Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 10 - Ranger's Villa

Chapter 10 - Ranger's Villa

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Jei sa kanyang kuya habang binabaybay nila ang kalsadang patungo sa isang kagubatan.

"Ewan ko dito," sagot ni Rain sabay turo sa kaibigan na nasa kanyang tabi.

"Kuya Wonhi..." baling ng dalaga kay Wonhi.

"Jei... just wait and see!" sagot naman ni Wonhi. Walang nagawa si Jei kundi tumahimik at maghintay sa kung saang lupalop ng mundo sila mapapadpad kahit pa kinakain siya ng kanyang kiyoryosidad.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating sila sa isang exclusive na villa. Laking gulat ng dalaga ng papasukin sila ng gwardiya matapos ipakita ni Rain ang kanyang ID.

"Oh my gosh! Kuya... holy shit!" tanging nasabi nito. Natawa ang magkaibigan sa ekspresyon ng dalaga. Pero naiintindihan nila ito.

Ranger's Villa. Isang eksklusibong bahay bakasyunan na tanging mga miyembro at imbitadong tao ang pwedeng makapasok. Kumpleto ito sa mga pasilidad tulad ng clinic, restaurant, at iba pa. Meron din silang iba't ibang uri ng libangan tulad ng firing range, wall climbing, swimming pool, courts at marami pang iba.

Nalula si Jei sa ganda ng tanawin mula sa kanilang hotel room balcony. At sa ilang saglit ay nalimot niya ang sakit na kanyang naramdaman.

"Kuya... did you pay for this?" tanong ni Jei kay Wonhi na nagbabasa ng Filipino- Korean Dictionary sa kanyang cellphone.

"Hindi. I- tanong... mo... sa kuya mo," sabi nito. Natawa si Jei sa sagot nito sa kanya. Pati si Rain na umiinom ng tubig ay biglang natawa dahilan para ito ay masamid. Malakas ang tawa ni Wonhi habang pinapagpag ang likod ng kaibigan.

"Was it terrible?" tanong ni Wonhi ng tumigil si Rain sa pag- ubo. Umiling si Rain bago magsalita.

"Gwenchana! I was just shocked," natatawang sagot ni Rain.

"You sound so adorable when you speak in Filipino," nakangiting dagdag ni Jei.

"Oh, thanks. Should I speak in your language more often then?" tanong ni Wonhi.

Napangiti lang ang dalaga. "Anyway, how come that we're~"

"Kuya mo dito is a member, Jei," nakangiting sagot ni Wonhi sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ni Jei habang nakatitig sa kanyang kuya.

"What? Kuya... totoo?!" bulalas nito. Marahang tumango si Rain.

"Dito ko ininvest ang perang naipon ko sa Korea. Nakapangalan sa akin ang apartment na ito," sagot ni Rain habang nakangiti sa kapatid.

"Naks naman kuya. Pwede ka nang mag- asawa!" bulalas ni Jei ng makabawi sa kanyang pagkabigla. Natawa ng malakas si Rain.

"Bakit?" tanong ni Wonhi na nagbabasa at nagpapraktis pa rin ng mga Filipino words.

"I told kuya Rain to get married since he's already finacially stable," nakangiting sagot ni Jei. Natawa rin ito saka tumingin ng pilyo sa kaibigan.

"Uhm... actually---"

"Ya, Park Wonhi! Dakchyeo! (Shut up)" sigaw ni Rain sa nakangising kaibigan saka binato ng magazine na nadampot nito sa katabing bookself. Natatawang umilag si Wonhi habang nagtatakang nagpalipat- lipat ng tingin si Jei sa kanila.

"Ano yun, kuya?" curious na tanong nito.

"Wala. Nakikita mo ba ang maliit na resort na iyon?" biglang tanong ni Rain habang itinuturo ang isang magandang mansion na napapalibutan ng magagandang landscape. May maliit na rancho, malaking swimming pool na hugis 'S' at kiosk sa gitna ng isang malawak na hardin. Nasa tuktok ito ng mababang burol kaya agaw pansin ito kahit malayo.

"Ang ganda! Kanino po ba yun?" tanong ni Jei na nabighani sa ganda ng istraktura.

"Ours! After a year, sa wakas natapos rin. We are planning to open the resort two months later after all the legal papers are done," sagot ni Rain.

"And I will be your first guest!" sabi ni Wonhi. "I've also asked some of my friends and they are willing to invest in your brother's resort."

"Wow, kuya! Alam ni itay?"

Umiling si Rain. "I want it to be a surprise!"

"Sorry," saad ni Wonhi sa kaibigan.

"Na... no biggie, bro!" sagot naman ni Rain. Nagtatakang pinaglipat- lipat ni Jei ang tingin sa dalawa. "Ah... dapat kasi, di ko muna sasabihin sa yo. Kaya lang dahil sa pag- aalala namin sa yo, napilitan akong ipakita ito."

Na- touch si Jei sa sinabi ng kanyang kuya kaya niyakap niya ito. "Thanks kuya! The best ka talaga!" bulalas niya.

"Ehem. Ako din! It's my idea," nakangusong sabi ni Wonhi na ikinatawa ng magkapatid.

"Arassoyo!" natatawang saad ni Jei bago niya ito yakapin. "Thank you, kuya. You are an angel!" Ginulo ni Wonhi ang buhok nito.

"Di lang yan ang sorpresa niya sa yo!" ani ni Rain sa kapatid. Tumingala si Jei sa idolo saka kumalas sa kanyang yakap.

"Really? I hope you won't be dancing half-naked in front of all the guests," biro ni Jei.

Natawa sina Wonhi at Rain sa sinabi nito saka pinisil ni Wonhi ang ilong ni Jei. "Ei~ you and your silly ideas!" Sumigaw si Jei sa sakit habang hawak ang kanyang ilong.

"Pwede ko po bang makita ang mansion mo kuya?" excited na tanong ni Jei.

"Huwag muna... gusto kong maayos ang lahat bago ko kayo dalhin ni tatay," tugon ni Rain.

"Hmmm... okay!" nakangiting sagot ni Jei. Tumunog ang intercom sa kwarto nila na agad namang sinagot ni Wonhi.

"Be right there!" saad nito bago mabilis na lumabas ng kanilang silid.

"Anong nangyari dun?" maang na tanong ni Jei sa kapatid.

"Ewan!" pasimpleng sagot ni Rain. "Anong oras na?"

"Pasado alas- onse na kuya."

"Tara sa baba. Gutom na ako," saad ni Rain saka tumayo. Sumunod ang dalaga matapos iligpit ang binabasang fashion magazine.

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Jei nang palakas ng palakas ang naririnig nilang hiyawan habang pababa sila sa ground floor. Halos mga kinikilig na kababaihan ang sumalubong sa kanila ng makababa sila restaurant ng villa.

"Malay ko," pasimpleng sagot ng kuya niya.

Natutop ni Jei ang kanyang bibig ng makita ang dahilan ng ingay. Tumingin siya sa kanyang kuya na pinipigil ang ngiti, "Anong ginagawa niya?"

"Nagluluto. Di mo ba nakikita?" sagot ni Rain sa kanya.

"Oh my gosh! Si Park Wonhi ba talaga yun?" tanong ng isang babae sa katabing babae. Kinikilig sila habang pinapanood ang modelo.

"Kuya... okay lang kay kuya Wonhi na marecognize siya?" bulong ni Jei sa kapatid.

"Okay lang. Basta walang kukuha ng pictures niya," bulong din ni Rain.

"Paano niyo masisiguradong walang kukuha?" alanganing tanong ng dalaga.

"Nasa rules and regulations ng villa yan. At ito ay nasa golden 5: All IN, NO OUT. Ibig sabihin, lahat ng masasaksihan mo dito ay hindi dapat lumabas."

Napaisip ng kagagahan si Jei saka bumaling sa kapatid. "Kuya! All in? So, kahit may gawing kababalaghan dito, hindi malileak?" nakangising saad ni Jei.

"Naku! Yang utak mo talaga kahit kelan!" sagot ni Rain sa kapatid matapos nitong pitikin ang noo ng dalaga. Natawa lang ang dalaga.

"Oh... anong mangyayari pag naviolate ang golden rules niyo?"

"Kapag napatunayan na lumabag ang sinumang miyembro o ang taong inimbitahan nito, immediate dismissal at hindi kailanman makakabalik sa villa. At ang pinaka- malala, lahat ng investments mo ay forfeited. Sinong gustong isugal ang pinaghirapang yaman?"

"Wow! Ang tindi pala dito kuya. Kaya pala ni walang kumukuha ng video o litrato. Nakakatakot," saad ni Jei saka yinakap ang sarili.

"Better this way than be sorry!" sagot ni Rain sabay kindat sa nakangiting kapatid. Saka ibinaling ulit ang atensiyon kay Wonhi na patapos na sa pagluluto.

"Pero parang mas masarap si oppa Wonhi kaysa sa niluluto niya!" bulalas ni Jei saka napahiyaw ng batukan siya ng kapatid.