Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Lei's Point of View

"Francheska, can you please lower your voice?" masungit na saad sa akin ng Lola ko.

Nasa office pa rin kasi kaming dalawa at kinukulit ko siya kung bakit biglaan niyang ipinakilala sa akin ang fiancé ko raw.

"How can I lower my voice, Lola kung nakakagulat naman kasi iyong sinabi mo! I'm just seventeen years old! Tapos ngayon bigla niyong ipinakilala sa akin iyong Damon Sy na iyon na siyang fiancé ko?" Hindi pa rin ako makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Kaming dalawa na lang ang nandito sa office niya dahil iyong Damon na iyon ay umuwi na kaninang nakatanggap siya ng tawag mula sa mga magulang niya na nasa harap na raw sila ng school gate para sunduin siya kaya naman nagpaalam na ito sa amin kanina.

"Anong problema mo doon Francheska e, mag-e-eighteen ka naman na this year." sagot sa akin ni Lola habang abala siya sa mga papeles na nasa harapan niya. Hindi man lang niya ako nagawang tingnan.

Napairap na lang ako. Kung siguro nandito pa rin ang mga magulang ko at kasama ko pa rin sila hindi mangyayari 'to sa akin ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako. May itatanong pa sana ako sa kanya pero mamaya na lang pag nasa bahay na kami dahil mukhang busy pa siya kaya naman nagpaalam na lang akong uuwi na. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil alam kong wala rin naman siyang pakialam kung uuwi na ako o hindi.

Pagkalabas ko ng opisina niya ay napasandal na lamang ako sa pintuan ng opisina niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka huminga ng malalim. Parang ayaw tanggapin ng utak ko iyong sinabi sa akin ni Lola kanina na may fiancé na ako.

Habang nakapikit ako someone poke my cheek. I slowly open my eyes and give him a death glared.

"You okay?" tanong nito.

Inirapan ko naman siya at saka tumayo ng maayos at nagsimula na akong maglakad.

Naramdaman ko namang sumunod siya akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Pinagalitan ka na naman ba ng Lola mo?" he asked me again.

Hindi ko pa rin siya sinasagot. Bakit ba kasi hindi pa 'to umuuwi? Walang araw na hindi siya nakabuntot sa akin. Pakiramdam ko tuloy isa akong tae tapos siya iyong langaw na sunod ng sunod sa akin.

"Lei, are you alright?"

"Pwede ba Triton huwag kang makulit?!"

Nagulat yata siya sa pagsigaw ko sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad at gulat ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Sorry kung nakukulitan ka sa akin." wika nito.

"Talaga. Sinong hindi nakukulitan sa'yo kung araw-araw kang nakabuntot sa akin? Para kang aso na laging nakasunod sa akin. Laging gano'n Triton. Kaya pwede ba? Can you stop following me?"

Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Nakakaasar na kasi siya.

"Sorry." iyon lang ang tanging salita na lumabas sa mga labi niya.

Napairap naman ako sa hangin. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa lalaking 'to. He's so persistent.

"Uuwi na ako. Umuwi ka na rin." pagkasabi ko iyon ay naglakad na ako palayo sa kanya. Nang malayo na ako sa kanya ay nilingon ko siya at laking gulat ko na lamang na nandoon pa rin siya malapit sa opisina ng Lola ko at nakatayo.

"Bakit hindi pa iyon umaalis?" tanong ko sa sarili ko kaya naman nilabas ko sa bulsa ko ang cellphone ko at akmang i-t-text ko na dapat siya pero hindi ko na lang itinuloy. "Bahala siya sa buhay niya." pagkasabi ko iyon ay ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko palabas ng eskwelahan.

"O, pauwi ka na hija?" napatingin naman ako kay Kuya guard na nasa guard house. Nakatingin siya sa akin.

"Opo."

Lumabas naman siya sa guard house at naglakad palapit sa akin. May inilabas itong maliit na papel sa kanyang bulsa at inabot niya ito sa akin. Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya.

"Ano po ito?"

Nagkibit-balikat lang naman siya sa akin.

"Basta ang sabi niya sa akin kanina ay ibigay ko sa'yo 'to." kinuha ko naman sa kamay niya ang kapirasong papel na hawak niya.

"Salamat po." pagkasabi ko iyon ay nagpaalam na ako at tuluyan na akong lumabas ng eskwelahan. Pagkalabas ko ay hinanap ko si Kuya Roger na siyang naghahatid sundo sa akin.

"Kuya Roger!" tawag ko sa matandang nakatayo sa hindi kalayuan sa gate. Nasa edad singkwenta na ito at matagal na rin siyang driver ng Lola ko.

"Miss Eileithyia." pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Kuya Roger naman, Lei na lang po." saad ko bago ako pumasok sa sasakyan. Pagkasarado niya sa sasakyan ay pumasok na rin siya sa drivers seat at nagsimulang mag-drive.

"May nangyari ba miss Eileithyia?"  napatingin ako sa kanya. Nakatingin pala siya sa salamin ng sasakyan na nasa loob. Pansin siguro ni Kuya Roger na hindi ako madaldal ngayon.

Umiling lang naman ako at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Miss Eileithyia?" umayos naman ako ng upo at saka muling napalingon kay Kuya Roger. "Hindi po sa nakikialam po ako a? Narinig ko kasi kanina iyong isang katulong na ngayong araw daw po ang dating ng mapapangasawa niyo sa mansion." nilingon ako ni Kuya Roger ng bigla akong naubo dahil sa narinig ko. "Okay ka lang ba miss Eileithyia?" nag-aalalang tanong nito.

"O-okay lang po ako." sagot ko sa kanya at saka binuksan ang bintana ng sasakyan. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin dahil sa narinig ko. "Kuya Roger ano pa pong narinig niyo kanina sa mansion tungkol sa fiancé ko?" tanong ko sa kanya habang nasa labas ng sasakyan ang tingin ko. Ang ganda kasi ng kulay ng langit. Naghalong kulay kahel at pula dahil papalubog na ang araw.

"Kung hindi ako nagkakamali ng dining kanina parang narinig kong may pagtitipon sa darating na Sabado." anito habang abala siya sa pag-d-drive.

"Pagtitipon? Tungkol saan daw po?"

"Iyon lang ang hindi ko alam miss Eileithyia."

Kumunot naman ang noo ko. Anong klaseng pagtitipon kaya ang magaganap sa Sabado? Bakit hindi ko alam? Bakit wala man lang sinabi sa akin iyong witch na iyon?

Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko nang huminto ang sasakyan. Nasa harap na pala kami ng mansion. Lumabas naman ako sa sasakyan at agad na pumasok sa loob ng mansion at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nakaupo sa couch sa may sala at nakatingin ito sa akin.

"What are you doing here?" nakakunot ang noo ko nang tanungin ko siya.

"Hey, coffee girl." naka-ngiting bati niya sa akin at saka ito tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko.

Napairap naman ako sa sinabi niya. Kanina niya pa ako tinatawag na coffee girl sa school magpahanggang ngayon. Whats with the coffee girl thingy? Hindi naman ako amoy kape at higit sa lahat hindi naman ako gano'n kaitim. Masasapak ko talaga itong chinese na 'to.