Namumula ang pisnging kumawala siya sa pagkakahawak ni Vendrick at bahagya itong itinulak saka muling umalalay sa matandang napakapit sa kanyang damit nang maramdamang natapilok siya.
"Careful," pabulong na wika ng Madam at tuluyan nang bumaba ng hagdanan habang hawak ang kamay ng asawa, samantalang si Vendrick naman ang nakaalalay sa kanya.
Palihim siyang tumingin sa paligid. Buti na lang walang masyadong nakapansin sa nangyari lalo na nang umugong ang malakas na palakpakan nang kumaway ang matanda sa lahat.
"Thank you! Thank you!" wika nito, tinandaan ang bilin niya.
Pasimple na uli siyang umayos ng tayo sa tabi ng binata habang kapansin-pansin ang pagpa- flash ng mga camera at smartphones para kuhanan sila ng picture.
"Ang engot mo talaga hanggang ngayon, isang baitang na lang, natapilok ka pa," pabulong na sambit ni Vendrick.
Humaba bigla ang kanyang nguso. Giatay talaga 'to, ke ganda-ganda ng ngiti niya, sukat bang ipaalala pa 'yon?
"Lolo, happy birthday po," nakangiting bati ni Chelsea sa kanyang alaga.
Hindi niya alam kung saan galing ang dalaga at bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan sabay halik sa pisngi ng celebrant pagkuwa'y pumulupot na sa binata matapos makipagbeso-beso sa kanyang mga amo.
Nagsimulang maglapitan ang mga bisita sa may kaarawan. Ito nama'y hinanap talaga siya at duon kumapit sa kanyang braso habang paulit-ulit ang pagkaway sa lahat sabay sabing---
"Thank you! Thank you!"
Sinulyapan lang niya ang dalawang mag-jowa na papaalis habang parang linta namang nakakapit si Chelsea sa braso ng binata.
Pakialam ba niya sa mga ito.
'Hmmp!'
Hanggang sa yayain na sila ng among lalaki na tumungo sa mesang nakalaan para sa kanila. Pabilog iyon kung saan din nakaupo ang kanyang mga amo at silang dalawa ng alaga.
Sa katabing mesa ay ang ibang mga anak naman ng matanda, isang pamilya sa bawat mesa pero malapit lang din sa kanila.
"Nanay, 'di pa po ba tayo kakain?" kalabit nito sa kanya saka naman siya napatingin sa mag-asawang amo.
Kaya tinawag ng Senyor ang EMCEE at kinuha ang mikropono, nagtungo ito sa stage para magbigay ng speech sa mga bisita sa pagdalo ng mga ito. Pagkatapos ay saka lang nito sinabing pwede nang kumain ang lahat.
"Ano'ng gusto mo anak?" tanong niya sa alaga.
"Kung ano pong gusto niyo, Nanay," pabulong lang ang ginawa nitong sagot sa kanya para walang makarinig sa usapan nila.
Tatayo na sana siya nang tumayo rin ang Madam.
"Ako na'ng kukuha ng pagkain ni papa, Marble," anito't lumayo na sa kanila.
Saka naman pumailanlang ang makalumang tugtugin.
Andaming lumapit sa bulwagan para sumayaw ng tango. Isa na ang kanyang mga amo na pagkatapos silang kuhanan ng pagkain ay pumagitna na sa bulwagan, naging center of attraction duon sa galing ng mga itong sumayaw hanggang sa mapagod sa tila walang katapusang tugtugin at bumalik na sa kanilang upuan.
Lumapit si Chelsea sa EMCEE at nag-request ng isang non-stop dance, swing naman, saka hinila sa kung saan si Vendrick.
Andami na uling nagsayawan sa gitna ng bulwagan.
"Nanay, marunong ka po bang sumayaw?" usisa ng matanda sa kanya.
Muntik na siyang masamid sa iniinom na grape juice.
Ilang beses siyang umiling.
"Isang sayaw lang ang alam ko anak, hiphop dance," sagot niya sabay pahid ng tissue paper sa bibig.
"Nanay, halika po, sayaw po tayo ng swing," yaya nito.
"Naku, 'wag na anak, baka matumba ka lang do'n sa gitna," mariin niyang tanggi.
Lumungkot ang mukha ng matanda. Naalarma siya.
Nakita niyang papalapit sa kanila si Sir Gab.
"Pwede ba kitang maisayaw Marble?" yaya nito.
Mariin na uli siyang tumanggi saka sumulyap sa naruong mga amo.
"Sige na, Marble. Sumayaw ka na," utos ng senyor saka siya sinenyasang tumayo na at 'wag ipahiya ang binata.
"Kami na lang po ng papa niyo Senyor," pakiusap niya.
Hindi pa man nakakasagot ang ginoo ay tumayo na ang asawa nito.
"Kami na ni papa ang sasayaw," ani Cielo saka sinenyasan ang EMCEE na baguhin ang tugtog at gawing waltz.
"And now ladies and gentlemen, let's give our celebrant the honor to dance with his daughter-in-law. Let's give them a round of applause!" anunsyo ng EMCEE.
Natuon ang atensyon ng lahat sa dalawang pumagitna na sa maluwang na bulwagan habang ang mga bisita'y nagsiupo upang panuorin kung pa'no kagaling sumayaw ang magbyenan.
Nagsimulang ihakbang ng kanyang madam ang mga paa nito habang tila propesyunal na nakahawak sa balikat ng matanda, ang huli nama'y para bang bumalik sa pagkabata na nagsimula ding umindak at humakbang para sumunod sa saliw ng tugtugin.
Napatayo siya. Wowww! Ang galing palang sumayaw ng kanyang alaga. Para itong dance instructure na nakawala sa bulwagan, ibinibigay ang lahat ng kayang gawin sa pagsayaw.
Bigla siyang napapalakpak sa paghanga sa dalawa. Sumunod sa kanya ang lahat ng mga naruon, nakipalakpak din ang mga ito.
Subalit nagulat siya nang hawakan ni Gab ang kanyang kamay saka siya hinila palapit sa bulwagan pero agad niya iyong binawi sa binata't tumayo lang sa may gilid.
Tumabi na rin sa kanya si Gab.
"Sayaw tayo," yaya na uli nito
Isang nahihiyang ngiti ang kanyang pinakawalan.
"'Di po talaga ako marunong sumayaw sensya ka na."
Nang mula sa likuran ay nagsalita si Chelsea.
"Hi Gab!"
Sabay silang napalingon ng binata.
Palapit si Chelsea sa kanila habang nakaabrasete kay Vendrick na sumeryoso agad ang mukha pagkakita sa kanila ng kasama. Siya nama'y ibinaling ang tingin sa magbyenang patapos nang sumayaw hanggang marinig nilang muli ang palakpakan ng lahat.
"Love, tayo naman ang sumayaw, please. 'Yong tayo lang," anito sa binatang di sumagot, tumikhim lang.
Kumawala ang dalaga sa braso ng huli saka nagmamadaling lumapit sa magbyenan at nakiusap na ito naman ang sasayaw ni Vendrick. Pinagbigyan 'yon ni Cielo.
Pagkatapos ng introduction sa dalawang magjowa kuno ay pumailanlang na ang isang swing music.
Tila modelong naglakad pabalik sa kanila si Chelsea at hinatak na sa kamay si Vendrick na tahimik pa rin nang mga sandaling yun pero nakapagtatakang binunggo siya nito sa braso nang dumaan sa tabi niya.
Mangani-nganing batuhin niya to ng sandals na suot. Nakakagigil talaga ang lalaking yun. Ang luwang ng daanan, nabunggo pa siya.
Sumenyas ang dalagang palitan ang tugtog, gawing modern chacha.
Nabago nga ang music. Nagpalakpakan na naman ang mga bisita lalo na nang magsimulang gumiling ang dalawang magkapareha at umindak.
Siya nama'y pumapalakpak na rin ngunit biglang napayuko nang dumaan sa kanila ang kanyang madam at matalim na sulyap ang ibinigay sa kanya, saka niya naalala ang napagkasunduan nila. Hindi siya pwedeng magkaruon ng kaugnayan sa kahit na isa sa mga ito.
Hindi naman seguro niya kasalanan kung pilitin siya ni Sir Gab na sumayaw, kanina pa nga siya tumatanggi eh.
Nang akala niya'y nalingat na si Gab at nawala sa kanya ang atensyon, humakbang siya paatras sabay talikod ngunit nahabol pa rin nito ang kanyang kamay kaya napilitan na uli siyang bumalik.
"Hindi nga po ako marunong sumayaw Sir Gab," giit niya, iritado na.
Subalit mapilit ang binata. Tila naiinggit sa maharot na pagsayaw nina Chelsea at Vendrick kaya't hinila na siya nito sa gitna upang sumayaw din dahilan upang magpalakpakan na uli ang mga bisita, di naman sinasadyang mapalingon sa kanila ni Vendrick kaya naapakan ni Chelsea ang paa nito.
"Ouch! Sorry, love. Does it hurt?" nag-aalalang sambit ng dalaga subalit wala dito ang atensyon ng kasayaw, nasa kanila ni Gab kaya nagsimulang maningkit ang mga mata nito.
Awtomatikong nailapat ni Gab ang kamay sa lantad niyang likuran, awtomatiko rin niya iyong tinapik at lumayo rito nang kunti saka niyakap ang sarili sa hiya.
Pinagmasdan niya ang buong paligid. Kitang kita niya sa maliwanag na bulwagang 'yon kung pano magbulungan ang mga bisita, nagtatanungan kung sino siya, bakit siya ang gustong isayaw ng nag-iisang tagapagmana ng ama ni Gab?
"Anak ba siya ng kilalang pulitiko? Bakit ngayon ko lang siya nakita?" narinig pa niyang tanong ng isang babae sa tabi nito sa di kalayuan.
Nag-init ang kanyang pisngi sa sobrang hiya. Kilala pala talaga ng halos lahat ng mga naruon si Gab. Anong gagawin niya, ayaw niya itong ipahiya? Pero kunti lang ang alam niya sa ballroom dancing. Modern dance, hiphop, harlem yakang yakang niya 'yon. Pero ballroom dancing, wala siyang alam do'n.
Lalo siyang natuliro nang lumapit sa kanya si Chelsea saka siya binulungan.
"If I were you, kanina pa ako tumakbo palayo rito, gold digger bitch."
Pakiramdam niya, paulit-ulit siya nitong sinampal sa mga salitang yun. Hindi siya gold digger bitch!
Kakaibang init ng pisngi ang naramdaman niya nang mga sandaling yun.
"Go Nanay! Go!" biglang nagcheer sa kanya ang matanda. Pinaupo agad ito ng anak.
Teka ba't ba siya patatalo sa babaeng to? Siya yata si Boss Jols! Ang Hiphop princess sa eskwelahan nila. Kaya nga kahit bopols siya, pinapapasa siya ng mga teachers niya dahil lagi silang panalo sa mga hiphop dance competitions sa kanilang region.
Pero hindi naman hiphop ang gustong sayawin nila ni Gab, chacha yun eh.
"Hey, lady? Do you know how to dance Havana?"
Napapitlag siya bigla nang magsalita si Vendrick mula sa kanyang likuran sabay hawak ng kanyang kamay saka siya inihagis nang bahagya bilang pagsisimula ng sayaw. Biglang pumailanlang sa ere ang tutog na "Havana."
Palakpakan na uli ang mga bisita.
Sa isang iglap ay tila nagliwanag ang buong paligid sa kanya. Her favorite song, Havana. Natural, alam niya pano yun sayawin.
"Gawin mong chacha," sambit ni Vendrick nang hilahin siya uli pabalik dito.
"Ows? Pwede 'yon?" 'di makapaniwala niyang bulong rito nang maglapat ang kanilang katawan saka siya napakapit sa balikat nito.
"Of course, honey. Just dance with the beat of the music," bulong nito sa kanyang tenga.
Mahina siyang napahagikhik.
Saka lang siya nito pinakawalan at bumalik kay Chelsea na 'di na maipinta ang mukha.
Lumapit naman si Gab sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay saka nagsimulang sumayaw.
"Just dance with the beat of the music," muli yung umalingawngaw sa kanyang pandinig.
Kaya she danced with the beat pero hindi winawala ang original na sayaw ng Havana, pinag-isa lang niya ang Chacha at hiphop dance.