Chereads / TWINKLE TWINKLE LITTLE STAR / Chapter 9 - Vacation Plan

Chapter 9 - Vacation Plan

-kevin's POV-

september 8 ng ibigay sakin ni zyril ang file case ng mga magulang ni iya.

binasa kong maigi at inalam ang bawat ditalye ng kaso.

nalaman kong buhay pa ang beapren ni iya noon na si aron, na ang totoong pangalan ay Aaraon Dapis.

sya lang ang kaisa isang taong makapag bibigay ng kwento sa totoong nangyari sa pagkamatay ng mga magulang ni iya.

pero simula nung nangyari ang pagpatay ay walang kahit anong bakas na makakapag turo kung nasaan sya.

walang registration sa kahit saan,

ang huling registration nya sa school ay yung nag aaral pa sila ni iya at yun din ang huling pag aaral nya.

walang makapag sabi kung nasaang lupalop naroon si aron.

ayon dito sa files nya laki sya sa isang bahay ampunan at inampon sya ng dalawang matandang mag asawa na taga capis pero maaga din syang naulila dahil namatay din ang mag asawa.

wala nang nakatira sa dati nilang bahay.

MISSING ang nakalagay s files ni aron at sya lang din ang kaisa-isang suspect sa pag patay.

ang nkakalito pa ay sobrang bata pa noon ni aaron, ayon sa kaso ng pag patay. hindi kayang gawin ng isang tao lng ang brutal na pagkagawang pag patay sa dalawang tao lalo pa't 13 yrs old lng ang suspect.

nakalagay din nga dito ang sinabi ni tito orly na isang grupo ng kulto ang sinasabi ng mga tao dun ang gumawa sa pagpatay.

ito lang ang nalaman ko sa kaso ng pag patay sa mga magulang ni iya.

ang tanging paraan lang ay mahanap ko si aron kaya naisipan kong mag bakasyon sa probinsya nila iya sa capiz.

alam kong hindi ako papayagan ni iya na pumunta ako doon ng mag isa.

ayoko namang malaman ni iya na nag lilihim ako sa kanya about sa kaso ng pamilya nya kaya sinubukan ko syang kausapin at yayain mag bakasyon para hindi sya mag hinala.

sept.20 nang niyaya ko si iya kumain sa labas sa paburito nyang seafood restaurant.

me: love, gusto mo bang mag bakasyon sa probinsya nyo??

iya: oo nman love! sobrang namimis kuna yung tita ko at mga pinaan ko doon eih.

me: gusto mo mag bakasyon tayo bago mag 10yrs anniversary ng pagkamatay ng mama at papa mo?

iya: talaga love? sige love, mag leleave ako sa trabaho para maipakilala din kita kila mama at papa sa puntod nila at para makapag paalam nadin tayo sa darating nating kasal.

me: sige love, gusto ko din mag bakasyon sa inyo eih! balita ko kasi maganda daw ang lugar nyo dun at madaming pasyalan.

iya: oo love maganda dun.

kelan naman ang plano mo love?

me: sa oct.4 love! kahit mag isang linggo tayo doon para masulit natin.

iya: sige love!

kitang kita ko sa mga mata ni iya ang excitement.

kaya ko talaga sya niyaya dito sa seafood restaurant kasi puro kasiyahan lng talaga ang nagiging mood ni iya dahil sa mga pagkain.

never kopang nakitang naging masama ang mood nya habang kumakain dito.

kailangan konang ihanda ang sarili ko sa mangyayari sa pag uwi namin sa probinsya.

isang linggo bago kami umalis sinubukan kona mag asikaso,

habang nasa trabaho si iya, hindi muna ako pumunta ng resto para mkapag impake ng mga gamit namin at mga kailangan naming dalhin para wala nang hussle s byahe.

pinakuluan kuna din ang binigay ni tito orly na pangontra sa lason at hinalo kuna sa dalawang maliit na mineral water.

habang nag iimpake ako, binisita ako ng pinsan kong pulis na si zyril at may daladala na nka lagay sa paper bag.

me: oh bat napa bisita ka insan?

zyril: kelan ang balak nyong mag bakasyon?

me: sa oct.4 na insan bakit?

zyril: mag iingat kayo dun insan ahhh.

alam ko ang dahilan kung bakit ka mag babakasyon.

me: oo insan,, kailangan ko talaga mag ingat. kung pwede ko nga lang iwan dito si iya, iiwan ko sya eih pero baka malaman nya ang dahilan at magalit pa sya sa akin.

inabot sa akin ni zyril ang paper bag.

zyril: insan dalhin mo to, gamitin mo yan kung kailangan.

binuksan ko ang laman ng paper bag,

isang baril ang laman at may extrang magazine pa na puno din ng bala.

me: bat meron nito insan?

zyril: pang self defense mo yan insan kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

marunong kana naman gumamit nyan diba! ilang beses na tayong nag kasama sa firing,

me: hindi ba iligal tong baril insan?

zyril: hindi insan, nka pangalan yan sayo, inasikaso kuna ang mga papeles nyan.

hindi ko gusto ang idea ni zyril pero kailangan ko nga talaga to.

me: sige insan, dadalhin koto. maraming salamat ahhh,

wag kang maingay kay iya tungkol dito.

zyril: walang problema insan, basta mag iingat kayo.

hindi nadin nag tagal si zyril at umalis na dahil nka duty pa sya.

ang pag bigay lng ng baril ang talagang sadya nya sa pag bisita, ni hindi ko nanga sya nayaya kahit kape.

tatlong araw bago kami umalis ay

may napansin akong isang taong grasa na nka tayo sa tapat ng bahay namin at nakatingin.

hinayaan ko lang at nanoood muna ako ng tv. isang oras ang naka lipas, sinubukan ko ulit sumilip pero naka tayo padin doon ang taoong grasa na parang istatwa habang naka tingin dito sa bahay.

kumuha ako ng tinapay at juice para ibigay sa taong grasa.

nang palabas na ako,

nagulat ako dahil pag bukas ko ng gate ay nandun na agad ang taong grasa.

hindi ko pa nga naibibigay ay kinuha nya na kaagad sa kamay ko.

"lamat po!!! lamat po!!

inabutan ko ng pera, pero ayaw nyang tanggapin.

pag kuha ng taong grasa sa pag kain ay bumalik bumalik din sa pwestong kinatatayuan nya kanina.

pumasok nalang ako sa loob at nag pahinga.

hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa sofa at ginigising na ako ni iya.

iya: love! bat jan ka natutulog?

hindi kaba pumuntang resto?

me: hindi love eih.

nag paginga munako ngayong araw.

iya: bakit pagod na pagod kaba?

hinila ko si iya papalapit sa akin at hinalikan.

me: i miss you love!

iya: i miss you too love😘

me: kanina kapa?

iya: kaka dating kolang.

yakap yakap ko siya habang nka patong sa mga hita ko.

iya: mamaya kana yumakap love! amoy pawis pako, maliligo muna ako para fresh.

me: mamaya na, payakap muna!

yumakap nalang din si iya at kinuha ang cellphone. nag selfie kaming dalawa,

mayamaya pa ay binatawan kuma si iya at pinaligo w/ palo sa puwet😅

iya: bastos ka love! pitikin ko nanaman yan mamaya si yorme bahala ka.

me: sorry hehhehe

naligo na nga si iya dahil amoy pawis nga. sumilip ako sa labas pero wala na yung taong grasa.

october 4. ito ang araw ng pag alis namin para mag bakasyon.

paalis na kami ng bahay at napansin kong nasa harapan ng sasakyan namin yung taong grasa. sinubukan kong mag busina pero ayaw umalis,

kumuha ako ng tinapay at tubig para ibigay sa taong grasa.

bumaba ako para ibigay pero nakatingin yung baliw kay iya. itinabi ko ang taong grasa para hindi masagasaan at ibinigay ko ang tinapay at tubig.

"princess! hi princess!

naririnig kong sinasabi habang nakatingin kay iya.

bumalik na ako ng sasakyan at dahan dahang umalis pero halos humabol ng tingin si iya.

napansin kong tumutulo ang luha ni iya kaya inabutan ko sya  ng tubig.

me: love! ayos kalang?

iya: huh? oo ayos lang ako love.

pinunasan ko ng kamay ko ang luha nya at binigyan ng tubig.

----------------------------------------------

(fast forward)

dahil nabasa nyona din naman ang chapter 1-4 alam nyo na ang susunod na mangyayari.

----------------------------------------------

0ct.6 1:00 am..

habang tinatahak namin ang ang napakadilim na daanan ng roxas road, parang napapansin kong nag iiba ang tunog ng sasakyan namin,

nakita kong tulog na tulog naman si iya kaya dahan dahan kong ginilid ang sasakyan, papahinto palang ako ay parang may tumunog sa unahan ng sasakyan at napansin kong umuusok.

pinatay ko ang makina at

bumaba kaagad ako para tingnan, pag bukas ko ng harap ng sasakyan ay matinding usok ang sumambulat sa akin at sobrang init.

kung kelan malapit na kami saka pa nag over heat ang sasakyan namin.

binuksan ko ang lagayan ng tubig ng sasakyan pero halos matuyo na pala dahil naubusan na ng lamang tubig.

pumunta ako sa likod ng sasakyan para kumuha ng tubig pero nakalimutan kong mag dala.

halos konte nalang ang laman ng galon na lagayan ng tubig ng sasakyan.

sinubukan kong ibuhos s makina at umusok sa sobrang init. konting konti nalang ang nailagay kong tubig sa sasakyan.

kinuha ko ang cellphone ko pero walang kasignal signal.

wala ding nadaang sasakyan, dahil siguro ala una na ng umaga.

bumalik ako sa loob ng sasakyan at sibukan kong i start pero ayaw mag start.

napansin kong umiiyak si iya habang natutulog at biglang nag salita.

"umalis na kayo dito! hanggang may pagkakataon pa!

wag na kayong tumiloy, mamamatay din kayo! umalis na kayo!! umalis na kayoooo!!"

niyakap ko si iya nang mahigpit.

ginigising ko pero ayaw tumigil sa pag iyak.

unti unting nagising si iya sa pagkatulog nya.

iya: love! uwi nalang tayo! dko na alam nangyayari sa akin. kung ano ano napapanaginipan ko,

me: katulad ng ano? i kwento mo sa akin!

kinuwento sa akin ni iya lahat mag mula sa baliw bago kami umalis hanggang sa napanaginipan nya kanina.

niyakap ko si iya ng mahigpit para kumalma.

dahil kailangan nga namin ng tubig para sa sasakyan, nag paalam ako kay iya na mag hahanap muna ako ng malapit n bahay para manghingi ng tubig. gusto man sumama ni iya pero kailangan nyang maiwan sa sasakyan.

pinainom kona din si iya ng tubig na may pangontra sa lason kanina pagkagising nya habang naiyak.

kumuha ako ng flash light at

pina lock ko kay iya ang pintuan mula sa loob para walang maka pasok.

tumapat ako sa harap ng sasakyan para mag babye kay iya.

pag talikod ko, isang napaka dilim na kalsada ang kakaharapin ko. hindi ko kailangang ipakita kay iya na natatakot ako.

bago pa ako umalis, ininom kuna din ang tubig ko namay pangontta sa lason para maging handa.

unti unti akong lumakad papa layo sa sasakyan hanggang hindi na ako naabot ng ilaw.

sobrang dilim at puro puno sa paligid, halos walang kabahay bahay.

sa 30 min. kong pag lalakad, may napansin akong ilaw sa may bandang unahan, mga 20meters ang layo.

dinalian ko ang pag lalakad at may pasalubong sa aking isang lasing na pagewang gewang.

hindi kuna pinansin ang lasing at nag madali nako papunta samay ilaw.

nang malapit na ako, nakita kong may isang bahay na maliit at may nakita akong poso.

" tao poooo.!!!!! may tao po ba ditoo!

may lumabas na isang matandang babae.

me: magandang gabi po nay!

pwede po ba ako maka hingi ng tubig sa poso nyo?

nanay: taga saan ka iho?

me: hindi po ako tagadito nay, nag over heat lang po ang sasakyan namin kaya kailangan namin ng tubig. pwede po ba maka hingi kahit isang galon lang?

nanay: sige iho kumuha kanalang jan.

medyo mahina ang tagas nyan kaya pag tyagaan mo nalang.

me: opo nay, maraming salamat po!

pumasok agad ang matanda sa loob ng bahay at hinayaan akong kumuha ng tubig.

medyo mahina nga ang tagas ng poso kaya binilisan kopa ang pag bobomba.

maya maya pa ay lumabas ang matanda at may dalang kape.

nanay: mag kape ka muna iho!

me: wag napo nay maraming salamat po!

nanay: inumin muna yan! masama ang tumatanggi sa alok ng tumutulong.

ininom ko agad ang kape at napuno kona ang galon.

naalala kodin na papunta sa direksyon ni iya ang lasing kanina, baka kung ano ang gawin kay iya nun pag makita sya.

binuhat ko kaagad ang galin at nag paalam kaagad ako sa matandang babae para umalis.

me: maraming salamat po nay!

nanay: aalis kana kaagad? ayaw mo muna mag paginga?

me: hindi napo nay nag mamadali din po ako.

naglakad na kaagad ako at nag madali nang umalis.

pipigilan pa sana ako ng matandang babae pero diredirecho na kaagad ako ng lakad.

nag madali ako ng pag lalakad na halos hindi nako makaramdam ng pagod dahil sa pag aalala ko kay iya.

nakita kona ang liwanag ng sasakyan namin kaya halos itakbo kuna ang galon na bitbit ko.

nang malapit na ako,

napansin kong may naka patong sa harap ng sasakyan. nakita kong wala si iya sa loob ng sasakyan kaya binitawan kona ang galon at patakbo nakong lumapit pero halos isang dipa nalang ay nanghina ang tuhod ko at nakaramdam ako ng hilo.

mukhang may lason yung kapeng pinainom sakin kanina.

halos kinakapos nako ng hininga kaya naalala ko ang binigay ni tito orly.

may inilagay ako sa bulsa ko bago ako umalis kanina.

naka hilata na ako sa kalsada kaya dalidali kong nginuya ang sanga na bigay ni tito orly.

halos mawalan ako ng malay pero tinibayan ko ang loob ko.

halos 15min. akong naka hilata sa kalsada at naka bawi ng lakas.

unti unti akong bumangon at naka hawak sa sasakyan,

bumalik ako sa pag tumba dahil nakita kong naka patong ang ulo ng nakasalubong kong lasing kanina sa harap ng sasakyan.

nanginginig pa man ang tuhod ko, pininit kong tumayo para hanapin si iya.

nakita kong basag ang bintana ng sasakyan at wala si iya sa loob.

matinding pag sisisi ang naramdaman ko at sigaw nako ng sigaw.

iyaaaaaa!!!!!!!! iyaaaaaaaaa!!!!! iyaaa!!!!!!!! a! a! a!

tumingin ako sa oras at 3:30 na ng umaga.

iyak nako ng iyak at halos mabaliw nako sa nangyari.