Chereads / My James Dean Season 1 / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

KONTI NA LANG TALAGA, gusto ko nang sabunutan buhok ni Gaia. Ang arte!

Hindi ko tuloy maiwasang mapairap habang nagpapaypay ng script sa may leeg ko. Si Jaxx naman busy sa pagpapayong sa akin. Hinayaan ko na lang din siya na maging extra sweet sa akin. Hindi pa man din ako gumagawa ng paraan para mapalapit kay Jaxx pero mas lumalapit pa siya sa akin kaysa kay JD.

I frowned and continued to roll my eyes. Konting tiis na lang, Lola. Makakalbo mo rin ang Gaia na `yan! I convinced myself.

Matapos ang dramatic na paghuli sa 6-foot python snake, natigil na rin ang kaartehan ni Gaia at pinaghiwalay na sila ni JD. Infairness naman sa mga staff, kahit hindi ko pa iutos, nailayo na nila si JD sa mahaderang Gaia na `yon.

Oras na ng blocking at patuloy lang ako sa pagre-rehearse ng lines ko. When my name and JD's name were called, saka ako tumayo at puwesto sa isang bangketo. The scene we'll take is at the back part of the house. There are cable and metal wires across the room and a big basin full of dirty clothes already soaked in detergent powder and water. Umupo ako sa may bangketo sa harap ng mga labahin at aakto na maglalaba.

Kahit na lumaki ako sa luho, I was raised by my foster parents well. Naranasan ko pa rin ang maglaba since gano'n din ang pinamana sa akin na buhay ng biological mother ko. I would always help her wash the clothes and the times I would be hit on the face kapag nagkakamali ako.

As Direk Bim shouted the word 'action', I started to work on the clothes.

Biglang papasok si Franz sa eksena, JD's character, at uupo sa tabi ko.

"Hi!" he greeted me. Sana totoo na lang `yan!

I did not reply. Sinusunod ko ang script. Pareho kami ng mood ni Jenny, my character, gusto namin magtaray!

"Uy, galit ka pa rin ba? Ano ba kasing ginawa ko?" clueless na tanong ni Franz.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" Sa wakas ay tanong ko bilang si Jenny.

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko."

"Kailangan pa ba? Nasabi mo na ang gusto mong sabihin sa marami, `di ba? May kulang pa ba, Franz? Ay mali… SIR!" Agad akong tumayo at nagpamaywang. "Pasensya ka na, SIR, kung hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts mo, ha? Hindi ko obligasyon na pansinin ka. At mas lalong hindi ko obligasyon na magpaliwanag kung bakit hindi kita pinapansin. Nasabi mo na, `di ba? Tindera lang ako sa palengke ng mga hito at kung ano-ano pang isda. Malansa amoy ko. Mabaho ako, oo! Tanggap ko na `yon. Pero hindi mo kailangang sabihin sa iba. Ano bang nakakatuwa kapag topic n'yo ang mga mahihirap? Ganyan na ba kayo ka-conceited? Feeling entitled manghamak? At alam mo? Okay na ako. Okay na okay. Kaya pwede ba? Umalis ka na bago ko pa labhan `yang pangit mong mukha?"

"S-sandali lang, Jenny. There must have been a mistake—" Nang hawak niya ang braso ko, agad kong pinadapo ang palad ko sa mukha niya. Nilakasan ko para maramdaman din niya ang galit ni Lola Lee!

"Mistake? Ginagawa mo pa akong tanga. Hoy, Franz. Mahirap lang ako pero hindi ako bobo! Alam ko kung sino ang pinag-uusapan ninyo ni Travis. At tama naman kasi talaga siya. Bakit ako pa ang napili mong bolahin? Bakit ako pa napili mong utuin? Para ano? Dahil akala mo masisilaw ako sa yaman mo? Ang kapal ng mukha mo!" Agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib, dala na rin ang tsansing pero nilakasan ko talaga kasi naiinis ako. Para naman makaganti ako sa pagpapahirap niya sa akin makuha lang atensyon niya. Grr!

Hindi nagtagal ay sinalo ng dalawang kamay ni JD ang mga hampas ko at agad akong na-corner sa pader. Pareho na kami ngayon ng character ko na napatulala sa kagwapuhan ni JD. Nakita ko ang natural na pagpula ng kanyang mukha at ang paghahabol ng hininga. Sobrang lakas siguro talaga ng pagkakahampas ko.

"It's not you we're talking about, Jenny. It was Dan. At kahit kailan, hindi kita binobola at inuuto. I chose to be with you because I love you! I love you, Jenny. I love you and I don't know why I can't stay away from you. There! Nasabi ko na. Masaya ka na? I could never hurt you, Jenny. I would die if I ever hurt you. I'm sorry if I'm not brave enough to tell you the truth. Just please…"

Lola, `wag kang hihimatayin. Si Franz lang ang nagsasalita, hindi si JD. `Wag kang mag-hyperventilate. Inhale… exhale…

After convincing myself, I saw JD's face about to reach mine. Ilang hibla na lang ang agwat ng mga mukha namin, hanggang sa ako na ang nag-iwas ng mukha.

Sayang, ang pabebe kasi nitong character ko. Ayaw pa magpa-kiss ngayon sa scene. Ugh!

"Umalis ka na…" I finally said.

"J-Jenny…"

"Umalis ka muna. Gusto ko munang mag-isa. Please…"

Ilang saglit na nakatitig si JD sa akin bago nagpasya na bitiwan ako at umalis. Doon, unti-unti akong umiyak at humagulgol. Real tears.

"Cut!"

Agad akong nagpunas ng luha, pero ang weird… ayaw tumigil. There are series of memories suddenly rushing through my mind.

I heard someone called me pero hindi ko na napansin kung sino.

Seeing the laundry, the wires and the bubbles… they all made me like a fragile child I used to be…

My biological mother suddenly called my name. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya.

"Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?"

"M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—" My reason halted in mid air as her palm reached my cheeks. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas no'n.

Ang totoo, six years old lang ako no'n. Nagsasaing kasi ako tuwing madaling araw dahil maaga ang pasok ni Mama sa opisina. Inutos niya sa akin ang plantsahin ang damit niya. Masyadong mataas pa ang kabayo sa height ko kaya tumutungtong ako sa upuan para magplantsa. Tinawag naman niya ako dahil kumukulo na ang sinaing. Nasa sala siya no'n at nagbabasa ng diyaryo at nagkakape. Kahit antok na antok, sinunod ko siya at nakalimutan na nakasalang pala ang uniform ni Mama sa plantsa.

"Paano ako papasok ngayon ha?!" Habang sinasabi niya `yon, binubugbog niya ako. Pinaso rin niya ako ng plantsa sa likod kaya nawalan ako ng ulirat…

I woke up looking at a white ceiling. Sa amoy pa lang, alam ko nang nasa ospital ako. Hindi naman ako nadadala palagi sa ospital pero dahil sa mga naging role ko sa movies at teleserye na puro ospital ang settings, kabisadong-kabisado ko na ang amoy.

Napalingon ako sa gilid at nakita ang pigura ni JD na nakaupo habang nakahalukipkip.

"Finally, you're awake…" sarcastic na komento niya, pero hindi ko na lang pinansin. "Pagkatapos mo akong hampasin at sampalin nang malakas, ikaw pa `tong hinimatay. Nananadya ka ba talaga?"

Napakunot-noo naman ako. "Ano bang nangyari?"

He huffed an unbelievable breath. "Napakaimposible mong babae. Ganyan ka ba kadesperada para lang makuha ang atensyon ko?"

"A-ano'ng sabi mo?" Halos hindi ako makapagsalita sa mga nasabi niya. Ngayon ko lang narinig na sinabi `yon ni JD sa akin. Oo, ramdam ko naman na ayaw niya sa akin simula pa lang. Pero kahit ako hindi alam kung ano'ng nangyari at kung bakit ako napunta sa ospital.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may pumasok sa kwarto. It was Jaxx. Timing na timing din na tumulo ang luha ko.

Hindi ko na inabalang batiin pa ang bagong dating at kaagad na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa ugat ko sa kaliwang kamay.

"Anong ginagawa mo, Lola? You're not yet fine. May lagnat ka!" sigaw ni Jaxx, pero hindi ko pa rin siya pinansin. Hinarangan niya ako sa dadaanan ko nang akma akong aalis. "Saan ka pupunta?"

"Umalis ka sa dinadaanan ko, Jaxx…"

"Mataas ang lagnat mo, Lola. Hindi kita hahayaan na umalis."

"Pabayaan mo ako. Gusto kong mag-isa. `Wag n'yo akong susundan," pinal na sabi ko sabay nilagpasan si Jaxx. Habang papaalis ako, nahagip ng mata ko ang pagtagis ng mga bagang ni JD at nakatingin lang sa kama kung saan ako nakahiga kanina.

May hangganan din ang pananakit ng ibang tao sa akin. Hindi ako habangbuhay na bato at manhid. Hindi ko na kaya…