-kevin's POV-
nang sumilip sa kwarto si iya at nakita ko ang soot nyang polo na white at niyayaya ako kumain ng breakfast
mhy G!!!! isang angel ang bumaba sa lupa para yayain ako mag almusal.
naka tulala lang ako at naka titig sa kanya,
iya: loveeee!!! breakfast na tayo!!
naka tingin lang ako sa kanya at dahan dahan syang lumalapit sa akin.
titig na titig lng ako at humalik si iya sa labi ko at dahan dahan bumulong.
iya: pigilan mo ang sarili mo love!
at biglang, Awwwwwwwwwwwww!!!!
pinitik si yorme sa baba, napa baligkas ako sa sakit, tawa ng tawa si iya at tumakbo palabas ng kwarto.
hinabol ko sya ng kwarto at sumambulat sa akin ang napakadaming pagkain.
me: ano to love? fiesta?
iya: ininit ko yung mga natirang pagkain kagabi kesa masayang😊
me: napakadami naman nito love, d natin to mauubos.
iya: yung ibang hindi kaagad napapanis ilalagay ko lang sa reff, pero yung iban naman ibibigay ko sa mga kapit bahay para hindi masayang.
me: naks naman. pwede kana tumakbo bilang brgy chairman 😂😂
iya: iboboto moba ako? at nilapit nanaman ang mukha sakin😊
me: love naman eih. ang hirap mag pigil kung ganyan ka kaganda lagi😞
iya: hehehe sinusubukan lng kita kung hanggang saan kaya mo😅
me: ay love! wala kabang naaalalang nangyari kagabi?
iya: nagulat at humawak sa katawan nya hanggang sa baba.
me: baliw!! hindi yan sinasabi ko😑
iya: ay hehehe kala ko sumira kana sa plano eih😊
ano ba ibig mong sabihin?
me: basta wala kabang naalalang nangyari kagabi?
iya: wala akong naalala love! ano ba kasi yun? may ginawa ba akong dimo nagustuhan?
me: ang totoo nyan love meron talaga!
nagulat si iya at parang namumutla.
me: alam mo bang pinaligo mo lng ako tapos pag balik ko tinulugan mo kaagad ako? hindi ka manlang nag good night.!
iya: haysssss! akala ko naman kung ano nang ginawa ko, kasi wala talaga akong maaalala dahil pagod na pagod talaga ako kagabi. sorry love.
pinalapit ko si iya at niyakap. umupo sya sa hita ko at nararamdaman kong may binubulong nanaman.
iya: gusto mo ulitin ko yung kanina?
me: ooppppssss!! wag love, kawawa naman si yorme baka madurog na😅
iya: takot ka pala eih😊
hindi na umalis si iya sa pag upo sa hita ko at sinubuan nya ako para kumain.
nang matapos na ako kumain, tumayo na ako at nag hubad kaagad ng damit para maligo.
napansin kong nakatitig nanaman si iya sa katawan ko at may pag lunok pa ng laway.
me: huyyyy!! shirt palang ang hinubad ko ahhh, baka dika makapag pigil jan at hindi nako mkakapunta sa resto nito😅
iya: tseeee! maligo kana para maka alis kana😊 i love you!
me: i love you too! ligo nako.
naka leave si iya sa trabaho kaya bahay lang muna sya ng 1week.
habang naliligo ako, paulit ulit kong naaalala ang nangyari kay iya kagabi.
pano kung sinaksak nya ako ng kutsilyo? mauulit pa kaya kay iya ang nangyari sa kanya kagabi?
basta kahit anong mangyari, babantayan ko si iya. kahit anong paraan ay gagawin ko gumaling lang si iya sa nangyayari sa kanya.
ano mang mangyaring maganda at hindi maganda sa pag sasama namin ni iya, hinding hindi ako bibitaw sa pangako ko sa kanya na sya lang ang mamahalin ko habang buhay at hinding hindi ko sya iiwan.
hinarap namin ni iya ang bawat umagang dumarating ng magkasama
kahit pa nararanasan nya ang nangyayari sa kanya kada 1st saturday ng pag pasok ng month.
hindi nawawala sa isip ko ang pangamba bago pa dumating ang araw na nangyayari kay iya ang sakit nya.
natatakot nadin ako dahil parang lumalala ang nagiging kundisyon ni nya kaya naisipan kong mag lagay ng camera sa loob ng kwarto namin at samay sala.
pag aaralan kong maigi kung ano talaga ang nangyayari kay iya.
sept. 8, 2019 1st saturday, hinanda kona ang sarili ko sa mangyayari kay iya mamayang gabi, chineck ko ang camera pero diko pinapaalam kay iya.
nag pahinga na nga kami at humiga pero bago yun hinalikan ko muna si iya sa noo at naka tingin sya sa akin.
me: love, kahit ano mang mangyari wag na wag kang bibitaw sa kamay ko ahhh. mahal na mahal kita. lagi mo lang isipin na andito ako lagi sa tabi mo para suportahan ka.
iya: ramdam na ramdam ko yun love. basta love, ano mang dumating na problema hinding hindi tayo mag bibitaw ng kamay. diba sabi nga ng mama at papa mo, basta lagi lang tayo nag uusap at hindi nag lilihim sa isa't isa, walang sino man ang mkapag hihiwalay sa atin.
me: tama love. i love you so much😘
iya: i love you too😘 good night
me: good night😊
at natulog na nga si iya.
hindi muna ako natulog para mabanantayan kong maige si iya hanggang mangyari sa kanya ang sakit nya.
mag 12am na pero nakakaramdam ako ng antok kaya dko napigilang mapa idlip.
saglit palang ako nakaka idlip pero may naramdaman akong kamay na naka hawak sa leeg ko.
nang pag dilat ko, matinding takot ang naramdaman ko dahil sinasakal ako ni iya habang naka dag-an sa akin, hindi ako maka kilos at sobrang lakas ni iya dahil kahit anong pwersa ang gawin ko ay hindi ako makatakas sa sakal na ginagawa nya.
kitang kita ko ang nakakatakot na mukha ni iya, parang umiilaw sa sobrang pula ang mga mata nya at tumatawa, napaka laki ng boses na parang may sumasanib sa kanya na dimonyo.
unti unting natatanggal ko ang mga kamay ni iya sa leeg ko dahil hindi na talaga ako maka hinga.
sa sobrang lakas ni iya hindi ko namalayan na nabali kona ang dalawang daliri nya para maka alis ako.
unti unti nya akong binitawan at niyakap ko sya.
me: love! tama na!! ano bang nangyayari sayo!
iya: hahahhahahahhaha
sinong love ang sinasabi mo? mali ka ng taong minahal hahahahhah.
ibang boses ang naririnig ko pero si iya ang nag sasalitan.
niyakap ko sya ng mahigpit pero bigla syang pumiglas, tumalsik ako na parang itinulak ako ng malaking tao.
unti unti akong tumayo pero nanginig ang tuhod ko dahil nakita kong nakalutang si iya papalapit sakin,
hindi ako maka galaw pero kailangan kong kumilos para makatakas.
naabutan ako ni iya at hinawakan ako sa ulo, unti unti nyang pinipiga ang ulo ko gamit ang dalawa nyang kamay.
sobrang sakit ng nararamdaman ko kaya napa iyak na ako hanggang sa nag dilim na ang paningin ko.
sobrang dilim, wala akong makita kahit kaonting liwanag.
rinig na rinig ko ang pag hinga ko habang may kantang
"TWINKLE TWINKLE LITTLE STAR"
nilakasan ko ang loob ko at pinilit kong sumigaw.
waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!
napadilat ako, sobrang lakas ng kaba at nakita ko ang kisame na tinitulugan namin.
panaginip lang pala!
dalidali akong bumangon pero wala si iya sa tabi ko, napansin kong nag kalat ang mga gamit sa loob ng kwarto.
tumakbo ako palabas at sumambulat sa akin ang nag kalat na mga gamit, hinanap ko si iya sa loob ng bahay pero hindi ko sya makita.
naisip ko icheck ang cctv para malaman kung nasaan si iya kaya bumalik ako sa kwarto para kunin ang loptop.
habang papasok ako ay may naririnig akong umiiyak, napahinto ako at dahan dahang binuksan ang ilaw.
nanggagaling sa loob ng kabinet ang iyak kaaya dahan dahan kong nilapitan at binuksan.
nakita ko si iya sa loob habang naiyak at may binubulong.
pinakinggan ko kung ano ang binubulong nya,
" wag si kevin! wag si kevin! wag si kevin"
paulit ulit na sinasabi niya habang umiiyak.
niyakap ko sya at sinubukan kong gisingin.
me: iya!!! iya!!! gumising ka!!
biglang nawalan ng lakas si iya at parang nahimatay.
hindi ko alam kung anong gagawin ko.
tatawag ba ako ng doctor o albolaryo?
sobrang natataranta ako na ako sa nangyayari.
binuhat ko nalang si iya at ihiniga sa kwarto, hindi kuna pinatay ang ilaw,
tumabi nalang ako sa kanya para bantayan sya ng nakayakap ng mahigpit.
tiningnan ko ang orasan pero 4am palang ng madaling araw.
hindi kuna sinubukang matulog hanggang sa magising si iya ng 7am ng umaga, nag panggap akong tulog kaya ginising nya ako.
iya: love! gising
me: bakit love?
iya: pinasok ata tayo ng mag nanakaw!
me: huh? bakit ?
iya: sobrang kalat oh!
bumangon kaagad para lumabas.
me: dito kalang ah titingnan ko sa labas.
iya: sige love.
lumabas nga ako para tingnan ang sala,
hindi ko alam kung pano nangyari to dahil halis lahat ng mga gamit namin na pang display ay nka kalat sa sahig.
pero maniwala kayo sa hindi, walang nagalaw sa mga plato o kahit anong babasagin na gamit namin.
inisip ko na kahit nagkakaganun pala si iya, maselan padin sya sa mga gamit.
pabalik nako sa kwarto pero naramdaman kong sumakit ang dibdib ko. naalala kong tinulak ako ni iya at tumalsik, sinilip ko ang dibdib ko pero may napakalaking pasa.
bumalik nako sa kwarto para kausapin si iya.
me: wala namang ninakaw sa mga gamit,
iya: eh bakit ang kalat? mag sumbong na tayo sa pinsan mong pulis.
me: wag love. ako nang bahala dito, tutal wala namang nawala eih.
iya: pero bakit ang kalat?? ano bang nangyari dito sa bahay?
me: linisin muna natin ang mga kalat at pag isipan natin mamaya kung ano ang gagawin.
nag linis nga kami ni iya ng kalat, halos isang oras kami bago matapos sa pag lilinis.
nag simula na sya mag luto at dumirecho naman ako ng kwarto para mag pahinga,
habang naka higa ako ay naririnig kong tinatawag ako ni iya,
dahil sobrang puyat ako at napagod din sa pag lilinis, hindi nako naka bangon.
nagising ako sa aking pagkatulog at
napansin kong naka upo si iya samay lamesa ng kwarto habanh nag gugipit ng kuko.
tumingin ako sa orasan at halos mag 2pm na ng hapon.
me: matagal pala akong nakatulog?
iya: ano bang nangyari love? bat puyat na puyat ka?
me: dko din alam eih,,
medyo nainitan ako kaya nag hubad ako ng damit.
iya: ano yang nasa dibdib mo love?
me: huh? anong nasa dibdib?
lumapit si iya sa akin, dahan dahang sinundot yung pasa ko sa dibdib. napasigaw ako dahil naramdaman kong maigi ang sakit sa pag dikit ng mga daliri ni iya sa dibdib ko.
iya: bat may pasa ka sa dibdib?
me: nahulog ako sa higaan kagabi, tumama ang dibdib ko sa sahig kaya yan nagka pasa.
hindi na nagsalita si iya, kumuha nalang ng yelo at gamot para sa dibdib ko.
next chapter.