Chapter 2 - Alone

Sa second floor ng bahay nakapwesto ang aking silid.  Buti na lang yung bintana may pwesto para maupuan. Yung view ng aking yung playground para sa mga bata.

Kumatok si mama ng dalawang beses sa bukas kong pintuan "Carly kakain na tayo halika na"

Lumingon ako kay mama at umalis sa aking inuupuan at sumunod sa kanya pababa. Sabado ng umaga walang pasok sina mama at papa pati na din ang kapatid ko.

Hinintay nila akong makaupo bago nagsimulang kumain. Tinitigan ko ang plato kong walang laman. Wala talaga akong ganang kumain. Wala naman talaga akong balak na sabayan sila kumain. Napansin ito ng aking kapatid kaya nilagyan ng dalawang takal ng kanin, isang pirasong hotdog, isang itlog na malasado ang dilaw. Siya na rin ang naglagay ng dilaw ng itlog sa aking kanin. "Kain ka na ate" pagtapos ay kinuha ang mga kamay ko at nilagay doon ang kutsara at tinidor.

Ngumiti ako sa aking kapatid. Mabait talaga tong kapatid ko na Andrei or Andy for short. Kung nauna lang siyang pinanganak sa akin pasado siya for best kuya in the world. Maliit lang ang agwat namin mga dalawang taon lang. Naalala ko pa nung nagselos siya sa una kong boyfriend. Konti lang ang tinangkad niya sa akin mga 3 inches lang pero malaki din ang katawan kasi adik sa gym. Sa kanya ako naenganyo kaya napasabak din ako sa gym.

Kumuha ako ng kapiranggot na kanin at hotdog at isinubo ito. Dahan ko itong nginuya pero hindi ko ito malunok. Parang gusto ko itong isuka. Inabot ko ang isang basong tubig para tuluyan ko na itong malunok.

"Carly okay ka lang?" Tanong ni mama. Tinatanong pa nila ako eh alam naman nila ang sagot. Pero siyempre yung gusto nilang marinig ang sinasabi ko "Oo naman ma" at pinakita ko ang tipid kong ngiti.

"Tutal nagresign ka naman na bakit hindi ka na lang muna magpunta sa rest house natin sa probinsya? Alam ko namaintain naman ni Celia iyon e." Suhestiyon ni papa.

"Pero Pa mahirap yun walang kasama si ate baka mapano siya?" Pangongontra ng kapatid ko.

"Andrei sa tingin ko iyan ang kailangan ng ate mo" sagot ni mama.

"Tayo ang kailangan ni ate Ma. Tayo dapat ang susuporta sa kanya sa mga panahon na ganito" medyo tumataas na ang tono ng pananalita ng kapatid ko.

"Paano kung bigla yan magpakalunod sa dagat o kaya maglaslas? Wala tayo doon ma pano na kapag nangyari yun?" Pag-aalala ng kapatid ko. Actually medyo OA lang siya. Kung gusto ko mag suicide noon ko pa sana ginawa.

"Kung gusto magsuicide ng ate mo sana noon pa." Sabat naman ni papa. Exactly yan yung naisip ko ha. Pati sila nag-aaway away na sa kalagayan ko. Alam kong worried lang sila pero wala eh. Ganito ako ngayon hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatiling ganito.

"Malay mo baka mas maisip niya yun kapag mag-isa lang siya." Tinignan ako ng kapatid ko na puno bg simpatiya ang kanyang pagmumukha gaya ng kung paano ako tinignan ni Dax nung nakaraang araw na tulala ako sa harap ng punching bag.

Baka nga kailangan ko ng bakasyon yung malayo sa mundong ginagalawan ko ngayon. "Ok Pa sa probinsya na muna ako." Matamlay kong tugon. "Baka nga kailangan ko nito para din sa peace of mind ninyo. Sabihan ninyo na lang ako kung kailan ninyo ako ipapatapon doon para maayos ko ang aking gamit." Mas lalo akong nawalan ng gana kumain. Tumayo na ako at bumalik sa aking kwarto. Nagdidiskusyon pa din sila kahit wala na ako. Sinara ko ang aking silid at muling tumahimik ang aking paligid. Bumalik ako sa may bintana at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. 

•••

Pagkalunes ay hinatid na ako ng aking pamilya sa probinsya. Sinamantala na nila ang pagkakataon dahil holiday naman. Namili na din si mama ng pang isang linggo kong pagkain kahit alam naman niyang hindi ako kakain. Meron din mga chocolates at ice cream na mukhang matutunaw naman sa biyahe.

Pinark ni Papa ang sasakyan sa terminal at sumakay kami ng malaking bangka papunta sa isla. Mga dalawang oras din ang biyahe papunta doon. Yung resthouse namin ay malapit sa dagat. Dito muna nanirahan sila mama noon mga isang taon bago nagpasyang mag stay na sa Maynila. Pinabakuran na ito ni papa. Kung titignan mo ang disenyo nito ay isang malaking bamboo house. May veranda sa tapat ng bahay at pagpapasok mo tatambad na sa iyo ang sala. Walang tv dito at internet kaya maganda ito pang soul searching. Kahit mukhang makaluma ang labas, sa loob naman ay medyo moderno na ito. Pinaganda ni mama ang kitchen kasi mahilig kaming magluto. Sa bandang kanan naman ang pasilyo patungo sa mga kwarto.

Sinalubong kami ni Aling Celia na nagsilbing caretaker ng aming rest house. "Coring kamusta?" Sinalubong ito ng yakap ni Aling Celia. Kababata pala siya ng aking ina. "Okay naman. Wow malinis ang bahay ha" puri ni mama.

"Oo naman no. Ako pa ba?" Mapang-asar na tugon nito. Naupo silang lahat sa sofa sa sala at ako naman ay nagkunwaring nagtungo sa mga banyo pero nagtago lang ako sa isa sa harap ng mga kwarto.

Kahit medyo hininaan ni mama ang kanyang boses rinig ko pa din ang boses nito.

"Celia ikaw na ang bahala sa anak ko ha? Dalaw dalawin mo lang. Medyo pinagdadanan kasi iyan eh"

"Anong nagyari?" Tanong ni Aling Celia.

"Mahabang kwento. Pero mas okay siguro kung siya na ang magkukwento sayo." Sagot ni mama.

"O siya aalis na din kami. Hinatid ko lang si Carly dito at ibinilin sa iyo." Saad ni mama.

Bumalik ako sa sala para magpaalam sa kanila.

"Anak mag-ingat ka dito ha? Itext mo kami kapag may kailangan ka ha. Sa kabila lang nakatira si Celia lumapit ka sa kanya." Niyakap ako ng aking mama t hinalikan at ganoon din ang ginawa ng papa at ng aking kapatid.

Hinatid ko na sila sa pier ng mga bangka at naglakad pabalik nang hindi ko na sila matanaw. Pagbalik ko sa loob ng bahay lalo kong naramdaman na nag-iisa lang ako.

I'm left alone...

Itutuloy...

3-30-2018