Chereads / My James Dean Season 1 / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

BUSY DAY hits my rock bottom. As usual, abala na naman ako sa kaliwa't kanan na TV guestings at interviews. Magkasama na kami ni JD palagi. Take note: wala ako sa mood magpapansin.

Pansin na pansin niya iyon dahil nakikita ko naman ang madalas na pagsulyap niya sa akin.

Sa tuwing maaalala ko kasi ang nangyari sa ospital, parang mapupuno ang isang dam sa sobrang dami ng naiyak ko sa mga sinabi niya. Simula no'n, hindi ko na siya pinapansin. Napakapeke pa naming dalawa at nagpapaka-couple in public.

Taping na rin kaya may mga scenes na hindi kami magkasama. Siguro napagod na siya kakahintay na papansinin ko siya.

Secen namin na kukuhanan ay sa beach resort. Kasama ko na sa scene si Gaia. So, kailangan na maganda ako at super sexy para malaman ng babaeng `to kung sino ang dapat na manaig sa industriya.

Oras ng blocking namin at ang eksena, magsasabunutan kami ni Gaia sa ilalim ng swimming pool. Pero dahil ako ang bida at ang dapat na inaapi, titiisin ko ang pagiging kontrabida niya.

Nakalubog kaming dalawa sa swimming pool hanggang sa leeg namin nang bigla siyang magsalita.

"You know that JD likes me, right?"

Napataas naman ang kilay ko. "Really? Hindi naman yata niya nababanggit sa akin since ako ang fiance niya," maarte ko namang sagot. Ang kapal ng mukha niya para sabihin `yon sa akin, ah? If I know, gusto lang din ni JD na kumapit sa kasikatan ng tito niya!

"You're just faking it. Naiinggit ka kasi sa akin kasi ako ang mas pinapansin ni JD. Halata naman, eh. What do I expect from a social climber like you?" She smirked na lalong nagpainis sa akin.

"Excuse me? I'm no social climber and I'm not insecure. I have my own identity. Itatak mo `yan sa utak mo, Gaia. You can be Gaia Lopez because of your tito, but me? I can be Lola Lee even without my parents and without JD. So, don't you dare look down on me. Hindi ka pa nakakakalahati sa achievements ko para magyabang," ani ko sabay irap. Bwisit! Lumalabas talaga ang sungay ko sa ulo kapag tinatarayan ako ng kahit sino. Sino ba siya sa inaakala niya para pagsalitaan ako ng gano'n? Self-proclaimed top social climber naman talaga ako, eh. Pero I never got to a point na maliitin ang kahit sino sa harap nila just to prove that I'm on top!

Ilang saglit pa ay narinig na namin ang pagsigaw ni Direk ng 'action'. Hindi na namin narinig ang habilin niya dahil abala kami ni Gaia sa pag-aaway. And on cue, agad niya akong sinabunutan at nilublob sa tubig.

Nang makabawi, umahon ako at tinutotoo ang sampal ko sa kanya. "Ano bang problema mo, Sharon?"

"You're my problem! Nang dahil sa `yo, hindi na ako pinapansin ni Franz!" Nakatikim na naman ako ng sabunot mula kay Gaia.

Ramdam ko na totoo ang eksena at ginagamit naming dalawa iyon para makaganti sa isa't isa.

Agad akong nakawala sa pagkakasabunot niya at hinarap siyang muli. "Kung hindi ka niya pinapansin, problema mo na `yon. Wala akong kinalaman sa inyo. Kaya pwede ba? Lumabayan mo na `ko, Sharon! Wala akong pakialam sa inyo ni Franz."

"Really? Ano `yong mga bulaklak na binigay niya sa `yo? Pinuntahan ka pa niya sa napakaruming palengke just to give you that damn roses!"

"Hindi mo ba tinanong kung anong ginawa ko sa mga bulaklak? Hayun, pinadala ko ulit sa opisina niya. Hindi ko `yon tinanggap, Sharon!"

"I don't believe you!" Agad na umabante si Gaia para sabunutan ulit ako. At sa pagkakataong ito, mas napuruhan niya ako sa sabunot. Nakita ko ang cameraman sa ilalim ng tubig na kinukuhanan ang naturang eksena. Mas ginalingan ko pa sa pagiging api ko. Hinayaan ko lang si Gaia sa paghahatak niya sa buhok ko.

Nang makita ko ang senyas ng cameraman na 'cut' na ang scene, akma akong aahon pero ramdam ko na ayaw pa akong bitiwan ni Gaia. Agad akong naalarma at kumumpas nang kumumpas sa ilalim. Hindi na nakita ng cameraman ang ginagawa ni Gaia.

Bwisit na babae `to! Gusto pa yata akong patayin!

Sa sobrang inis ko, hinuli ko ang mga paa ni Gaia gamit ang mga paa ko at hinila siya pailalim. Doon, nagsabunutan kami ulit. Naramdaman ko ang pagkalmot niya sa mukha ko. Nagkaroon ako ng sugat sa noo dahil do'n. Isa pang sampal ang natamo ko sa kanya bago ako nawalan ng malay…

Sa bahay-ampunan, palagi akong inaapi ng mga kapwa ko mga ulila. Palagi nilang nilalait ang peklat ko sa likod. May bakat daw ako ng plantsa sa likod. Pero hindi nila alam na nakuha ko `yon galing sa mama ko.

Simula nang iwan ako ni mama sa ampunan, palagi akong dinadalaw ng masamang panaginip. Hanggang sa nakasanayan ko na ang peklat.

One time, may mga bully kids na nagdala sa akin sa fish pond at doon pinagsasaksak ng mga sanga ng bayabas ang likod kong may peklat. Iyak ako nang iyak hanggang sa may dumating at sinaklolohan ako.

Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Si Jaja.

Piningot niya isa-isa ang mga bully na bata at inakay ako papunta sa clinic ng ampunan.

"Bakit ba hinahayaan mong i-bully ka ng mga `yon? Pwede namang lumaban, `di ba?" tanong niya.

Napakunot-noo ako. "Ang sabi ni mama hindi mabuti ang lumalaban," katwiran ko naman.

"Kaya ba may peklat ka sa likod dahil hindi ka lumaban sa mama mo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi talaga ako lumalaban. Ayokong masaktan si mama kahit na palagi niya akong sinasaktan. Ayoko kasi na marinig ang iyak niya kada gabi.

Kaya pumayag ako na dalhin ni mama sa ampunan kasi hindi raw siya masaya kapag nakikita niya ako.

"Hindi masama ang lumaban paminsan-minsan para ipagtanggol mo ang sarili mo. Kapag ba napuruhan ka nila at napatay, sa tingin mo tama ba ang ginawa mo na hinayaan sila na magkasala?"

Napatungo naman ako dahil sa tanong niya at napailing. Maya-maya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.

"Sa susunod, hindi na kita ipagtatanggol. Gusto ko sa susunod na maabutan kitang inaapi, kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo…"

'Huwag kang mag-alala, Jaja. Iyon pa rin hanggang ngayon ang ginagawa ko. Ipinagtatanggol ko pa rin ang sarili ko gaya ng itinuro mo…'

Napabuga ako ng tubig mula sa bibig at napaupo. Bumungad sa akin ang mukha ni Jaxx at ang galit na hitsura ni JD habang hawak ang umiiyak na si Gaia.

"Mabuti naman at gising ka na. Pasalamat ka ayaw magsampa ng kaso ni Gaia sa `yo," bungad na bati ni JD sa akin.

Doon na ako napaluha. "Bakit ako? Alam mo ba ang nangayari, ha? Cut na ang scene pero—"

"Stop it!" he shouted.

Napaigtad ako sa sobrang gulat dahil sa sigaw niya. Pakiramdam ko, ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo kung ituring ni JD. Bakit ba ayaw niyang maniwala?

"Stop it right now! I'm calling the engagement off!"

Double ouch!

Pinilit kong huwag maluha ulit at agad na tumayo. Itinaas ko ang isang kilay ko at tiningnan si JD sa mga mata. "Engagement? Ilusyunado ka yata. Never naging tayo at never kitang sinagot. Palabas mo lang ang lahat pero pinagbigyan kita. Gusto mong sumakay sa kasikatan ko? Gano'n din kay Gaia, `di ba? Kung sino man ang desperado sa atin, ikaw `yon, James Dean Ferrer. I regret the day I was close to you." Hindi ko na ininda ang kumpol ng mga staffs na nakapalibot sa amin at agad na umalis sa set. Dali-dali akong nagbihis sa CR habang umiiyak.

Bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako natuto? Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabait at hindi ako madaling pakisamahan. Pero ang sakit lang. Ang sakit dahil gano'n na lang ako kadaling i-judge ng ibang tao na akala alam nila ang totoong nangyari. Sobrang sakit…

Sobrang nakakapansisi na dumikit pa ako kay JD. Nakakapansisi na sinugal ko ang buong pangalan ko para sa kanya.

He's not worth it!

Habol ako nang habol sa hininga ko habang umiiyak sa loob ng CR habang paulit-ulit na iniisip kung paano at bakit nagpakahina na naman ako dahil sa isang lalaki.