Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Lei's Point of View

"Lei, can I ask you something?" napatingin naman ako sa kaibigan ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng paaralan.

It's already 5 P.M. at uwian na namin. Kaya madaming estudyate na naman ang nag-uunahang lumabas.

"Sure."

"Anong meron sa inyo ni Triton?" napatigil ako sa paglalakad sa tanong niya kaya naman huminto rin siya at saka tiningnan ako. "Liligawan ka raw niya?"

"What?! No!" halos lumuwa iyong dalawang mata ko sa tanong ni Shania. "Saan mo naman nakuha iyang tanong na iyan, Sha? He's not going to court me."

"But he told me that he's going to court you after your 18th birthday. Hindi ba this year ka na mag-e-eighteen?" tanong muli nito sa akin.

Naihilamos ko naman iyong dalawang palad ko sa mukha ko. Oo, kaibigan ko si Shania mula elementary ako hanggang ngayon pero hindi ibig sabihin ay sasabihin ko na lahat sa kanya lahat ng sikretong meron ako lalo na iyong set-up namin ni Triton mula grade 7 kami hanggang ngayong grade 11.

Hindi alam ni Shania kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin ni Triton dahil last month lang siya nag-transfer sa school ko. Galing kasi itong abroad at ngayong taon lang siya ulit bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy dito ang pag-aaral niya.

Naalala ko tuloy iyong sinabi niya kay Triton kaninang magkakasama kaming tatlo.

"Kung gusto mong payagan ka talaga ng kaibigan ko na manligaw dapat binibilhan mo rin ako ng mga binibigay mo sa kanya. Remember, you must court me first, me, her bestfriend. Para makilatis kita kung pwede ka talagang manligaw sa kanya."

Ibig sabihin lang nito ay sinabi na sa kanya ni Triton na liligawan nito ako.

"Shania, listen. Ayaw kong ligawan niya ako after ng birthday ko." nagkasalubong naman ang dalawang kilay niya sa sinabi ko.

"What are you talking about? He told me that you both promised na hihintayin niyo ang isa't isa kung kailan pwede ka na niyang ligawan. Then, what's this? You don't want him to court you after your 18th birthday kung saan iyon ang ipinangako mo sa kanya na papayagan mo na siyang manligaw sa'yo tapos... Boom! Ayaw mo na?" naguguluhang tanong nito sa akin.

"I made a big mistake, okay?" hinawakan ko siya sa balikat. "I'm just twelve years old that time. Hindi ko pa alam iyang ligaw-ligaw na iyan so I tell him na hintayin niya ako hanggang sa mag-eighteen ako. You know, legal age. And hindi ko naman alam na seryoso pala talaga siya na hihintayin niya talaga ako." kwento ko sa kanya habang pinagpapawisan iyong palad ko.

Hinawakan naman ni Sha ang dalawang kamay ko at saka ito pinisil.

"Is that the only reason why you don't want him to court you?"

Iyon lang ba ang rason kung bakit ayaw kong magpaligaw kay Triton?

"Lei, I'm asking you. Iyon lang ba ang rason?" napatingin ako kay Shania.

Agad naman akong tumango kahit ang totoo ay may iba pang rason kung bakit ayaw kong magpaligaw kay Triton pero sa akin na muna iyon at ayaw kong malaman ni Shania dahil alam kong magagalit ito.

"Hay nako, ewan ko sa inyo! Kaya ayokong nangangako e, baka mamaya mapako iyong ipinangako ko." umiling sa wika niya at nauna nang maglakad kaya naman hinabol ko siya.

"Wait for me!" nang maabutan ko siya ay may tinanong siya muli sa akin dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Do you like Triton, Lei? Do you also have feelings for him?"

Napalunok naman ako. Parang biglang namaga iyong lalamunan ko.

Gusto ko ba si Triton? Sa halos tatlong taon na lagi siyang nandiyan sa tabi ko at laging sinasabi sa akin na gusto niya ako, may nararamdaman rin ba ako para sa kanya?

"I don't know." iyon lang ang naisagot ko sa kanya dahil totoo naman kasing hindi ko alam kung may nararamdaman ba ako para kay Triton o wala.

Napabuntong hininga naman ang katabi ko. "Kaya ayaw kong maranasan na ma-inlove e. Nagiging tanga ka. Sorry for the word but that what I observed."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Malapit na kami sa gate ng school nang tumunog ang cellphone ko kaya tumigil ako sa paglalakad gano'n din si Shania. Agad ko namang  kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Witch Calling...

Napamura naman ako sa isip ko nang makita ko kung sino iyong tumatawag. Bakit kaya siya napatawag? Mapapagalitan na naman ba ako?

"Hello—"

"Come to my office." iyon lang ang sinabi niya at saka ibinaba ang tawag.

"Sino iyong tumawag?" tanong sa akin ni Sha.

"Sino pa ba edi, iyong witch. Pinapapunta niya ako ngayon sa office niya. Mukhang bukas na lang tayo pumunta sa sinasabi mo. May emergency kasi. Text mo na lang ako pag naka-uwi ka na sa bahay niyo." Sabi ko sa kanya at saka humalik sa pisngi niya bago ako bumalik sa loob ng campus para puntahan iyong office ng witch na iyon.

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil ayaw na ayaw niya iyong pinaghihintay siya ng matagal.

Hinihingal ako nang makarating ako sa harap ng office niya kaya naman inayos ko na muna iyong sarili ko bago ako kumatok sa pinto at saka binuksan ito.

"Hey wi—Mrs. Vizconde." bati ko sa lola ko.

"Have a sit, hija." itinuro naman niya ang couch na nasa loob ng office niya kaya naman lumapit ako roon at doon ko lang napansin na may iba pa pala kaming kasama sa silid.

Isang lalaking nakasuot ng uniporme gaya ng suot ng mga lalaking estudyate sa paaralan kung saan ako nag-aaral ngayon. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at saka umupo malapit sa tabi niya.

"Hija, meet your fiancé, Damon Sy." namilog ang mga mata ko sa narinig ko. "He's the heir of Sy Enterprises and the one and only son of Mr. and Mrs. Dexter Sy." pagpapakilala sa akin ng Lola ko sa lalaking katabi ko ngayon kaya napalingon muli ako sa kanya.

Isang matamis na ngiti naman ang lumabas sa mga labi niya. Oo, inaamin ko na gwapo nga siya pero bakit? Bakit sa edad kong seventeen may fiancé na ako? Totoo ba ang sinabi ni Lola? Ayaw kong matali sa taong hindi ko gusto at kilala! Ayaw kong magaya ako sa mga magulang ko! Madaming tumatakbo sa utak ko habang nakatingin ako sa kanya. Walang boses na lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa inabot niya ang kamay niya sa akin at nagsalita.

"Nice meeting you again, Eileithyia Mharie Francheska Isabelle 'coffee girl' Vizconde."