Chereads / Trembling Hearts / Chapter 9 - SCHEME

Chapter 9 - SCHEME

NANLALAKI ang mga matang nakatitig si Kath sa harap ng gate di kalayuan sa kinatatayuan nila. Napangiwi si Charlie sa nakitang reaksyon nito.

"What are we doing here in the devil's den?" Kath whispered beside her.

"Devil's den?" manghang ulit ni Charlie sa sinabi ng kaibigan.

"Well I'm just voicing out what's inside your head. That's all"

"Shut up" natatawang sita niya dito. Kasalukuyan lang naman silang nakatayo sa may kabilang kalsada sa tapat ng gate ng bahay ni Tessa. Nang sinabi niya sa kaibigan kung nasaan sila Kath's eyes bugged out. Hindi nito inaasahan ang itinerary nila ng gabing iyon.

"Inimbitahan niya tayong mag-overnight sa kanila para ayusin ang layout ng schoolpaper" imporma niya sa kaibigan.

"Overnight? I don't have any clothes here with me tsaka akala ko may pupuntahan lang tayo saglit"

"Kung sinabi ko sayo kung saan tayo pupunta siguradong pahirapan bago kita makumbinsi. Don't worry nagawan ko na ng paraan yung damit mo"

"Wag mo sabihing—" kinindatan niya ang kaibigan. "Yup. Meron ka ng damit dito sa bag ko" kumpirma niya sa hinala nito. Kath rolled her eyes. "Kaya pala ang laki ng dala mong bag. Anyway,—nakahalukipkip na pinasadahan nito ng tingin ang mataas na gate sa may harapan nila, sigurado ka ba dito sa gagawin mo? No one is forcing you to come. Alam mo namang mainit ang dugo sayo ni Tessa. What if it's a trap to lure you here and then you know…" Kath made a slicing motion on her neck. Charlie chuckled.

"Inimbitahan tayo. It's rude to say no"

"Invited huh? From what I heard you insistently invited yourself. Nagpasa na ako ng article ko diba? Ikaw, kailangan talaga nandito ka. Besides, marami pa akong ibang dapat asikasuhin" pabalewalang saad naman nito.

Kath is also part of the school paper. She's a feature writer. Bihirang umattend sa meetings ang dalaga pero hindi ito pumapalya sa pagpapasa nito ng mga articles sa due dates na ibinibigay dito. As always Kath is living at her own pace kaya bihira lang itong makita ng ibang ka-miyembro nila. Mahigpit na napahawak siya sa braso nito.

"Wag mo akong iwan. I need your help" napilitang pag-amin ni Charlie dito. Kath eyes glint a dangerous shade. Her lips curling up in a knowing smile. As usual wala siyang mailihim sa kaibigan.

"You should have said so earlier. Anong gusto mong gawin ko kay Tessa?" nangingiting tanong nito. That was fast. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot sa nakita niyang reaksyon ng kaibigan sa request niya.

"Distract her"

"Hmmm…Madali lang ang pinapagawa mo. I'll do it"

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Oo naman. Besides, I think I need some entertainment"

Entertainment huh? Napangiwi si Charlie sa narinig pero mabuti na lang din pumayag ito sa pinapagawa niya ng hindi nagtatanong ng dahilan. Kung sakali kasi na magtanong ito kahit may nakahanda siyang rason dito hindi pa rin niya kayang magsinungaling ng harapan sa kaibigan. At kung ginawa niya nga iyon siguradong malalaman din ni Kath na nagsisinungaling siya dahil may pagka-psychic nga ito. Kaya nga ang best route is to avoid answering other further questions. Nang makatawid sila sa kabilang kalsada ay agad na pinindot ni Charlie ang doorbell. Hindi niya maiwasan ang hindi kabahan. From here on out—it`s like she`s entering a battlefield and she needed to get out unscathed and victorious. Kailangan niyang maging maingat. She just hope everything will fall according to plan.

"Wait" biglang bulong sa kanya ni Kath. "Do you even know where to look?" Gulat na napatingin si Charlie dito. "What?" Charlie breathed.

How the hell did she know? Kaya ba hindi ito nagtanong ng dahilan sa kanya dahil alam na pala nito ang balak niyang gawin?

"Never mind. I'll handle it for you" makahulugang saad ng kaibigan. Tulalang nakatingin nalang si Charlie kay Kath hanggang sa pagbuksan sila ng guard nina Tessa at salubungin ng katulong nito. Hindi siya nakaimik at nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa makapasok sila sa loob. Hindi nga lang basta bahay ang pinasukan nila—isang palasyo ang nadatnan nila. Napalunok si Charlie sa nakita. Everything inside the mansion screams of Extravagance, Power and Grandiose Beauty. Biglang tumiklop ang bahag niya. Paano niya makikita ang dapat niyang hanapin sa ganito kalaking bahay? Bukod doon nakakasiguro siyang walang hindi makakakita sa bawat kilos niya dahil sa CCTV camera na nakalagay sa bawat sulok ng bahay na iyon. Wala pa nga siyang concrete plan kung paano makakapasok sa loob ng kwarto ni Tessa. Ang tanging nasa isip lamang niya ay pumuslit habang abala ang mga ito sa pag-aayos ng lay-out nila ngunit dahil sa CCTV—hindi na niya alam ang gagawin niya.

"You're late" ani Tessa sa malamig na boses ng bigla itong sumulpot sa pinakataas ng grand staircase ng mansiyon habang nakapamaywang sa kanilang dalawa. Nakasuot ito ng long white flowy dress habang nakalugay ang itim at kulot nitong buhok na umabot hanggang baywang nito. Napakurap si Charlie sa nakita.

"Woah! May engkantada" namamanghang bulalas na banat ni Kath. Kunwaring nasamid si Charlie sa narinig para pagtakpan ang muntikan ng bumulwak na tawa mula sa bibig niya.

"You brought a friend with you" halata ang disgusto sa boses na saad nito habang nakatingin kay Kath. Pinagmasdan nito ang kaibigan mula ulo hanggang paa pagkatapos ay sumimangot.

"She's a member too" maikling paalala ni Charlie dito

"Yeah right. I thought she quit"

"Well, you know me. That's just my style" Kath answered coolly.

"Whatever. Come on up. You're wasting my time"

"What's her problem?" mayamaya ay bulong ni Kath habang umaakyat na silang dalawa sa kumikinang na hagdanan ng dalaga. She was almost afraid to take a step or to touch the balustrade thinking that she might dirty it. It's freaking pristine white! For Pete's sake!

"Ssshhh! Gusto mong matigok ng maaga? Besides she's always like that—that's her style" pabulong na sagot naman niya habang pasulyap-sulyap kay Tessa na pinagmamasdan din silang dalawa. "My style is still way cooler though" Kath quipped.

Natatawang napailing si Charlie sa sinabi nito. Nang makarating sila sa taas sinundan nila si Tessa ng bigla itong kumaliwa. They passed a long hallway with different paintings attached on every wall. May malalaking vases din na katulad ng nakikita niya sa mga museums na nakalagay pa sa loob ng mga glass casings. It looked like they're in a freaking museum—not somebody's home. What the hell is with this place?! Nakakatakot makabasag ng gamit. Baka kahit mag-trabaho siya ng buong buhay niya hindi niya makayanang bayaran ang milyones na halaga ng bawat gamit na nandoon.

"You're staring too much" nangingiting puna ni Kath sa kanya. Naramdaman ni Charlie ang biglang pag-init ng magkabilang pisingi niya. Tessa snorted.

"She's right. Try not gawk. It's unsightly" nakaismid na sabat naman nito. Charlie almost gouged her eyes out. "Well, it's fine really. On the other hand I'm salivating. There's good food right?" Kath inquired not the least bit embarrassed with her question.

"What? Are you crazy?" manghang bulalas ni Tessa.

"Naglalaway lang baliw agad? Di ba pwedeng gutom lang. And besides kanina pa tayo naglalakad para na tayong nag walkathon nito. Wala bang shortcut dito?" reklamo pa ng kaibigan. Muntikan ng madulas si Charlie sa napiling sabihin ni Kath and Tessa's reaction was priceless. She's actually itching to take a photo of her face.

"Gross" Tessa muttered under her breath

"Narinig ko yun" Kath shot back.

"Kath wag kang makipag-away" kinakabahang awat niya dito. Tumikwas ang kilay ng kaibigan. Charlie groaned out loud. She's not the least bit embarrassed or intimated. It even looked she's enjoying herself. Is this the entertainment she`s talking about? Ang galitin si Tessa?

"Were not fighting right Tessa?" Malawak ang ngiting ginawad nito sa dalaga. Tumigil si Tessa sa paglalakad at matamis na ibinalik nito ang ngiti ng kaibigan. It's like they're in a freaking contest at patamisan ng ngiti ang pinaglalabanan ng mga ito.

"Of course. Were not fighting. Just talking"

Oh crap! It feels like the situation is just gonna get worse—paano siya makakaubra niyan? "So may shortcut ba tayong pwedeng gamitin?" mayamaya ay muling hirit ni Kath dito.

"Sorry, walang shortcut but don't worry were almost there. And just tell me what you want to eat. I'll make sure to bring it to you" sarkastikong sagot naman nito. Tinalikuran na sila nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"That's so nice of you. Maybe I'll make a list then" pahabol na saad ng kaibigan. Charlie tripped. Mabuti na lang agad siyang naalalayan ni Kath kundi humalik na ang nguso niya sa red carpet ng mansiyon na iyon. Saglit na sinulyapan ni Charlie si Tessa ng ma-confirm na medyo malayo ito sa kanila siniko niya si Kath.

"I told you to distract her not to fight with each other. You're digging your own grave" mariing bulong niya dito. Nagkibit balikat lamang ito.

"Don't worry I'll be fine" nangingiting saad nito. Humarap siya kay Kath.

"Baka ipa-salvage niya tayo dahil sa talas ng di—" natigil si Charlie sa pagsasalita ng biglang ngumuso si Kath sa may harapan nito. Nang lumingon si Charlie muntikan na siyang mapakaripas ng takbo dahil sa hitsura ni Tessa na mukhang papatay ng tao at ang target niyon ay silang magkaibigan.

"Ahhh—ehhh…"

"Are you coming or not?" malagim ang boses na tanong ni Tessa.

Lumipad ang tingin niya kay Kath. Pinandilatan niya ito. Mukhang nakarating naman agad dito ang pinapahiwatig ng mga tingin niya dahil nangingiti itong napatango.

"Of course were coming" nangingiting pahinuhod nito.

"Let's go then" Tessa snapped. Charlie sighed in relief. Binalot ng tensyonadong katahimikan ang pagpapatuloy ng paglalakad nila. Hindi malaman ni Charlie kung iyon ba ang naisip na estratehiya ni Kath para i-distract si Tessa pero kung iyon nga ang balak nito mukhang mas lalala ang sitwasyon pag nagpatuloy ito sa ginagawa. Baka patalsikin lang sila ni Tessa palabas ng bahay nito. Gusto lang niyang matapos ang gabing iyon ng walang major drama at siyempre ang makuha ang pakay niya.

"We're here" Tessa suddenly announced. Huminto silang tatlo sa may tapat ng isang higanteng double doors with matching brass handlers pa. May nakaukit din na mga intricate designs sa may pinto na mas lalong nakapagpamangha kay Charlie. This place really looked like a museum. Napamatang sinundan na lamang ni Charlie si Tessa ng buksan nito ang pinto at ang sumalubong sa kanila sa loob ay mas kamangha-mangha pa kaysa sa nakita niya sa labas. There's a grand piano in the corner with a balcony at the side overlooking a spacious garden. Meron ding hilera ng bookshelves sa may isa pang corner ng kwarto na punong puno ng iba't-ibang makakapal na hardbound books at katulad sa may hallway mayroon ding nakalagay na iba't-ibang paintings sa bawat dingding pati na rin iba't-ibang klase ng vases mapamalaki man iyon o mapamaliit. The walls are coated with gleaming white paint. It looks too pristine and so pure. Sa gitna ng kwartong iyon ay nakalagay ang isang expensive looking couches with a glass table and a vase of red roses at it's center at kasalukuyan lang namang prente ngunit eleganteng nakaupo doon ang bawat miyembro ng journalism club ng Rosenthal Academy. It was a picture perfect scene matched with their undeniable beauty and air of confidence—isabay pa ang animo'y simple ngunit alam niyang mamahaling damit at accessories ng mga ito. Even though it`s a year already, Charlie`s still not used to this kind of opulence. She almost bolted out of the door when Kath suddenly exclaimed loudly and cheerily.

"Hi guys!" Sunod-sunod naman na bumati ang bawat isa dito.

"Hi Madam!" mayamaya lamang ay magkakasabay na bati naman ng mga ka-miyembro niya sa kanya. She instantly relaxed when she heard their voices. Everybody in the club calls her Madam simula ng ma-elect siya as the Editor-in-chief ng school paper nila bukod pa iyon sa trabaho din niya as a photojournalist katulad ni Tessa.

They're nice people Charlie thought silently. Napabuntong hininga si Charlie. She somehow felt stupid for worrying too much. Sinuklian niya ang mga ngiti at masiglang bati ng bawat isa.

"Goodevening guys! Napaka-energetic niyo ngayong gabi kaya bago pa maubos ang energy niyo. Umpisa na tayo sa ating agenda?"

Everybody nodded in agreement. Agad na kumilos na ang mga ito—presenting each other's ideas and whatnots. Kahit si Tessa nakapagtatakang napaka-cooperative, mabuti iyon dahil makakapag-focus siya sa mga dapat niyang gawin. They were all so immersed in their work, even Charlie almost forgot the real reason why she came.