Chereads / 40 days / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 9

POV SIDAPA

Ilan buwan na nakatulog ang isa kong pasyente, ang spesyal na pasyente ng buong sidapaan. Sa kaluluwa na aking nakolekta, itong kaluluwa na ito ang kalunas lunas ang nangyayari. Ni hindi nakapag paalam at ang bangkay pa ay nawawala. Maging ako ay ayaw pahintulutan ni Bathala makkita ang buong kwento, huling bilin lamang sa aking isipan ay wag pabayaan ang kaluluwa ni Yuan. Una hindi ko naman lubos isipin na ganitong buhay ang meron ang Yuan, at maging ang isang kagaya kong Sidapa ay nakakaramdam na ng awa.

Nagising ako sa ingay na aking nadidinig, pamilyar ang mga boses. Pamilyar ang ambyans sa aking sarili, para akong naginhawaan, at pagmulat ng aking mga mata, katabi ko na ang sidapa

"hay sa wakas, gising na ang mahal na reyna" wika ni sidapa

Nagattaka akong nagtanong sakanya dahil nasa loob ako ng aking kwarto at ang boses ni keneth at forest ang aking nadidinig

"ditto kita nilipat baka sakaling magising ka na dahil kailangan na natin hanapin ang iyong kaluluwa, kung sa mundo ng tao ay magdadalwang lingo ka ng nawawala, ditto sa lugar natin ay isang taon ka ng nakakulong ditto, kagigising mo lang mula sa gala natin" sambit ng Sidapa

"pasensya ka na, noon kasi tinitigan mo ko sa aking mata ay nawalan ako ng malay, ilan araw na ba akong tulog?" sambit ko

Pagod na pagid atwe gHurl?! Mag tatatlong buwan ka ng tulog siz, nasobrahan ka yata ng aking magic power, dahil doon kinulit ako ng Bathala na hanapin na natin ang iyong kaluluwa dahil maging siya ay gusto na niya iyon kainin" sambit nito

Naguluhanan ako sa sinabi, imbes na tanungin pa siya ay nadiig ko ang usapan ng mga kasama ko rito sa bahay si ken at si forest

"buti na lang ate, mayroon ka pansamantala, para mapunan ang kulang ni ate Yuan" sambit ni Forest

"wag ka mag alala binilin ka ng ate mo sa akin, araw araw ka niyang kwinekwento sa amin, mahal na mahal ka ng ate mo mahahanap din natin siya" sambit ni Ken habang hawak hawak ang aking litrato

Umiiyak ako sa gilid na tila ba ay nanonood lang ako ng isa sa mga drama na inaabangan tuwing gabi, hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinapit ng buhay ko, at kung sino naman siguro na sa aking kalagayan ay ganoon din ang mararamdaman, puro sakit at pagtatanong na bakit ikaw, ng bakit puro bakit.

Isang oras ang lumipas na pinapanood ko lang ang dalawa sa ginagawa, nag eedit ng mga post o di kaya ay naghahanap sa facebook ng kung sino man ang makakita sa akin. Awang awa man ako sakanila maging sa sarili ay wala naman ako magagawa dahil isa na lamang akong walang silbi na kaluluwa, ni mahawakan at makapagparamdam sa aking kapatid ay hindi ko man lang magawa. Ang masilayan ang aking ama at ina ay wala, dahil wala pa naman sa kasiguraduhan na ako nga ay isang patay na.

Masyado na mahiwaga ang nangyayari sa buhay ko kayat tatanungin ko na lang ang sidapa

"ano ba talaga balak mo sa kaluluwa ko?" tanong ko na medyo pagalit na ako

"wala naman, koleksyon lang, chaaar! Ikaw kasi kung hindi ka umeksena edi sana wala ang kaluluwa mo rito, eksenadora ka eh! Ano ka wonder woman? Hindi namamatay? Sis wala sa listahan ang kaluluwa at dahil sa eksena ka ng eksena, ayan ang listahan ni madam ng kaluluwa ay nagulo! Nadamay ka pa" bulyaw ng sidapa

Hihirit pa sana ako ng tanong ng magasalita siya muli

"tara sa lover boy mo" paanyaya niya

Una hindi ko pa nagets pero noon ngumiti ang sidapa ng nakakaloka ay bigla na lang kami napunta sa opisina

"sis kakaeksena mo, kita mo siya after 2 weeks buhay na buhay at kita mow ala man lang sa mukha niyang nag aalalang may nawawala siyang empleyado" wika ng sidapa habang pinagmamasdan ko si sir Tj

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa nakikita dahil parang wala lang sakanya ang lahat, wala man lang talaga bahid ng pag alala o anuman tulong na natatanggap ang kapatid ko para mahanap ang aking katawan. Alam ko hindi masamang kaibigan si ken, alam ko nabanggit na niya lahat sa katrabaho nain ang nagyayari sa buhay naming magkapatid, pero as a boss na ibinuwis ko ang buhay ko saknya tapos malalaman kong dedma lang siya ay naramdaman ko ang kaluluwa ni De. Jose P. Rizal na naniniwala sa kasabihang kabataan ang pag asa ng bayan ngunit mga kabataan hindi pahalagahan ang pagsakripisyo niya ng buhay

Namumuot ako sa panghihinayang ngayon, kaya naisipan ko sipain yung coffee ng isa sa mga nakaharap kay sir tj at pinag uusapan ang bagong billboard na maikakabit sa Edsa.

Sinusubukan kong matabig ang kape para ang lahat ay masindak sa show na mangyayari, tinititigan lamang ako ng sidapa sa aking ginagawa siguro naiintindihan na niya ako sa nararamdaman ko ng naisip ko nanaman na sa huling tira ko kailangan ko ng concentration kaya tinitigan ko ang baso bago ko hampasin na lang sumabay naman ang cheer ng sidapa na aking kinagulat at hindi na lang nagpa istorbo

"Gooo Yuan, sapakin mo!!" sigaw ng sidapa

Hahatawin ko na ng biglang nagsalita si sir Tj

"Kanina pa may gustong humampas ng kape na iyan sa lamesa, nanunuot ng masamang element ang kwarto na ito, tayo na sa opisina ko" paanyaya ni sir Tj

Bubuhatin pa sana non lalaki ang baso papasok sa opisina ni sir tj ngunit sinita niya ito at tumingin kung nasan ang sidapa.

Nagtinginan kami ng sidapa ng maisara nila ang pintuan ng opisina ni sir Tj