Chereads / Trembling Hearts / Chapter 13 - PLAYFUL ACCIDENT

Chapter 13 - PLAYFUL ACCIDENT

Halos madulas si Charlie sa pagtakbo papunta sa may pool area dahil sa biglang lakas ng buhos ng ulan. Nang matanaw niya sa may di kalayuan ang glass dome building mas lalo niyang pinag-igting ang pagtakbo—nang makarating nagmamadaling binuksan ni Charlie ang double glass door, pumasok sa loob at dumiretso sa may pool area. Inaasahan niya na makikita niya doon si Alessandro habang prente itong lumalangoy ngunit wala ito doon. Wala ring tao ng mga sandaling iyon. Hindi na niya alam kung saan pa niya ito hahanapin.

Biglang sumulpot sa isip niya ang mukha ni Keilah pati na rin ang bilin nito.

"Charlie, go find Alessandro. Hindi ako makakapayag na lumiban siya habang nagta-trabaho ang mga kasamahan niya. I don't care what his reasons are make sure he does his job. Understood?" kulubot ang noo at iritableng utos ni Keilah kay Charlie.

"Bakit ako ang kailangang humanap sa kanya?!"

"It`s because he`s your job. You guys are assigned together. Kapag nakita mo na siya dumiretso na kayo sa may library para tulungan si Mrs. Villacruz"

Nanigas si Charlie sa narinig. "Are you serious?" nanlalaki ang matang muling kumpirma niya sa sinabi nito.

"Yeah. We`ll take care of the others just focus on making sure that Alessandro properly does his job"

"Hindi ba pwed—"

"Hindi" agap na sansala ni Keilah sa kanya. Charlie groaned. It looks like it will be another eventful day for her—that is whenever Alessandro`s around. Hindi alam ni Charlie kung good or bad news ba iyon. She just had a mind-blowing and nerve-racking encounter with him last time. Hindi niya alam kung ready na siya for another one. Charlie thinks that whenever he's around she needed to be prepared or she'll suffer some damage again though despite all that—she have to be honest that she's looking forward to seeing him again. She wanted to see him smile again no matter how creepy she thinks that is. She's really feeling conflicted right now!

"Don't just stand there! Find him already" dumagundong ang boses na muling utos ni Keilah.

"Oo na! Hahanapin ko na" Charlie gritted her teeth. She will make sure to make him work his ass off.

Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ito nakikita! Nagtitimping napahawak siya sa kanyang buhok na muntikan na niyang masabunutan. Ito na lang ang natitirang lugar na alam niyang pwede nitong puntahan. Nagtanong-tanong na siya kanina sa mga classmates ng binata pero walang nakakaalam kung nasaan ito ngayon, kahit ang mga ka-teammates nito walang ideya kung nasaan si Alessandro. Nang pumunta naman siya sa may parking lot nakaparada pa doon ang kotse nito. Kung alam lang sana niya ang cellphone number nito.

"Ano ba kasing nasa isip ng lalaking iyon at nagawa niya pang hindi umattend?" nanggagalaiting kausap ni Charlie sa sarili.

"Don't tell me, he's doing it again with Ms. Cacapit?!" kailangan ba niyang pumunta sa regular spot ng dalawa? Kumulo ang dugo ni Charlie dahil sa naisip. Kapag talagang nahuli niya itong gumagawa na naman ng milagro kasama si Ms. Cacapit malilintikan na talaga sa kanya si Alessandro! Matitiik na niya ang mga ito!

Biglang nahagilap ng tingin ni Charlie ang daan papunta sa may locker room. Charlie stiffened. For a moment, she`s having a hard time breathing and a sharp sting stab her temples. Marahas siyang napailing at sinimulan ang breathing exercise niya. Wala siyang ibang choice. Mukhang kinakailangan niya munang halughugin ang bawat sulok para makasiguro bago siya umalis at maghanap sa ibang lugar.

Nang medyo kalmado na si Charlie dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob ng makitang "clear" ang lugar tsaka lang siya tuluyang pumasok. Medyo nakahinga siya ng maluwag ng malaman na wala pang nakakakita sa kanya. Muling pinasadahan ng tingin ni Charlie ang kabuuan ng locker room ng may mahagip ang kanyang mata. Lumakad siya palapit sa nakabukas na gym bag na may lamang damit at ilang toiletries. Napangiwi siya. Dumako ang tingin niya sa kaakibat na shower room. Wala naman siyang naririnig na lagaslas ng tubig na indikasyon na may naliligo but still, she need to make sure. She can`t afford to lose him today. Keilah will kill her kapag hindi nila nagawa ang dapat nilang gawin ng araw na iyon. Maraming oras na rin ang nasayang sa paghahanap niya sa binata.

Humantong si Charlie sa isang desisyon. Wala siyang masamang intensiyon malinis ang kaibuturan ng kanyang konsensiya. Kailangan lang niyang makumpirma kung nandoon nga sa loob si Alessandro o wala. Bumira ng pasok si Charlie at sinimulang maglakad habang nanatiling alerto. Walang senyales na may tao sa loob ngunit mayamaya lamang ay nakarinig siya ng kaluskos sa may bandang likod niya. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tunog na iyon ng biglang ma-plaster ang mukha niya sa isang medyo matigas ngunit malambot at basang bagay. Napakapit siya doon para suportahan ang sarili hanggang sa may mapansin si Charlie. Dahan- dahang kinapa ng dalawang kamay ni Charlie ang nakapitan niya.

Malambot, crap!

Maumbok, shit!

Unti-unting iniangat ni Charlie ang kanyang ulo at sinalubong ng halos luluwa na niyang mga mata, ang mga mata ni Alessandro na kasalukuyang nababahiran ng amusement. Napaungol siya sa sobrang pagkapahiya.

"Done fondling me?" anang baritonong boses na nagdala ng sangkaterbang init na bumalot sa buong katawan niya at umabot sa bumbunan niya.

Please, kill her now!

Nagmamadaling inalis ni Charlie ang pagkaka-plaster ng mukha niya sa matitipunong diddib ni Alessandro. Pinaghalong kahihiyan at inis ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. At kung maka-react naman ito parang ginusto niya haplus-haplusin ang dibdib nito.

Nang muli niyang lingunin ang binata ay nakangisi pa talaga ito habang patuloy na nakatingin sa kanya. Continuation ba ito ng "Playful Alessandro" last time? Pero ang akala niya one time deal lang iyon! Pakiramdam ni Charlie bigla siyang mauubusan ng oxygen.

Breathe in! Breathe out!

Malalagutan talaga siya ng hininga dahil sa lalaking nasa harapan niya at katulad ng dati hindi siya makapag-concentrate dahil dito. Hindi din niya maiwasang hindi ito tignan at mapagkit ang tingin sa mukha at sa basang buhok ng binata. Tsaka bakit parang iba ang dating ng wet look nito sa sistema niya pati na rin ang amoy ng sabon nito na parang ang sarap dasal-dasalan gabi-gabi. Pati ba naman sabon nakakawala ng katinuan niya? Nasa delikado siyang sitwasyon ng mga sandaling iyon at kung alam lang ni Alessandro ang tinatakbo ng isip niya kahit ito kikilabutan. Tumikhim si Charlie.

This must only be due to shocked. Nothing else. Concentrate.

"Alessandro, mabuti na lang nandito ka. Hina—hanap talaga kita" stop stuttering you dolt! "Kailangan na nating pu—" hindi nakumpleto ni Charlie ang gusto niyang sabihin ng bigla itong namaywang sa harap niya at ng sundan niya ng tingin ang ginawa nito laking gulat na napako ang kanyang tingin sa may bandang baba. Tuluyan ng bumaliktad ang katinuan niya. Natulala ang dalaga. Biglang tumikhim si Alessandro.

"Waaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!"

For the love of! Mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod si Charlie. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nakita niya ang yamashita treasure. Siguradong mapapatay siya ng mga kababaihan at kabaklaan kapag nalaman ng mga ito ang nangyari!

"Ano ba naman Alessandro! Balutan mo nga yang sarili mo! Kung hindi..."

"Kung hindi ano?" bakas sa boses ng binata na pinipigilan nitong tumawa. Biglang nawala ang cobwebs sa utak ni Charlie ng may bigla siyang ma-realize. Pinagti-tripan siya nito!

"Kundi ibabalot kita sa banig at ipapatapon sa ilog Pasig!" nakatalikod pa rin na singhal niya sa binata.

"Why don't we just get both naked and I'll let you wrap your body around mine" Alessandro suggested smoothly.

Hati ang naging reaksyon ni Charlie. Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito pero hindi din niya maitangging nag-perk up and atribidang inner-self niya subalit sa kabila noon mas malaki pa din ang nabawing katinuan sa sistema niya. Hinarap niya ito at pinanlisikan ng mga mata. Pinanatili niyang nakatutok lamang ang atensyon sa mukha nito at hindi sa ibabang parte ng binata.

"Mas gugustuhin ko pang balutin ang sarili ko mag-isa at magpatapon sa ilog pasig kaysa…kaysa…ma—makasama ka!"

"That sounds pretty drastic. Come, don't be shy. I'm feeling generous today"

Nagsitaasan lahat ng balahibo ni Charlie sa katawan at pinipilit talaga niyang wag mapatingin sa ibang lugar bukod sa mukha nito dahil baka ma-paralyze siya.

"Hoy! Alessandro Roman Gatchalian! Manghilakbot ka nga sa sinasabi mo! Makakatikim ka na ng sapak sa akin e at bi—bi—lisan mo diyan, hihintayin kita sa labas" utos niya dito habang pilit pinapatatag ang boses kahit kanina pa niya gustong bumigay.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Charlie ang marahang tawa ng binata. Inignora niya iyon at malalaki ang hakbang na lumakad siya palabas ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay nangyari ang di inaasahan. Bago pa ma-process ng utak niya ang mga nangyayari malapit na siyang bumagsak sa semento. Kakawag kawag ang kamay na humanap si Charlie ng makakapitan pero wala siyang mahawakan. Napapikit na lamang siya—hinihintay na mangyari ang panibagong kahihiyan na mararanasan niya ng araw na iyon ngunit parang ang tagal ng oras. Hindi niya naramdaman ang malakas na paglagapak niya sa semento. Napadilat si Charlie. Kasalukuyang may bisig na pumulupot sa baywang siya. Nasalo siya ni Alessandro. Nagtama ang mga mata nila and it felt like she stepped into a freaking twilight zone because of his penetrating gaze that shocked her through her core. It felt like she's now treading in dangerous waters. Para siyang nasapo ng kung ano at nanginginig ang mga kalamnan na nanatili siyang suspended sa ere at sa mga bisig nito. Last time he was smiling, playful and concerned about her—and then now he`s different again and she can't quite explain how.

Biglang kumibot ang labi ni Alessandro at doon naman natutok ang atensyon ni Charlie.

"You should stop acting clumsy just to get my attention. All you need is to ask and say please" matabil ang dila na deklara ng binata. That ruined the moment. Biglang umabot na naman sa boiling point ang temperatura niya.

"Ang kapal mo!" asik ni Charlie dito. Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap sa kanya ni Alessandro pero mas lalong lumala ang kinahinatnanan nilang dalawa dahil tuluyan na siyang nawalan ng balanse, at sumunod sa kanya ang binata. Napatunganga na lang si Charlie ng makitang ininda nito ang pagkakalagapak sa semento habang siya ay prenteng nakapatong dito ng sinalo siya ng katawan nito. Sa pangalawang pagkakataon ay sinalo na naman siya nito. Napakapit siya sa braso ni Alessandro at agad naman itong umaray dahil sa sakit.

"Ayos ka lang?!" natarantang tanong niya dito.

"Yeah" anito ngunit hindi maipinta ang mukha ni Alessandro. Animo`y nawalang parang bula ang inis na nararamdaman niya dito dahil sa nakita niyang hitsura nito.

"Hindi ka ok e!" Magkahalong galit at takot na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Tumaas ang sulok ng labi ni Alessandro.

"Are you concerned about me?"

"Did you really have to ask that stupid question? Siyempre concern ako! Baliw ka ba! Na-injure ka pa ng dahil sa akin. Halika pupunta tayo ng clinic"

Nagmamadaling umalis siya sa ibabaw ng katawan nito ng bigla siya nitong hinila pabalik. "Don't move" saad ni Alessandro habang nakapikit.

"Bakit? Saan ba masakit? Anong gagawin ko kapag malala ang injury mo? May tournament pa naman kayo!"

She can't cause trouble for him again! Hindi ito sumagot bagkus nagulat na lamang siya ng lalo siya nitong hinapit palapit dito at muli siyang natumba sa may dibdib nito pagkatapos ay mahigpit siyang niyakap ni Alessandro. Naguguluhang napatitig siya sa binata nang biglang may naramdaman siya sa may bandang legs niya. Tuluyan ng sumabog ang bulkang Pinatubo ng ma-realize iyon Charlie. "Alessandro Roman Gatchalian!!!!" makapatid hiningang tili niya.

"You're the one who's on top of me" sagot nito habang hirap na hirap na tumatawa. "And just so you know, I'm a hot blooded male"

"Pero hindi ako ang type mo!" nanggagalaiting rason niya. Pinagbabayo niya ang dibdib nito. Kulang na lang i-headbutt niya si Alessandro para lang ma-release ang naiipong violent streak sa pagkatao niya.

"You wanna bet on that? I told you before you're being way too interesting and besides I'm a very diverse in—" imbes na bugbugin ito tinakpan na lamang niya ang bibig ng binata. Pagkatapos ay nagmamadali siyang tumayo at nagmartsa paalis ngunit bago iyon hindi pa rin niya napigilan ang sarili at sinilip ito. Hindi pa rin ito umaalis mula sa pagkakahiga nito. She doesn't care anymore! She's at her limit, she needed to get away. Pronto!