Chereads / Trembling Hearts / Chapter 15 - RUMORS

Chapter 15 - RUMORS

Napabalikwas ng bangon si Charlie ng marinig niya ang nakakabinging tunog ng alarm clock niya. Sinilip niya ang oras. It`s 7:00 am. Agad niyang inabot iyon at pinatay. Napapagod na bumangon si Charlie. Hindi pa siya nakakatulog simula kagabi. Nahiga lang siya sa kama niya dilat na dilat ang mata habang tulala sa kawalan. She was actually surprised that she stopped crying at the later half of the morning. Siguro kasi dehydrated na siya sa kakaiyak—wala ng mailalabas na luha ang lacrimal gland niya. Mapait siyang ngumiti. It's been a long time since she cried but for some reason—she doesn't feel that much in pain like yesterday. Nakatulong ang pag-iyak niya pero hindi noon mabubura ang katotohanang namamaga ang mata niya at higit sa lahat ang bigat ng pakiramdam niya. She doesn't feel like doing anything today.

And it's all because she's heartbroken! Damn it!

Hindi pwede. Kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili. She can't go on like this. Mabuti na lang she has more than enough time to prepare for school. Lumapit siya sa salamin para tingnan ang namamaga niyang mukha ng mahagilap ng kanyang mga mata ang mga litratong nakadikit sa may isang gilid ng dingding ng kwarto niya. Dahan-dahan siyang lumapit doon hanggang sa makita niya ang litrato nilang dalawa ni Vanessa na nasa may pinakagitna ng collage of pictures niya. Iyon ang pinakahuling picture niya na kasama ito Matagal na rin na hindi niya ito nabibisita. Maybe she will visit one of these days. She misses her. Bigla namang sumulpot ang mukha ni Alessandro sa isip niya.

Tinignan niya ng masama ang litrato ng kaibigan. "You really do know how to leave words of wisdom to your good'ol pathetic friend Nessa. You should be happy now, you're bestfriend finally realize she's in love and got rejected at the same time actually"

Natawa si Charlie and it sounded hollow in her ears. What am I going to do? I want to see him now. Marahas siyang napailing.

What the heck! Hindi pwede. I need to move on! If only that's easy. Laglag ang mga balikat na nagmartsa siya papunta ng banyo para maligo. Maybe, the cold water will help her regain her wits. Matapos maligo at makapagbihis dumiretso siya sa komedor para mag-almusal at ang unang sumalubong sa kanya ay ang nakakasilaw na ngiti ng kanyang ina. Napamata si Charlie sa nakita. Tinignan niya ang wristwatch niya. It`s still 8:10 in the morning.

"Good morning Charlaina" masiglang bati nito habang patuloy ito sa pag-aayos ng mga pinggan at kubyertos. Kasunod niyon ay inilagay naman nito ang mga niluto nito. Mayroong bacon, hotdogs, itlog, pati na rin fried rice at ang paborito niya sa umagang inumin—hot milk with swirls of honey at the top. She wasn't expecting her. Ang akala niya si Lola Iris ang nasa baba ng makarinig siya ng ingay mula sa taas. She thought she was preparing breakfast for her instead it was her mother, unusually doing motherly duties.

"Go—od morning" nag-aalangang bati niya sa ina. Humila siya ng upuan at agad na umupo sa pwesto niya. "Si Lola Iris pala?" Umupo naman ang kanyang ina sa may tapat niya at natigilan ito ng makita siya nito ng malapitan.

"What happened to you? Namamaga ang mata mo. You look awful"

"Gee. Thanks for the reminder"

"Anong nang—" Charlie cut her off. She doesn't want to talk about it with her mother. Walang nakakaalam kung saan mapupunta ang pag-uusap nila kung saka-sakali mang sabihin niya dito ang problema niya "Nasaan si Lola Iris?" ulit na tanong na lang niya dito.

"Leave niya ngayon. Dadalaw siya sa anak niya"

"Leave? Wala siyang nabanggit sa akin"

"Nakalimutan sigurong sabihin sayo—gusto mo ng hotdog?" Sinimulan siyang pagsilbihan nito. Charlie can`t help but snort. "Kaya pala ikaw ang nagluto. Hindi ka na sana nag-abala" hindi na niya napigilang puna. Inilayo niya ang pinggan dito at inignora ang pagtatangkang pag-aasikaso ng ina at kumuha ng sarili niya.

"Ano ka ba minsan lang naman kita maipagluto e" nakangiting saad nito. Kung napansin man nito ang ginawa niyang pag-iwas ay hindi ito nag-komento bagkus agad na nilagyan siya nito ng itlog sa plato ng saglit na nawaglit ang tingin niya. Is she going to push through with this set-up?

"Ayoko ng itlog" mahinang imporma niya sa ina. "Oh just eat it. Wag ka ng mag-inarte" pabalewalang sagot naman nito. Biglang uminit ang temperatura ni Charlie. Kumuha naman ito para sa sarili nito at sinimulang kumain.

"Hindi mo na kailangang gawin ito. Kaya ko naman e. You don't have to start doing things for me. Besides, you're too late anyway" sunod-sunod na niyang litanya sa ina. Biglang umasim ang mukha nito. Good. She had gotten through her.

"As I've said, minsan ko lang naman ito nagagawa para sayo kaya pwede ba kumain ka na lang. Anyways, aalis pala ako ngayon I'll be back on Sunday"

Charlie chuckled derisively. "I knew it. May kailangan ka lang sa akin kaya mo ako pinagluto"

"You should be thankful na naiisipan ko pang ipaalam sayo ang mga ginagawa at gagawin ko"

"Yeah. I really should be thankful. Come to think of it, Im just your daughter" Inalis nito ang tingin sa kinakain at diretsa siyang tinitigan sa mga mata. It felt like Charlie had her heart squeezed tight she's having hard time breathing. Her mother doesn't even look a bit sorry.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Birthday kasi ni Francis kaya magbe-beach kami. Balak ko rin naman siyang ipakilala sayo as soon as possible. I'm thinking of a family dinner" Biglang nanigas si Charlie sa kinauupuan. Hindi siya umimik. Nawalan na din siya ng ganang kumain, pakiramdam niya maisusuka lang niya iyon kapag sinubukan niyang sumubo kahit kaunti.

"What do you think?" Sinusubukan ba talaga ng kanyang ina ang pasensiya niya? "Charlaina" muling tawag nito sa kanya. Hindi na nakapagtimpi si Charlie.

"Hindi ko siya gustong makilala. Kaya pwede ba wag niyo akong idamay sa mga kalokohan niyo"

"Mas lalo kang nagiging bastos ah! Sinasabi ko na nga ba at walang magandang maidudulot sayo ang pakikipag-kaibigan mo sa mga babaeng iyon"

Nagpanting ang tainga ni Charlie sa tinuran ng ina. Hindi lingid sa kanya at sa mga kaibigan niya ang indifference ng ina sa mga kaibigan. Matagal na kasi itong tutol sa pakikipag-kaibigan niya kela Keilah at matagal na rin niya itong sinusuway. This had been their common topic kapag nagkikita sila and it's all because of the stupid reason that they're not rich. Hanggang ngayon kasi nabubuhay pa din ito sa isang delusyon na mayaman pa din sila kahit ang totoo matagal na silang hirap sa pera.

"Ma pwede ba? Hinahayaan kita sa gusto mong gawin kahit pa ang makipag-relasyon ka sa kung kani-kanino kaya wag mo namang pakialaman ang relasyon ko sa mga kaibigan ko"

Padabog na tumayo si Charlie at kinuha ang bag niya pagkatapos ay dumiretso palabas. Mas mabuti pang umalis na lang siya kaysa ang manatili pa doon dahil siguradong mas magiging malala ang pagtatalo nila. Sinundan naman siya nito.

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Wala kang mapapala sa mga kaibigan mong yun. You could do better"

Marahas na hinarap niya ang ina. "I could do better?—Stop kidding me! Look where it got you? Nowhere! You have nothing but that stupid pride! Please lang let`s stop doing this. Baka hindi ko na kayanin at ayokong mangyari yun dahil katulad nga ng lagi mong sinasabi. I will always be your daughter and you will always be my mother. We have to bear each other's existence because were family. Ang meron na lang tayo ay ang isa't-isa"

Natigilan ito sa narinig. Charlie took that chance. "Alis na ako. Enjoy your vacation"

Tuloy-tuloy ng lumabas ng bahay si Charlie without waiting for her reply. Nakahinga rin siya ng maluwag—staying in that house was suffocating as always. Her mother has been in countless relationships ever since her Dad died when she was only 7. Simula ng mamatay ang ama ay umalis din sila sa dati nilang bahay—or more accurately pinalayas silang dalawa ng grandparents niya—ang mga magulang ng kanyang ama. Hindi lingid sa kanyang kaalaman simula pa pagkabata na hindi sang-ayon ang mga ito sa pagpapakasal ng mga magulang niya. Kaya pagkamatay pa lang ng Papa niya ay agad na silang idinispatsa ng mga ito ngunit hanggang ngayon ay naghahabol pa din ang kanyang ina sa pera na dapat daw ay para sa kanila bilang legal na asawa at anak ng papa niya.

Honestly, she was never interested in her father's money anyway. Charlie think that it was good thing that they moved out of the house and it would be even better if her Mom would just move on and cut ties with them for good. She can't remember anything about her Dad nor about her grandparents. Maybe it's because there was never a good memory to remember with. That's why it was never a huge blow for her when they lost everything but it was different for her Mom. Hindi nito kinayang mag-adapt sa bagong takbo ng buhay nila kaya ginagawa nito ang lahat para maibalik lang ang dating uri ng pamumuhay nito—that's why she even stooped low to have relationships with just about anyone who has huge paycheck.

Noong una tutol na tutol siya sa ginagawa nto. Meron pa ngang panahon noong kabataan niya na nagrebelde siya pero walang epekto iyon sa ina at sa mindset nito hanggang sa naisip niya na tama na. She would never be like her. Hindi siya tutulad sa ina na hindi mabubuhay kapag hindi nito kasama ang mga lalaki nito. She'll live a different life from her—and that's the only way for her to be happy. Pumasok siya sa Rosenthal Academy dahil iyon na lang ang nakikita niyang natatanging opurtunidad para matupad niya ang mga bagong pangarap niya para sa buhay kahit pa kailangan niyang makasanayan ang panibagong environment na kakaharapin niya. So far she's holding on and she doesn't intend to give up. She just needed to graduate from that school and everything will follow according to plan. She will set aside anything even if that means running away from everything. Charlie just hopes nothing will happen that would ruin her plans.

SIMULA pa lang ng pagpasok ni Charlie sa gate ng eskwelahan nila—hindi niya maiwasang hindi isipin na lahat yata ng tao sa paligid ay nakatingin sa direksyon niya at pinagbubulungan siya. Nagpalinga-linga siya at kapag tuwing sinusubukan niyang tignan ang mga ito sa mukha ay umiiwas agad ang mga ito ng tingin at lumalayo sa kanya. And for some reason—the air feels heavy. What exactly is going on?

Napahawak si Charlie sa mukha niya. Dahil ba iyon sa hitsura niya? Halata pa din kasi ang pamamaga ng mga mata niya hanggang ngayon. Hindi umubra ang make-up na nilagay niya para pagtakpan ang disaster ng mukha niya. Nagmamadaling umalis si Charlie patungo sa prefect office. Gumamit pa siya ng shortcut para umiwas sa mga estudyante. Mukhang malala nga ang hitsura niya at wala siyang balak na i-display pa ang mukha niya hangga't hindi niya naiaayos ang pamamaga niyon. Nang makapasok si Charlie sa loob ng office nila ay nanghihina ang mga tuhod na napaupo siya sa may swivel chair. Mayamaya lamang ay biglang marahas na bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Keilah. She looked at her intensely—like how others did earlier ngunit agad din naman itong naka-recover at bigla siyang sinugod nito.

"What the hell do you think you're doing?!" biglang singhal ng kaibigan sa kanya.

"Woah! Wait, calm down! Anong ginawa ko?"

"I didn't say anything because I know you're smart enough to stay away from him pero anong ginawa mo?"

"Keilah, hindi kita maintindihan. Pwede bang paki-explain ng maay—"

Biglang humahangos na dumating naman si Sheena. She look completely winded and terrified. "Keilah! Keilah!" natatarantang tawag nito.

"What's wrong? Bakit humahangos ka Sheena?" naguguluhang tanong ni Charlie sa kaibigan. Nanlalaki ang mga matang napatutok ito sa kanya.

"We've got a big problem!!"

"Problem?"

"May picture…picture…naka-post sa may bu—bu—lletin…"

"Teka nga! Huminahon ka muna. Hindi kita maintindihan"

"I can't calm down! May nakakalat kang pictures sa buong campus! At pinapi-piyestahan na kayo ng mga estudyante!"

Charlie froze. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang makatingin ang mga ibang estudyante sa kanya kanina?

"Pi—pictures?" nauutal na ulit ni Charlie. "What pictures?"

`

"Pictures of you and Alessandro kissing inside the bathroom!"

Animo'y parang may dumagan ng isang bloke ng yelo sa buong pagkatao ni Charlie. Cold dread rushed inside her like a hurricane leaving her completely numb.

"Keilah, what are we going to do?" nag-aalalang tanong ni Sheena dito. Mariing napapikit si Keilah at hinilot ang sentido nito. "I don't know. It's all over the school. We can't stop it now" nanghihinang sagot naman nito.

"Nasaan? Saan naka-post yung mga pictures?" natatarantang tanong niya kay Sheena.

"Sa bulletins and it's all over the campus" agad namang sagot nito. Awtomatikong napatayo si Charlie at akmang tatakbo na palabas ng agad siyang pinigilan ni Keilah.

"Saan ka pupunta?"

"Tatanggalin ko ang lahat ng pictures ko" walang paligoy-ligoy na sagot niya dito.

"That's impossible!"

"Kailangan kong tanggaling iyon or else…or else…"

Charlie doesn't even want to think about it. "It's too late. It's not just the bulletins Charlie. It's in the webpage of the school too" seryosong saad ng bagong dating na si Kath. Hindi nila napansin na nakapasok na pala ito sa loob kasama sina Jessie at Ana.

"Sa tingin mo nakita na iyon ni Miss Rivas?" mayamaya ay tanong ni Sheena sa kanila.

"I don't know but Miss Rivas is coming here later in the afternoon. For now, let's minimize the damage and keep everyone in check" suhestisyon naman ni Kath. Tumango si Keilah.

"Let's do that" sang-ayon nito.

"I think you should stay here for awhile Charlie. Wag ka muna kayang umattend ng classes mo?" suhestisyon naman ni Sheena sa kanya.

"Hindi pwede. Kailangan niyang pumasok. Everyone will think that she's guilty kapag nagtago siya" saad naman ni Jessie.

Charlie snorted. She bitterly smiled. "But it's true that I'm guilty and I'm the one who initiated the kiss"

"WHAT?!!!!" nanlalaki ang mga matang sabay-sabay na sigaw ng lahat ng kaibigan niya sa kanya.

"Are you out of your freaking mind?" nanggagalaiting singhal naman ni Ana. Yeah. She's out of her mind but it doesn't change the fact about how she feels about him. There's no point in denying it.

"I was ho—hoping that was just photoshopped" saad naman ni Jessie habang tulala ng nakatitig ito sa kanya. "Since, you know almost everyone pretty much hate us" nanghihinang dagdag pa nito.

"Are you guys even together?" seryosong tanong naman ni Keilah sa kanya.

Suddenly, there's a humungous lump in her throat. No, were not together. Charlie wanted to say it but she can't. She can't open her mouth. She can't find her voice and there's a clawing inside her chest that continues to wound her heart. It's getting harder to breathe. It hurts too much.

I want to see him.

I want to be together with him. If only....

"Yes, were together" anang baritonong tinig sa may likuran nina Kath at Jessie. Natulos si Charlie sa pwesto niya. She knew that voice very well. Suddenly, everything about Alessandro seems familiar to her. Even if she close her eyes, she can still see his face clearly more than any other person out there.

"Anong gina—ga—wa mo dito?" gulat na tanong niya sa binata. Alessandro smiled and it warmed her inside. Yes, that's it. She likes seeing him smile.

"I came here to get my girlfriend"

"Gi—girlfriend?" naguguluhang ulit ni Charlie.

"GIRLFRIEND!!!!" nakakabinging sigaw naman nila Jessie. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kaibigan niya sa kanilang dalawa ni Alessandro. Lumapit naman sa kanya si Alessandro at hinawakan nito ang kamay niya. Marahan nito iyong pinisil. Tiny pinpricks of electricity flows beneath her skin and she savor the sensation brought by his touch.

"Let's go. Don't worry. I'll protect you" he said softly while looking at her straight in the eyes. Bigla naman binawi ni Ana ang kamay niya kay Alessandro. She glared at him.

"You can't. She needed to stay here. We need to deal with some problems—"

Alessandro cut her off "You don't understand. There's no problem here. It's only normal for couples to kiss right? It's as natural as breathing. So, there's no need to make a big deal out of it"

"Come to think about, he's kind of right but I never thought you guys would end up together" nangingiting saad ni Sheena kay Alessandro.

"Things happened that even we couldn't have predicted" punong puno ng sinseridad na paliwanag nito habang nakatingin sa kanya.

"Alessandro, you may think that it's not a big deal but it's a big deal for us. We can't just let a scandal llike this circulate inside the school promises" malamig ang tono ng boses na saad ni Keilah.

"I don't believe you. They're lying Keilah" seryosong saad naman ni Ana habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kanya. Napabuntong hininga si Alessandro.

"I guess I don't have choice" Before Charlie knew it, she's already in his arms and he's kissing her. She automatically wrapped her arms around his neck to deepen the kiss. Alessandro bit and nibbled her lips. Charlie groaned in pleasure and he took that chance and invaded her mouth, their tongues dancing in rhythm. Heat raced and shoots up her body—trembling for more. She wants more of him. Everything is right in her world again.

Is this a dream? If it's a dream, is it alright if she doesn't want to wake up? Charlie is ready set aside everything if that means staying in his arms like this If only this isnt't a lie.