He stared at him, no, he glared at him as if anlaki ng kanyang kasalanan dito, with those fierce eyes na di niya kayang gantihan ng ganun ding titig. Napaatras tuloy siya sa kaba habang pinipilit na tanggalin ang singsing na yun sa kanyang daliri pero tila iyon may glue na ayaw talagang matanggal.
"Vendrick, listen please. Hindi 'yon totoo. Nagbibiro lang ako. Maniwala ka sa'kin. Hindi ako pwedeng magkaroon ng kaugnayan sa kahit sino sa inyo. Please, maniwala ka sakin. Hindi totoo ang sinabi ko kagabi. Maniwala ka," nagsisimula nang mamula ng kanyang mga mata.
Ayaw niyang matulad sa kanyang Ate Lorie. Ayaw niyang maglaho lahat ng kanyang mga pangarap dahil sa kalokohang ginawa niya kagabi.
"Why? Just tell me why," malamig na naman ang boses nito. Pero ang mga mata'y tila nag-aapoy sa galit.
Napahikbi na siya.
"I- don't love you," yumuko muna siya bago sinambit ang mga katagang 'yon.
Subalit sa pandinig ng binata, tila 'yon isang challenge dito.
"Oh, really? Let me see if it's true," patuya nitong sagot saka siya biglang kinabig at mahigpit na hinawakan sa beywang saka siya siniil ng halik.
Hindi siya pumalag, ni 'di siya nagpumiglas, hinayaan lang ito sa ginawa sa kanya, naging tila tuod lang siya sa kinatatayuan hanggang sa bitawan siya nito nang maramdaman ang mainit na luhang pumatak sa kanyang mga mata.
"You don't have to lie to me, Marble," tila nahihirapan nitong sambit, nagmamakaawa sa kanyang bawiin niya ang sinabi kanina.
Muli siyang napahikbi kasabay ng pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata.
"Nangako ako sa Mama mo na hindi ako magkakaruon ng kaugnayan sa kahit isa sa inyo malibang tagabantay ako ng lolo mo. Kapalit niyon, papag-aralin niya ako hanggang makatapos ako ng college," pag-amin niya, sabay yuko.
Natahimik ang binata, pero narinig niyang napamura ito pagkuwan.
"What do you want me to do?" malamig pa rin ang boses nito nang magsalita.
"Isipin mong walang nangyari kagabi. At--at walang nangyari ngayon," sagot niya, nakayuko pa rin.
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan nito.
"Okay, fine. As you wish," tipid nitong sagot at nagmamadali nang lumabas sa silid na 'yon. Naiwan siyang natitigilan.
Kasalanan niya ang lahat. Siya lang ang pwedeng sisihin sa lahat ng 'to.
Tila nawalan siya ng lakas na napaupo sa gilid ng kama. Bakit kailangang mangyari ang mga bagay na 'to dahil sa kalokohan niya kagabi? Kung 'di niya sana ito pinatulan, 'di sana mangyayari ang gan'to. Masaya pa sana silang nakukwentuhang magkatabi ngayon.
Pero sa isang iglap, nawalan siya ng isa na uling kaibigan. Wala na nga ang kanyang Ate Lorie, pati si Binbin, nawala din sa kanya.
'Di niya napigilan ang impit na pagluha dahilan upang matigil sa ginagawa ang matanda at nagtatakang tumingin sa kanya.
*************
"Marble, alam mo ba kung saan nakatira si Lorie?" pag-uwi lang ng kanilang madam, siya agad ang hinanap nito at tinanong.
Nakayuko siyang umiling.
"Look at me," utos sa kanya habang nakaupo sa malambot na sofa sa sala.
Siya nama'y nakatayo lang paharap dito.
Nag-angat siya ng mukha.
"Bakit namumugto 'yang mga mata mo?" kaswal lang na usisa nito.
"Masama po kasi ang pakiramdam ko Madam, kaya 'di po ako makatulog nang maayos," pagdadahilan niya.
"Uminom ka sana ng gamot," tila aburido nitong sambit.
"Uminom na po ako Madam, kunting pahinga lang po ito," sagot niya.
"O siya, bumalik ka na sa kwarto niyo baka inaantay ka na ni papa," utos nito.
Halos takbuhin niya paakyat, makapasok lang agad sa kwarto nila ng kanyang alaga, tumakbo na uli papasok sa banyo at paulit-ulit na naghilamos duon. Dapat pala yelo na ang kanyang kinuha sa kusina nang mawala ang pamumugto ng kanyang mga mata. Bakit kasi napasobra siya ng iyak kahapon? Buti na lang 'di nag-isip ng kung ano pa ang kanyang among babae.
Paglabas ng banyo, tila nakaramdam siya ng pagkabagot. Ngayon lang niya naramdaman yun, parang gusto niyang umalis muna sa lugar na kinatatayuan. Hindi ba siya pwedeng mamasyal muna, magliwaliw muna nang mag-isa makalayo lang sandali sa lugar na 'yon?
Lukot ang mukhang ibinaling niya ang tingin sa matandang hanggang kinabukasan ay pinaglalaruan pa rin ang ibinigay ni Gab sa kanyang mga pen.
"Anak, gusto mo bang mangaroling sa luneta?" yaya niya rito.
"Ayuko po, Nanay," sagot nito agad.
Pambihira! Kung kelan gusto niyang umalis, saka naman ito tumanggi.
'Di naman siya makaangal kaya tumayo na lang siya't idadaan sa kain ang lahat. Bababa siya sa kusina, lalantak siya ng kain ngayon.
Pagkatapos bilinan ang alagang wag lalabas, nagmamadali na siyang bumaba at nagtungo sa kusina.
Sinalubong siya agad ni Manang Viola, pagkabahala ang nakarehistro sa mukha.
"Nakupo, buti napunta ka rito. Wag ka munang lalabas ng kusina. Andito ang malditang Mama ni Gab, ikaw ang sadya," tuliro nitong salubong sa kanya.
"Ha? Bakit daw po?" gulat niyang usisa.
Hindi pa nga siya tapos sa dami ng problema, may bago na naman. Ano naman din ang kailangan ng ina ni Gab sa kanya? Ano ba 'yan puro problema na lang!
"Dito ka lang muna Marble, 'wag kang lalabas. Mamaya makita ka ng babaeng 'yon. Nakupo, pagkasama pa naman ng ugali niyon," susog ni Bing na hinawakan na siya sa kamay para hindi siya magtangkang umalis.
"Pa'no niyo pala nalamang andito nga ang ina ni Sir Gab?" taka niyang tanong sa dalawa.
"'Yong guard tumawag agad sa'kin, papasok na daw ng bahay ang babaeng 'yon," mabilis na sagot ni Manang Viola.
"Teka lang po, walang bantay sa alaga ko," anya kay Bing sabay piglas at patakbo nang lumabas ng kusina.
Baka ang matanda naman ang mapahamak kung 'di siya babalik agad.
Pero totoo nga talaga ang sinabi ni Manang Viola, pagkalabas lang niya, nakita na niya ang isang ginang na wagas ang pagkakaarko ng mga kilay na tila ipininta na lang sa taas ng mga mata.
Maganda ito, pero parang sumobra sa make-up.
"Hey you!" Siya agad ang nakita.
Napilitan siyang lumapit dito.
"Bakit po?" tanong niya, pasimple itong pinasadahan ng tingin.
Salubong din ang kilay na pinasadahan siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa.
"Nasaan si Marble?" tanong agad nito.
"Si Marble po? Sumama po sa madam magpuntang ospital," pakaswal niyang sagot, 'di nagpahalatang kinakabahan.
"Are you sure? Seguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling sa'kin, kung ayaw mong maingudngod ko yang pagmumukha mo sa semento!" singhal nito.
"Naku, hindi po. Kaaalis lang po nila at ni Madam papuntang ospital," muli niyang sagot sabay talikod dito at patakbo na namang umakyat ng hagdanan. Ngunit iyon na yata ang pinakamalas niyang araw.
"It's her Tita! It's that slut!" hiyaw ni Chelsea sa baba.
Lalo naman niyang binilisan ang pag-akyat nang bigla niyang marinig ang pagalit na sigaw ng ginang kaya napilitan siyang huminto sa hallway ng ikatlong palapag.
"It's her Tita! Siya 'yong sinasabi ko sayong gumayuma kay Gab!" habol ni Chelsea habang nakaturo ang isang daliri sa kanya.
Naguguluhang napatingin siya kay Chelsea. Ano'ng gumayuma kay Gab eh yung lalaking 'yon nga ang nangungulit palagi sa kanya?
Salabahe talaga tong Chelsea na 'to.
"So it's you! 'Yang pagmumukha mong 'yan, mangangarap sa kayamanan ng anak ko, how dare you!" Nangagagalaiti sa galit na hiyaw ng ginang habang umaakyat sa hagdanan palapit sa kanya.
Napaatras siya, napahigpit ang kapit sa barandilya at tatakbo na sana nang mahagip ni Chelsea ang kanyang braso, 'di na siya nito binitawan hanggang tumayo sa harap niya ang ina ni Gab at binigyan siya ng mag-asawang sampal.
Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ni Manang Viola sa labas ng kusina.
"Diyos ko po, Marble. Sabi ko naman sa'yo, dito ka lang!" sigaw nito, puno ng pag-aalala sa boses habang nakakapit sa braso ni Bing na 'di rin alam ang gagawin nang mga oras na 'yon.
Namanhid bigla ang kanyang pisngi sa ginawang 'yon ng ina ni Gab. Pakiramdam niya nawala lahat ng kanyang kaba sa nangyari.
"Ang kapal ng pagmumukha mong babae ka at gusto mo pa siyang perahan, animal ka!" muli nitong sigaw, nanlilisik na ang mga mata sa galit.
"Hindi ko po siya piniperahan. Siya po itong nangungulit sakin at nagbibigay ng kung ano-ano," katwiran niya.
"This slut is a liar, Tita!" sulsol ni Chelsea. "Kahapon lang, nagpabili siya kay Gab ng mamahaling Fountain pen, hindi lang isa Tita, isang kahon. Ipapakita ko sa'yo kung ganu kamahal ang isa nun na kahit ako ayukong bilhin sa sobrang mahal," dugtong nito saka tumalikod at nagtungo sa kwarto ng matanda.
"Hindi po 'yan totoo, Madam. Si Sir Gab po ang nagbigay ng regalong 'yon sa'kin. 'Di po ako nagpabili sa kanya," katwiran niya uli na lalong ikinagalit ng kaharap.
"Ang kapal ng pagmumukha mong mangatwiran sakin, hampaslupa ka!" awtomatiko na uli nitong itinaas ang kamay upang bigyan na uli siya ng sampal.
Inihanda na niya ang sarili ng mga sandaling 'yon. Tatanggapin niya ang sampal nito dahil sa pagtanggap niya sa regalong 'yon ng anak nito. Pagkatapos niyon, quits na sila. 'Di na siya uli papayag na sampalin nito.
Inantay niyang dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi pero bakit 'di 'yon nangyari?
"Vendrick? What are you doing?" takang sambulat ng ginang.
Nag-angat siya ng mukha at nagulat din nang makita ang likod ni Vendrick sa kanyang harapan, tinatakpan siya mula sa mabagsik na ina ni Gab.
Kalalabas lang din ni Chelsea mula sa loob ng kwarto at napahinto ito pagkakita kay Vendrick na nakatakip na sa kanya. Naningkit agad ang mga mata nito sa galit.
"What are you doing? Umalis ka d'yan, Vendrick! Ipapatikim ko sa babaeng 'yan ang galit ko! Ang walanghiyang 'yan, ginayuma niya ang anak ko!"
'Vendrick!' Gusto niya ring sambitin ang pangalan nito nang mga sandaling 'yon. Mula nang mangyari ang insidente kahapon, ngayon niya lang uli ito nakita, sa gano'n pang pagkakataon.
"She has nothing to do with Gab, Tita," mariing tanggi nito.
"Ma! What are you doing here?" si Gab na kapapasok lang ng bahay at gulat na tumingala sa kinalalagyan nila.
"What do you mean she has nothing to do with my son?" nalilitong tanong nito, nagpalipat-lipat ang tingin sa binata at sa kanya.
Bigla siyang kinabahan at agad hinawakan sa braso ang lalaki.
"Vendrick, 'yaan mo na. Kaya ko naman," awat niya rito.
Lumingon ito sa kanya, pansin rin niya ang pamumugto ng mga mata nito.
'Vendrick! Umiyak ka rin ba tulad ko?' gusto niyang itanong bigla pero nagpigil siya.
"I told you, I won't let anyone hurt you," matigas nitong sambit saka muling bumaling sa ginang.
"Tell me honestly, what's going on here?" nalilito nang hiyaw ng ina ni Gab samantalang ang anak nama'y nanatili lang nakatayo sa baba ng hagdanan, tila hinihintay din ang sasabihin ng binata.
Muling lumingon si Vendrick sa kanya.
"She's actually my girlfriend," pag-amin nito habang nakatitig sa kanya.