Chapter 10
Bumalik kami ng sidapa sa bahay at hindi ako makapaniwalang nilakad namin mula opisina hanggang rito, wala man lang ako naramdaman na pagod o ano pa man, maging sa paglalakad na halos nasa kalagitnaan na kami ng daan ng sidapa, walang alintana sa mga dadaan na sasakyan maging ang makakasalubong, hindi rin naman ako iniimik ng sidapa dahil maging siya ay alam kong hindi rin naman makapaniwala
"nakita mo yon?!" gulat na gulat pa din sa kanyang tanong
Kasi kahit sino naman ay magugulat, dahil hindi pa naman kaluluwa si sir tj at nakita niya ang sidapa, mata sa mata niya itong tinitigan habang isinasarado ang kanyang pintuan sa opisina.
"alam kong kitang kita mo din iyon hampaslupa, alam mo ba?! Alam mo ba maari akong mamatay sa nangyari" hagalgal ng sidapa habang paulit ulit na umiikot sa kinauupuan ko
"patay ka na mamamatay ka pa?" sagot ko sa kanya
Nagulat din naman ako dahil kaluluwa na siya tapos, pwede pa pala mamatay ang kaluluwa, ang amazing naman hahahaha
"bat ka ngumingiti?! Pag ako natsugi siz, tsugi ka na rin" sabat ng sidapa
Wala naman siguro masama sa naisip ko, pero dumami lang ang iisipin ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko, ang malaman ba sa bathala ang katotohanan o hanapin na lamang ang katawan kong nawawala
"hoy pangit, ano ba talaga ako?! Kaluluwa o special?! Di ko din gets e" wika ko
"hmmm" giit ng sidapa
Sa dami rami ng sagot, tanong din ang binalik
"isa kang special na kaluluwa, kasi wala pa ang iyong katawan, kumbaga siguro nagliliwaliw ka kasi mayroon pa ang iyong ala ala" wika ng sidapa
"bat parang di ka sigurado?!" wika ko
"hampaslupa neto, taga sundo lang ako ng kaluluwa at taga bura ng memorya hindi special sidapa na lahat ng tatanungin mo e alam ko ang isasagot" sagot ng sidapa saka siya umalis at iniwan ako rito sa bahay
Kung tutuusin nga naman, maging siya ay di niya alam kung siya nga ay isang kaluluwa, so hndi din pala totoo na kapag ang isang patay ang kaluluwa nito ay hindi napupunta sa langit? So nasan kaya ang inay at itay?
"hoy babaeng hampaslupa, halika na kung ano ano nanaman naiisip mo kung di ka lang talaga eksenadora ang ayos ayos ng buhay buhay natin na dalawa" singit ng sidapa na ikinagulat ko na nasa tabi ko nanaman siya
Hindi ko alam ang tawag sa lugar na kung saan may higaan at ilaw lang ang nandoon, kung normal pa siguro ako na tao, bored na bored ako sa lugar na iyon, pero dahil sa mga iniisip ko, hndi ko na namamalayan ang lahat
Para bang nasa isang lugar ako kung saan libre magisip na para bang nandon ka pa sa exact location. Nakakaloka pero dapat kailangan ko magpakatatag dahil kailangan ko ng kasagutan sa mga nangyayari sa buhay ko, hndi ko pwedeng iasa na lang si Forest kina Ken, ang laki na ng utang na loob ko ron sa babaeng yun. Hindi din naman papayag ang tatay sa set up na ganito, kailangan ko lang magdasal na sana lahat ito ay panaginip o di kaya ay pagsubok
"may nakita ako sa ala ala mo" sumbat ng sidapa habang nakadungaw sa bintana
Nacurious naman ako sa kapangyarihan ng kamatayan na ito, lahat pala talaga ng ala ala ay makikita nila
"matagal ka ng kilala ng iyong lover boy, magmula noong nalagyan mo ng lipstick ang kanyang suot suot na damit" singit niya
Kinagulat ko naman ang sinabi ng sidapa, talagang nakakagulat maging ang aking mga mata ay lumaki, papaano nangyari eh, sa buong taon na pamamalagi ko sa opisina ay hindi ko man lang nasilayan ang kanyang bunbunan
"siz, gulat na gulat?! Nakita ko lang naman siya sa ala ala mo. Hndi ka nga niya iniistalk e, wala nga siyang paki alam sa iyo HAHAHAH o.a ka naman siz" ani ng sidapa
Malapit ko na madouble dead ang sidapa na ito sa bwisit, ang rami niyang oras para mang gago e, hndi na lang ako tulungan hanapin kung nasaan ba ang aking katawan upang mapayapa naman na ako at makita ko na ang bathala
"hoy ikaw! Pwede ko na ba makita ang bathala? Para humiling sakanya na sana palitan kana lang niya na taga bantay ko, parang di mo deserve e" wika ko
Nagsungit ang mukha ng sidapa, kumunoot noo at maya maya iniwan nanaman ako mag isa dito sa kwarto na walang pintuan, may bintana pero walang tanawin, oh diba ang bongga, so talagang lugar sya para mag isip at para mag imagine
Hiniga ko na lang muna dahil feeling ko sa sarili ko ay pagod na pagod na ako, pagpikit ko nakita ko ang memorya namin ng tatay, at si forest.
Huling pagsasalo salo namin sa huling sweldo ng ama bilang photographer, unang beses na aminin sa amin ni itay ang kanyang malubha ng sakit, halo halo ang emosyon na nadarama ko noon araw na iyon, may pagsisisi, gusto ko manisi ngunit iyon ang buhay na sinilangan ko, kailangan ko magpursige.
Parang totoo pa ang lahat, ayoko na imulat mga mata ko, baka huling beses ko na sila maalala baka huling beses na ito.