Chereads / 40 days / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Siguro nga masaklap ang mamuhay sa lupa kasi kailangan mo mamuhay, kung paano ka makakasurvive sa isang araw. Yung unang pangangailangan mo kung papaano mo tutustusan, at hindi lang naman pwede sa iyp lang, dahil maiisip mong hindi lang ikaw, kundi may kapatid ka pa na nakadepende sa iyo.

Nasa kusina si Forest dahil katatapos naming mag drama sa isat isa, ng maalala ko may ikwekwento nga pala ako sakanya.

"alam mo ba nakadisgrasya ako ng gwapo, nakakapagtaka sa sobrang gwapo niya, nandon lang siya sa opisina tapos may personal yaya naghahatid ng damit niya" wika ko

Syempre, babae din si Forest kaya nagkainterest nakarinig ng gwapo na word e,

"Oh talaga ate? Kagaya ba siya noon nasa magazine na tinititigan mo dahil sobrang gwapo?"

Napatigil ako sa pagbihis at hinanap kay Forest ang magazine, binato niya sakin. Pagbuklat na pagbuklat ko ng magazine

"AYYYY PUCHAAAANG GAAALAAAAAA, Forest siya yon lalaking nahalikan ko yung dibdib nalagyan ng lipstick yung polo niya" ani ko

"Ano ate? Anong halik ate?! Kaya ka ba nakuha sa trabaho, dahil dyan?!" sigaw ni Forest na halata sa reaksyon niya ang gulat

"PUCHAAAA! Hindi ko hinalikan aksidente ang nangyari, dahil pagod ako at nagmamadali, hindi ko siya Nakita sa daan, oo nga pagkalaki laki niyang tao pero oo di ko nga Nakita" wika ko na gulat na gulat din

Kaya pala familiar ang mukha niya, dahil siya nga ang modelo na Nakita ko kahapon sa magazine at siya nga rin ang may ari ng lugar na pinasukan ko. Hindi maalis sa aking isipan ang pagkagulat dahil talaga naman nakakagulat at lalo ng nakakahiya dahil yung big boss ko sakanya pa ko nag bwena mano ng kamalasan.

"ate buti kung di ka sisantehin agad non" wika ni Forest

"uy hindi naman siguro, dahil tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa, ang blangko nga ng expression ng mukha niya e, tapos may sasabihin sana siya kaso naudlot mukhang nagmamadali at sinagot niya ang tawag" ani ko na mukha na kong kinikilig

"ate isipin mo, syempre nga boss siya, kaya kaya niya gawin gusto niyang gawin, ang posi niya ate ang yaman yaman pa" dagdag ni Forest na may patass tass pa siya ng kanyang kilay, akala mo naman papatulan ako ng mga ganon kataas na tao

"Grabe ka naman tay, ang aga naman ng pa Christmas mo sa akin, una ay trabaho tapos sumunod gwapo na boss. Tay okay lang naman kung pandesal e pero burger ang binigay niyo" sambit ko habang nakatingala na akala mo nasa kisame ang itay

"sige ka, pag sumagot ang itay, matatakot ka naman" dagdag ni Forest

Pagkakain namin, nagderetso sa labas, ang raming bitwin sa langit. Siguro kung ang mga namamatay na tao ay nagiging bitwin ang kaluluwa, parati akong titingala at maghihintay na laging sumapit ang gabi. Para maibalik ko ang dating itay at inay na kasama namin ng aking kapatid sa hirap man o ginhawa.