Chereads / 40 days / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4

Anim na buwan na rin ang nakalipas at magmula noong final interview ay hindi ko na muli nakita si kuyang gwapo. Nangyari na din ang graduation ni Forest, nairaos na rin ang mga kaunting problema. Nahihirapan na lang ako sa schedule ko sa school at sa trabaho dahil kadalasan nakakapasok akong wala sa aking wisyo dahil na rin siguro sa pagod.

"ate uso ang day off, hmm alam mo pa bay un?" wika ni Forest habang nakahawak nanaman ng magazine

"oo alam ko, pero pag ginawa ko iyon, either bagsak ako sa school o wala na akong trabaho, kaya umayos ayos ka riyan, kolehiyo ka na sa susunod" wika ko sa kapatid kong manghang mangha sa tinitignan

"ate yung crush mo oh! Meron naman pala sya sa opisina niyo at nagpapaicture at may taping pa pero bakit hindi mo siya nakikita? Hmmm siguro hindi kayo tinadhana" ani ni Forest

"ang rami mo naming nalalaman dinaig mo na ako, hindi naman iyon ang habol ko sa tao e. hinangaan ko lang kasi mas makinis pa ang mukha kesa sa akin" pabiro kong sabi

Ngunit oo, bat di ko na siya nakikita, halos malibot ko na buong building sa dami rami ng mga request na pinapagawa at pinapaabot sa mga opisina. Siguro nga hindi talaga para sa akin. Chaaaar

"tiwala lang Yuan" atim ko sa sarili.

Hindi ko namamalayan ang mga lumilipas na buwan hanggang sa patuloy ko pa din hinahangaan si Mr. Tyler. Maaga rin pala siya nawalan ng magulang at siya na lang mismo nagpapatakbo ng kumpanya. Marami na din beses nasusugal ang kanyang buhay dahil maraming nag aasam sa kanyang posisyon at yaman, ang masakit doon ay mismong kapamilya nila.

"ate ang lalim naman ng iniisip mo, tara na baka ang haba na ng pila sa enrollement"pagyayaya ni Forest

Sa rami ng sumagi sa isip ko di ko na namalayan na isang oras ko na palang tinitignan si Aling Bebang na nagwawalis sa kanilang buong bahay.

"ano ba balak mong kunin na kurso ha gubat?!" tanong ko sa kapatid na panay ang scroll sa facebook

"ate gusto ko sanang kumuha ng engineering" wika ni Forest

Una naiisip kong baka gusto niya lang tuparin ang huling mga naisin ng itay sakanya. Ayaw ko naman na magsisi siya sa bandang huli dahil hindi niya talaga gusto ang kurso. Nang tatanungin ko na siya regarding sa gusto niya ba talaga ang sinabi niya

"Oo ate, h'wag moa ko konsensyahin nabasa ko na nasa isip mo, gusto ko ito dahil pangarap ko na parati ko kwinekwento kay itay" wika ni Forest na nagmamadali dahil excited

Sabay na kami naglakad para kumuha ng masasakyan na jeep, hiwalay kami ng bababaan. Mauuna siya, mas pala kaibigan si Forest kumpara sa akin noong ako ang nasa kanyang kalagayan. Nakalimutan ko humingi ng pasensya, dahil hindi ko man lang siya nasamahan mag enroll samantalang ang itay noon ay nasamahan ako.

Malapit na ako sa bababaan ko ng Makita ko sa huling kanto si Keneth. Kaya pumara na rin ako, mag fu'foodtrip nanaman to sa bentesilog kaya sasamahan ko na lang.

Pagbaba ko ng jeep nakita ko ang sasakyan ni Sir Tyler nakahinto sa tapat ni Keneth, napahinto ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil siguro sa kaba. Hindi ko maamin na kinikilig ako dahil hindi naman niya ako kilala at nakita nga nya ako pero ampangit naman ng una naming pagkikita.

Tinawag ko si ken

"HOY KENEEEEEEEEEEETH" sigaw ko habang papalapit kung nasaan siya, sabay alis ng sasakyan ni Sir Tyler papalapit sakin

Bumagal ang aking lakad at nakaramdam ng pagkadismaya, alam ni Keneth ang nararamdaman kong paghanga kay Sir, naikwento ko na nga lahat sa babaeng ito e, wala na akong naging sikreto sakanya, at ganon din naman siya sa akin.

"Hoy beshy hindi mo naabutan si crushie mo, nagpabili sakin ng hotdogsilog, jusko bat kasi nakapatay yang cellphone mo ikaw sana ang uutusan ni mam" ani ni keneth sabay palo sa braso ko

Hindi ko naman akalain nag anon ang mangyayari. Ang tatay ko talaga napaka istrikto nasa langit na kung makautos naman sa tadhana wagas ah!

"ano tay?! Bawal masulyapan si crushie?" wika ko habang tumingala sa langit

"ano?!, nasiraan na siya ng bait, hay naku!babagal bagal beshy ang gwapo talaga ni Siirrrr" pang aasar sakin na mas lalo akong nadismaya