Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 46 - Frienemies

Chapter 46 - Frienemies

Samantala, seryosong nag-uusap ang apat sa cottage ni Rain.

"Do you really remember everything?" excited ngunit may pagdududang tanong ni Rain sa kaibigan.

Bumuntong- hininga si Wonhi saka tumingin sa malayo. Marahang pinisil ni Jei ang hawak na kamay ng kasintahan para ipahiwatig ang kanyang suporta dito. Napabuga ng hangin si Rain ng marahang tumango si Wonhi.

"I started to have recollections of the past when I was at the hospital... when I was stabbed. There were flashes of memories, vague memories. I didn't tell anyone not to put anyone's life in jeopardy. Besides, I still had so many questions unanswered," paliwanag ni Wonhi.

"We understand. It should've been so tough on your part, living a life full of questions," saad ng kanyang kaibigan.

"If you can even call that a life," dagdag ni Jei na punong- puno ng simpatya ang mukha.

"I thought I would be delighted to finally remember the past, but...," umpisa ni Wonhi saka nagbuga ng hangin na tila pinipigilang huwag maging emosyonal.

"It's alright! You don't have to force yourself!" masuyong saad ni Jei habang hinahagod ang likod ng binata.

"Thanks," sagot ni Wonhi sa kasintahan saka siya huminga ng malalim. "Whoever that bastard doctor is working for wants to kill my mom and I. I am not so sure who but I already have a hunch!"

"Who?" tanong ng detektib.

"I'm not sure I can tell you now. I'm sorry," sagot ni Wonhi.

"I understand. So, what's the plan?" deretsong tanong ni detektib Smith kay Wonhi.

"All we can do now is wait I guess. I'm pretty sure that Dr. Lee already informed his boss about my condition," sagot ni Wonhi. "They will come after me to finish their job."

"I respect your decision, Wonhi. I have to go back to Seoul; my men uncovered something interesting about that doctor. With or without his official statement, the case is strong enough to put him in jail," sabi ni detektib Smith bago magpaalam.

Sa isang apartment sa Seoul...

"Catch me if you can, detective Smith! You can put the doctor in jail, but he'd rather die than spill the beans," humahalakhak na saad ng isang babae. Sumasayaw pa itong parang baliw sa harap ng isang lalaki na kampanteng nakaupo sa isang sofa.

Lingid sa kaalaman nina Wonhi ay may nailagay na spy recorder si doktor Lee sa ilalim ng sofa ng lumuhod ito sa harap ni Wonhi at nagmakaawa.

"Shut up! Your laughter is annoying," saad ng lalaki. Agad binalot ng inis ang magandang mukha ng babae sa sinabi ng lalaki sa harap niya kaya't walang dalawang-isip na binato niya ito ng hawak na shot glass.

"You piece of shit!" singhal nito. Mabilis namang umilag ang lalaki kaya't lalong nainis ang babae.

Nagbatuhan ang dalawa ng kung anumang mahagilap ng kanilang kamay. May baso, wine glass, iba't- ibang bote ng alak na nakadisplay sa ibabaw ng grand piano, at iba pa.

"That's enough!" sigaw ng matandang lalaki ng pumasok ito sa silid na animo'y dinaanan ng malakas na bagyo. "You ain't kids anymore!"

"Hi, dad! We didn't see you coming," saad ng babae sa galit na ama.

"Evening," bati ng lalaki na hindi man lang tumingin sa matanda.

"Clean this mess!" sigaw ng kanilang ama habang nagtatanggal ng kanyang coat. Tinulungan siya ng anak na babae habang prenteng nakaupo ang anak na lalaki habang tinutungga ang isang bote ng beer.

"You clean this mess," ani ng matanda sa anak na babae. Agad itong sumimangot at tinangka pang magpacute upang bawiin ng ama ang sinabi. "And you, meet me in the study in five minutes!" saad niya sa anak na lalaki.

"For what?" walang interes na tanong ng lalaki.

"Just do as I say," sagot ng ama saka pumasok sa kanyang kwarto.

Sa loob ng study room...

"What's taking you so long?" diretsong tanong ng matanda na halatang nagpipigil ng galit. "Your job is simple, take her out of the picture! You are not man enough to do the job, you wimp!"

"Why don't you do it yourself then?" nanghahamong sagot ng lalaki.

Nanlalaki ang mga matang sinuntok ng matanda ang kanyang mesa sa sukdulang galit. "How dare you speak to me that way! I am your father! I raised you and provided everything you need! You have to respect me!" sigaw ng matanda.

"It wasn't my choice to be your son, so don't complain about it," sagot ng anak. "Now, if you'll just bug me about my JOB, fuck off!" Yung lang at lumabas ito mula sa study.

"Koraiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin! Come back here, you ungrateful child!" nanggagalaiting sigaw ng ama ngunit parang walang narinig ito at iniwang nag-aapoy sa galit ang kanyang ama.

"Hey, going home?"

Nagulat si Jei ng biglang may nagtanong kaya't lumingon siya at nakita ang nakangiting mukha ni Korain. Cool na cool itong nakasandal sa pader. Napansin agad ni Jei ang casual nitong porma. Nasanay na kasi ang dalaga sa damit nitong laging semi- formal o smart casual.

"Oh, hi! What are you doing here?" gulat na tanong ni Jei sa binata. Lumapit ito sa kanya at pinapahiwatig na siya na ang hahawak ng kanyang bag. "No need. I can carry it myself," nahihiyang sabi ni Jei.

"I insist," nakangiting sagot ni Korain. Walang nagawa si Jei kundi ibigay ito dahil sa awkwardness na bumalot sa kanila ng matagal na nakalahad ang kamay ng binata. Napakislot si Jei ng biglang hawakan ng binata ang kanyang kamay habang tumatawid sila sa kalsada.

"Woah! Nomu gwiyowo! (Ang cute sobra!) kinikilig na saad ng isang dalaga na sinang-ayunan naman ng kanyang kaibigan. Umakto si Jei na parang walang narinig saka pasimpleng hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya. Sa kasamaang-palad ay mas lalong hinigpitan ni Korain ang hawak sa kamay ng dalaga.

"Where are you going?" naguguluhang tanong ni Jei ng pumapara ng taxi si Korain.

"I have to send you home," simpleng sagot ni Korain. Hindi mapigilan ni Jei ang matawa habang nakatingin sa binata. Sa angas nito ay hindi bagay sa kanya ang shoulder bag niyang kulay neon pink na nakasabit sa kanyang balikat. Umaagaw tuloy siya ng atensiyon. Napansin ito ni Korain kaya kunot ang noo na bumaling sa dalaga.

"What?" tanong ni Korain.

"Nothing," sagot ni Jei saka pinag-isang linya ang kanyang mga labi sa labis na pagpipigil sa pagtawa.

"Nice bag!" maya-maya ay sabi ng isang naghihintay ding pasahero. Napatingin lang si Korain sa napadaang tao. Parang wala itong paki na pinagtitinginan siya. Sa wakas ay may napara itong taxi. Inalalayan siya nito sa pagpasok.

"Do you live alone?" tanong Korain habang bumabiyahe sila.

"Uhm... I live with my brother and...," biglang tumigil si Jei sa pagsagot at bumaling ito sa binata. "Why are you asking suddenly? Why are you acting weird today? You should be in the cafe, shouldn't you?"

Nagkibit-balikat lang ang binata. "I have just realized that I need some time off!" sagot nito. Hindi man naniniwala si Jei ay hinayaan na lamang niya ito.

"Jei," ani ni Korain. Lumingon ang dalaga.

"Yes?" sagot ng dalaga na kunot ang noo.

"Uhm... I have two minutes to say this," saad nito na halatang hindi malaman kung paano sasabihin ang saloobin.

"Now, only a minute," nakangiting sagot ni Jei. Lalong napressure ang binata. Napamura pa ito sa kaba.

"Jei... I think... no... I am certain that... I like you," sa wakas ay saad ni Korain. Sa kabiglaan ay hindi agad nakapagreact si Jei. Hanggang makababa sila ay hindi ito umimik.

"Talk to me, please. If you hate me or anything, just tell me," saad ni Korain habang nakatayo silang dalawa sa harap ng apartment ng dalaga.

Lumunok muna si Jei bago magsalita. "If that is true, thank you. But, I wanna be honest with you," saad ng dalaga. "You're a good man, Korain... but..."

"But... there is someone else?" tanong ni Korain na parang binagsakan ng mundo ang aura. Marahang tumango ang dalaga. Napabuga ng hangin ang binata saka tumango- tango.

"Well, what can I say? He's a lucky guy," malungkot na sabi ni Korain na agad nag-iwas ng tingin.

Nahabag ang dalaga. "I'm sorry. You're a decent guy, Korain. I know you'll find someone perfect for you," pampalubag loob ng dalaga.

"There's nothing to be sorry for. I hope you're happy with him," mahinang saad nito. Tipid ang ngiting tumango ang dalaga.

"Can I just hug you then?" tanong ni Korain.

Napaisip ang dalaga. Wala namang masama kung yakapin niya ito. Pampalubag na rin ng loob. Kaya't tumango si Jei. Nakangiting niyakap ni Korain ang dalaga. Napakislot ito ng hindi inaasahang halikan ni Korain ang tuktok ng kanyang ulo.

"Jeiiiiiiiiii!!!!!!!"

Agad naghiwalay ang dalawa ng makita ang pinagmulan ng malakas na sigaw. Nagkulay suka si Jei ng makita ang madilim na mukha ni Wonhi na nakatayo sa likuran ng kanyang kuya.