SAGLIT na tumayo si Charlie mula sa pagkakalagpak sa malambot na carpet at nagsimulang mag-stretching para mawala ang pamamanhid ng mga paa niya. Napatingin siya sa wristwatch niya—it's almost 10 o'clock. She squeezed her eyes shut pagkatapos ay sinimulang hilutin ang sentido ng biglang kumulo ang tiyan niya—too loud for everybody to hear. Tumingin ang lahat sa direksyon niya. Nag-init ang buong mukha ni Charlie. Nangingiting kinindatan naman siya ni Kath.
"Nagugutom na rin ako. Tessa your generous offer still stands right?" walang pag-aalinlangang paalala ni Kath dito. Her eyes twinkled. Tessa rolled her eyes.
"Of course. Magpapaakyat na lang ako ng pagkain dito. What do you guys want?"
Bawat isa may kanya-kanyang personal request from different kinds of salad to preferred drinks and desserts. "How about you Katerina? Where's your list now?" Tessa asked, sarcasm dripping from her voice but as usual Kath looked completely relax and unruffled
"Sorry. Nakalimutan kong gumawa ng listahan. I have one request nalang. Pwede bang samahan mo na lang ako sa kitchen niyo?"
"What for? Magpapaakyat na lang ako ng food dito" iritableng sagot naman nito. Habang tumatagal ang pag-uusap ng dalawa mas lalong tumataas ang pagkakatikwas ng kilay ni Tessa.
"Kasi ano e… paano ko ba sasabihin 'to…"
"Just spill it!" naka-angil ng utos ni Tessa.
"I have a lot of allergies with regards to food" mabilis na sagot ng kaibigan.
"And so? Just tell me what you can and can't eat"
"Since I'm very particular with my food gusto ko nandoon ako habang ginagawa. I just have to be there for a while yung tipong makikita ko lang. Kaya pwede mo ba akong samahan Tessa?"
Natigilan si Charlie sa narinig. This is her chance! Kapag mapapayag ni Kath si Tessa na samahan ito sa may kusina she can freely move and explore the place ng hindi mag-aalala na baka mahuli siya nito. At kung iisipin naman niya ang problema niya sa cctv pwede na lang siyang humabi ng kwento kung sakaling mahuli siya ng security na gumagala. Kinakailangan lang niyang mag-ingat sa mga kilos niya. Pero saan siya mag-uumpisang maghanap? Sa kwarto ng dalaga? She will think of something. Sa wakas makukuha na niya ang camera niya!
Ang galing nang naisip mo Kath! Ipagpatuloy mo lang iyan! "Are you kidding me? I have no time for your games!" bumubula sa galit ni asik ni Tessa kay Kath.
"Hindi ito laro, Teresita. I`m serious" Charlie frozed. Kath called her in her freaking first name! That`s a taboo! But this is also the first time she ever heard Kath used that tone of voice. Even the other members looked intrigued.
"I had countless accidents before that almost got me killed. Kahit na I`ve taken careful measures to avoid that there's still just slipped-ups. And it`s not like I don't trust you but I just have this anxieties that won`t go away and the only thing to relieve me of that is my request" pagpapatuloy na paliwanag nito.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kaibigan. Seryoso ba talaga si Kath sa mga sinasabi nito? Ang akala niya kasi gumagawa lang ito ng kwento para matulungan siya nito sa plano niya pero mukhang seryoso ito.
"Are you serious Kath? Then how about when you eat out? " Aries asked who looked completely shocked.
"The thing is—I stopped eating out since I was 10" Aries gaped.
"Seriously? That`s just too..much" halos maiiyak ng bulalas nito.
"Then, it's always home made food?" hindi na rin napigilang sabat ni Annaliza sa usapan. Tumango si Kath. "Woah! That sucks"
"Pero kumakain ka sa may cafeteria" hindi na napigilang sabat ni Charlie sa usapan. Nagtatakang tumingin sina Analiza sa kanya. Nanlalaki ang mga mata na natigilan si Charlie.
Why the heck did I say that? Bakit kailangan mo pang kontrahin ang sinabi ni Kath? Tinutulungan ka na nga e! Nakangiting tumingin sa kanya si Kath.
"Oo, pero dahil si Tita Luz yung nagluluto kaya I feel secure to eat it" paliwanag naman nito.
Huh?! She's not lying? Is she freaking serious?! "I'm not going to kill you with my food you know" mayamaya ay iritableng saad ni Tessa though that`s a minor reaction coming from her—she looked taken aback too .
"Nagpatingin ka na ba sa espesyalista with regards to this? I mean—this is serious! " muling singit ni Analiza. Nagpatuloy sa pagkukwento nito si Kath and Charlie tuned her out. Hindi lubos maisip ni Charlie na may mga bagay pa pala siyang hindi alam tungkol kay Kath kahit matagal na silang magkakilala nito. Bigla siyang may naalala. Noong first day of school pa lang at nagkayayaan silang kumain ng sabay-sabay sa may pwesto ng Mama ni Sheena kapansin-pansin na paulit-ulit lang na tinutusok ni Kath ng tinidor ang pagkain nito at seryosong iniinspeksiyon ang bawat sahog na nakalagay sa putahe. Halos patapos na silang lahat kumain noon pero wala pa ring bawas ang pagkain nito. Naalala pa nga niya na na-offend si Tita Luz dahil sa iniakto ng kaibigan pero ng araw din na iyon alam niyang personal itong kinausap ni Kath para humingi ng tawad. After that it's as if nothing happened and she started eating in the cafeteria—she didn't realize na limited lang iyon sa luto ni Tita Luz. Charlie just thought that she`s really picky with food and for someone who's so skinny and picky she can eat a lot more than her. She felt bad—to think na most of the time inaasar niya ito tungkol sa eating habits nito without knowing the real reason behind it. At bakit niya pa kailangang i-open ang napaka-sensitive na subject na iyon sa kanilang lahat? Ginawa ba nito iyon para tulungan siya? It must have been really hard to talk about those kind of things. Nanghihinang napahiga na lamang si Charlie sa may carpet in a fetus position. She squeezed her eyes shut. Iniisip kung paano hihingi ng tawad dito.
"I think you should just let her Tessa" ani Aries
"Yeah. I think it would be for the best" sang-ayon naman ni Annaliza.
"Alright! Damn it!" wala ng nagawang pagsang-ayon ni Tessa sa mga ito.
"Thank you so much!— Oh my gosh! Charlie ayos ka lang?" gulat na bulalas ni Kath at biglang sumugod sa may tabi niya. Her eyes snapped open.
"Huh?"
"Sumasakit na naman ba ang tiyan mo?" nag-aalangang tanong ng kaibigan. Naguguluhang napakapit si Charlie sa tiyan niya.
"Ha? "
"Tessa! Can you let her go to you're bathroom first?"
"Ano na naman 'to?"
"Speaking of food, kanina pa kasi masakit ang tiyan ni Charlie—uminom na siya ng gamot bago pa kami pumunta dito pero mukhang nawala na ng epekto. Tingnan mo naman namimilipit na sa sakit ng tiyan"
"Madam, ayos ka lang ba?" Lumapit na rin sa kanya si Aries at inalalayan siyang umupo.
"May diatabs ka ba?" tanong naman ni Annaliza kay Tessa.
"Dia—tabs?!" nauutal na ulit ni Tessa
"Oo diatabs, yung gamot sa pagtatae" sagot naman ni Kath
"L—BM?!" nanghihilakbot na bulalas ni Tessa. Nanlalaki ang mga matang napatda si Charlie sa takbo ng usapan. Nagtatae? Sinong nagtatae? Charlie was about to open her mouth when she saw Kath`s face. Awtomatiko siyang natigil siya sa balak gawin.
"Are you alright? You`re sweating a lot!" nag-aalalang bulalas ng kaibigan. Sinong hindi pagpapawisan sa ginagawa mo sa akin?
"It's alright Charlie. Wag kang mahiya. Tara na. Samahan ka muna namin sa banyo ni Tessa bago kami bumaba para kumuha ng pagkain" ani Kath
"Ban—"
"You need to use the bathroom now!"
"Pero—" Kath moved close to her and inconspiciously pinched her side. "Àwww!" hindi na napigilang hiyaw ni Charlie dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Stop it! Wag kang magkakalat dito! " natatarantang sigaw ni Tessa sa kanya.
"My room is just a door from here. Just hold it in!! Damn it! What the heck is wrong with you people?!" padabog na nagmartsa ito sa may isang pinto sa loob din ng kwartong iyon. Muling napatda si Charlie sa narinig. Ang kwarto ni Tessa nasa kabila lang ng pintong iyon? At makakapasok siya ng malaya without being suspicious dahil may LBM siya?!
Don't tell me Kath predicted it up to this point? She planned all of it to end up the way she wanted it to be? Hindi na mabilang ni Charlie kung ilang ulit na siyang tulalang napatitig sa kaibigan. Hinila siya ni Kath papasok pagkatapos ay sinara ang pinto. Naiwan naman sila Aries sa kabilang kwarto. Nang masigurong walang nakakakita sa kanilang dalawa siniko niya si Kath sa tagiliran.
"Awww!!" hiyaw ni Kath. Biglang sulyap naman sa kanilang dalawa si Tessa habang nanlilisik ang mga mata.
"Hold it in!" Tessa enunciated in a gritted teeth.
"Yes, Ma`am" magkasabay na sagot nilang dalawa. Akmang sisikuhin niya pa ulit si Kath ng agad itong nakaiwas. What? Kath mouthed. Charlie made a slicing motion in her neck. Kath just stucked out her tongue.
What the heck! She got tricked by her! What a terrifying woman.
KANINA pa gumagawa ng kung ano-anong pooping noises si Charlie para lang gawing convincing ang arte niya. Kanina pa nga rin siya nasa loob ng malawak at as usual pristine white na banyo ni Tessa habang naghihintay ang dalawa sa may labas.
"Matagal ka pa ba?" mayamaya ay sigaw na tanong ni Kath. "Do you need help anything?"
Charlie groaned—dahil sa pakulo nitong may LBM siya hindi niya alam kung kaya pa niyang harapin ang mga kasamahan. Ayaw na nga niyang lumabas ng banyo ngunit aminin man niya o hindi sa ginawang iyon ni Kath, mas nagkaroon siya ng pagkakataon na mas mabilis isagawa ang mga plano niya. Hindi na niya kinailangang hanapin pa ang kwarto ng dalaga. Dinala na siya nito mismo doon.
"Charlie? Bakit hindi ka na sumasagot? Natabunan ka na ba ng tae—"
"Stop it will you?!" narinig niyang singhal ni Tessa kay Kath.
"What?!"
"Stop saying "that" word"
"What word?"
"That word!! You're grossing me out!"
"What—ahh! That word! Ano ka ba! Normal lang yan. Parang hindi ka naman tumata—"
"I said stop it! Or I'm gonna kick you out of my house!"
"Grabe ka naman. Ang OA lang"
"What did you say?!"
They''re fighting again? Saglit pa lang na magkasama ang dalawa nagbabangyan na ito na parang aso't pusa. Kinakailangan na niyang mapaalis ang mga ito para makalabas na siya dahil kanina pa nasisilihan ang pwet niya kakaupo sa may kubeta.
"Sorry pero hindi pa ako tapos! Mauna na kayo. Siguradong hinihintay na nila Aries yung food nila" pagdadahilan na lamang ni Charlie.
"Sigurado ka? Hintayin ka na lang namin"
Ano ka ba Kath? Wag mo na akong hintayin. Masasaktan kita e. What's all this acting for? "Ok lang. Kaya kung bumalik mag-isa"
"No really, we will wai—"
"Shut up!" Tessa butted in.
"What?" Kath growled out.
"We'll go ahead then" Tessa shouted."And don't you dare make a mess in my bathroom or it'll be your head. Do you understand?"
Charlie chuckled. She really loves to give threats. "Roger that!" she shouted back.
"Jeez! Ok! Charlie, were going now! Be careful or it'll be your head!" Kath shouted back. Charlie could almost see Kath's laughing face. She must have been really enjoying this.
Naghintay muna ng ilang minuto si Charlie bago tuluyang lumabas ng banyo. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto ni Tessa at katulad ng inaasahan niya masyado iyong malaki. Siguradong mahihirapan siya sa paghahanap ng camera niya. Ngunit hindi lang iyon ang napuna ng dalaga. Katulad sa labas napipinturahan din ng puting kulay ang bawat dingding ng kwarto nito, idagdag pa ang white queen-sized bed nito pati na rin ang puting comforter at punda ng mga unan ng dalaga. It's all freaking white—it's blinding her.
Is she obsessed with white? Tessa sure is a certified neat freak. A ne—at fr—eak…
Napasinghap si Charlie. She can see the whole picture now. How it all came up to this point and she can't help but laughed. Kath really is something—but she never peg Tessa to be such a neat freak. Nothing really gets past Kath—that's why she needed to seize this chance and find her camera fast! Kahit malaki ang kwarto wala naman siyang nakikitang CCTV camera —Thank God for small miracles. She can snoop around without being watched. Tessa has some sense of privacy after all.
Mabilis ngunit maingat na sinimulan ni Charlie ang paghahanap ng camera niya sa bawat sulok ng kwarto ni Tessa—sa may mga drawers nito, sa mga shelves, sa ilalim ng kama, sa may gigantic walk in closet ng dalaga na inabot siya ng siyam-siyam—she even went back and looked inside the bathroom but she didn't find anything. She can`t find her camera! Tagaktak na ang pawis ni Charlie kahit ang lakas ng aircon sa loob ng kwarto. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Charlie na nakalagay sa bulsa ng pantalon niya. Kinuha niya iyon. It was a text message from Kath.
You should look 4 da dark rum. If u can`t find any oder door get all da remote controls u can find. Pindutin mo ng pindutin cguradong may magbu2kas na automatic door diyan—and please get it done in a little over 30 minutes we`ll be back up soon. BTW may elevator pala sila dito—so mababawasan ang oras mo. Gudluck!
She almost dropped her phone ng mabasa ang text message ng kaibigan. She didn't think that far! As always Kath was one step ahead of her! Of course Tessa will most definitely have a dark room. Hindi magkandaugaga si Charlie sa paghahanap ng lahat ng remote control. Nang maipon iyon ay todo pindot siya hanggang sa kung ano-ano na ang nabuksan niya. Namamanhid na ang daliri niya.
"Come on! Magbukas ka naman please!" frustrated ng kausap ni Charlie sa sarili. Tinignan niya ang wristwatch niya. She only have 15 minutes at most. She won't get another chance like this. May dark room ba talaga dito? O baka naman nasa ibang kwarto? Hinablot ni Charlie ang pinakahuling remote at pinugpog iyon ng pindot.
"Magbukas ka na! Bukas na!" Charlie chanted. To her relief may biglang bumukas na pinto sa may gilid niya. Napatalon si Charlie sa tuwa. "Yes! Thank you! Thank you!" Pinugpog niya ng halik ang hawak na remote control.
"What are you doing?" anang estrangherong tinig na nanggaling mula sa may likuran niya. Charlie wheezed out a shuddering breath, her heart started beating wildly against her chest. Hindi niya napansin na may nakapasok na sa loob! Is this the end? Pagkatapos ng lahat ng kanyang paghihirap? Paano naman ang natapyasan niyang dangal?