Chereads / My James Dean Season 1 / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Humahangos kaming dalawa ni JD nang marating namin ang condominium kung saan nakatira si Gaia.

Ilang attempt na ako sa pagtawag sa kanya pero hindi ko na siya ma-contact. I felt like my heart was left in my condo.

Kung may mangyaring masama kay Gaia, baka hindi ko kayanin. Masama akong tao, pero hindi ako umabot sa point na humiling ako na may mamatay.

Ayokong mamatay si Gaia.

Pagkahinto ng bike ni JD sa harap, agad akong bumaba at hinubad ang helmet. Pumasok ako sa building at pinuntahan ang kwarto na sinasabi ni JD.

Ilang beses akong kumatok at sumigaw bago ko naramdaman na nakasunod pala sa akin si JD.

"Gaia! Gaia! Buksan mo 'to, please! Gaia!" Patuloy ako sa pagkatok sa pinto pero wala pa ring sumasagot.

Hindi ka pwede mamatay, Gaia. Please, 'wag mo 'tong gawin. Hindi ko kakayanin...

"Parating na ang mga pulis, Lola. Hintayin na lang natin sila—"

Agad akong humarap kay JD at pinukpok siya sa dibdib. "'Di ba may gusto si Gaia sa 'yo? Bakit wala kang ginagawa? Bakit mo siya hinahayaan? Anong klase kang tao?!" Humihikbi na ako habang sumisigaw at pinagpupukpok ang dibdib niya. "Iligtas mo siya, JD! Please, 'wag mo siyang hayaan. Maawa ka! Maawa ka!"

Hindi man lang gumalaw si JD sa harap ko. Tinanggap lang niya ang lahat ng pukpok na binigay ko.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko tiningnan ang mukha ni JD. Ayoko makita kung gaano siya kamanhid sa mga nangyayari. Paano niya naaatim na hayaan na lang si Gaia sa loob ng kwarto nito. Napakasama niya!

"Hintayin na lang natin ang mga pulis. Let them do their job..."

Sa puntong 'yon, napaharap na ako sa kanya. "Paano mo nasasabi 'yan? Bakit ka ganyan? Bakit mo hinahayaan si Gaia?! Bakit, JD? Ano bang problema mo?!" hikbi ko. Ilang saglit akong nakatingin sa kanya bago ko siya nilayuan.

Kung hindi niya ako kayang tulungan, ako ang gagawa ng paraan...

"Saan ka pupunta?" tanong niya habang tinatanaw ako na naglalakad.

Naghanap ako ng matigas na bagay na pwede kong gamitin para mabuksan ang pinto. Doon, nakita ko ang isang pulang stante na nakalagay "Break Glass In Case of Emergency". Agad ko 'yong hinataw gamit ang siko ko. Bahagya pa akong napakislot sa sakit nang mabasag ko na 'yon. Kinuha ko ang emergency axe at bumalik sa tapat ng pintuan ni Gaia.

"What do you think you're doing? Stop it. Parating na ang mga pulis. Just wait—"

"Sige, maghintay ka sa kanila. Ako, hindi ko na sila hihintayin." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na pinukpok ang pinto gamit ang axe. Nang mabutas ko na ang pinto sa may bahagi na maaabot ko ang door knob, agad ako kumilos para buksan 'yon at pumasok sa loob.

"Gaia! Gaia!" Hinanap ko siya sa sala, sa kitchen, at sa kwarto pero wala siya doon. Ilang beses kong ginala ang paningin ko sa paligid at napansin ang mahinang lagaslas ng tubig. Napalingon ako sa isang pinto na nakaawang. Agad akong lumapit doon.

Mas lumakas ang lagaslas ng tubig at doon ko nakita ang malakas na pagtagas ng faucet.

It was a bathtub overpouring with water and soap.

Doon na ako napatakbo nang makita ang isang kamay na nakakapit sa gilid ng bathtub.

"Gaia! Oh my God!" I hurriedly pulled her arm and reached for her head. Nakalubog na kasi ang buong katawan niya sa ilalim ng tubig.

Sinubukan ko siyang yugyugin.

"Gaia! Gaia! Oh my God. Please! Gaia!" Nagsimula na naman mag-unahan ang mga luha ko sa mata. "Gaia, no! Wake up. Gaia! Gaia!"

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Ilang beses akong sumigaw at nagmakaawa kay Gaia na gumising, pero hindi niya ako pinagbigyan. Halos panawan ako ng ulirat sa kakasigaw.

Bakit gano'n? Bakit hindi niya ako pinagbigyan?

Apat na buwan na magmula noong ampunin ako ng mag-asawang Lee. Dinala nila ako sa kanilang bahay. Welcome na welcome naman ako, except for one. Kay Hannah.

Hannah was also my foster parents' foster child. Mas nauna siya sa akin ng dalawang taon. Mahal na mahal din siya ng dalawa, pero ibang iba ito sa kanya.

Hannah was 15 and I was 12 that time. She's pretty and smart. Alas niya ang katalinuhan niya at iyon ang gusto niyang ibigay na regalo bilang utang na loob sa mag-asawa.

I was loved by her. Ako lang talaga ang maldita at maarte.

She tried to reach out to me. I know for certain that she was just faking her smiles in front of me. All of them were fake, pero ibang fake ang alam ko. Akala ko kasi ayaw niya sa akin.

After several years, marami akong napapansin na kakaiba sa kanya. She would always come home late at parati na siyang napapagalitan nina Mommy at Daddy dahil doon.

Dakilang pakialamera kasi ako noon kaya mahilig akong maghalungkat ng mga pinakatagu-tagong gamit ni Hannah. I saw her diary. The words there were all aweful. Hindi ako naniniwala sa mga sinulat niya. Probably, she was just making stories up. Nabanggit kasi niyang mahilig siyang magsulat ng stories.

I disregarded all the things she said there.

Then after two days, I found her in her room, bloody and pale.

My foster parents were devastated because of it. They didn't know what she was sufferering at that time: school pressure, her being an adopted and a man who repeatedly raped her in exchange of her grades.

Lahat 'yon nabasa ko, eh. Pero wala akong ginawa. Wala akong sinabi. Hindi ko siya nadamayan, ni hindi napigilan ang binalak niyang pagpapakamatay.

It was all my fault.

I don't deserve to be a friend nor to be a sister to her.

Simula no'n, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magiging manhid. Mas magiging sensitive na ako sa mga nakapaligid sa akin. Hindi na ako magbibingi-bingihan at magbubulag-bulagan pa.

There will be no another Hannah to die because I did not do something helpful.

It was never the same without Hannah around. Wala na ang babae na mahilig mangulit sa akin na sabayan siyang kumain at sabayan sa pagnood ng mga movie.

Wala na siya...

At ngayon, bigo na naman akong iligtas ang iba.

I never changed after all.

I'm still that stupid Lolita I was before...