na uli siya.

"Hello Dude, are you still there?" tanong nito sa kabilang linya.

Tila nanunudyong inilapit na uli niya ang mukha sa tenga ng binata.

"Lan, come honey, I'm ready now," anas niya sabay layo at hagikhik.

Tumawa na rin nang malakas ang binata.

"Stop teasing me," saway sa kanya.

Tumawa siya nang malakas hanggang sa wakas ay pinatay na nito ang phone.

"Sira ka talaga. Nahiya tuloy ang kausap ko, hindi na nagsalita," wika sa kanya.

"Sino ba 'yon? Mamaya, bakla 'yon at may gusto sa'yo. Patay kang bata ka!"

Hindi nito napigilan ang pagkawala ng malutong na halakhak na wari bang kinikiliti.

"Pano'ng magiging bakla 'yon eh sa Canada pa lang ang dami nang naghahabol na babae sa kanya, plus ang childhood sweetheart niya," natatawang saad, saka kinuha sa kamay niya ang isang canned juice at binuksan iyon.

Sandali siyang natahimik sa narinig. Pagkuwa'y mapaklang ngumiti.

"Gano'n ba?" sambit niya lang, nawala ang saya sa mukha.

"Pagkatapos mo uminom, umalis ka na," pagtataboy niya rito.

"Pagkatapos mo akong landiin habang may kausap, paaalisin mo na ako agad?" angal nito.

"Tse!" singhal niya lang, marahan lang tumawa.

"Matutulog na ako, isara mo na lang ang pinto 'pag lumabas ka," bilin niya at akma na sanang papasok sa kanyang kwarto nang habulin nito't hawakan ang kanyang kamay.

"Marble--"

"Bakit?" pakaswal niyang usisa.

Pero 'di ito nakasagot hanggang binitawan na lang ang kamay niya.

"Gusto mo akong isama sa party? Ok sige, basta kasama ang anak ko." Siya na ang sumagot sa sariling tanong.

He chuckled.

"Ikaw nga si Marble. Okay cool," anitong ang lapad ng ngiti sa mga labi.

"Pero 'wag bukas, maghahanap akong trabaho eh," abiso, saka tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto at malakas iyong isinara.