Chapter 13
SIDAPA POV
Bago ko sana simulan si Yuan bigla akong inabisuhan ng bathala, hindi ko siya maaaring iharap kay Yuan dahil hndi pa ito ang tamang panahon.
May sapat na oras raw para sakanilang dalawa at para sa aming tatlo.
Katatapos ko lang manundo ng kaluluwa, hindi ko alam kung naaawa ba ako o natutuwa sa twing sa harapan ko mismo namamatay ang kanilang katawan.
Pabalik na ko kay Yuan, maging ako ay hindi ko alam kung papaano sasabihin sakanya ang kailangan niyang gawin.
Makakabalik siya sa kanyang mundo ngunit sa espesyal na kalagayan.
Makikita siya ni Sir Tj ngunit hndi siya makikita ng sinoman na walang kakaibang kapangyarihan.
YUAN POV
Excited na ako sa pagdating ng sidapa dala dala ang kanyang magandang balita.
Speaking of ...
"chaaaaraaan" bulyaw ng sidapa
Muntik na akong atikihin sa gaga na to
"gulat na gulat te? Matagal na kong pangit, alam ko" dagdag pa niya
Natatawa ako na makita siya, natutuwa gusto ko siyang yakapin kaso nadidiri ako hahaha at kaso din baka lalaki sya sa totoong buhay, kaya play safe na lang muna tayo.
Huminga ako ng malalim, na nagpabigay sa sidapa ng weirdong expression niya
"simula ngayon araw, kung ano nagagawa ko ay magagawa mo na rin, except lang ang manundo ng kaluluwa" sambit niya
Hndi ko nanaman alam ang aking expression nawala bigla sa wisyo ang aking ngiti, hindi naman ito ang aking ninanais, miss na miss ko na ang aking kapatid.
Lumuluha na ang aking mata, gusto ko na magwala kaso desente tayo beshy,
Nasasaktan,, lumuluha pero di magwawala ganern.
Tuloy pa rin ang patak ng luha ko sa aking mata, halong lungkot at pagkaulila aking nararamdaman sa ngayon, sana na lang wala na
"hanapin natin sikreto ni sir tj" wika ng sidapa
Imbes na luluha pa ang aking mga mata, biglang nagiba nanaman ang mood ko, maging sarili ko madalas ay hindi ko na maintindihan pa.
"makikita na niya ako?!" wika ko
"oo naman oy, lahat ng may third eye makikita na ang panget na kagaya mo" sambit ng sidapa
Alam mo kung pwede ko lang talaga hampasin ang sidapa ay matagal ko na itong ginawa. Nagtitimpi lang ako dahil kahit dito sa other world ay kailangan dalagang Pilipina tayo beshy
"ang dami mo kaartehan sa buhay, ano sasama ka ba?!" anyaya ng sidapa