Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 6 - Family Fun

Chapter 6 - Family Fun

Masayang pinagmamasdan ni Wonhi ang magkapatid habang nagtutulungan sa paghahanda ng pagkain. Matapos mag-apologize si Jei kay Rain ay bumalik ang sigla ng magkapatid.

"Uhm... how can I help you?" saad nito.

"Just sit down and relax!" sagot ni Rain.

"If you would like to help, can you chop these mangoes into strips?" saad naman ni Jei.

"No need, bro!" sita ni Rain habang nakatingin kay Jei. Ngumisi ang dalaga sa kanyang kuya saka ibinigay ang mga binalatan niyang mangga.

"How do I do it?" tanong ni Wonhi sa dalaga.

"Like this, kuya!" sagot ng dalaga saka niya hiniwa ang mga mangga. Natawa si Rain ng makita ang nagtatakang mukha ni Wonhi.

"You're older than her, so technically you're her kuya!" saad ni Rain.

"Arasso!" sagot ni Wonhi saka hiniwa ang natitirang mangga pati na rin ang kamatis at dalawang ulo ng sibuyas kahit maluha- luha ito sa paggagayat.

"Okay... everything's set. Let's eat!" ani ni mang Liam habang inilalapag ang inihaw na tilapia. Natakam ang tatlo sa masarap na amoy ng inihaw.

"What's that smell?" tanong ni Wonhi sabay takip ng kanyang ilong.

"The secret sauce. You'll love it once you try it!" nakangiting sagot ni Rain habang tinitimplahan ng bagoong ang pinaghalong hilaw na mangga, kamatis at sibuyas.

Napapangiwing tumango si Wonhi. Matapos maghugas ng kamay ay nagdasal sila. Natawa ang mag- aama ng mapansing hindi kumakain ang binata.

"Hey, rich kid! Eat with your hands like this!" nakangising saad ni Jei.

"The food tastes better with your bare hands. I swear!" sabi ni Rain sa nag- aalangang kaibigan.

"You can use fork and spoon if you want," saad naman ni mang Liam. Tila nag- isip ang binata saka naglagay ng pagkain sa kanyang plato at nagkamay. Nagkatinginan ang tatlo saka ngumiti.

Noong una ay nagdadalawang- isip siyang tikman ang binagoongang mangga ngunit ng masubukan ay di na siya maawat. Malalakas ang tawa ni Rain ng ihalo ng kaibigan sa mainit niyang kanin ang sawsawang bagoong na may sili. Nakipagkompitensiya pa ito kay Jei sa dami ng nakain.

Laking pasalamat ni Wonhi at nakajogging pants siya kaya di niya masyadong problema na naparami ang kanyang kain.

"Holy molly! What was that sauce again?" tanong nito.

"Bagoong!" sagot ni Rain habang nakahiga sila sa duyan na nasa lilim ng puno ng acasia. Mag- aalauna na kaya tirik ang haring araw ngunit presko ang ihip ng hangin na nagdudulot ng antok sa magkaibigan.

Makaraan ang ilang sandali, napabalikwas sila ng bangon ng galit na sumigaw si mang Liam habang buhat- buhat ang malaking basket ng pinitas na mangga.

"Bakit ho itay?" takang tanong ni Rain sa galit na ama.

"Tinatanong mo pa kung bakit! Tignan niyo nga kayong dalawa!" sigaw ng ama. Nagkatinginan ang dalawa saka malakas na tumawa ang magkaibigan ng maintindihan kung bakit galit ang ama. Magkayakap silang natutulog. Bagay na madalas nilang gawin.

"Nakakatawa ba?" inis na saad ng matanda habang tinutulungan siya ni Rain na ibaba ang basket.

"Ano pong nangyayari dito?" maang na tanong ni Jei ng huminto sa pagtakbo ang kanyang kabayong si Draco.

"Etong mga kuya mo! Ka- gandang mga lalaki eh para namang binabae! Magkayakap na natutulog! Baka kung wala tayo dito, ano pang gawin!" galit pa rin saad nito.

"Yuck! Tay naman! Kadiri ka uy!" sigaw ni Rain na para pang nasusuka sa sinabi ng ama. Nalilito man ay pilit na iniintindi ni Wonhi ang mga nangyayari.

"Anong kadiri! Buti ako ang nakakita sa inyo! Pag ibang tao, naku naku Rain! Alam mo naman dito sa atin. Tiyak eskandalo ang aabutin mo kung sakali!"

Sa lakas ng tawa ni Jei, napalundag si Draco sa gulat sanhi upang mawalan si Jei ng balanse.

"Watch out!" puno ng pag- aalalang sigaw ni Wonhi sa dalaga.

"Ho! Draco... easy, boy! Easy!" sigaw ng dalaga sa kabayo habang mahigpit na nakahawak sa renda. Hinaplos- haplos nito ang leeg ng kabayo hanggang kumalma ito. Napabuga ng hininga si Wonhi na halatang natigagal sa bilis ng pangyayari.

"Are you okay?" tanong ng binata kay Jei na ngumiti lamang bilang pagtugon.

"Of course, she's okay! She's an equestrian! But you two, eee!" inis na sagot ni mang Liam. "Rain... mag- usap tayo sa bahay! At buhatin mo yan!"

Yung lang ang sinabi nito at nagmatsa pabalik sa bahay- kubo. Sumunod naman ang tatlo. Di mapigilang tumawa ng magkapatid kaya nagtaka ang binata.

"What was that?" tanong ni Wonhi sa dalawa.

"He thinks... you're gays!" sagot ni Jei.

Nanlalaki ang mga matang tinignan nito ang kaibigan. Hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Natatawang tumango si Rain.

"Gays?! Us?! Why?" nagtatakang tanong nito. Di rin niya napigilang tumawa ng ipaliwanag ng kaibigan ang sanhi ng galit ng ama.

"Tay... it's nothing. Nag- ooverreact ka lang!" sagot ni Rain ng maupo sila sa salas ng bahay- kubo.

"We are not gays, tito! Promise!" dagdag naman ni Wonhi.

"Then... why were you hugging each other like lovers?" nagdududang tanong ni mang Liam.

"Tay... masanay na po kayo sa dalawang yan! Pero hindi po sila mga beki!" sabad ni Jei.

"Tay... pag nagladlad po ako, ikaw ang unang makakaalam!" saad ni Rain sa nagulantang na ama.

"Ay loko kang bata ka!"

Natawa ang tatlo sa reaksiyon nito. Sa bandang- huli, naintindihan at tanggap din ni mang Liam ang asal ng dalawang binata matapos nilang magpaliwanag.

"I have nothing against gays, I was just surprised by your actions! If we are living in another town, and you're gays, I'm okay with it. But here... I would fear for your safety," paliwanag ng matanda kay Wonhi.

"It's not that different from Korean society. Rain and I have many gay friends but all of them don't have the courage to come out because they will be criticized and discriminated against tremendously. It's just sad that people tend to ignore a person's talent and kindness because of his sexual orientation," paliwanag din ni Wonhi sa matanda.

Tumango si Mang Liam sa tinuran ng binata saka bumuntong hininga. "O, siya. Ba't hindi niyo ayaing mangabayo itong si Wonhi at nang makapasyal naman," saad ng matanda sa mga anak saka sila iniwan upang tignan ang mga alagang baka sa kanilang koral.

"Sige po, tay!" sagot ni Rain sa ama saka bumaling sa kaibigan. "Do you wanna ride a horse?"

"For real?" natutuwang saad nito.

"Yep," sagot naman ni Jei.

"Dang! Of course!" napatayong sagot ni Wonhi. Natawa naman ang dalawa sa nakitang excitement ng binata saka sila sabay na pumunta sa kwadra.

"I heard that you're an equestrian?" biglang tanong ni Wonhi sa dalaga habang inilalabas ng magkapatid ang tatlong kabayo.

"She's good!" sagot ni Rain.

"Not that good. I mean... I can ride a horse well, but I'm just a beginner level," nahihiyang sabi naman ng dalaga.

"Uhm... she was invited in Zara Tindall's charity event 2 years ago, so yeah, she's a beginner," nakangising saad ni Rain. Nanlaki naman ang mga mata ni Wonhi saka bumaling sa parang kinakain ng hiyang dalaga.

"Zara Tindall, you mean... Lady Zara Tindall of England?!" tanong ni Wonhi.

Hinay-hinay na tumango ito saka sumampa sa kanyang kabayo. "We'd better hurry! the sun will set soon," saad nito saka pinatakbo si Draco. Sumunod naman ang dalawa.

Habang nakasakay sa kani- kanilang kabayo, naglibot sila sa may sapa. Nawili sila sa mga ligaw na bulaklak na namumukadkad at nagbibigay ng masamyong amoy sa pampang. Ang mala- crystal ding tubig sa sapa ay animo'y nag- aaya sa kanila para magtampisaw.

"Damn! How much I'd like to plunge into the water!" saad ni Wonhi.

"Don't worry. You still have plenty of time to do it, don't you?" tugon ni Rain. Tumango ang binata.

"Uhm... sorry... but... I am really curious. Why are you here?" tanong ni Jei sa binata. Tahimik lang itong nakatingin sa dalaga.

"I'm actually interested in you meeting Zara. Did you meet the rest of the royal family?" masayang tanong ni Wonhi sa dalaga. Agad namang nakuha ng dalaga na ayaw nitong pag-usapan ang personal bagay.

"Aigo! I never knew you're interested in the royal family," natatawang tanong ni Rain sa kaibigan na naki-ayon na rin dito.

"Not quite. You know Mike Tindall was one of my inspirations growing up," saad naman ni Wonhi.

"Oh, really? I met him. He's such a funny guy, quite intimidating at first because of his built. But he's a funny man," sagot naman ni Jei sa maluwang ang pagkakangiting binata.

"Race me to the farm!" sigaw nito sa dalawang binata na dagli ring pinatakbo ang kanilang mga kabayo. Kitang- kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan habang sakay sa kanilang matuling mga kabayo.

Natatawang bumaba si Jei ng mauna itong makarating sa bahay- kubo. Pero laking gulat niya ng matanaw ang isang binatang nakasakay sa isang itim na kabayo patungo sa kanyang kinatatayuan.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib habang papalapit ito. Huminto ang ikot ng kanyang mundo at ang tanging naririnig niya ay ang kanyang paghinga at ang tibok ng kanyang puso.