Nasa gitna na naman ako ng kawalan. Nakalutang ako sa gitna ng kadiliman. Mag-isa. Mag-isa lang ako dito. Kahit saan ako lumingon puro itim. Gusto ko namg umiyak kasi wala akong makita kahit man lang isang hibla ng liwanag. Kahit ilang beses ko ikurap ang mga mata wala pa ding nagbabago. Madilim pa din.
Pinikit ko na lang ang aking mata at hinayaan ang sarili ko na anudin sa gitna ng kadilimang ito. Wala nang makakakita sa akin. Wala nang magliligtas sa akin. Mag-isa lang ako dito. Ako lang ang nandito.
May biglang humawak sa aking kamay kaya binuka ko ang aking mga mata para tingnan kung sino. Pero wala akong makita. Hindi ko siya makita. Ang alam ko lang ay malaki ang kamay nito na nakabalot sa aking maliit na kamay. Mainit ang kanyang mga kamay na para bang nakakapagbigay ng pag-asa. Sa aming paglayo na hindi ko alam kung saan kami nakarating ay may may humawak sa kabila kong kamay. Kabaligtaran ito ng isa dahil kung anong init nito ay siya namang lamig nito. Lumingon upang tingnan kung sino ito. May kung anong liwanag sa kanyang likuran pero nanatiling madilim ang buong katawan nito.
Alam ako ang liwanag na ito. Hindi ko gusto ko ang liwanag na ito. Nakaramdam ako ng takot. Gusto kong sumigaw na bitawan ako nito pero walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas ito. Lumingon akong muli sa kabila dahil unti unting nawawala ang init mula sa pagkakahawak nito. Lumakas ang hatak sa isa kong kamay at pinipilit ako na pumunta sa liwanag. Ayaw ko diyan. Ayaw ko. Huwag mo akong dalhin diyan. Pakiusap. Pero sadyang malakas ito. Wala na akong nagawa kundi ipikit muli ang mata ko at tuluyan na nga akong nilamon ng liwanag.
Sa muli kong pagdilat ay nakita ko ang sinag ng araw na tumatagos mula sa pagitan ng mga dahon. Para akong nakalutang. Bigla kong naalala na nakahiga nga pala ako sa duyan. Lumingon ako sa aking tabi pero wala si Igo. Ako na lang pala ang mag-isa sa duyang ito. Nakatulog pala ako. Bumangon ako at ibinaba ang aking mga paa. Luminga linga ako para hanapin si Igo pero wala ito. Saan kaya nagpunta yun at iniwan ako dito? Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at nag-unat unat. Tumingin ako sa kalangitan at napaisip kung nasa panaginip pa ba ako? Nanaginip pa din ba ako? Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Natigil ang lahat ng iniisip ko nang marinig ako ang pagbukas ng pinto mula sa aming bahay at nakita ko is Igo na lumbas mula dito na may bitbit na pagkain. "Carly gising na pala. Tara na kain na tayo ng tanghalian." Pagkalapit sa lamesa ay ibinaba nito ang tray at inilapag isa isa ang mga plato at mangkok na may mga pagkain.
Naramdam ko ang mga paa ko na lumalakad papunta sa kanyang direksyon at hinawakan ko ang kanyang pulsuhan para kumpirmahin kung gising na ba ako. Kung totoo ba si Igo na nasa harapan ko. Napatigil ito at tiningnan ako na may bakas ng pagkabahala.
"Carly? May problema ba?" Tanong nito. Nanatili akong nakahawak sa kanyang pulsuhan at umiling. Nang hawakan nito ang aking kamay ay nakaramdam ako ng panlalamig. Bakit malamig ang kamay nito? Inilipat ko ang tingin ko sa kanyang mga kamay. Nang muli ko siyang tingnan ay puro itim na ang aking nakikita. Hindi ito si Igo. Pero alam ko si Igo iyon kanina. Anong nangyayari? Bumilis lalo ang tibok ng puso. Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang pulsuhan pero mahigpit naman ang pagkakahawak nito sa aking kamay. Nagpumiglas ako pero malakas ito.
"Igo..." sambit ko pero walang boses ako na marinig.
"Igo!" Sumigaw ako pero wala pa ding boses.
"IGO!" Sigaw kong muli pero katiting lang ang lumabas na boses. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mata. Lumingon ako sa duyan at nakita ko ang sarili ko at si Igo na magkatabi. Bakit ako nandito? Unti unting pumatak ang luha ko. Gusto kong bumalik doon. Igo... gumising ka naman. Nandito ako. Naramdaman ko ang malakas na paghatak sakin ng lalakeng maitim. Inilalayo na niya ako. Pinilit ko siyang pigilan. Halos umupo na ako sa lupa pero hinahatak pa din ako. Tumingin akong muli sa duyan. Hanggang sa binalot na naman akong muli ng kadiliman.
•••
Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ulit ang sinag ng araw na tumatagos mula sa pagitan ng mga dahon. Lumingon ako agad at nakita ko si Igo sa aking tabi. Nakasandal ang ulo nito sa akin. Tiningnan ko ito at hinawakan ang kanyang mukha. Mukhang gising na nga ako.
"Carly?" Pagtawag ng bagong gising na si Igo. Pabangon na sana ako nang magising ito. "Nakatulog pala tayo." Inalis nito ang braso nito dahan dahan habang inaalalayan ang ulo ko at nag-unat ito. Bumangon ito, tumayo at inunat ang kanyang kanyang katawan. Humarap ito sa akin at ngumiti. "Tara kain na tayo" aya nito. Bumangon na din ako at nag-unat. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Alam kong wala na ako sa masamang panaginip na iyon at gising na ako. Gising na gising.
•••
Simula kahapon ay halos buong araw nandito sa bahay. Uuwi lang yun saglit para maligo o kaya ay para kumuha ng pagkain. Kulang na lang ay dito na siya matulog.
Sinilip ko ang orasan sa sala at nakitang mag-aalas kwatro na. Kung babasehan ang madalas kong gawin ay dapat nasa may tabing dagat na ako ngayon nakaupo pero parang tinatawag ako ng duyan. Malamang ay baka tulog pa si Igo kaya napagpasyahan ko munang mahiga sa duyan. Tiningnan ko ang mga dahon sa sanga na nagsisilbing lilim ko ngayon. Hindi ko maiwasang maalala ang panaginip ko kanina. Si Harris ba ang sumisimbulo sa lalakeng nababalot ng kadiliman dahil nasa likod niya yung liwanag na yun? Bakit mahigpit ang hawak niya sa akin? Bakit ayaw niya akong pakawalan? Di ba gusto naman niya akong iwan noon? Yung humawak sa akin na mainit ang kamay? Sino naman yun? Si Igo kaya yun? Pero bakit nawala siya doon? Bakit binitiwan niya ako? Hay.. ang sakit sa ulo ng panaginip na yun. Hindi ba dapat masaya ka dahil may liwanag sa kadiliman mo? Pero natatakot ako sa liwanag na yun.
Gayunpaman ay alam ko na isang araw may magbibigay ng liwanag sa madilim na mundo ko...
Itutuloy...
04-17-2018