Chapter 54: Huling Pagkakataon
Halos busy na ang mga estudyante sa pagbungad ng lunes, ngayong linggo na kasi gaganapin ang Spotsfest. Mabuti na lang talaga may activity kung hindi, sumakit na ang ulo ko dahil sa sabay-sabay na projects na pinapagawa. Actually, ngayong linggo na rin sana namin i-pe-perform 'yong role play sa english but unfortunately, hindi natuloy.
Ngayon araw lang ako a-attend ng sportsfest and the rest of the whole week would be my rest day. Wala akong pakialam kung may incentives man sa ibang subjects o sa attendance, ang mahaga ay nakapagpahinga ako.
Kasalukuyan na kaming nasa parada at ang nakakainis, sobrang init. Mabuti na lang katabi ko si Oliver at pinapayungan ako.
"Ang init," Reklamo niya. Todo sa pagpapay gamit ang abaniko.
Gaano ba kalayo itong nilalakaran namin? Ubos na 'yong dala kong tubig. Gosh.
We endure the heat of the sun until we get back to school. Agad kong hinila si Oliver papunta sa mga booth ng pagkain para bumili, nagutom ako sa paglalakad. Karamihan sa mga nagtitinda ay senior high students and I guess it's for their project purposes.
"CR lang ako, Jamilla," Tumungo lang ako bilang tugon kay Oliver. "Ibibili na rin kita ng tubig."
Pagkaalis ni Oliver, sa hindi kalayuan, natanaw ko bigla si Prince na nagtitinda sa isa mga booth ng pagkain, lumapit ako doon at naisipan doon bumili. Dumambot ako ng isang biscuit at sinadyang sa kanya magbayad.
"Bayad po," I smiled.
Kinuha niya ang bayad ko at hindi na ako pinansin pa. Blanko pa rin ang mukha nito. Halatang iniiwasan niya talaga ako.
"Usap naman tayo, even just 5 minutes. Puwede ba?" Tumingin siya sa akin at huminga nang malalim. Puno ng lungkot ang nababasa ko sa mga mata niya.
"Busy ako. Next time na lang," Malamig niyang sagot.
I just nodded and get back to the place where Oliver had left me. Ayaw kong nang pakiusapan 'yong taong ayaw namang pumayag. Pangatlong beses ko na siyang pinapakiusapan, siguro this is the right time to stop. Isang sorry lang hinihingi ko, naging kumplikado pa. Parang ako pa 'yong nagmukha may ginawang mali para umarte siya nang ganyan. Pambihira.
"Oh? Ba't parang dismayado ka d'yan?" Biglang tanong ni Oliver. 'Andyan na pala siya. Inabot niya sa akin 'yong tubig na hawak niya at agad ko naman itong ininom.
I sighed. "Hindi naman. Tara na."
-
Gabi na nang makauwi ako sa bahay, nanood pa kasi ako ng cheerdance kaya ginabi na ako sa school. Nagpaalam na rin si Oliver at umalis na. I was about to open our gate as I heard my name calling behind my back.
"Jamilla?" Agad akong humarap at nagulat nang makita si Prince, deretso ang tingin nito sa akin. "Sorry. Bye," Tipid niyang sagot na ikinadahilan ng pagkunot ng noo ko. He has started to walk towards to his house but I still blank. 'Yon lang iyon? Wala na siyang iba pang sasabihin sa akin? Simple sorry that there's even no smear of sencere.
"Iniiwasan mo ba ako?" I accidentally snapped. Nasasakal na ako sa sitwasyon namin, hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla.
"Oo, pero para sa huling pagkakataon bukas, susulitin kong makasama ka," He said without even looking at me. I feel clueless when he said that last six words, hindi na ako nakaimik pa at hinayaan na siyang maglakad papasok ng bahay niya.
-
Halos hindi na ako makatulog nang maayos dahil binabagabag ako ng mga sinabi ni Prince. Nalilito pa rin ako at pilit iniintindi ang sinabi niya. Paano niya nasabing huling pagkakataon? There's a double meaning behind it, by tomorrow will he end our friendship? Or mamatay na siya bukas? Gosh, my mind killing me.
Palaisipan pa rin sa akin ang sinabi niya hanggang abutin na ako ng umaga. Busog na busog ang mga eyebags ko at mala-zombie akong nagtungo ng banyo. Pilitin ko man matulog ulit, my soul can't even do it again. Wala akong balak um-attend ng second day sa Sportsfest kaya naman, magbabasa lang ako ng libro maghapon para iwas stress. Mas mabuti nang libangin ang sarili sa ibang bagay kaysa isipin si Prince.
"'Nak, nasa labas si Prince," Speaking of him, tinawag ako ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko. Napakunot ang noo ko bigla. Hindi pa ako tapos magsipilyo ngunit tinapos ko na agad and I ran quickly towards to our main door.
He's smiled so I was, too. "Magandang umaga!" Masigla niyang bati, iba itong awra niya unlike yesterday. His smiled can even reach his eyes. Ang blankong mukha ay naging masayang mukha.
"Bakit ka naparito?"
"Like I said yesterday, susulitin ko ang huling pagkakataon na ito na makasama ka."
"Why do kept saying that this is would be our 'huling pagkakataon'? It's kinda confusing."
"You'll find out later. Just fix yourself first and join me on my trip," Napakunot ulit ako nang noo.
"Trip? What do you supposed to mean?"
"Pupunta tayong Windmill, Pilia Rizal. I want to inhale a fresh air. And at the same time, gusto kong maging payapa mula sa problema ko kasama ka," Medyo weird 'yong sinasabi't kinikilos niya. Hindi ko alam kung anong kalokohan itong gagawin niya, pero gusto kong makisakay.
"Hindi ka a-attend ng Sportsfest sa school?"
"Hindi ba obvious?" Pilosopo niyang sagot.
"Obvious naman."
"So, ano na? Mag-ready ka na! This is the first na mag-bo-bonding tayo together. Please, pagbigyan mo na ako," He pleaded. Tama siya, first time nga ito. Pero malakas ang kutob ko na magiging huli rin ito agad dahil sa sinabi niya.
"But I don't know if Oliver will allow me to be with you. Alam mo naman na seloso iyon, lalo na sa iyo. Magpapaalam muna ako. Baka magalit 'yon."
"Huwag na. I already texted him last night and pinayagan niya ako na makasama ka. Basta't wala raw akong gagawin masama sa iyo, basta't iuuwi kita nang maaga, basta't hindi kita babastusin, basta't buo pa ang katawan mo bago umuwi at marami pa siyang ibinilin sa akin. No'ng una ayaw niyang pumayag, but eventually, napilit ko rin siya."
"Can I see the evidence?" .
"Wala ka manlang tiwala sa akin?" He chuckled. He get out his phone from his pocket and open it. Ipinakita niya sa akin 'yong convo nilang dalawa ni Oliver. Napapanganga na lamang ako nang mabasa ang napakahabang bilin ni Oliver sa kanya. Hindi lang pala ako ang OA sa aming dalawa, siya rin pala.
"Okay, mag-aayos na ako nang sarili."
"Yown! I'll wait you here, Jamilla. Just do it faster, umaandar ang oras, ayaw kong suwayin si Oliver na baka gabihin tayo bago kita maiuwi."
-
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa private van na ni-request daw niya sa Papa niya. Basically, Papa niya ang nagbayad para rito.
Dahil malaki ang van at kaming dalawa lang ni Prince ang nasa loob, nasa magkabilang side kami ng window. Pareho kaming nakatanaw sa labas, appreciating the beauty of nature. There's awkwardness of silent between us.
Maya-maya binasag din ng driver ang katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan. Nagpatugtog ito bigla.
Bakit Ba Ikaw By Michael Panginiban
Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa
Bahagya kong kinu-kumpas ang mga daliri ko sa binti ko at palihim sinasabayan ang kanta. Napatingin ako sa kasama kong lalaki na nagsuot ng ear phone. Ang weird, nagpatugtog na nga 'yong driver, magsusuot pa siya ng ganoon. Hays, just let him be, buhay niya iyon, eh.
Masaya ka ba 'pag siya ang kasama
'Di mo na ba ako naaalala?
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa?
Laman ka ng puso't isipan
'Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa
Napakunot ako ng noo nang mapansing nagpupunas ng mata't ilong si Prince. Bahagya akong lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
"Are you okay?"
"Ha? Oo naman," He answered without even looking at me, his attention still out the window.
"Sure? Harap ka nga sa akin."
"Huwag na," Pinuwersa ko siyang paharapin sa akin ngunit hindi ko rin nagawa.
"Naiyak ka, eh. Bakit mo tinatago?"
"Hindi, sadyang malamig lang 'yong aircon kaya sinipon at napaluha ako."
"Kuyang Driver, pakihinaan po no'ng aircon," Request ko.
"Sige po."
"Salamat."
Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo na minamahal kita
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa
"Jamilla, meron pala akong hinandang laro para hindi tayo ma-bored rito sa loob ng van," He has something get out from his bag. It was a small jar and there's pieces of paper that folded in to two in inside. "Truth or Dare."
This time, deretso na siyang nakatingin sa akin. Halatang namumula pa rin ang mga mata nito mula sa pagkaka-iyak ngunit isinawalang-bahala ko na lang din iyon dahil sabi naman niya ay sinisipon lang daw siya.
"Hindi naman siguro common itong laro na ito, ano?" Matawa-tawa kong tanong
"Basta, makisama ka na lang."
"Game!"
"Ganito, there's a 5 truths and 5 da—"
Nag-ring ang phone ko kaya naman agad kong tiningnan kung sino natawag. Napangiti ako when I saw Oliver's name on the screen.
"Wait lang, Prince," Excuse ko. Tumango siya at ngumiti.
Itinapat ko na sa tainga ko 'yong phone ko. "Napatawag ka?"
"Ano na'ng balita? Nakaalis na ba kayo?"
"Yup."
"Did he do inappropriate things to you?"
"Wala. Mabait naman 'yong tao. Ang sama mo."
"Haha, kidding. Sige na, matutulog na po ulit ako. Pasalubong ko, ha? I love you."
Para akong baliw na nakangiti kahit alam kong hindi naman niya iyon nakikita. "I love you, too." And I ended off.
"Nasaan na ba tayo?"
"Nasa van," Pilosopo niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang, like what I am saying, there's a 6 truths and 5 dares ang nasa loob nito. May punishment tayo, siyempre. Example, if ever na hindi ko nasagot o nagawa ang nabunot ko, may sasabihin akong isang bagay na hindi mo pa alam tungkol sa akin. Game?"
"Game!" I find it interesting. It seems fun!