Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 48 - When Love and Hate Collide

Chapter 48 - When Love and Hate Collide

Ng makabawi mula sa pagkakabigla ay nagpalit ng damit ang dalaga saka niya pinuntahan ang kanyang kuya na abala sa paghahain. Kahit pilit niyang kinakalimutan ang pangyayari ay lagi pa rin itong sumasagi sa isip niya.

"Hey, watch it!" sigaw ni Rain ng makitang parang zombie si Jei na naglalakad patungo sa kusina. Muntik nang mabunggo ng dalaga ang dining table kaya't sinigawan niya ito.

"Oh?" takang tanong ni Jei sa kapatid.

"Are you okay?" tanong ni Rain sa tulalang kapatid. "You look flustered?"

"Yes," wala sa sariling sagot ni Jei. "I... I am okay."

"What is wrong? Is it Wonhi?" nag- aalalang tanong ni Rain. "Alam kong di mo rin matitiis na di siya makita. Naku, sis! Puntahan mo na siya sa apartment niya at ayain mong kumain," nanunuksong saad ng binata.

"Ah... okay po, kuya," tulala pa ring sagot ng dalaga. Parang siyang nasa ulap habang naglalakad. Magaan ang kanyang pakiramdam at nagtagpuan ng dalaga ang sarili sa tapat ng pintuan ng apartment ni Wonhi.

Kumatok siya. Walang sagot mula sa binata. "Wonhi!" sigaw ng dalaga habang kinakalampag ang pintuan. "Open the door! Wonhi!"

Maya- maya ay halos magkasabay na lumabas sina Wonhi at Rain sa lakas ng sigaw at kalampag ng dalaga. "What?" takang tanong ni Jei sa dalawang binata na parehong nagtatanong ang mga mukha.

"What's wrong with you?" tanong ni Wonhi sa kasintahan. Masama pa rin ang loob nito sa dalaga kaya't medyo paangil ang kanyang pananalita.

"Mabubulabog ang buong apartment complex sa lakas ng sigaw mo, Jei," pagalit naman ng kanyang kuya.

"Let's eat," saad lang ng dalaga saka naunang pumasok sa kanilang apartment. Naiwang nagtataka ang dalawang binata. Nagkatinginan sila na parehong nagtatanong kung ano ang nangyayari.

"C'mon, bro. Let's eat," aya ni Rain ngunit nagkibit- balikat lang si Wonhi.

"Probably next time, bro," sagot ni Wonhi saka pumasok sa kanyang silid na hindi man lang hinintay ang sasabihin ng kaibigan. Walang nagawa si Rain kundi pumasok sa kusina.

"Jei!" sigaw niya ng hindi niya ito naabutan. "Hindi ka ba kakain?"

"Next time, kuya!" sagot ng dalaga.

Bumuntong- hininga lang si Rain saka ipinaghain ang sarili. "Right! Then I have to eat alone," saad niya sa sarili. "Grabe din silang magtampo, cold war! Grrrrrrr! Sarap nilang pag- umpogin," ani ni Rain habang kumakain. Napapailing pa ito.

Makalipas ang ilang sandali...

Sa loob ng kwarto ni Wonhi...

"Whoa! Why isn't she texting me? Is she mad? Why? I should be the one to get mad!" pagrarant ng binata habang hawak ang kanyang cellphone. "Should I call her first? Naega wae geuraeya dwae? (Ba't kailangang ako?)"

Tumayo siya habang hawak- hawak ang kanyang tiyan. "Aaaah! Jinjja baegopa! (Gutom na talaga ako!) Ish! This is making me crazy," patuloy na saad ni Wonhi. Naglakad- lakad siya sa kanyang apartment. Naghanap din siya ng makakain. Malamang wala siyang nakita. Napamura tuloy siya ng malakas.

Sa loob ng kwarto ni Jei...

"Sino kaya yun?" tanong niya sa sarili. "Totoo kaya ang banta nito o prank lang. Bakit kinikilabutan pa rin ako?"

Tumayo ang dalaga saka naglakad-lakad sa kanyang silid. Bigla niyang naalala ang nobyo. "Oh my god!" bulalas niya sabay tutop sa kanyang bibig ng maalala ang ikwenento ng kasintahan ng mabangungot ito. Ayon dito, binaril daw siya sa harap niya. "Jusko!"

Pupuntahan sana niya ang binata sa apartment nito ngunit bigla niyang naalalang nagtatampo ito sa kanya. "Oh shit! Baka galit pa rin siya sa akin. Paano kung ipagtabuyan niya ako? Lintik na Korain kasi eh, ang ganda ng timing! Naku naku!" saad niya habang paatras na bumalik sa kanyang kwarto. Biglang kumalam ang sikmura niya.

"Hindi pala ako kumain kanina," bulong ng dalaga. Dumiretso siya sa kusina. Tumingin siya sa orasan. Mag-aalas diyes na ng gabi. "Ang bilis ng oras ah," sabi niya sa sarili. Dumaan siya sa kwarto ng kanyang kuya. Walang nag-iingay o nagsasalita kaya't alam niyang tulog na ito.

Maingat siyang nag-lakad upang hindi makagawa ng ingay. Ngunit muntik na siyang mapasigaw ng makita ng di inaasahan si Wonhi na abalang nagpapainit ng pagkain. Halata rin ang pagkabigla nita kaya't di ito agad nakakibo.

Tumikhim si Wonhi. "Do you wanna join me?" tanong nito ngunit tonong hindi sincere.

"I'm not hungry," walang gana ring sagot ng dalaga. Tumango ang binata saka pasadyang tinanggal ang takip ng pinapainit na sinigang. Biglang kumalam ang tiyan ni Jei. Tumunog pa ito. Ngumisi si Wonhi sa reaksiyon ng dalaga.

Umaktong parang walang nangyari si Jei dumiretso sa may ref. Ang kaso kailangan niyang dumaan malapit sa binata upang makapunta doon. Nagdalawang- isip tuloy ito kung pupunta o hindi.

"Kaya mo yan, Jei! Kaysa naman sa magutom ka," saad ng isipan ng dalaga. Tumikhim muna ito bago magsalita. "Excuse me~"

"Sure~" sagot ni Wonhi ngunit di ito tumabi. Walang nagawa si Jei kundi dumaan sa konting espasyo sa pagitan ni Wonhi at ng aparador. Saktong dumaan siya ay pinatay ni Wonhi ang gas stove at bumaling sa dalaga.

"God~ you're making me crazy!" bulong ng binata. Nahigit ni Jei ang kanyang hininga sa init ng hininga nito saka napalunok sa kaaya-ayang sensasyon na nadarama.

Nabitin sa ere ang mga kamay ni Wonhi na akmang yayakap sa dalaga ng biglang umiwas ito. Nagtatanong ang mga matang tumingin si Wonhi kay Jei. Ni hindi ito nagsalita at parang estatwang nakatayo sa harap ng binata.

"Shit!" sambit ni Jei ng magsink in sa kanya ang pangyayari. Lingid sa kaalaman ni Wonhi, biglang sumagi sa isipan ng dalaga ang tawag na bumabagabag sa kanya kanina pa kaya't nagkataon na yayakapin siya nito ay bigla siyang kinilabutan.

"Anong gagawin ko? Siguradong nagtatampo na yon sa akin. Lintik na tawag kasi yan eh," saad ng dalaga saka napatingin sa mainit na sinigang. "Hala hindi na tuloy kumain ang loko."

Dulot ng konsensiya, sumandok siya ng ulam at kanin saka pinuntahan si Wonhi. Marahang kumatok ang dalaga. "Wonhi~ open the door!" saad niya. "Oppa! Wonhi oppa!" maya- maya ay saad niya. Mas nilakasan niya ang kanyang boses.

Dali siyang pumasok ng umawang ang pintuan. "Please, eat!" saad ni Jei ng maibaba ang pagkain sa mesa.

"I have no appetite!" wala sa mood na sagot ni Wonhi.

"Look, I'm sorry. It's just~"

"Just what? That guy is better than me? Did you realize how unlucky you are having me as your boyfriend?"

"What?! No! It's not what~"

"If that's what your heart dictates, you can~"

Naputol ang pagrarant ni Wonhi ng bigla siyang halikan ni Jei. Ang kanilang tampuhan ay napalitan ng galak at pananabik. Humigpit ang hawak ni Jei kay Wonhi ng magsimulang maglakbay ang mga kamay nito. Napasinghap ang dalaga ng matumbok ni Wonhi ang nais.

"I want you!" puno ng pagnanasang saad ng binata.

"Then what are you waiting for?" nanghahamong sagot ng dalaga.