Habang papaalis ako, may isang kamay ang biglang humawak sa pulsuhan ko. At first, I saw her feet. It was wet and dirty. Tumaas ang tingin ko sa kanyang damit na putting bestida hanggang sa kanyang mukha.
Putlang-putla siya. Ang mga labi niya ay nangangatal sa labi at namumugto ang patay niyang mata. Nagsusumamo ang mukha niya.
Natakot ako pero hindi ako makagalaw. I was just crying right in front of her.
"T-tulungan mo `ko, Lola. Tulungan mo `ko. Nasasaktan na `ko…" sumamo niya habang umiiyak.
Napailing naman ako. "H-hindi ko alam… Hindi ko alam…" Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya.
"T-tulungan mo `ko… Please… Kailangan ko si Dean…"
Agad akong napabalikwas ng bangon. Madilim at tahimik. Nakita ko ang pamilyar na kwarto ko. Nasa condominium na ulit ako.
I let out breath and closed my eyes. It was a weird dream.
Sa panaginip, kilala ko ang babae pero hindi ko na matandaan ang hitsura niya. Takot na takot ako sa panaginip na parang matagal ko nang iniiwasan ang babae. At sinabi niyang kailangan daw niya si Dean… Si JD ba ang tinutukoy niya?
Isang katok ang bumasag sa kaisipan ko at iniluwa ng pinto si Scarlet.
"You awake?" bungad niyang tanong.
Hindi ako tumango kaya agad siyang lumapit at sinalat ang noo ko.
"You're burning hot. Parating na si JD dito sabi niya." Napatingin naman ako sa kanya sa hindi makapaniwalang hitsura. "I called him up. Alam ko kasing mag-aalala siya kapag nalaman niyang buong araw kang nakahilata at hindi kumakain."
Gusto kong pagalitan si Scarlet sa pagiging pakialamera, pero wala akong mahanap na sasabihin. Masyado pa akong preoccupied sa panaginip ko. Masyadong makatotohanan. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang guilt at takot na hindi ko maintindihan.
"Sige, pupunta muna ako sa bahay. May aasikasuhin lang ako saglit. May iniwan akong pagkain sa kitchen. Just eat if you feel hungry. Bye, bitch…" paalam niya bago ako hinalikan sa pisngi at umalis.
Magtatatlong araw na simula noong huling pagkikita namin ni JD mula sa taping kung saan magkaeksena kami ni Gaia. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na mas kinampihan niya ang isang `yon, gayong alam naman ng buong team na hindi ako ang nagsimula ng away.
Parang naulit lang ang rivalry ni Daddy Albert at Jo Herrera. Nag-uunahan noon sa kasikatan ang dalawang bigating aktor no'ng panahon nila. It was just screen rivalry na nauwi sa love triangle, it ended up dad marrying my mom, si Leona Perez, ang babae na pinag-aagawan nila.
Noon pa man, palagi na kami ni Gaia na pinag-aaway ng media pero hindi ko pinapatulan dahil busy ako sa social climbing projects ko. I was so focused on myself that time kaya mas nauungusan ko pa rin si Gaia sa showbiz.
Ito ang pinakaunang project na magkasama kami at ngayon ang nakakapag-usap nang gano'n. Simula kasi ng araw na `yon, dumagsa na ang rants and bashes against me. Kesyo gold digger at social climber daw ako. Desperada, and many other names that I don't remember. Sobrang sakit. Wala na nga akong napala kay JD, sira pa pangalan ko. Halos hindi ko na buksan ang social media accountss ko. Bumaba ng 500 subscribers ang blog site ko.
I wonder why people are you blinded by artists in the spotlight? Gano'n na ba talaga ka-toxic ang industriya namin?
I was well aware of Gaia's stardom. Ang masaklap pa, pareho kaming gustong lapitan si JD. Well, in my case, ako ang gustong lunapit, si Gaia, effortless. I even heard her not interested with JD noon. Could she be falling in love with him right now?
Ano bang pake mo, Lola? Ikaw ang desperada sa atensyon ni JD, `di ba?
I sighed. Oo nga, ako ang may gusto, hindi si JD.
Tumunog bigla ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. Kinuha ko iyon at tiningnan na galing ang tawag sa isang unknown caller.
Bigla akong kinabahan. Mga ilang segundo akong naghintay saka nagpasya na sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Lola?"
Napakunot-noo ako at nabosesan ang nasa kabilang linya. "G-Gaia?"
Tahimik lang sa kabilang linya at malinaw na naririnig ko ang paghikbi niya.
"Gaia, are you alright? Bakit ka umiiyak?"
"Lola, I'm sorry sa mga nasabi ko sa `yo. You don't deserve the bashes. Ako dapat ang bina-bash ngayon. Sorry…"
I sighed. "Ano ka ba, Gaia? Hindi ako tinatablan ng bashes. Hayaan mo na `yon. Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin kaya okay na `yon." Sa `yong-sa `yo na si JD, `no! gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko kasing sirain ang dalamhati ng nasa kabilang linya.
"No. I was so messed up, Lola. Si JD lang ang kailangan ko. Siya lang ang makakatulong sa akin. Pagod na pagod na ako, Lola. G-gusto ko nang mamatay…"
Bigla naman akong napatayo. "W-wait!" I automatically turned on the recording on my call para ma-record ang tawag namin ni Gaia. I have a feeling na hindi maganda ang mga mangyayari. "What did you say? Bakit mo nasasabi `yan, Gaia? What's wrong with you? I have given up JD, haven't I?"
Patuloy lang sa paghikbi ang kausap ko at saka ko narinig ang muli niyang pagsasalita. "H-hindi mo ako naiintindihan. Kailangan ko siya, please…"
"Hindi ba kayo nagkakausap?"
"Hindi ko siya pwedeng kausapin. Ayoko siyang masaktan…"
"Bakit? Ano ba kasing nangyayari, Gaia? Sabihin mo sa akin!"
"P-pakisabi kay JD nasa condominium lang ako. P-Pakibilisan. H-hindi ko na kaya…"
Napasabunot ako sa buhok ko. Nagbabadya na ang mga luha ko sa mata. Hindi ko kaya ang mga naririnig ko. Pakiramdam ko kapag wala akong ginawa, ako ang mababaliw. "Saan ka ngayon, Gaia? Pupuntahan kita… Gaia? Gaia? Gaia!" Napatingin ako sa tawag na naputol.
Agad akong nagpalit ng damit at kinuha ang bag ko. Papalabas na ako ng condo nang bumungad sa akin si JD sa may pinto.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
Huminga ako nang malalim at tumugon. "Oo, marami tayong pag-uusapan kaya sumama ka sa akin!" Hindi ko na hinintay pa na tumugon si JD at agad siyang hinila palabas ng building.
Papara na sana ako ng taxi nang bigla niya akong hinila. "I can take you anywhere you please on my bike."
I automatically looked at him taking me back in the basement parking space. Nakita ko ang malaking ducatti bike niya. Agad niya itong pinaandar at nagtanong nang malinis na ang tunog nito matapos ang ilang sandali.
"Where to?"
"Sa condo ni Gaia…" Nakita ko ang pag-iiba ng timpla ng mukha ni JD pero hindi ko `yon pinansin at ako na ang nagkusa na magsuot ng extra helmet sa ulo ko at sumakay sa likuran ng bike. "Tara na. Kailangan ka niya ngayon…"