Chereads / 40 days / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Naghahanda na ako para sa aking final interview, kinakabahan na nga ako eh. Ngunit bago magderetso sa opisina na aming pinapangarap ni itay, naisipan namin ni Forest na dumaan kina inay at itay upang humingi ng guidance sakanila.

Bitbit ang aming pasalubong na tinapay, tinimplang juice, kandila at pinuros na bulaklak sa taniman sa likod bahay ay pumaroon na kami. Sa paglapit namin sa puntod, namataan ko agad ang aming tiyahin, ang kapatid ng aming ina na patuloy sinisisi si Forest sa pagkawala ng kaniyang kapatid.

"nandito nanaman siya ate, sira na ang aking araw, pupuwede bang mauna na lang ako umuwi at doon na magdasal sa bahay?" wika ni Forest na nagdadabog na sakin, ngunit 'di ko pinansin.

Pagdating naming sa puntod

"Oh, akala ko wala na kayong pakundaway sa inyong magulang. Mabuti naman at naisipan niyo linisan ang lugar, at ikaw Yuan, saan ka pupunta at nakabihis ka yata"

Nginitian ko ang tiya kahit tinititigan niya mula ulo hanggang paa si Forest, siguro hindi makapaniwala dahil lumaking maganda at makinis si Forest pang model na ang kanyang tangkad, minsan niya lang ito nasilayan dahil bumibisita lang ito kapag kailangan ng pambigas sa kanyang sampong anak, at si Forest ay madalas nasa skwela lang dahil siya rin ay isang working student.

"ay tiya, papasok po sa eskwela, may gaganapin na seminar at kailangan po magbihis ng ganito" wika ko habang inaayos ang bitbit naming magkapatid. Nang di ko makapa ang posporo.

"Forest nakalimutan mo mailagay ang posporo" ani ko

Ng biglang sumabat ang aming tiya habang paalis na siya sa puntod

"Kahit kalian talaga walang kwenta yan huling iniluwal nya" tiya

Tinititigan ako ng aking kapatid na maluha luha, wala na yatang balak magbago ang aming tiya na ubod ng sama, wala naman ibang ginawa kundi hingan ang itay ng ikakanin nila sa araw araw. At dahil na din sa nararanasan ko sakanila natuto ako magsinungaling. At buong buhay namin ni Forest ay tinatakasan ang kanilang pamilya dahil sa amin isinisisi ang pagkamatay ng aming ina.

"Ate hatid na kita sa sakayan, hayaan mo na iyong damuho na iyon, kapag nakaluwag luwag na tayo alam ko ilalayo mo ako rito" sambit ni Forest

Oo, wala akong balak na habang buhay na kami ay maaapi na magkapatid, ang nais ko lang magkaroon kami ng maayos na pamumuhay, maging responsableng ate para kay Forest, at makapagtapos na pangarap ng aking magulang.

Sobrang traffic pero hindi pa rin ako nagpatinag, Mabuti na lang at may dala dala akong tsineelas, tinanggal ko ang aking heels at binuhat sabay takbo papunta sa malaking building na aking papasukan.

"Isang kanto pa Yuan! Isa paaaaa" Sigaw ko sa kalsada habang tumatakbo at hindi ininda ang pawis

"Maganda naman ako in and out, konting polbo at retouch at pabango, makakapasok tayo" bulong ko sa isipan

Nasa pintuan na ako at tamang pacute kay manong Guard, baka kasi may kapit siya sa HR oh! Diba bonus pa.

Nagderetso ako sa banyo, may 45 minutes pa ako para mag ayos, habang naglalakad.

"Nakakamalas!" naman may nabungo pa ako, at dahil na din siguro sa iba iba ang iniisip ko nabangga ko ang isang lalaki at yung lipstick ko beshy!!!!

Yung matte na lipstick kong binili ko lang ng 25 pesos sa palenke!!!!!!!!!! Naidikit sa kanyang puting polo!!!

Dali dali kong pinunasan ng kamay ko na mas lalo lang kumalat!

"SORRY SIR! SORRY" wika ko

Tiningala ko ang mukha ni sir, baka aambahan na ko ng suntok. Pagtingala ko, ang puti ng mukha beshyy red na red pa ang labi. Napalunok ako sa kahihiyan at syempre, dalaga lang ako at marupok, ao'y nagwagwapuhan, at mukha siyang familiar.

Nagsabi ulit ako ng pasensya, pero tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa, ang pokerface lang non pagtitig niya tapos naabala ang pagsasalita niya noong nag ring ang kanyang cellphone.

"Buti na lang" sambit ko sa sarili

"Yeah I'm on my way, wait get me a new set of sleeves" wika ni kuyang suplado

Hindi ako pwede tumunganga dahil ilan minute na lang at magsisimula na ang interview ko, huli na 'to. Ito na ang huling huli na papasok ako sa HR, ngunit habang nagpopolbo hindi ko maiwasan ngumiti, ang gwapo ni kuyang nakasalubong ko at ang boses nya talaga naman nakaka attract ng babae at kahit sino pa man na makarinig ay ma aatract talaga sakanya.

Mabuti na lang at walang tao sa pintuan ng mga banyo, bagkus madami ng babae ang nakairap sa akin, naiisip ko rin kung saan na department kaya siya, at sana ay makatrabaho ko naman siya kahit minsanan lang.

At sa pagka ambisyosa ko, nakalimutan ko ang oras ko, limang minuto na lang ang mayroon at tuloy tuloy na ako tumakbo sa elevator papuntang 11th floor kung san gaganapin ang huling interview.

"Familiar talaga si kuyang gwapo" wika ko sa sarili habang pabukas ang pinto ng elevator para sa 11th floor.