Chapter 36 - Epilogue

"KAILAN pa umuwi si Vann?" tanong ni Rainie kay Maken habang nasa daan sila. Patungo sila sa isang bar. Naroon daw si Vann Allen at pasekretong umuwi. Ipina-reserve daw nito ang buong bar para makasama ang mga malalapit nitong kaibigan.

"Kahapon lang," tugon ni Maken.

May napansing kakaiba si Rainie kay Maken. Para itong natataranta at ninenerbiyos. Nais niyang magtanong ngunit nagpigil siya. Nang nagdaang gabi ay tinawagan siya nito at sinabihang lumuwas siya sa Maynila dahil nasa bansa raw si Vann Allen.

Matagal na sila. Minsan, nakakamangha na nagtagal sila nang ganoon. Marami na ang nangyari sa kanila sa mga nakalipas na taon. Maraming pagsubok na ang pinagdaanan ng relasyon nila. Kahit ganoon, nanatili sila sa piling ng isa't isa. Minsan, may problema pero masaya pa rin sila. Higit sa lahat, hindi nawala ang pag-ibig nila sa isa't isa. After so many years, they were still so much in love with each other. Tila lumalago ang pag-ibig sa bawat araw na lumilipas. It was so amazing.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bar. Tahimik ang buong lugar. Pinatuloy sila ng isang lalaking sa tingin ni Rainie ay miyembro ng security team ni Vann Allen.

Kaagad niyang namataan si Vann Allen. Nginitian niya ito at nilapitan.

"Ulan!" bulalas ni Vann Allen. Niyakap siya nito.

Natawa si Rainie. "Kumusta ka na? Na-miss kita. Ngayon lang uli kita nakita. Bakit kasi ngayon ka lang umuwi?"

"Ang dalas ko ngang umuwi, eh. Noong last month lang, umuwi ako para mag-record ng isang special album sa Sounds. Busy ka lang masyado sa hacienda mo. Sa sobrang busy mo, pati itong si Maken, napapabayaan mo. Namumutla, o. Nagpapawis pa nang malamig. Are you sick, man? Are you gonna throw up?"

Matalim na sulyap ang naging sagot ni Maken. Natawa lang si Vann Allen.

Nagtataka namang napatingin si Rainie kay Maken. Totoo ang mga sinabi ni Vann Allen. Maken looked sick. "Are you okay?"

Tumango si Maken. Binati ni Rainie ang iba pang mga naroon. Kompleto ang Lollipop Boys. Naroon din sina Jillian at Mary Kirsten.

Hindi nagtagal ay pinaupo si Rainie sa harap ng isang mesa na malapit sa isang maliit na stage.

Nagtungo sa stage si Vann Allen. "Except for Ulan, everyone here knows that this night is not really my night. It's hers," anito, sabay turo kay Rainie.

Nagulat si Rainie. "Me?"

Tumango si Vann Allen bago nagpatuloy. "Your boyfriend prepared something special for you. `Goodness! Up until now, I can't understand why he loves you so. Anyway, enjoy this night, Ulan, `cause this is your night. Thank your boyfriend."

Nagtatanong ang mga matang napatingin si Rainie kay Maken. He answered her with a nervous smile. Lalo siyang nagtaka. What was he up to? What were they up to?

Vann Allen started to sing. She was not familiar with it.

"Your song?" tanong niya kay Maken. "Is that new?"

Tumango ang binata. May iniabot itong kahon sa kanya. Tinanggap niya kaagad ang kahon. Baka iyon ang makasagot ng mga tanong niya. Binuksan niya ang kahon at napasinghap nang tumambad sa kanya ang cover ng isang CD case.

Larawan niya ang cover ng CD case. Nakalagay rin doon ang pangalan niya.

"May album na `ko?" tuwang-tuwang tanong ni Rainie sa kanyang nobyo. Oh, she really loved him.

"How come I'm not aware of this? Saan mo nakuha `tong picture ko? Ang ganda-ganda ko naman dito. Lalabas ba ito sa market?" Maingat na hinawakan niya ang CD at tinitigan iyon nang maigi. Binasa niya ang mga kanta sa likod. Lahat ng Lollipop Boys ay may kanya-kanyang kanta roon. May special participation din ang bandang Stray Puppies at si Jillian Belgica. She loved the titles of the songs.

Halos himatayin siya nang mabasa niya ang nasa dulong bahagi ng cover.

Will you marry me?

-Mark Kenneth Nuestro, songwriter, composer, and arranger.

Naluluhang napatingin si Rainie kay Maken. She couldn't believe it. He made a personalized album for her and asked her to marry him. She was really loved.

Nginitian siya nito. "The album will not be distributed. Para sa `yo lang `yan."

"I want this to be the souvenir on our wedding day. Oh, God, Maken, where is the ring? Take it out. I wanna see it," naluluhang sabi niya.

May dinukot si Maken mula sa bulsa. Lumuhod ito sa harap niya at binuksan ang isang kahita. Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha ay nasilayan niya ang ganda ng kinang ng singsing.

"Will you marry me?" he asked solemnly.

"Of course!" agad na sagot niya. May iba pa ba siyang sagot sa tanong na iyon?

He slipped the ring on her finger then claimed her lips. Kaagad na tumugon siya. Her ultimate dream would come true soon. They were going to get married.

Their friends cheered for them.

Pumapailanlang pa rin ang magandang tinig ni Vann Allen sa buong lugar.

Rainie thought everything was perfect in her life. God was so good for giving her someone to love like Maken for he loved her back as much.

•••WAKAS•••