andito kami ngayon ni iya sa hospital ng capis dahil 3days nng unconscious si iya at hindi pa nagigising.
dahil nga sa mga nangyari, inimbistigahan ng mga pulis ang kwebang pinagtaguan ni aaron at mga kasama nyang kulto.
sinubukan akong kausapin ng mga pulis tungkol sa mga nangyari,
niyaya muna nila ako s pulis station ng capiz para hingiin ang kumento ko.
pulis: pwede mo bang ikwento sa amin ang buong pangyayari?
me: nag bakasyon po kami ng asawa kong si iya dito sa capiz para bisitahin ang puntod ng mga magulang nya pero tumirik ang sasakyan namin sa isang napakadilim na daan.
sinubukan kong humanap ng tubig para sa sasakyan pero pag balik ko ay wala na ang asawa ko.
kaya nag pasama po ako kay tatang melvin at paulo para sagipin ang asawa ko sa kweba kung saan may iba pang mga babaeng dinukot. si aron ang pinuno ng mga kultong nandudukot sa napakaraming babaeng nawawala dito.
pulis: sinasabi mo bang bukod sa bangkay ng isang matanda ay madapi pang mga patay na sinasabi mong kulto sa kweba?
me: opo sir.
ipinakita sakin ang dalawang picture.
picture ni aron at picture ni tatang melvin.
pulis: pwede mobang ituro kung nasaan jan ang kasama mong pumasok sa loob ng kweba.
me: ito po sir!
(itinuro ko si tatang melvin)
pulis: pwede modin bang ituro kung sino ang pinuno ng kulto na sinasabi mo!
me: ito po sya sir!
(itinuro ko naman ang picture ni aron)
pulis: mga ilang kultong sinasabi mo ang napatay mo ng mga oras na nasa loob ka ng kweba?
me: mga lima po ang napatay ko kasama ang sinasabi kong pinuno na si aron.
napakamot ang pulis at parang naguguluhan sa kwento ko.
pulis: sigurado kaba sa pahayag mong yan mr.kim?
me: opo sir! siguradong sigurado po ako.
pulis: wag sana kayo mabibigla mr.kim dahil isang bangkay lng ang natagpuan sa loob ng kweba.
ng dumating ang mga tanod ay tanging ang bangkay lang ni tatay melvin na puno ng saksak sa katawan ang nakita.
pero nagkalat ang labing limang itim na kapote na puro dugo.
me: pano po mangyayari yun sir? kitang kita po ng dalawang mata ko ang pag patay ko sa pinuno nila at mahigit sa dalawampu ang ang mga kultong nakita namin sa loob ng kweba.
pulis: relax lang po kayo mr.kim,
diba sinabi nyo din na tatlo kayong pumasok sa loob ng kweba?
me: opo sir! ako, si tatang melvin at si paulo.
pulis: ito ba ang paulong sinasabi mo?
(iponakita sa akin ang litrato)
me: opo sir! yan po si paulo.
pulis: wala po kaming nakitang katawan ni paulo sa lugar na pinangyarihan mr.kim at hindi din alam ng mga magulang nya kung nasaan sya.
me: kaya po sumama si paulo sa amin ay para mahanap nya ang ate nya na 6 na buwan ng nawawala.
pulis: kinausap din namin ang ibang mga babaeng nailigtas nyo mr.kim at nalaman namin na patay na ang kapatid nyang babae, natag puan namin ang bangkay nya at ang bangkay ng tita ng asawa mo na si hazel sa isang bundok malapit sa kweba kasama ang halos 60 pang katawan ng mga kababaihan.
hindi na ako makapag salita sa mga narinig ko mula sa mga pulis.
pulis: maraming salamat po sa inyong kooperasyon mr.kim! hanggang dito lang po ang aming kataningan.
lubos din na nag papasalamat sayo ang bawat pamilya ng mga babaeng nailigtas mo at maging ang pamilya ng mga nakitang katawan ng ibang biktima para magkaroon ng maayos na burol.
me: wala po yun sir! ginawa ko lang ang nararapat kong gawin para mailigtas ko ang asawa ko.
pulis: pwede nap0 kayong bumalik sa hospital mr.kim.
bumalik na nga ako ng hospital para bantayan si iya.
pag pasok ko sa loob ng kwarto kung saan nka confine si iya, laking gulat ko dahil wala sya sa higaan.
hinanap ko si iya sa bawat sulok ng kwarto pero diko sya mahanap.
nag tanong ako sa mga nurse pero wala daw silang napansin na pasyente.
nag madali akong lumabas ng hospital para hanapin si iya.
iyaaaaa! iyaaaaa!
sigaw ako ng sigaw dahil nababagabag nanaman ako dahil nawawala nanaman ang babaeng mahal ko.
napahinto ako ng saglit at may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.
kevin!! kevin!!
loveeeeee!! love!!!!!!!!
nakita ko si iyang nakatayo malapit sa tabi ng mga tanim na bulaklak.
parang isang ikswna sa pilikilula ang pag tatagpo namin dahil patakbo syang papalapit sa akin at sinalubong kodin sya ng yakap.
magigpit ang yakap namin sa isa't isa na parang walang may gustong bumitaw.
napansin kong umiiyak si iya.
iya: love maraming salamat dahil hinamap mo ako.
takot na takot ng kunin ako nung baliw sa loob ng sasakyan.
me: wag kanang mag alala iya tapos na ang lahat. ligtas kana. hindi na sila manggugulo kahit kailan.
iya: sinong sila?
me:ikukwento ko nalang sayo ang lahat ng nangyari pag uwi natin sa bahay.
pero bago tayo umuwi punta muna tayo sa puntod ng mama at papa mo.
iya: sige love.
inasikaso na nga namin ang lahat ng bayarin sa ospital bago kami ulamis.
dinalaw muna namin ang mga magulang ni iya sa puntod nila bago kami umuwi.
-puntod-
iya: ma, pa, ito nga po pala si kevin.
syapo ang napaka gwapo at napaka tapang na lalaking mapapangasawa ko, ilang beses nya po akong iniligtas sa kapahamakan. itinaya nya po ang buhay nya para sa akin.
me: magandang araw po tita at tito.
hihingiin kopo sa inyo ang basbas sa pag papakasal namin sa february 4 sa susunod na taon.
iya: maraming salamat po sa patuloy nyong pag babantay sa akin sa araw araw. uuwi nadin po kami bukas ng umaga para pag handaan ang kasal namin.
october 14 ng maka uwi kami sa aming bahay. nag pahinga muna kami dahil masyadong madaming nangyari sa bakasyon namin.
ikinuwento ko kay iya lahat ng mga nalaman ko maging ang sakit nya.
nalungkot sya dahil nalaman nyang patay na si tita hazel at dahil sa ginawa nyang mga masasamang bagay sa pamilya nya.
naka tanggap kami ng sulat mula kay tito orly na uuwi sya sa probinsya nila sa capiz dahil nahihiya syang humarap sa amin dahil sa ginawa ni tita hazel.
ibinenta ni tito orly ang bahay nila at ang ibang mga gamit para may maibigay na regalo sa amin para sa kasal.
iya: love wala na akong ibang kamag anak dito.
me: love, pamilya muna din ang pamilya ko. anjan sila mama at papa, anjan si ashley. andito kami lagi para sayo.
iya: maraming salamat talaga love dahil nakahanap ako ng katulad mo.
me: mahal na mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para hindi ka maging malungkot.
niyakap akong mahigpit ni iya at hinalikan ng matindi.
umiwas ako ng halik dahil baka kung saan pa mapunta ang nararamdaman ko.
me: love easy lang. baka di ako makapag pigil ngayon, nagagalit si yorme.
tinitigan ako nang matindi ni iya at dahan dahang lumalapit sa akin.
napapaatras ako sa ginagawa nya at nang sobrang lapit na nya,
arayyyyyyyy!!!!!!!!!!!
napasigaw nanaman ako dahil pinitik nanaman nya si yorme.
iya: hehehhehe. masakit love??
konteng panahon nalang love. magagamit muna yan si yormeπ
me: ansakit sobra love, parang nabalian si yorme.
iya: gusto no hilutin ko?
me: wag na love! baka madoblehan paπ
nawala na nga ang nangyayari kay iya kada unang sabado ng pag pasok ng buwan pero bumabagabag padin sakin ang pagkawala ng mga katawan ni aron at ang mga kasama nyang kulto, ganun din ang kasabay na pagkawala ni paulo.
hinayaan nalang muna namin at kinalimutan ang lahat ng nangyari dahil
nag handa na kami para sa darating naming kasal ngayong february 4.
bonggang kasalanan ang magaganap dahil sobrang special ng babaeng papakasalan ko.
-the wedding-
february 4. napakaraming bisita sa kasal namin, ndito ang mga katrabaho at ang boss ni iya, nandito din ang lahat ng mga tauhan ko sa apat na resto, mga pinsan ko at mga katrabahong pulis ni zyril.
syempe andito din ang pamilya ko at ang mga kapit bahay namin.
halo halong imosyon ang nararamdaman ko sa mga oras nato habang inaantay ko ang pag pasok ng isang babaeng mag bibigay sa akin ng malaking pamilya. ang babaeng kasama ko hanggang sa pag tanda, ang pinaka magandang babae sa buong mundo. sa dinami dami ng pinag daanan namin ni iya, mas napatunayan kong handa kong gawin lahat para sa kanya at sa magiging pamilya namin.
dahan dahang bumubukas ang pinto ng simbahan at unti unting lumiliwanag, unti unting pumapasok ang isang mala prinsesang babae pero may napansin akong isang lalaking naka itim sa likuran nya, naka suot ng kapoteng itim.
naalis ang tingin ko kay iya at tinitigan kong maige ang lalaking nasa likod nya. dahandahan nyang binababa ang hood ng kapote at nakita ko si paulo na naka ngiti na parang isang demonyo.
hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya,
"love!!! loveee!!! san kaba naka tingin"
narinig kong tawag ni iya, napatingin ako kay iya at napa tulala. sumilip ulit ako sa kinatatayuan ni paulo pero wala na sya.
iya: okey kalang ba love? bat parang namumutla ka?
me: okey lang ako love! sobrang ganda mo kasi ngayon kaya kinakabahan ako.
halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil ito na ang pinaka aantay kong sandali sa aking buhay.
iya: tama na yan namumula nanaman ako sa kilig. tara na sa altar.
ikinasal na nga kami ni iya at natikman ko ang halik na sobrang tamis dahil may basbas ng Dyos sa amin.
totoo pala talaga, ang pinaka matamis na halik na mararanasan mo ay ang halik sa kasal kasama ang babaeng pinapangarap mo.
----------------------------------------------
dito po natapos ang kwento ni iya at ni kevin, nag kaanak sila ng 3 lalaki at 3 babae habang pinag bubuntis pa ni iya ang kambal sa kanyang sinapupunan.
----------------------------------------------
maraming salamat po sa lahat ng nag basa sa kwentong toπππ
sana po ay nagustuhan nyo ang kwento. pasensya po saΒ mga typo error at sa mga hindi nyo nagustuhan.
pa follow po at pa support din sa mga gagawin ko pang bagong kwento.
message lng po kayo kung gusto nyong dugtungan kopa ng prt2 π
follow my fb and watpad account
wp.acc: @jhunecoleen5
fb.acc: june coleen daguman jagonoy
"THANK YOU SO MUCH"ππππ
#JCO