Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My James Dean Season 1

🇵🇭frattibella
11
Completed
--
NOT RATINGS
33.2k
Views
Synopsis
Lola Lee is a self-proclaimed top social climber in showbiz. She can have anything without even exerting efforts, especially dating super duper hot and iconic actors. Ginawa niya ang lahat para makapasok sa alta sociadad only for one person, and that's because of the top one sexiest man in the country, James Dean Ferrer. But he's cold and heartless. Pareho silang dalawa ng ginagalawang mundo, evil and filthy social climbers. And social climbers don't fall in love with each other. Lola is now torn between loving a pseudo-rich guy and beating him for the record of the art they both love to do.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

MAHALAGA para sa akin ang estado. Ayoko na nauungusan ng iba. Gusto ko ako ang bida at ang pinaka pinag-uusapan.

Lumaki akong sabik sa atensyon at papuri. Simula kasi nang ipamigay ako ng mama ko sa bahay-ampunan, naging uhaw ako sa ngiti at pagbati. Mas gusto ko na makaalis doon at makatagpo ng bagong mga magulang, iyong mayaman at maimpluwensya, iyong maibibigay niya ang mga bagay na hindi ibinigay sa akin ng mga magulang ko.

Bunga ako ng hindi magandang pagmamahalan. Iyon na siguro ang pinakamalapit na description ng pagiging putok ko sa buho. Anak ako ng mama ko sa pagkadalaga, at noong nakatagpo siya ng lalaking mamahalin at papakasalan, iniwan niya ako at hindi ipinakilala sa kanya. Kasi para sa kanya, isa akong pagkakamali.

Pitong taong gulang ako noon nang iwan niya ako at namuhay sa loob ng ampunan. Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko na makakaalis din ako sa lugar na iyon. Makakatagpo rin ako ng mga magulang na mayaman at maimpluwensya.

Dahil sa angking talento ko sa pagpapapansin, naakit ko ang dalawang mag-asawa na mayaman. Maganda ang babae at guwapo naman ang lalaki. Nakikita ko sila sa TV noon, actually. Natatandaan kong sila iyong sikat na couple sa showbiz. Dahil sa komplikasyon sa kalusugan, hind na sila magkakaanak pa. Kaya nagpasya silang mag-ampon.

At ako ang maswerteng nilalang na iyon na kanilang inampon.

Habang lumalaki ako, mas lalong tumitindi ang ambisyon ko sa buhay. Inigihan ko ang pag-aaral at hindi ko binigo ang mga umampon sa akin. Binigay ko ang pagmamahal na gusto nilang matanggap sa isang anak. Mahal na mahal nila ako, at ganoon din ako sa kanila.

Syempre, ako lang ang mag-isa na anak nila. Wala akong kaagaw, kaya binigay nila ang lahat ng luho na dapat ay mayroon ako, hanggang sa napapansin kong nanghihina na ang katawan ng mga umampon sa akin. Nalaman namin na may cancer na ang foster mother ko. Hanggang sa nauubos na lang ang pera nila sa kakapa-chemotherapy at kalaunan, namatay.

Unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ng kabuhayan ng pamilyang kumupkop sa akin. Nakaramdam ako ng pagkainis at pagkainip. Kapag nalaman ng mga classmates ko sa High School na naghihirap na kami, siguradong magiging talunan ako.

Gumawa ako ng paraan para manatili sa ituktok. Pinakiusapan ko ang foster father ko na ipasok niya ako sa showbiz. Doon, namayagpag ang pangalan ko hanggang sa tumuntong ako ng 22 years old.

Binawi ko ang mga nawalang yaman ng mga kumupkop sa akin. Nasiyahan ang tumatayo kong ama, hanggang sa panahon na rin na siya naman ang mang-iiwan. Dahil doon, naisip ko na hindi nga ako bagay na magkaroon ng mga magulang. Parang ipinanganak lang ako para mag-isa sa buhay.

Doon, nasaktan ako at mas lalong tumindi pa ang pagnanasa kong manatili sa ituktok.

Kung sino-sinong artista ang kinapitan ko, mga opisyal sa gobyerno at mga mayayamang negosyante.

Naging habit na siya para sa akin. At proud akong sabihin na top one social climber ako. Lahat ng mayroon ako ngayon, ayokong mawala at mas nais ko pa itong higitan.

I'm no Lola Lee for nothing. I was born to be the ultimate star, at lahat ng atensyon ay dapat sa akin lang.

Ang harsh ko ba? Ganito na kasi talaga ang kalakaran ngayon. Kung hindi man effective ang "fake it 'til you make it", gagawin ko na lang ang "always be the tree they want to bark at, and everyone will turn their heads to you". Sa showbiz, hindi uso ang pabebe lang, kailangan maimpluwensya ka rin, kailangan matatag ka at hindi pinanghihinaan ng loob.

Patapos na ang pang-apat na vlog ko ngayong buwan na ito. Sa five minute-vlog ko, halos kalahating milyon agad ang views niya habang naka-live.

Isang katok ang nagpainit ng ulo ko. Mabuti na lang ay natapos ko na ang video, kung hindi, baka magwala ako nang di-oras. Iniluwa ng pinto na iyon si Scarlet, isang user na actress. Yes, naggagamitan lang kami. Ewan ko sa kanya, pero sa parte ko, ginagamit ko lang siya kasi sikat din siya katulad ko. Marami siyang followers at fans, kaya magandang sumasakay ako sa kasikatan niya para palagi akong nakikita sa spotlight.

"I can't believe you're still not dressed up. Pupuntahan na natin si direk. Ang sabi niya, dapat nando'n na tayo para sa script rehearsal. Don't tell me hindi ka a-attend?" bungad niyang tanong nang makapasok siya sa kuwarto ko.

Napairap naman ako at bumalik ng higa sa malambot kong higaan. "Hayaan mong maghintay ang direktor, Scar. The offer is just pretty low compared sa last project mo. You can't possibly be serious with the role?"

Napaupo na rin siya sa kama. "Lolita, money is nothing for me. What matters to me is my career and the fans. Gusto kong i-accept ang challenge nila na magkaroon naman ako ng role na mas kawawa pa. I like being the kawawa, mas sumisikat ako," Scarlet laughed. Knowing her, may addiction din siya sa katanyagan, kaya palagi kaming nagkakasunod.

"Ewww, Scar, stop calling me Lolita. I feel so old. Hindi ko rin gets ang parents ko kung bakit ganito ipinangalan sa akin, eh. May galit yata sila sa akin. Ugh!" Speaking of my name, matagal ko nang ipinagpipilitan sa foster parents ko na palitan nila pati first name ko, but unfortunately, iyon talaga ang natipuhan din nilang name ng baby nila noon, kaya ayaw nilang palitan ang sa akin. I feel so harrassed that time, pero wala na akong magagawa, kaya ginawan ko ng paraan para ma-remember lang ng mga friends ko sa alta sociadad na ang name ko talaga ay "Lola". As in, Low-Laa.

"But come to think of it, bakit hindi na lang kaya ikaw ang tumanggap sa role, instead of being always the kontrabida? Ayaw mo no'n? You will be higher than your rank as of this moment. What do you think?" biglang suhestiyon ni Scarlet.

"Duh! Don't you dare ask me that. I will not definitely do that. Never!"

"Kahit ang makakatambal mo ay ang Filipino's sexiest man?"

Bigla naman akong napatayo at napaharap kay Scarlet. "James Dean Ferrer? Are you hell serious with that, Scar?"

Instead of answering, a curve suddenly traced her lips. An evil and wicked plan is now coming out of my precious mind.

At last... James Dean Ferrer...