-kevin's POV-
sunday ng umaga pagtapos ng matinding nangyari ay hindi muna ako pumunta ng resto pero kailangan ni iya pumasok kaya ako lang mag isang naiwan sa bahay.
sinubukan kong panoodin ang video na nakuha ng cctv pero isang matinding pagkakamali ko dahil hindi pala nairecord ang mga nangyari. hindi ko naiset sa loptop ang pag rerecord ng cctv, hindi ko alam kung sobrang natataranta lang ba ako bago iset ang cctv o tanga lang talaga ako.
halos batokbatukan kuna ang ulo ko dahil kahit kapirasong pangyayari ay wala talagang nairecord,
wireless po kasi na cctv ang sinet ko kaya medyo nabobo ako.
dahil wala naman akong gagawin ngayong linggo, sinubukan kong makipag kita sa pinsan kong pulis na si zyril para humingi ng tulong tungkol sa kaso ng mga magulang ni iya.
-PULIS STATION-
me: insan busy kaba?
zyril: hindi nman masyado insan, bakit may problema ba?
me: may hihingiin lng sana ako sayong medyo mabigat na pabor.
zyril: bakit insan, buntis naba?
me: baliw! hindi yun.
zyril: ay sorry, kala ko tungkol dum eih,
me: diba nasa murder case investigation ka?
zyril: oo insan! mukhang nararamdaman kong mabigat nga yang pabor na yan ahhh.
me: kasi insan ano eih.
nag sale kanina itong sapatos sa mall!
sinubukan kong bilhin pero medyo maliit sakin kaya naisip ko baka kasya sayo.
kumamot muna sya sa ulo bago buksan ang box na lagayan ng sapatos at habang napapangiti.
zyril: wowwwww! pucha insan, ito yung sapatos na sinasabi ko sayong bilhin mo para mahiram ko sayo pang laro ng basketball.
me: maliit sakin eih, sukat mo nga!
napatingin sakin si zyril at isinuot ang sapatos.
kasyang kasya parang sinukat.
zyril: yung totoo insan, binili mo talaga to sakin dahil mabigat na pabor ang hihingiin mo no?
me: oo insan eih.
zyril: hindi kuna kaya tong tanggihan insan, ano ba yun? hanggang sa makakaya ko tutulungan kita!
inabot ko sa kanya ang papel na may nakasulat na.
"vuenavista murder case"
roxas city capiz
zyril: "vuenavista murder case? diba ito yung mag asawang pinatay sa isang liblib na brgy sa capiz? anong meron dito insan? bakit kailangan moto?
me: saka kona ipapaliwanag sayo pag matulungan mokong mahiram ang files.
zyril: gagawan ko ng paraan para makuha ang files ng kasong yan, bigyan moko mg 4days insan.
me: sige insan, maraming salamat.
zyril: wala yun insan, salamat nga pala dito sa sapatos ahhh.
me: ay insan peram ako nyan minsan ahhh pag mag lalaro ako!
zyril: hahahahha oo naman insan sayo nga galing to eih.
me: hindi joke lang,,
good luck insan. antayin ko tawag mo ahhh.
zyril: sige insan, ingat ka pag uwi! kailangan nako sa loob.
me: cge insan salamat.
bumalik na sa trabaho si zyril at dumirecho nako sa sasakyan para umuwi.
bago ko paandarin ang sasakyan, bigla kong naalala si tita hazel na may gusto syang sabihin saakin tungkol sa mga magulang ni iya nung nag uusap kami pero hindi nya tinuloy kaya sinubukan kong tawagan si tita hazel pero hindi sinasagot ang tawag ko.
hindi nako nag dalawang isip pa kaya pinuntahan ko si tita hazel sa bahay nila.
nang makarating ako sa tinitirahan nila tita hazel, tanging si tito orly lang ang naabutan ko.
me: magandang araw po tito orly.
titoOrly: oh kevin! pasok ka,
me: salamat po.
titoOrly: anong sadya mo kevin, bat napabisita ka?
me: mangungumusta lang po tito.
titiOrly: ayos naman ako dito kevin.
me: asan po pala si tita hazel?
titoOrly: umuwi ng capiz si tita hazel mo nung nakaraang linggo kevin.
me: huh? bakit naman po tito?
titoOrly: hindi ko nga din alam kevin eih. nag mamadali sya at parang wala sya sa sarili, ni hindi nga makausap ng maayos eih.
me: nag ka problema problema po ba kayo tito?
titoOrly: wala naman kevin, bago sya umalis, ang tanging bilin nya lang saakin ay wag na wag kong sasabihin kay iya na umuwi sya ng probinsya.
me: bakit po kaya tito?
titoOrly: hindi ko talaga alam.
napaisip ako kung bakit umuwi si tita ng probinsya.
titoOrly: ay kevin! pag tapos pala ng blessings ng bahay nyo at kami nalang ng tita hazel mo dito, hindi sya mapakali, tingin sya ng tingin sa cellphone nya na parang may inaantay na tawag, halos umaga na nga sya natulog dahil sa iniisip nya. tinatanong ko sya pero hindi sya nag sasalita,
napaisip nanaman ako.
ako kaya ang gustong tawagan ni tita dahil alam nyang mangyayari kay iya yung sakit nya nung unang gabi namin sa bahay?.
me: tito, pwede po ba mag tanong?
titoOrly: nag tanong kana!
me: 🤔 dalawang tanong tito!
titoOrly: nakadalawang tanong kana!
me: tito pwede pasuntok?
-writer-
easy lng muna mga reader hehehhe pati ako natetense eih, gabi po kasi ngayon habang ginagawa koto.
naiimagine kodin kasi lahat ng kwentong iniisip ko para isulat kaya pati ako natatakot😅
take 2 hehheheh
----------------------------------------------
me: tito pwede po ba mag tanong?
titoOrly: ano yun kevin?
me: may alam po ba kayo sa nangyari sa mga magulang ni iya? at diba alam nyodin po ang nangyayari kay iya every 1st saturday ng pag pasok ng month?
natahimik muna si tito orly sa pag sasalita at napapa buntong hininga.
titoOrly: dahil alam mo naman ang nangyayari kay iya at nakita kong mahal na mahal mo talaga sya dahil hanggang ngayon ay nakasuporta ka padin sa kanya.
kami ng tita mo ang kumupkop kay iya mula ng mamatay ang mga magulang nya sa isang tagong brgy sa probinsya noon,
kami ng tita mo ang unang nakakita kay iya sa labas ng isang bahay habang naka upo. naka tulala si iya at hindi maka usap, kaya nag tawag na kami ng mga tanod mula sa baranggay namin para pasukin ang bahay,
pero nang pag pasok namin sa loob ay nag kalat ang dugo, nakita namin ang bangkay ng mga magulang ni iya sa isang kwarto ng magkapatong, parang baboy ang ang mga bangkay nila dahil puro taga ang mga katawan at halos humiwalay na ang ulo sa leeg.
nag tanong tanong kami sa mga naka tira sa brgy nayun pero sa halos sampong bahay na meron s brgy na yun ay wala nang nakita kahit isa.
ayon sa balibalita kulto daw lahat ng nakatira sa brngy na yun at walang nakakakilala kahit na sino sa mga nakatira sa tabing brgy kaya kahit ang mga pulis ay walang masyadong nakuhang imp0rmasyon.
pero bago pa mangyari ang masaklap na pagpatay, napansin ko ang pag babago ng ugali ni iya noon.
maayos ang pamumuhay ng pamilya nila iya dati, sobrang bait ng nanay at tatay nya, ganun din nman si iya.
laging kasama ni iya dati yung bespren nyang lalaki na si aron pero hindi namin alam kung san sya nakatira, basta lagi lang syang nasa bahay nila iya na parang dun na sya nakatira at gustong gusto sya ng mga magulang ni iya.
nag tataka nga kami noon kasi hindi sya hinanap ng mga magulang nya kahit isang beses.
biglang nag bago ang ugali ni iya at hindi na sya nauwi ng bahay nila ng halos tatlong araw kaya lagi na syang hinahanap ng mga magulang nya.
at nabalitaan n nga namin na may nakakita kay iya s brgy na yun.
matapos ang pangyayaring yun, nag madali nadin ang tita hazel mo na lumipat kami dito sa cavite.
iniwan namin lahat pati ang kabuhayan namin noon at nag simula ng panibagong buhay.
me: tito, sana po wag po kayo magalit ahh, wala po ba kayong napansing kakaiba kay tita kung bakit sya nagmamadali lumipat dito sa cavite?
titoOrly: wala naman kevin, basta ang sabi nya lang habang nag mamadali kami lumipat,
kailangan daw namin maka alis kaagad ng capiz bago pa mahuli ang lahat.
nakakapag taka pero dahil under ako sa tita hazel mo at may pera naman sya, kaya lumipat na nga kaming tatlo dito.
at simula ng pag lipat namin dito ay nangyayari na kay iya ang sakit nya kada unang sabado ng pag pasok ng buwan.
me: tungkol naman po sa kaibigan ni iya na si aron, hindi napo ba sya nakita?
titoOrly: simula ng pag lipat namin, hindi na kami nka balita doon.
kahit ang pinsan ng tita hazel mo sa probinsya, halos madalang nalang kami maka balita.
me: maraming salamat po sa oras nyo tito.
titoOrly: ano nang plano mo ngayon kevin?
me: yayayain kopong umuwi si iya sa probinsya nyo sa capiz, baka sakaling makagawa kami ng paraan para gumaling si iya sa sakit nya.
titoOrly: uuwi kayo ng capiz?
me: opo tito!
titoOrly: saglit lng kevin, may ibibigay ako sayo.
pumunta si tito sa kwarto nang mga ilang minuto para hanapin ang gusto nyang ibigay sa akin.
tumingin ako sa orasan at mag 4pm na ng hapon. kailangan ko maka uwi bago dumating si iya sa bahay.
maya maya pa ay lumabas na si tito sa kwarto at may inabot sya sa akin.
limang pirasong sanga ng kahoy na kasing laki lng ng sigarilyo.
me: para saan po ito tito?
titoOrly: pangontra sa lason yan kevin.
me: para sa lason?
titoOrly: uso kasi noon ang pang lalason sa capiz pero ayan lang ang tanging gamot para mawala ang bisa ng lason.
me: pano po gamitin to tito?
titoOrly: ilaga mo yan ng 5minuto sa isang basong tubig at isalin mo sa isang bote.
ang tubig na pinakuluan mo gamit ang sanga ay iipekto bago kapa lasunin o hindi ka nila malalason dahil naka inom kana ng gamot na yan.
wag mong itatapon ang sanga dahil kapag naubos ang pinakulo mo, pwede mong nguyain ang sangang yan para mas mabisa sa lason.
me: sige po tito, maraming salamat po dito.
titoOrly: basta kevin, pag makaramdam ka ng pagkahilo at parang hindi kna maka hinga ngumuya kana kaagad ng isang sanga,
pero wag kang mag papahalatang kumain ka ng sanga, mag panggap kalang ng nanghihina ka dahil mas mabibigyan kapa ng pagkakataon para maka takas.
me: susundin kopo lahat nang sinabi nyo tito!
titoOrly: at higit sa lahat kevin, wag na wag mong hahayaang magkasamankayo ni iya sa isang madilim na lugar. kung kinakailangang iwan mo si iya sa maliwanag, iwanan mo sya.,
me: opo tito!
maraming maraming salamat po.
uuwi nadin po ako tito para hindi mag taka si iya kung saan ako pumunta.
titoOrly: mag iingat kayo sa byahe kevin..
tumayo nako at lumabas ng bahay para umuwi.
nag paalam nako kay tito orly at pinaandar na ang sasakyan.
nang makarating nako ng bahay, nagulat akong bukas na ang mga ilaw ng bahay.
nasa bahay na nga si iya at nag luluto.
nagulat ako dahil bumisita ang kapatid kong babae na si asley, dumaan muna sya dito galing school bago umuwi.
iya: love saan ka galing?
me: binisita kolang si zyril, yayain ko sana mag laro ng basketball sa thursday,
ashley: kuya balita ko binilhan mo si kuya zyril ng new shoes!
me: langhiyang zyril yan, pinag kalat pa talaga.
ashley: kuya!! kulang yung allowance kong binigay ni daddy.
me: baka naman kung ano ano pinag bibili mo?
ashley: bumili kasi ako ng bagong bag eih😊
me: baka magalit si mama at papa pag binigyan kita ng pera.
ashley: hindi ko sasabihin kila mommy koya promise😊
me: wala akong pera dito.
ashley: yeeeesssss!!!!
napansin kong napayuko si iya habang natawa.
ashley: pano ba yan ate iya?nasabi ni koya ang magic words.
me: anong magic words?
iya: hahahha alam na alam mo talaga sasabihin ng kuya kevin mo ashley ahhh.
pumunta ng kwarto si iya at kumuha ng pera para ibigay kay ashley.
ashley: salamat po ate iya i love you😘
(kiss)
me: bat binigyan mo ng pera yang makulit na yan?
iya: eih sinabi mo yung magic words eih. kaya bayaran moko😅
me: hay nako dko kayo maintindihang dalawa. magkasundong magkasundo talaga kayo ahhh.
iya: dito kana kumain ashley, tumawag nako kay mama at papa na andito ka,
ashley: opo ate iya, salamat po ulit sa 5k 😘
me: pati si mama at papa anlambot ng puso sayo dahil pinayagan yang makulit nayan gumala dito.
ashley: shempre may ate iya na kaming sobrang ganda at sobrang bait pa.
me: at nanguto pa nga.
iya: tama na sa pangunguto ashley at baka bawiin kopa yan heheheh.
ashley: opo ate iya. tulungan napo kita mag hain.
iya: sige ashley para makakain na tayo.
ansarap sa puso dahil sobrang lapit ni iya sa pamilya ko, napaka swerte ko din dahil naka tagpo ako ng babaeng katulad ng labibabs ko.
me: ligo muna ako love,
iya: mamaya kana maligo dahil sabay sabay tayo kakain.
me: opo boss!
ashley: hahahhaha under😂
me: tseeee tahimik.
ashley:🤐😅
iya: tara na kain na tayo.
dalhin mo din mamaya ash yung ulam na niluto ko para kila mama at papa ahh. gusto daw nila tikman eih
asley: opo ate iya.
sabay sabay na nga kami kumain at pagtapos ay pinasundo kuna si ashley sa driver nila mama pauwi ng bahay.
next chapter.