Chapter 11
Yuan POV
Sa pag iisip ko hindi ko nanaman namalayan ang lahat baka sabihin nanaman ng sidapa na ito na 2 taon na akong nakatulog. Nagkaroon ako ng desisyon na harapin ang sinasabi nilang Bathala. Napuno na ako ng katanungan, alam ko nababasa ng sidapa ang aking mga naiisip ngayon pero wala na akong paki alam gusto ko na lang ng kasagutan ...
SIDAPA POV
Pinatawag ako ng Bathala habang mahimbing na nagiisip isa sa mga pasyente ko. Hndi ko pa naaninag ang bathala ngunit nadidinig ko ang mga tinig nito
"dito" bulong ng munting tinig
Lumapit ako mula sa isang puno, napakamasibong puno, ang sarap pagmasdan, hindi ko na inalintana
Dumeretso ako upang magtanong
"mahal na bathala, bakit ho ako napatawag?"
Tanong ko
Isang bulong ang sumagot mula sa aking katanungan, ang katotohanan
YUAN POV
Hindi ko nanaman alam kung san pa pwedeng marating ng laman ng isip ko ngunit ngayon bored na bored na ako. Puro katanungan lang naman ang nasa aking isipan na paulit ulit, mga memoryang dapat ko na kinakalimutan
"hoy" biglang sulpot ng sidapa sa aking harapan
"tara gumala" paanyaya niya
Iniisip ko palang yung mga nangyari sa huling gala namin ay kinakabahan na ako, ano nanaman kaya muli ang malalaman ko tungkol sa kanilang super powers. Namataan kong ang tamlay ng sidapa
"beshy may prob ka?! Broken hearted?!" tanong ko pabiro
"huling nagtanong sakin niyan, ayun nasundo na ang kaluluwa" balik niya
Nakakaloka magkaroon ng kamatayan na lahat ng sagot ay pabalang, parang walang sinusunod na rules
Habang naglalakad lakad ako, kasi wala naman paa tong kasama ko syempre siya lulutang lutang
So habang naglalakad lakad ako at ang sidapa ay palutang lutang lang
"gusto ko makita ang bathala" seryosong sambit ko sa sidapa
"masyado pang maaga" sagot niya
Wala akong idea bakit matamlay tong sidapa na to, dahil si ken kapag matamlay tyak minulto na lang ng kachat niya, daig pa ang kaluluwa na nagpaparamdam kaya ang isang Ken nagdradrama kagaya ng ginagawa nitong sidapa
"yung totoo siz? Broken ka? Bat ang tamlay mo yata" tanong ko
Hndi ako masyadong interesado sa mga personal na tanungan pero kasi nacurios lang ako, alam mo na kapag ganitong pa mysterious ang tao, chismosa mode on ang peg ko pero imbes na makadinig ako ng salita mula sa sidapa ay iniwan ako ng gaga
Nag poooffff! Nawala na lang bigla grabe gusto yata makipag tagu taguan, hindi na kami bata. Pati pala sa ganitong buhay hindi nawawala ang maging kagaguhan o di kaya ay kalokohan. Akala ko dito sa lugar na ito seryoso ang lahat
Siguro nadinig ng bathala ang aking hiling non nakaraan, sa sobrang kulit ng aking sidapa ay binigyan nanaman ng parusa. Nakakaloka dinadamay pa ako hindi na lang sabihin sa akin ang totoo.
Naglalakad ako papalapit sa naglalako ng sorbetes ng bigla kong makita ang sidapa malapit sa naglalako ng taho, sinusundan niya ang isang mama na bumili maya maya pa ay huminto sila sa paglalakad para bang magkakilala sila at nagkakausap
Maya maya pa ay may bumaril sa taong sinusundan ng sidapa
Nakita ko ang pagngiti ng sidapa
Yung ngiting walang awa...