Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 54 - Chapter 52

Chapter 54 - Chapter 52

Chapter 52: Harana

I was in a deep sleep when I heard a sounds of guitar, which wakes me up. Tamad akong pumunta sa balkonahe ko at sumilip kung anong meron sa labas. Gosh, hirap na nga ako bago matulog dahil sa sitwasyon ko tapos naudlot pa ngayon.

Tila nawala bigla ang antok ko nang makita ko si Oliver na naggigitara. Nabuhay muli ang sistema ko sa katawan.

"What are you doing here?! Madaling araw na, ah!" I incredulously asked.

He didn't answer my question, instead he starts to sing.

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago?

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

I bit my lower lip and try not to smile. But eventually, I gave up. Hindi ko man alam kung anong pumasok sa kokote niya para gawin ito ngunit alam ko sa sarili ko na napapasaya niya ulit ako.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa 'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

Nakakatitig lang ako sa kanya habang nakanta, his sweet voice coming out from his mouth made my heart trouble.

Sumenyas siya sa akin na bumaba at puntahan siya. Pababa na sana ako ng hagdan nang marinig ko si Mama na nagsalita mula sa kuwarto niya.

"Jamilla! Are you still awake? Bigyan mo ng limang piso 'yong nangangaroling."

Napatawa na lamang ako sa sinabi ni Mama, hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko, nagsimula naman siyang kumanta ng another song. From it, I knew what this is for. Kahit anong sabi kong, okay lang, hindi siya titigil hangga't hindi niya nararamdam na okay nga talaga ako.

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang konsensiya

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako 'wag sanang magtampo

Sorry na...

"Sorry na," He apologized.

"Ang kulit mo talaga, ano? Ayos nga lang."

"Nakokonsiya ako hangga't hindi kita nakikitang nakangiti, kaya sorry talaga."

"Okay nga lang sa akin. You don't have any bad intention at all. Promise, okay lang talaga ako," I raise my hand just to convince him.

"Can I get a hug?"

"Oo naman," Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit.

"Sorry If I hurt you. Promise, it would never be happen again. Hindi na ako magsisinungaling sa iyo. I love you, I really do," He whispered. If I'm going to spell who's the most lucky girl in this universe, my name was a correct spelling. Dahil may boyfriend akong hindi sumusuko sa kakasuyo.

"I love you, too. Asahan ko iyan sinasabi mo, kahit hindi ako naniniwala sa mga pangako. Pero sa iyo, magtitiwala ako," Niyakap niya pa ako lalo.

Isang gabi, na malamig ang simoy ng hangin, saksi ang mga bituin sa langit kung paano ano magtitiwala sa taong kayakap ko ngayon, I didn't believe in promises ever since, but when he came in to my life, I'll gamble, it would be basis how much I love him.

-

Kung kami ni Oliver ay ayos na ang ugnayan, mayroon pang isang tao ang hindi ko pa nakakausap, gusto ko nang magkaayos kami at humingi siya ng tawad sa akin.

Buong maghapon, hinihintay ko lang siyang kausapin ako ngunit natapos na ang klase, wala pa rin siyang paramdam.

Hindi ko siya makita kahit saan parte ng school, umuwi ako ng bahay nang may halong pagkadismaya. I don't want to ruin our friendship after all, just for this misunderstanding. De bale na, siguro nag-iipon pa siya nang lakas ng loob.

Aside from that, pansin ko rin ang pag-iiba ng mood ni Oliver. Halos napapatulala lang ito minsan, tumatawa kapag pinapansin ko at bigla-bigla na lang nagmumura. Hindi ko alam kung anong nangyari, I will just waiting the moment he will tell me his problem, kahit girlfriend niya ako ay ayaw ko pa rin mangialam ng buhay niya. I put some of respect.

In the next day, ngayon lang ako nagkaroon ng time para kausapin ang mga kaibigan ko at ikuwento sa kanila 'yong nangyari sa amin ni Oliver, they actually get shocked when I mentioned Prince' name. They didn't expecting, too that Prince and Oliver has a connection each other and played Rence' being, since laging masungit si Oliver kay Prince, ngayon ko lang din napagtanto kung bakit ganoon siya makitungo rito, avoid inconspicuous.

Nandito na ako sa condo ni Oliver at gumagawa ng project, partner kaming dalawa at bukas na ng deadline nito. Kanina pa ako na-bo-bothered sa telepono niya dahil maya't maya may tumatawag dito. Ramdam kong naiinis na si Oliver kaya sa pang-apat na beses na pagtunong nito, agad na niya itong pinower off.

"Punyeta," Bulalas niya but I choose to being quiet for a minutes and act like I'm busy on what I am doing. However, hinawakan ko pa rin ang kamay niya.

"What's wrong?" Natatakot ako sa aura niya, masungit ang mukha nito, this is the first time I saw this kind of expession of himself.

There's a bit of silence before he spoke. "Did you remember the lady who called my name last time?" I nodded as my response. He took a deep breath. "She is my f'ckin' mother!" Bulalas niya.

Napalitan ng gulat ang mukha ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi dahil sa nalaman kong nanay niya 'yon, kung hindi sa malutong nitong mura. Galit na galit.

"Ibig sabihin 'yong kasama…"

"Yes! 'Yong kasama niyang lalaki na bumaba sa kotse right after she called my name, was Prince' father. Punyeta ang mapaglarong kapalaran, 'di ba? 'Yong tatay ni Prince at 'yong nanay ko ay magkasama na sa iisang bubong. Bakit tatay pa ni Prince? Sa tagal kong hinahanap siya, doon ko lang pala siya matatagpuan!" Tuluyan na siyang umiyak at sumandal sa mga balikat ko. Ramdam ko ang poot at lungkot sa boses niya. Maski ako, hindi makapaniwala sa mga bagay na iyon.

"And now, she's insisting me to meet her and talk to her. I don't know how she got my phone number but I prefer to do not answer it, I'm not ready yet," I patted his back just to calm himself.

"Akala ko ba, hindi ka magagalit sa kanya kapag makikita mo na siya? Sabi mo sa akin noon."

He shrugged. "We are in the same situations right now, Jamilla. That time, may ibinulong pa ako sa sarili ko, hindi ako galit, oo. Sadyang sobra lang ako naawa sa kanya. She's already in not-so-perfect family but I can say we're happy enough, but how did she's still broke it up? Why did she's still not contented with it? Why did she's still left us behind?" Malungkot niyang sabi. Pinunasan ko mga luha mula sa mga mata niya na patuloy sa pagpatak. Halo-halo ang emosyon ang nababasa ko sa mga mata nito.

"Papatawarin mo ba siya?"

"Dati, pinipilit kitang patawarin ang tatay mo ngunit ngayon na nasa punto na ako ng katulad ng sa iyo, Jamilla. Naiintindihan ko na, hindi ko rin alam. Bakit ba kasi kailangan pa nilang iparamdam sa atin na mahal nila tayo, kung iiwan din pala nila tayo sa dulo? Mahal ko si Mama ngunit kinakain na ako galit ko. Ano bang kulang sa pamilya natin na naging dahilan ng pag-iwan ng mga magulang natin sa atin? Love? It is easy to give, ah."

"Walang kulang sa atin, sadyang bulag lang silang tumingin sa isang bagay na sobra nang ibinibigay ngunit sa tingin nila ay kulang pa rin."

"Punyeta."

"Oliver, sabi nga ni Rence, kung ano ang desisiyon na nakakapagpasaya sa iyo, gawin mo. Tama man o mali, ang importante masaya ka ba o hindi. Kasalanan ang hindi magpatawad, sige ka."

"Ikaw?"

"Ako?"

"Kung ano desisyon mo, doon na rin ako," Napakunot ako ng noo at napatigil sa tapik ng likuran nita.

"Huh? Bakit sa akin?"

"Dahil kung saan ka sasaya, alam kong doon na rin ako sasaya."

"Sira," Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya. Tumigil na rin ang mga luha nito. "Bumabanat ka pa d'yan."

He chuckled. "Seryoso iyon."

"Eh?"

"Yep."

"Ewan ko sa iyo," Nagpatuloy na ako sa paggagawa ng project namin. Bahagya siyang tumawa kahit alam kong may lamat ito ng lungkot. Iba 'yong tawa niya sa tunay niyang tawa. Hindi ko siya masisisi, ganoon din ako noon.

Pareho kami ni Oliver na sasabak sa desisyon na makakaapekto sa pamilya namin. Biglang sumagi sa utak ko si Papa, hindi ko hangad na bumalik siya sa pamilya namin ang gusto ko lang, umayos ang pakikitungo niya sa amin.