Nakabalik na si Charlie sa may locker room ng bigla siyang nakarinig ng yabag ng mga paa. Awtomatikong natigil siya sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid. Agad siyang nagtago sa may gilid ng pinakamalapit na locker. Sumilip siya at saktong bumukas naman ang pinto. Lalo niyang isiniksik ang sarili sa may gilid. Narinig niya ang pagbukas ng metal door ng locker.
"Ano bang hinahanap mo? Kailangan na nating bilisan kung hindi mananagot tayo"
"Ano ka ba! Umalis naman yung amazona. Hindi pa agad babalik iyon. May sinugod na naman yata at tsaka kailangan kung makita yung calling card na binigay sa akin ni Miranda. Nakalagay lang iyon kanina sa bulsa ko"
Amazona? Si Ana ba ang tinutukoy ng mga ito? Ito lang naman ang kilala niya na may ganoong nickname sa mga kapwa estudyante nila. Kung ganoonn—dalawa sa regular members ng swim team na dapat ay nasa community service nito ang nandito ngayon? Hindi siya dapat makita ng mga ito!
"Sino bang tatawagan mo?"
"Si Andrei" Natigilan si Charlie sa narinig. Si Andrei Montenegro ba ang pinag-uusapan ng mga ito na dating miyembro ng swim team?
"Saglit, titignan ko sa may shower room baka naipatong ko sa may lababo"
Lagot na! Hindi na ba matatapos ang kalbaryo niya ng araw na iyon? Parang hinahabol na asong tumakbo siya papasok ulit ng shower room at dahan dahan na na ini-lock ang pinto. Sakto namang lumabas si Alessandro mula sa stall at napansin niya nakatapis na ito ng tuwalya. Lumapit agad siya dito.
"Bakit bumalik ka?" Nagbago ba—" sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang tinakpan ang bibig nito at sinenyasan itong tumahimik.
"Nandito yung mgaka-teammates mo" bulong niya dito. Tinanggal ni Alessandro ang kamay niya mula sa bibig nito.
"So?" pabalewalang sagot naman ng binata. Napaungol si Charlie sa sobrang inis. Gusto na niya talagang lamukusin ang pagmumukha ni Alessandro dahil sa napaka-bland na reaksyon nito sa sitwasyon nilang dalawa ngayon.
"Anong so? Nandito ako!" mariin niyang sagot
"Ahhh…"
"Anong gagawin natin?"
"Na i-lock mo na naman ang pinto diba? Hindi na sila makakapasok"
Medyo nakahinga si Charlie ng maluwag. "Sigurado ka? I mean wala ba silang sariling key na pwedeng gamitin?" paninigurong tanong niya. Puno ng konsentrasyon na napaisip si Alessandro ng bigla itong natigilan ng may na-realize.
"Oo nga pala, may spare key sa may receiving area para sa susi ng lahat ng rooms dito. Baka iyon ang gamitin nila"
"You know what? I really am dying to kill you" she enunciated each word lacing with anger.
"Looking forward to it" nangingiting sagot naman nito.
Walang babalang hinila ni Charlie si Alessandro papunta sa may pinakadulong shower stall at isinara ang curtain. Sumiksik si Charlie sa pinakasulok. Mayamaya lamang ay lumapit ng bahagya si Alessandro sa kanya at bumulong sa may gilid ng tainga niya.
"What are we doing?"
"Hindi ba obvious? E di nagtatago"
"Bakit kasama ako?" naitirik ni Charlie ang mga mata. "Siyempre kasama ka—" nanlalaki ang mga matang napatitig siya dito. Nang matauhan ay agad niyang tinulak palabas si Alessandro pero para siyang tumutulak ng pader dahil hindi man lang ito natinag sa pwesto nito. Pinandilatan niya ito.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" nagkibit balikat ito. "Tinutupad ang kahilingan mo. You want me here with you right?"
Sisinghalan na naman sana niya ito ng bigla niyang narinig ang pagbukas ng pinto ng shower room. Nanigas si Charlie sa pwesto niya. Ang tanging naririnig niya lang ng mga sandaling iyon ay ang lakas ng tibok ng puso niya pati narin ang pinaghalong tunog ng paghinga nilang dalawa ni Alessandro. Awtomatikong lumipat ang tingin niya kay Alessandro—at iyon ang naging pagkakamali niya dahil lalo lamang dumagundong ang tibok ng puso niya na parang drum roll sa isang parada at sa sobrang lakas ng tibok niyon, nabibingi na siya at nahihirapang huminga.
Nasisiguro niyang naririnig din iyon ng binata. Nag-init ang buong mukha ni Charlie. Gusto niyang alisin ang tingin dito ngunit ayaw sumunod ng mga mata niya habang patuloy lang din si Alessandro sa matamang pagtingin nito sa kanya. Sa ayaw man o sa gusto ni Charlie iba ang hatid na pakiramdam ng pagkakalapit nila ni Alessandro. Animo'y gusto pa nga niyang bagtasin ang natitirang maliit na distansya sa pagitan nilang dalawa ng binata.
"Theo napansin ko pala ang gamit ni Captain sa labas. Nagpa-practice ba siya ngayon?" anang isang boses na nakapagbalik sa huwisyo niya. Gulat na napatayo siya ng tuwid. Nilagay ni Alessandro ang daliri nito sa labi niya.
"Sigurado kang gamit niya iyon?"
"Oo, pero wala namang tao sa pool baka nandito siya ngayon. Captain! Captain!"
Naaalarmang tumingin siya kay Alessandro. Palapit na ng palapit ang boses. Mabilis na hinubad ni Alessandro ang twalyang nakatapis dito at isinabit iyon agad naman niyang iniwas ang tingin dito. Lalong nag-init ang buong mukha ni Charlie. Mayamaya lamang ay walang pasubaling binuksan ni Alessandro ang shower. Muntikan nang mapahiyaw si Charlie dahil sa gulat at lamig ng tubig. Nagsimula ng lumikha ng ingay ang patuloy na lagaslas ng tubig at tuluyan na siyang nabasa pero wala nang panahon si Charlie para mainis dahil mas mabuti na iyon kaysa ang mahuli sila. Bigla siyang sinenyasan ni Alessandro na sumampa sa may nakausling cement sa may gilid niya. Agad namang tumalima si Charlie at lalong siniksik ang sarili sa gilid. Napapikit na lang siya ng bahagyang binuksan ni Alessandro ang kurtina kung saan ito lamang ang nakikita at natatakpan naman siya.
"Stefan, Theo anong ginagawa niyo dito?" ani Alessandro sa maawtoridad na boses
"Pasensiya na Captain, may hinahanap lang kami" ani Stefan.
"May community service kayo ngayon. Bumalik na kayo agad kung ayaw niyang lalong lumala ang parusa natin"
"Pabalik na kami—pero teka diba dapat kasama ka din namin?" saad naman ni Theo.
"Kinailangan ko lang lumangoy pampatanggal ng stress pero susunod na ako pagkatapos ko dito. Sige na, mauna na kayo"
Akmang isasarado na ulit ni Alessandro ang kurtina ng bigla itong pinigilan ni Stefan. Muntikan na siyang madulas sa kinatatayuan dahil sa gulat.
"What are you doing?" sita ni Alessandro dito.
"Pasensiya na Captain para kasing may nakita ak—"
"Sige Captain, alis na kami" biglang paalam naman ni Theo. "Halika na Stefan"
"Teka! Wag mo naman akong hilahin"
Sa wakas aalis na ang mga ito. Makakahinga na din siya ng maluwag. Sinubukang sumilip ni Charlie mula sa may pwesto niya ng biglang nagtama ang tingin nilang dalawa ni Stefan na naglalakad sa may likod ni Theo. Gulat na pinagmasdan siya nito. Nanigas naman si Charlie sa pwesto niya. Hanggang sa iniwas ni Stefan ang tingin sa kanya at dumiretso ng alis pero hindi nakaligtas sa paningin ni Charlie ang ekspresyon na rumehistro sa mukha ni Stefan. Nanglalambot na bumaba siya sa semento. Mukhang kinakailangan niyang kausapin si Stefan as soon as possible but how will she explain everything?
"Aalis na ako" anunsiyo ni Charlie kay Alessandro. Sinigurado muna niyang nakalabas na ang mga ka-teammates nito bago siya magsalita. Lumabas na siya mula sa shower stall habang nanatili pa din sa loob ang binata na napansin niyang nanatiling tahimik simula pa kaninang umalis sina Stefan at Theo. Lumipat ang atensyon niya sa basa niyang damit ng biglang may malamig na tubig ang tumalsik sa direksyon niya. Pinukol niya ng masamang tingin si Alessandro. Mabuti na lang nakatapis na ulit ito ng tuwalya. Animo'y parang inspector naman na sinusuri siya nito simula ulo hanggang paa at ng makuntento muling nadikit ang tingin nito sa mukha niya. Biglang nag-iba na naman ang paraan ng pagtitig ni Alessandro. He's not the same playful Alessandro earlier. He's the normal serious and baffling Alessaandro that sometimes give her the chills.
Bipolar ba ito?
Kinakabahang napalunok si Charlie at agad siyang umiwas ng tingin. Mas mabuti pa sigurong umalis na siya kaagad. Mukhang may hindi magandang mangyayari kapag nanatili pa siya doon. Lalo na't ganoon ang hitsura nito. Bigla niya itong tinalikuran ng walang babalang marahas na hinila siya ni Alessandro pabalik sa loob ng shower stall at isinandal sa malamig na pader habang ipiniwesto sa magkabilang gilid niya ang matitipunong braso nito. Halos maharangan na ang paningin niya at wala siyang magawa kundi itutok ang tingin sa mukha ng binata.
Calm down! Calm down! Don't freak out! You can handle this.
Nagpakawala si Charlie ng isang malalim na buntong hininga para kalmahin ang sarili pero ang totoo ang lakas pa din ng kabog ng dibdib niya. Naririnig ba nito ang lakas ng tibok ng puso niya?
"An—o na naman?" basag niya sa katahimikang nanaig sa pagitan nilang dalawa. Unti-unting lumapit ang mukha ni Alessandro sa kanya at nilukob ng mainit na hininga nito ang balat niya na naglandas pababa sa leeg ng dalaga. Napapikit si Charlie sa sensasyong bumalot sa kanyang buong katawan na nagdala ng kakaibang kiliti sa sistema niya. Biglang nanginig si Charlie. Hindi niya malaman kung sa takot ba? Anticipation? O sadya talagang ganoon ang itinatagong sikreto ng mainit na hininga ng binata? Ang ganoong pakiramdam tanging si Alessandro lang ang kayang magdulot niyon sa kanyang sistema—o baka dahil ito lang ang natatanging lalaking hinayaan niyang makalapit ng ganoon sa kanya? It felt exhilarating and annoying at the same time. Nang walang babalang hinapit ni Alessandro ang kanyang baywang palapit sa katawan nito, her body responded in overdrive. She almost gave in to savor the moment well almost—until he opened his mouth again.
"Sa susunod wag kang gagawa ng bagay na hindi mo man lang pinag-iisipan. You never know the consequences. I could do something to you right now, you know?" anito sa nagbabantang tono.
Hindi nakaimik si Charlie. Hind niya alam kung ano bang dapat niyang isagot sa sinabi nito.
"Hindi ka naniniwala?" manghang tanong nito sa kanya. Napalunok si Charlie.
"Hindi mo gagawin iyon" mahinang tugon ni Charlie sa binata. Alam niyang hindi ito gagawa ng ganoong klaseng bagay. Kung ganoon, ano ang naramdaman niya kanina? Bakit niya naisip na may hindi magandang mangyayari kapag nanatili pa siya doon?
Charlie shook her head. Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata. "Alessandro Roman Gatchalian, you can be a lot of things pero hindi ikaw ang tipo ng taong maghuhukay ng sarili mong libingan. You're not that shallow and stupid" seryosong saad niya dito.
Animo'y napaso na bigla siyang binitiwan ni Alessandro at naglagay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hindi maiwasan ni Charlie na hindi hanapin ang init na dala ng haplos nito. "Hindi mo ako kilala" anito sa malamig na boses. Charlie shivered.
"Just leave" he stated coldly. Kung kanina kating-kati na siyang umalis ngayon naman para siyang napako sa pwesto niya. Hindi niya magawang umalis lalo na't ganoon ang hitsura ng mukha ng binata. He shut himself again. He looked disturbingly cold and desolate. Pakiramdam niya parang bigla unti-unting binabalatan ang puso niya. Bakit ba ganoon na lang ang epekto nito sa kanya? Especially when it looks like he's hurting inside.
Charlie thought that she just wanted to make up to him for all the the trouble that she caused last time that's why she's trying to help him. She thought that it's only normal to worry about other people's welfare sometimes that there's nothing special about that. Lalo na't in the first place trabaho niya bilang isang prefect ang makinig sa troubles ng mga estudyante pero bakit parang may mali? Hindi niya maiwasang hindi isipin na may iba pang dahilan kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya. Naguguluhan na siya.
"You're right. I just got too caught up with how interesting you are but you're not really my type. No matter what happens I will never look at you or hold you the same way I did the others. It's just impossible" nagyeyelo ang boses na turan ni Alessandro sa kanya.
Animo'y binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig si Charlie and there was a sound of her fragile heart breaking into tiny million pieces. Hindi siya makahinga ng maayos. Mahigpit siyang napakapit sa kanyang dibdib. She doesn't know what to do. It hurts too much. What's going on? Suddenly, everything around her became dark and dull. Is it because of what Alessandro said? But Charlie knew from the start that she's not his type, that he would never ever consider her. They don't live in the same world. In first place, she never believe in fairytales nor happy endings. There's no Princesses and Prince Charmings. Daydreaming is not her hobby. She's always only look straight ahead towards reality no matter how crappy life is—that's all there is to it. And yet why it was heartbreaking when she heard him say it straight from his mouth?
At that moment, biglang nag-flashback sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Vanessa at ang mga salitang binitawan nito noon sa kanya.
"Someday, maiintindihan mo rin ang nararamdaman ko at pag nangyari iyon ako na ang pinakamasayang kaibigan sa balat ng lupa. You'll see Charlie, if you find that person you love whether it's all against reason and everything that you believe in you'll still find yourself falling for him and fighting for that love dahil malalaman mo na lang na ang nag-iisang taong iyon ang magiging lahat-lahat para sayo na hindi mo na iindahin ang lahat ng sakit at sacrifices na kailangan mong gawin. Of course it sounds stupid to you right now but love has always been like that. It defies logic"
There's no way this is happening. She likes him? As in really likes him? Charlie shook her head. No, this must be a mistake. It's just a mistake. There's no way that she likes him.
Animo'y parang magnet na muling bumalik ang tingin niya kay Alessandro. Nag-init ang buong mukha ni Charlie at muli niyang iniiwas ang tingin dito. Naikuyom niya ang palad. She's trembling inside—ruining the very foundation she built to protect herself from everything. This is just too much for herself to handle. She bit her lip too hard than she intended. The next thing she knew she already tasted her own blood. Napakapit si Charlie sa labi niya. Biglang sumaklolo naman si Alessandro sa kanya.
"What's going on? Ayos ka lang ba?"
"Don't talk me"
"What?" incredulous na bulalas nito. "You hurt your lip"
"Don't talk to me, I can't think"
This is seriously bad. Not him. Please, not him.
"Are you really al—"
"I hate you! I hate you! But—what am I going to do now?!"
"Woah! Calm down!"
"I can't calm down!"
Thank God for small miracles. Somehow, Charlie found the strength of her legs and she march out of the stall like there's no tomorrow. It's shameful to admit but she know she's trying to run away. She's trying to run away from him and her feelings. Biglang hinawakan ni Alessandro ang kanyang kamay para pigilan siyang umalis. Nag-aalalang tumitig ito sa kanya.
"Did you finally lost it when I told you that you're not my type?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Sinubukan niyang kumawala ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa
kanya.
"Are we seriously talking about this right now?! I've got another bigger problem to think—"
Love defies logic.
Does that mean thinking hard about it won't get her anywhere? If--if it's true that she likes him it's also possible that maybe…maybe it's not love yet. Maybe it's not that deep yet. Can she still save herself from her impending doom? Biglang natuon ang atensyon ni Charlie sa labi ni Alessandro. A thought struck her mind and before she knew it she found herself suggesting something ridiculous to Alessandro
"You said that I'm not your type right? Then, it's fine if I do that"
"What are you talking about?" it's Alessandro's turned to get confused.
"I'm sorry. I just really need to confirm something besides I'm kind of angry right now…"
Biglang nag-flashback sa isip ni Charlie ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alessandro noong nasa bahay sila nito. At that time she didn't know what he's thinking but now, she can't believe that she's thinking the same thing. Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata.
"Will you give me your permission"
"What?!"
"Scratch that. I don't need one"
"Anong nangyayari sa—" Charlie crossed the distance between them and kissed him full in the mouth. She doesn't know how to kiss—hell she never kiss anyone until jerkface Alessandro but once she's in his arms and she tasted his lips all thoughts faded to oblivion. The only thing remains is the feeling—the feeling of never wanting to let go. Even though it taste too achingly sweet, too achingly perfect that it must be a dream. The kiss made everything feels like in perfect symmetry and there's an undeniable moment of tranquility. It feels right to be in his arms—and there could be nothing more right than this. That's right. The only place where she wanted to be but also the only place where she can't go to. Just as he said, it's impossible.
It's impossible. It's her wake up call.
Charlie slowly and achingly pushed him away putting a small enough distance between her and Alessandro but to Charlie it felt like a chasm to her. It left her feeling cold and empty inside. It was scary and it's gotten hard to contain her tears. It's like a dam was opened in her eyes. Everything looks blurry aside from his face and her heart in perfect clarity. It's too perfectly clear, Charlie smiled in tears.
"You're right. It's impossible. I'm sorry" Charlie murmured. She didn't wait for him to answer. She ran away knowing all too well that's the only thing she can do.