-kevin's POV-
dahil may number na nga ako ni iya, hindi kona pinalampas ang pag kakataon at niligawan kona nga din sya kaagad at hindi na nya pinatagal ang panliligaw ko dahil sinagot nya din naman ako.
feb.4 po ang date nung nag kakilala kami ni iya sa restobar kaya ito ang date na pinili namin kung kelan kami ikakasal, nang maipakilala nako ni iya sa tito at tita nya, ay hindi naman naging magirap dahil sobrang mahal sya nito at sila nadin ang nag palaki kay iya,
ang tanging request lng ng tita at tito ni iya ay hayaan munang makapag tapos sya ng pag aaral bago kami mag plano na mag sama sa isang bahay.
hindi naman ako nag mamadali kaya nag tapos muna si iya at nag plano na nga kami mag bukod.
may sarili akong negosyo at nakapag patayo kami ni iya ng sarili naming bahay. ang plano namin ay mag papakasal muna kami bago kami gumawa ng sarili naming pamilya, hindi naman kami nahirapan sa pamilya ko dahil gustong gusto nila ang personality ni iya at naging honest sya about sa nangyari sa pamilya nya.
hindi namin plinano ni iya na mag tabi sa higaan hanggat hindi pa kami nag sasama sa isang bahay, at opo! wala pang nangyayari samin ni iya.
nang maka graduate na nga si iya ay ibinigay na ang basbas ng pamilya ko saamin na pwede na kaming mag sama.
ang plano ng pag lipat namin sa sarili naming bahay ay s 3rd anniversary namin kasabay nadin ang handaan dahil pa blessings namin ng bahay.
hihingi nalang kami ng basbas sa tita at tito ni iya para sa pag lipat namin sa sarili naming bahay.
andito kami ngayon sa bahay ng tita at tito ni iya na si tita hazel at tito orly para hingiin ang basbas nila sa amin. payag naman sila at ibinigay ang basbas sa amin. sinubukan akong kausapin ni tita hazel ng kami lang,
lumabas muna kami para mag usap.
titahazel: kevin, may gusto lng sana akong sabihin sayo about kay iya at sa pamilya nya.
me: ano po yun tita?
titahazel: alam mona naman diba na wala na ang mga magulang nya?
me: opo tita.
titahazel: mahal mo naman sya ng sobra diba?
me: sobrang mahal kopo si iya tita, at mamahalin kopa sya ng sobra gaya ng pinangako ko sa kanya.
titahazel: alam ko yun kevin at nararamdaman ko yun. pero pano kung malaman mo ang totoong problema nya at ng pamilya nya.
me: tita, sasamahan kopo si iya sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya, hanggang kamatayan at kahit anong problema meron sya, hinding hindi ko sya pababayaan.
titahazel: maraming salamat at nakahanap si iya ng isang lalaking katulad mo kevin. may gusto lng akong ikwento sayo tungkol sa pamilya nya, pero bago yun, sasabihin ko muna sayo kalagayan ni iya.
me:handa po akong makinig tita.
titahazel: may sleep walking paralysis si iya.
me: tita napansin kopo yan sa kanya nung una kaming nagkakilala.
titahazel: (nagulat) anong nangyari?
me: nalasing po kasi si iya dahil na reject po sya ng crush nya noon at lumapit sya sakin. hindi kopo alam kung saan sya naka tira nun at sobrang nag alala po ako kaya pinatulog ko sya sa condo ko.
titahazel: tapos anong nangyari?
me: naalimpungatan po ako at pinuntahan ko sya sa kwarto, naka upo po sya at kumakanta ng twinkle twinkle little star.
nakita kong namutla si tita hazel dahil sa narinig nya.
titahazel:nangyayari yan sa kanya kada unang linggo ng pag pasok ng buwan at nauulit pa kapag sobrang lungkot nya. pero hanggang ngayon hindi nya pa alam na may sakit syang ganyan, wala syang naaalala pag dating ng umaga.
me: nakakatakot po pero dahil mahal na mahal ko si iya, handa akong sumuporta sa kanya.
titahazel: sana hindi mo sya pabayaan kahit maranasan mo ang matinding nangyayari sa kanya kapag nararanasan nya na ang sakit nya.
me: opo tita.
titahazel: at tungkol sa mga magulang nya!
hindi pa nkakapag simula mag kwento si tita hazel ay biglang lumabas si iya at pinapapasok na kami para kumain.
iya: love kain na tayo! tita kain napo! nag hain napo ako para sabay sabay tayo kumain bago umuwi si kevin.
me: susunod na kami love, may pinag uusapan lang kami ni tita hazel.
lumapit sa amin si iya at napansin kong parang biglang hindi mapakali si tita hazel.
iya: anong pinag uusapan nyo love?
me: nag tatanong lng ako kay tita kung papayag ba sila na mag pakasal tayo next year.
iya: sinabi kuna yan sa kanila na plano na natin mag pakasal.
titahazel: oo kevin sinabihan na kami ni iya at 100% payag kami sa desisyon nyo! (parang nangangatal mag salita)
me: salamat po tita sa basbas nyo,
pasok napo tayo para kumain.
pumasok na nga kami at sabay sabay kaming kumain.
hindi padin nag sasalita si tita hazel at nka yuko lng.
titoOrly: okey kalang ba hazel?
titahazel: ayos lang ako, medyo sumakit lng tyan ko ngayon,
me: uminom po kayo na gamot tita.
titahazel: hindi muna ako sasabay sa inyo ahh, punta muna ako sa kwarto.
tumayo na nga si tita hazel at dumirecho na s kwarto nila.
gusto kopa sana itanong kay tita hazel ang nangyari sa mga magulang ni iya pero parang biglang sumama ang pakiramdam nya.
titoOrly: baka nalungkot lng tita mo iya dahil lilipat kana ng ibang bahay.
iya: oo nga po eih, mamimiss kopo talaga kayo ng sobra tito Orly.
mahal n mahal si iya ng tita at tito nya dahil hindi sila nabiyayaan ng anak , parehas silang baog at hindi talaga sila magkaka anak kaya si iya ang nag silbing anak nila.
nang matapos kami kumain, nagpaalam nakong umuwi kay iya at tito Orly pero hindi na lumabas ng kwarto si tita hazel kaya hindi nako nakapag paalam sa kanya.
february 4, 2018 ay nag pa blessings nga kami ng bahay at kasabay din ng 3rd anniversary namin ni iya.
maraming taong pumunta, mga kaibigan at classmate ko at ni iya dati, andito din ang mama at papa ko at ang mga pinsan kong pulis, andito din si tita hazel at tito Orly.
nag party party kami at nag paka saya,
bakas s mga mukha namin ni iya ang saya dahil kasama namin ang mga mahal namin sa buhay.
nang matapos na ang party ay nag paalam na ang mga kaibigan namin na umuwi para mag paginga. sumunod na umalis ang ibang kapit bahay at nag paalam nadin ang mga pinsan ko.
pamilya ko nalang ang natira at si tita hazel at tito orly, pinayuhan nila kami about sa pag papamilya,
na ang pagpapamilya daw ay hindi madali, pero kapag patuloy kayong mag uusap at magkakaintindihan ay malalampasan lahat ng problemang darating.
niyakap nila kami at nag paalam nadin silang umuwi.
nag linis kami ni iya ng mga kalat bago mag pahinga. nang matapos kami ay nilibot muna namin ni iya ang bahay ng mag kahawak ang kamay.
2nd floor lng po ang bahay namin ni iya pero may limang kwarto kasama na ang masters bedroom na kwarto namin.
me: love ligo kana! amoy inihaw kana eih😅
iya: (inamoy ang sarili) oo nga noh, amoy usok nga.
me: sige na mauna kana sa cr, (sabay palo ko s pwet nya)
timingin si iya ng masama,
iya: opss kailangan mo pigilan sarili mo love ahh, baka masira plano natin.
me: ikaw ang mag pigil ng sarili love, hehehehhe
iya: tseeeee.
naligo na nga si iya at nag antay muna ako sa kwarto habang nag babasa ng libro.
ilang minuto pa ay unti unting bumukas ang pinto ng kwarto at humahalimuyak ang amoy ng isang babaeng bagong ligo, nakita kong naka bathrobe lng si iya at pinupunasan pa ang buhok nya. ohhhMhyyyyy
(enasherreeepppp)
naligo na kaagad ako, nag hilod at nag pabango ng katawa at dahan dahan akong pumasok sa kwarto pero lungkot ang naramdaman ko dahil tulog na sya.. sinubukan ko syang gisingin pero napansin kong tulog na talaga sya, halos kiniliti ko na nga pero wala talagang epekto.
niyakap ko nalang si iya at tinabihan ko sya sa pag tulog.
dahil pagod nadin ako ay mabilis nadin akong nakatulog.
nagising nanaman ako ng 3am ng madaling araw at wala sa tabi ko si iya, unang pumasok kaagad sa isip ko ang sakit nya kaya bumangon kaagad ako at hinanap si iya. sobrang natakot ako dahil nakita ko si iya sa sala at nakatayo sa harap ng tv,
nakangiti dahil nanonood sya ng youtube.
hindi nkagalaw ang tuhod ko dahil naalala ko ang kantang twinkle twinkle little star at yun ang pinapanood nya. tumingin ako sa kanya at nagulat ako dahil may hawak syang kutsilyo at unti unting papalapit sa akin.
pumikit ako ng mga ilang segundo at dahandahan akong dumilat at nakita ko si iyang sobrang lapit sa mukha ko at nakangiti pero puro puti ang mata nya. wala na akong nagawa kaya niyakap ko nalang sya at umiyak nalang ako.
me: love!!! hindi ako natatakot sayo!! sobrang ganda mo kahit ganyan ka!!
i love you so much..
habang yakap yakap ko sya ay unti unti nyang binitawan ang hawak nyang kutsilyo at dahan dahan bumagsak ang katawan nya, tiningnan ko ang mukha nya at tumatagas ang luha pero pansin kong tulog padin.
binuhat ko sya sa kwarto at hiniga, niyakap kona sya ng mahigpit hanggang umaga.
nagising ako at wala na si iya sa tabi ko, babangon na sana ako nang biglang pumasok ang pinaka magandang babae sa pinto at niyayaya nako kumain.
oppps nex episode napo😅