Chaptrer 14
Third POV
"papa bakit mo naman po ako iniwan, papaano na po ako ngayon? Lahat po ay ayaw sa akin" wika ng isang batang umiiyak sa hospital
"sir Tj, nandirito naman po kami ng aking asawa upang bantayan ka, naging isa ka na rin po sa aming mga anak" wika ng isang matandang nakapansuot ng katulong
Dala dala ng batang lalaki ang kanyang yellow na teddy near na parating inaabot sa kanya ng ama sa tuwing siya ay nasasabihan ng masama patungkol sa kanyang katauhan.
Isang araw sa burol ng ama ng bata, nang bumisita ang kapatid ng kanyang ama
"pirmahan mo ito anak, kami na ang mag aalaga sa iyo, pupunta tayo sa Disney Land, madami tayong pupuntahan" ani nito sa bata
"Huwag mo akong pinapapirma ng kung ano ano, wala akong pagkakatiwalaan ni isa sa inyo" sigaw nito at padabog na nagpunta sa tabi ng labi ng kanyang ama at tuluyan na umiyak
Binuhat ito ni Aling Rosa, ang lumaking tagapag alaga ng bata
"Halika na" yaya nito sa bata
"Ang bilin ng papa, wala akong pagkakatiwalaan, kundi ikaw lang at si lolo Karding, maging matatag ako at bawal ang awa pag laki ko" sambit nito
Hinaplos ng matanda ang buhok ng bata, yinakap ito
"Hindi sa lahat ng bagay ay dapat wala kang kaawaan anak, Nawala man ang malapit sa iyo nandito naman kami sa iyong tabi, hindi ka namin papabayaan, matulog ka na" wika ng matanda
Lumaki sa malayo ang bata, nagbinata na nasa dalawang matanda lang ang kanyang pangangalaga.
Nagbinata na ang iniintindi ay ang kanyang bagong pamilya at ang bilin ng kanyang mahal na ama. Malayo ang kanyang loob sa kanyang mga kamag anak dahil gahaman ito sa pera at mga ari arian. Bata pa lamang siya ay gusto na nilang makuha sa kanya ang pinamana ng kanyang ama.
Nagsisimula pa lamang ang ama sa larangan ng ekonomiya ay nakapangalan na ito sa kanya, pagka panganak nito ay pinirma na ang dugo nito sa papel na naghahawak ng kanilang yaman.
Tumatanda ang binate at maraming nakalipas na panahon na din ang namalatay ang binate ay nag eexcel ito sa anumang larangan, academics at sports. Football ang madalas na dahilan ng kanyang paglabas sa kanilang bahay sa America. Maging ang kaniyang mga gahaman na kamag anak ay wala nakaka alam kung nasaan na ito nakatira hanggang sa malaman nila na ito ay umuwi ng Pilipinas upang tutukan ang isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.
Marami na siyang natatanggap na death threats na ikinakatakot ng dalwang matanda, dahil sa walang awa niyang pagtatakwil sa kanyang mga kamag anak. Nakatapos ito ng kanyang pag aaral habang malayo niyang naaasikaso ang kompanya. Maraming sulat ang kanyang natatanggap mula sa pamilya sa pamamagitan ng nag aalaga sa kanya ng mag asawa.
Isang mabuting tao si Tryv Jasdf, kahit wala sa tabi ang magulang ay namana nito ang pagkamaawain at nagabayan ng dalawang matanda. Kahit anong larangan ay nag excel ang binate hanggang sa maging kilala rin siya sa buong bansa dahil sa angking kagwapuhan, katalinuhan at kabaitan.
Hanggang sa isang araw sa hindi naman inaasahan na pagkakataon, nabangga siya ng isang dalaga tila ba ay wala sa sarili dahil nagmamadali na hindi mawari na pumasok ng banyo.
Nais sitahin ito ng binata ngunit hindi na niya nagawa dahil may hinahabol pa siyang meeting ngayon na araw dahil aalis nanaman siya ng bansa para may atupagin roon.
Lumipas ang buwan at araw sa malayo, nakarating muli siya sa bansa. Hilong hilo ang binata sa byahe at nakatulog. Pagka gising, dahil sa sabik na Makita ang mga Gawain sa kanyang opisina at hindi na niya ito kaya pang tiisin na walang ginagawa ay siya na mismo ang kumuha.
Sa isang eskinita, nasilip mula ni Tj ang silog na kanyang parating binbilhan twing umaga. Papasok na sana siya muli sa kanyang sasakyan ng mas pinili niya na maglakad na lamang. Namataan naman siya ng isa sa kanyang mga gwardya na nag alok na samahan siya, ngunit ito ay tumanggi at nag utos na lamang na tignan ang kanyang sasakyan.
Hindi pa siya nakalalayo sa madilim na pasita ay may humila na sakanya na isa naman sa nakakapangilabot na pangyayari na naganap sa kanyang buhay. At sa di inaasahang pagkakataon nakita niya ang dalaga na minsan na niyang nakita na lumabas sa kanilang building na akala nito ay nagka eye to eye sila dahil susubukan niyang humingi ng saklolo ngunit nawalan na ng malay ang binata