Chereads / 40 days / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 7

Nagising na lang akong may maliwanag na nakatutok sa aking mga mata, feeling ko nasa langit na yata ako, at ang lalaking paparating ay siguro si San Pedro

Pero …

Hindi naman sa malait ako pero ganon na nga, bakit iba ang mukha ng aking nakikita. Daig pa niya ang nasa mga ibat ibang nakakatakot na itsura sa buong mundo.

Papalapit siya ng papalapit sa akin hanggang sa

"HAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHZHAHAHHAHAH, ang tagal ko na hinahantay ang iyong kaluluwa" wika ng nakakatakot na lalaki

"kaluluwa?bakit ano ba ang nangyari, na prank baa ko? May camera ba jan na nakatago? Nasan na si Sir Tj?" Ani ko kahit nanginginig na ang boses ko magsalita dahil sa takot na din baka kung ano lamang ang nangyayari.

Kinuha ng pangit na nasa harapan ko ang bulaklak na nasa aking gilid

Tinignan ko iyon habang pinagmamasdan niya, pinaikot ikot pa nito eto sa kanyang kamay. Habang napansin ko Nawala ang pasa sa aking mga braso na dulot ng mga masasamang tao kanina lang, pati ang nabaril na parte sa aking dibdib ay wala na. wala rin akong bahid ng dugo o ano pa man.

Malamig sa buong kwarto kayat nakakumot ang aking mga paa. Labis na kaba ang nadarama ko, ang bilis ng tibok ng puso ko ng matamaan kong tinititigan ako ng masamang elemento na nasa harapan ko

"Wag kang matakot, hindi pa kita pwedeng sunduin" wika niya na nakapag iwan sa akin ng tanong

"Ano ibig mo sabihin, patay na ko?" wika ko sa pangit

"mahaba habang kwentuhan ito, ako nga pala ang Sidapa, nasa haka haka at isa rin sa mga kinakatakutan ng mga nakakatanda" wika ng pangit habang pinagmamasdan ang bulaklak na kanyang nilalaro kanina pa

Sa kanyang pahayag hindi ko na matuloy kung nananaginip lang baa ko o ano pa man nangyayari ngayon araw na ito, kanina lamang ay nasa harap ko na ang aking pinapangarap na lalaki at sa di inaasahan na pangyayari may barilan na sa akin harapan na isa pang ikinanagulat ng buong pagkatao ko.

Ngayon nasa punto na ako na maniniwala na ako sa pangit na ito.

"kanina ka pa riyan nakatitig, wala ka na bang tanong?"wika ng pangit

"gusto ko ng patunay" wika ko

Hindi na siya nag atubili pa at sa isang hampas ng kamay niya ay nakita ko si Gubat, kanina pa niya ako hinahanap, nagkita na din sila ni Keneth at maging ang ilang ka opisina naming ay nag aalala, maraming pulis sa pinangyarihan ngunit hindi ko maaninag sa lugar ang gusto masilayan ng aking mga mata.

Umisa pa ng palakpak ang pangit

Ngayon nakita ko naman si Sir Tj, ang room number niya sa hospital at siyang nakaratay sa kama, walang may.

"Lapitan mo" udyok sakin ng pangit na nakapagpagulat sa akin na akala ko magigising ko ang isang gwapo sa kanyang panaginip

"lapitan mo, hindi ka naman niya makikita eh! Wala rin makakakita sa ating dalawa" udyok niyang muli

"tar ana ibalik mon a ako kung nasan tayo kanina, naniniwala na ako" pabagsak ang aking luha sa mga nakita, hindi makapaniwala na totoo nga ang mga nangyayari sa akin ngayon, sa murang edad ko binawian na agada ko ng buhay. Nasaan ang katawan ko at nasaan ba talaga ako

Tumingin ako sa mga mata ng pangit

"hindi ako ang diyos" wika niya

"nakakaawa kang nilalang, kaya hindi ko makuha kuha ang iyong kaluluwa" wika niya muli

Alam ko maraming tanong sa akin isipan na namumuo at ang pangit na nasa aking harapan ay may pangalan

"sidapa?" wika ko habang nakapmeywang siya sa isang munting bintana ng kwartong ito

"yes? My problema ka nanaman ba? Magpahinga ka lang jan" wika niya

"ano ba ang sidapa? Fairy ka ba? Pero bat ang pangit mo?" wika ko

Isang malakas na aninag galing sa labas ng bintana ang humarang sa aking mata at bigla nagiba ang itsura ni sidapa. Naging tao ang kanyang anyo at di lang iyon naging isa siyang gwapong binate nakakalaglag ng panga at panty

"ano sabi mo?" wika niya na may halong pang aasar

"sidapa sabi ko, isa akong kamatayan at ako ang naka assign sa iyong kaluluwang nakakaawa" dagdag niya

Nagkaroon ako ng ideya, sidapa ang binabanggit ng aking ama bago siya bawian ng buhay noong gabi, isa pala siya sa mga sundo na ipinapada. So, talagang patay na ako?

"patay na ba talaga ako! Sumagot ka ng maayos" wika ko

"patay ka na, pero yung katawan mo, hanapin mo" sagot niya

Isang palakpak ay muli may maliwanag sa aking mata, at siya'y unti unting naglaho.