Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 2 - Friends

Chapter 2 - Friends

Alas tres ng hapon...

"Are you going somewhere?" tanong ni Wonhi kay Rain na kasalukuyang nagsusuot ng T- shirt sa kanyang kwarto.

"Uhm... I'm gonna meet my cousin and my friends. Wanna join?" sagot ng kaibigan.

"Is it safe?" saad ni Wonhi.

"I guess 'coz I already informed them about you. As a matter of fact, they're more than excited to see you in flesh and blood," paliwanag ni Rain sa kanya.

"Alright, I trust you. Could you give me a moment?" sabi nito. Alam na ni Rain na ang ibig sabihin ng moment kay Wonhi ay mahigit sampung minuto.

Matapos nga ang halos 15 minutes ay bumaba si Wonhi sa salas.

Hindi mapigilan ni Rain ang matawa ng makita ang itsura ng kaibigan. Nakasuot ito ng ripped jeans, puting polo shirt, itim na mahabang cardigan at puting rubber shoes.

"Mwo?!" tanong ni Wonhi habang kunot ang noong nakatingin kay Rain.

"Ani. But... we are not in Seoul, bro. If you wanna stay away from prying eyes and intrusive paparazzi, you must remain lowkey. With those clothes, you'd definitely attract attention," paliwanag ni Rain sa kaibigan.

"I know. But these are the simplest clothes I have in my luggage," saad ni Wonhi.

Napaisip si Rain saka siya tumakbo sa kanyang kwarto para kumuha ng kanyang damit na pwedeng ipahiram sa kaibigan. Magkasing katawan at tangkad ang mga ito kaya hindi mahirap pumili ng kanyang maisusuot.

"Try these on," sabi ni Rain kay Wonhi habang binibigay ang magkaternong itim na hoodie at jogging pants. "Pallihe!"

Matapos magpalit ay humayo na sila para i-meet ang pinsan at mga kaibigan ni Rain sa isang local bar na may live band. Umupo sila sa bandang likod kung saan hindi masyadong matao bukod sa medyo kubli. Ang bar ay gawa sa bato at ang interior design nito ay pinaghalong tribal at moderno.

"This place is cozy," nakangiting saad ni Wonhi sa kaibigan.

"I know you'll like it here," nakangiti ring saad ni Rain.

Saktong dumating ang waitress para kunin ang kanilang order.

"Good afternoon, gentlemen! May I have your order now?" magalang na tanong nito habang nakatitig sa gwapong magkaibigan.

"Sure-- you can have me now," pilyong saad ni Rain. Nagblush ang dalaga na halatang type ang dalawa. "Just kidding. We'll order later."

Tumango ang waitress saka lumipat sa ibang costumers.

"Damn! That lady seems hot," bulong ni Wonhi sa kaibigan.

"Calm down! This is quite a small village so everyone knows everyone. It's kinda hard to keep a secret," sita ni Rain.

Natawa si Wonhi. "Great advice from someone who just flirted with a dang hot lady, huh?!"

"Oh, shut up!" resbak naman ni Rain sa kaibigan. "They're here," saad nito habang nakatingin sa may entrance. Sinundan ni Wonhi ang tingin ng kaibigan para lang mabigla sa makikita.

"The drooling girl!" Ng maalala ang pangyayari sa bus ay bigla siyang nandiri.

"Of all the places. Oh no! Does she recognize me?" tanong niya sa sarili. Bigla siyang kinabahan pero agad ding kumalma ng makitang lumabas ito.

Nang maupo ang lahat ay ipinakilala ni Rain ang pinsan at mga kaibigan kay Wonhi na napapaisip pa rin hanggang ngayon.

"Guys, I think you all know him. No need for introduction," natatawang sabi ni Rain sa reaksiyon ng mga ito ng makita sa personal ang idolo. Halos lumuwa ang mata ng dalawang dalaga at halatang naiinggit ang kasamang binata.

"Anyway, this is my best buddy here in Myan Ji, Bhral and his girlfriend, Kara. And of course, my lovely cousin, Khassandra," pakilala ni Rain habang kinakamayan ni Wonhi ang bawat isa.

"Damn! You're hotter in person. Plus, you're always delectable in whatever you wear," lutang na sabi ni Khassandra. Natawa ang lahat sa pagfafangirl nito.

Bago sila magkita ay sinabihan ni Rain ang pinsan at mga kaibigan na huwag pag- usapan ang buhay ni Wonhi hangga't maaari. 

Nasa kalagitnaan ng kwentuhan ng bumalik ang waitress para kunin ang kanilang order.

"Just two buckets of cold beer first and an order of Myan Ji special chicken wings," saad ni Rain. Tumango ang waitress habang pilit na ikinukubli ang kanyang ngiti dahil sa pasimpleng pagkindat ni Rain dito.

"I saw that!" mahinang komento ni Wonhi sa kaibigang nagmamaang-maangan.

"Saw what?" kunot ang noong tanong ni Rain.

Ngumisi si Wonhi saka pinakita ang kanyang celphone. "Gotcha!" Akmang aagawin ni Rain ang cp ni Wonhi ng dumating ang kanyang kapatid.

"Hi, guys!" saad ni Jei. 

Biglang nanlaki ang mata ni Wonhi sa gulat ng makita ang paparating na dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?" maang ding tanong ni Rain sa nakababatang kapatid.

"Ay, wow, kuya! Your warm welcome is rather touching," sarkastikong sagot ni Jei sa kanyang kuyang napailing na lang. "Actually, I came with ate Khassandra here, but I had to buy something, so I am late," paliwanag nito.

"Oh siya... maupo ka na," sabi ni Kara kay Jei.

"Wonhi, this is my ever irresponsible and bratty younger sister, Jei," casual na pakilala ni Jei kay Wonhi. 

Sumimangot ang dalaga sa negative description sa kanya ng kanyang kuya ngunit biglang nawala ang inis na nararamdaman ng makita kung sino ang nakaupo sa harap niya.

"Are you--- oh my god! Nanaginip ba ako," hysterical na tanong ni Jei. Alam ng lahat na crush at idolo niya si Wonhi.

"Nope! He's a real deal," natatawang saad ni Bhral sa kanya.

"Ate! Ba't di mo ako sinabihang may gwapo kayong kasama?" bulong niya sa kanyang pinsan.

"Gaga! Kaibigan siya ng kuya mo tas ako ang tatanungin mo!" sagot naman ni Khassandra na ikinagulat ni Jei. Saka tinignan ng masama ang kanyang kuya.

"Really? I never knew that my brother has a supermodel friend," excited na saad pa rin ni Jei habang nakatingin kay Wonhi.

"Hinaan mo nga ang boses mo, Jei!" sita ni Bhral sa hindi mapigilang bunganga ng dalaga na agad namang nagsorry. Pero matapos ang ilang saglit ay muli nanaman itong nagtanong.

"Can you just go home? Ang ingay mo!" inis na sabi Rain sa kapatid na nagmaktol dahil sa sinabi ng kapatid.

"Kuya, why didn't you tell me that you're friends?" tanong nito. Bakas ang inis sa kanyang boses.

"I know you so much. Secret is never in your dictionary that's why," kaswal na sagot ni Rain saka ininom ang kanyang beer.

"Actually, we've already met," saad ni Wonhi.

"Really? That's impossible. If I have met you, I must have recognized you," di makapaniwalang sabi Jei sa binata.

"In the bus..." saad ni Wonhi. Nagkunot naman ang noo ni Jei habang pilit na inaalala kung saan niya ito nakita.

"No way!" sabi niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Bakit?" maang na tanong ng mga ate at kuya niya.

"Yep. You were sitting next to me," nanunuksong saad ni Wonhi. Nalilibang siya sa reaksiyon ng dalaga. Ni hindi na siya nagsalita o nag- angat ng mukha dahil sa sobrang kahihiyan.