Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 89 - AWAKENING OF THE RICH OLD MAN

Chapter 89 - AWAKENING OF THE RICH OLD MAN

Gulat siyang napaharap sa alaga, nagtatanong ang mga matang nagpalipat-lipat ng tingin dito at sa guard na nakayuko saka umatras nang bahagya sa may pinto ng silid.

Muli siyang bumaling sa matandang gano'n pa rin ang titig sa kanya, hindi nagpapalit ng ekspresyon ng mukha.

"What's your name? Why are you calling me anak?" curious ding usisa nito.

"Ha?!" bulalas niya, awang ang mga labing napatitig na muli dito.

Totoo ba ang kanyang naririnig? Nag-eenglish ito tapos, hindi basta english, matatas ito magsalita ng wikang banyaga!

"Are you frightened?" maya-maya'y sumilay na ang isang ngiti sa kulubot nitong mga labi, tulad ng ngiti ng kanyang alaga. Hindi talaga siya nagkakamali, ito nga ang matandang inalagaan niya ng ilang buwan. Pero hindi na ito ang dati niyang alagang "Nanay" ang tawag sa kanya. Tinatanong na nga siya kung ano'ng pangalan niya. Ibig sabihin, wala na itong sakit? Hindi na ito nag-uulyanin? Ows!? Totoo 'yon?

Puno ng curiousity na muli siyang lumapit dito hawak ang stand ng dextrose.

"Totoo na ba 'yan, anak? Hindi ka na nag-uulyanin? Hindi na ikaw 'yong matandang nangangaroling at namamalimos sa luneta?" sunod-sunod na uli niyang tanong.

"Impertinent!" matigas nitong wika, halatang galit ngunit hindi nanlilisik ang mga mata, tila kontrolado nito ang emosyon.

Huh? Ano'ng klase nang tao ang kanyang alaga ngayon?

Totoo ba talagang bumalik na ito sa pagiging si Senyor Leo Sy Ortega? Nakakatakot naman pala ito kung gano'n. Kasing sama din ba ang ugali nito sa ama ni Vendrick?

Kinakabahan siyang napayuko. Baka mamaya, mapagalitan na talaga siya nito.

"Sit!" utos sa kanya kaya bumalik siya sa pagkakaupo sa silya, pero nakayuko pa rin.

"What's your name?" nagsimula itong magtanong nang seryosohan.

"Marble po. Marble Sanchez," sagot niya.

"How old are you?"

"Seventeen po."

"Hmm... Your hometown?"

"Cebu po."

"Name of parents?"

Huh? Ano ito, biodata na kailangang i-specify ang lahat ng info tungkol sa kanya?

"Linda Dimatalo ang nanay ko po. Luis Sanchez naman po ang tatay ko." Masunuring anak, kahit may angal, sagot lang nang sagot.

"Favorites?"

Huh? Napataas na uli ang kanyang kilay. Naging slumbook na? Kanina lang biodata, ngayon slumbook na?

Pinandilatan siya nito, napayuko siya uli.

"Favorites... orchids, green, sardinas na may odong, tatay," sagot niya.

Syempre 'di niya ilalayo ang favorite niyang tao, si tatay niya.

"First crush?"

Huh? Slumbook nga ang tinatahak nilang landas.

"Aldrick." Bigla ang pagsimangot niya nang maalala ang kanyang first crush na isa palang bakla.

"First love?"

"Ayy, walang ganyanan 'Tsong!" angal na niya't napatingin sa matandang pinandilatan na naman siya ng mga mata, napayuko na uli siya at pairap na sumagot.

"V-Vendrick," mahina lang ang boses niyang sambit.

"Ano?" Napataas ang boses nito sa gulat o sadyang 'di narinig ang kanyang sinabi.

"Si Vendrick nga po, ang kulit niyo naman!" muli niyang reklamo.

"Hmmm..."

Huh? 'Yon lang ang isinagot nito? Hindi siya pinagalitan, ni 'di siya sinigawan?

"Wala na po bang kasunod? Ang alam ko po, merun pa 'yon, Who is your first kiss, where did you meet, who is--" Natameme siya agad nang tumaas na ang kilay nito sa kanya.

Syempre yumuko siya agad, mamaya sigawan na siya nito. Mahirap na. Kahit papa'no ito pa rin ang kanyang alaga sa loob ng ilang buwan.

Seninyasan nito ang guard na lumapit, sumunod naman ang huli at may ibinigay sa kanyang mga papeles.

Nanlumo siya bigla. Ito na nga ang sinasabi niya. Palalayasin din siya katulad ng ginawa sa kanyang ate Lorie. Dapat pala hindi na lang niya sinabing ang apo nito ang kanyang first love.

Napahikbi siya at napilitang inabot ang ballpen na ibinibigay sa kanya ng guard, itinuro nito ang kanyang pipirmahan.

Bale lima 'yon lahat. Pagkatapos ay ibinalik na niya ang mga 'yon sa lalaki at matagal siyang yumuko, naghihintay na sabihan siyang umalis na.

Subalit hindi 'yon nangyari, sa halip ay ang guard ang umalis, samantalang ang matanda'y nanatili lang nakahiga sa kama nitong nakaangat nang kunti ang uluhan ng bed.

"What do you like to eat?" usisa nito matapos ang sampung minuto segurong katahimikan.

"Busog pa po ako," bait niya ata ngayon, napansin niya.

"Hmmm..."

"K-kelan niyo po ba ako palalayasin?" 'Di na niya napigilan ang sarili at lakas-loob nang nagtanong.

"Idiot! Who told you to leave?" singhal sa kanya, parang 'di ito nahulog sa hagdanan.

Napatingin tuloy siya rito.

"Talaga? Hindi niyo ako palalayasin? Eh ano po ang mga pinirmahan kong 'yon?" lakas-loob na uli niyang usisa rito.

"Don't you know how to read?" pabara nitong sagot.

"Mahina po ako sa English. Sensya na po," sagot niya, lumungkot na uli ang mukha.

"Hmmm...Go back to your bed. Have a good sleep. 'Wag kang magkakamaling magsabi sa kanila kung ano'ng narinig at nakita mo sa'kin. Kung hindi, palalayasin kita nang tuluyan!" babala nito sa kanya.

Mabilis siyang tumango. Mas maganda na 'yon kesa paalisin siya nito. Dahan-dahan na uli siyang bumalik sa kanyang bed, hila pa rin ang stand ng dextrose saka siya nahiga sa kama at napapikit. Baka panaginip lang ang lahat. Baka paggising niya, masilayan niya uli ang nakangising mukha ng kanyang alaga at hindi ang nanunuring mga titig ng nakausap niya ngayon. Nakakatakot na nakakailang naman pala ang matanda. Hindi siya sanay sa gano'ng pag-uugali nito.

Ngayon niya lang naramdaman ang tila pamamanhid ng kanyang ulong may bendahe, bahagya iyong kumirot kaya inirelax niya ang kanyang isip. Kailangang ipanatag niya iyon ngayon nang walang maging epekto sa kanyang sugatang ulo.

Hayyy parang idinuduyan na uli siya sa antok hanggang tuluyan na siyang makatulog.

**************

Nagising na uli siya sa bulungan ng kung sino sa 'di kalayuan sa kanya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

Una niyang nasilayan ang mukha ni Manang Viola, sunod ang kay Bing at huli na si Eva.

"Manang..." mahina niyang tawag.

"Marble! Nakupo. Buti na lang at nagising ka na. Tatlong araw na kaming nagbabantay sa'yo rito pero ngayon ka lang nagising. Sobra na ang pag-aalala namin para sa'yo," makabagbag-damdaming sambit ng mayordoma.

Isang ngiti lang ang kanyang isinagot saka tinanaw ang bed ng matanda. Naruon pa rin ito, nakahiga pa rin sa kama.

"Marble, magpagaling ka agad ha? Nag-aalala na talaga kami sa'yo kasi dalawang linggo ka na rito. Hindi na kami makatulog nang maayos sa bahay na 'yon kaya kusa na kaming nagpresentang magbantay na lang sa'yo dito," sabad ni Eva.

"Masakit pa ba ang sugat mo sa ulo?" usisa ni Bing.

Umiling siya.

"Kelan daw ako ilalabas dito?" tanong niya sa tatlo.

"'Pag magaling na si senyor. Kaso kailangan niya ng wheelchair kasi 'di na siya makatayo. Nabali raw ang pelvic bone niya kaya mananatili na siya sa wheelchair," sagot ni Manang Viola.

Tumaas bigla ang kanyang kilay. Nang makausap niya ito nung magising siya, para namang wala itong masakit sa katawan.

"Gano'n po ba? Kelan daw siya ilalabas?" usisa niya uli.

"Baka isang linggo pa," sabad na uli ni Manang Viola.

"Gano'n ba?" mahina niyang saad saka muling pumikit at nakatulog. Bakit parang ang sarap matulog nang mga sandaling 'yon, para siyang lutang lagi at mas gusto pang pumikit at matulog na lang kesa magsalita.

Naalimpungatan siya nang maamoy ang nanunuot sa ilong na pabango na isang tao lang ang alam niyang gumagamit niyon. Si Vendrick lang.

Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata, and there he is, smiling at him as if nakatagpo ito madaming dyamante, ang lapad ng ngiti sa mga labi habang unti-unting inilalapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng halik sa noo, saka bumalik sa pagkakaupo sa silyang katabi ng bed.

"Binbin..." paanas niyang tawag.

"I'm here, honey," paanas din nitong sagot sabay hawak sa isa niyang kamay at ilang beses na hinalikan ang likod niyon.

"Binbin, sinaktan ka ba nila?" usisa niya nang mapansin ang maliit na hiwa sa gilid ng bibig nito.

Ngumisi ito at awtomatikong yumuko, hawak pa rin ang kanyang kamay, pinisil-pisil pa iyon.

"Sino naman ang maglalakas-loob na manakit sa'kin?" anito ngunit ilang beses na lumunok ng laway.

"Sinungaling ka talaga. Kita ko nga o, hindi pa magaling," pambabara niya.

Nag-angat na ito ng mukha, mariin siyang tinitigan, bumuntunghininga bago bumukas ang bibig.

"Don't worry about me, Marble. Kunting sugat lang 'yan," anas nito.

"Binbin, bakit mo ginawa 'yon?" mahina niyang tanong.

"Because I love you," paanas na uli nitong sagot.