Chapter 2
Hinihintay ko na lang ang resulta, at ang sabi hintayin ko na lang mula rito, at sa bandang dulo ng opisina mula sa kinauupuan ko ay natanaw ko nanaman si kuyang gwapo beshy.
Malayo pa lang tanaw na tanaw ko na ang kagwapuhan, kanina nakaputi siya ngunit ngayon ay naka dark blue na mas nakagwapo sakanya tignan.
Hindi ko alam kung sa langit ay matutuwa ang aking amain, maalala ko 40 days na niya sa makalawa at kailangan namin ng pera pangbili ng rekado kahit puto lang at ititmplang juice para sa magdarasal sa aming magulang.
Oo pala bago ko makalimutan at habang nag aabang ako ng resulta,
Hi ako nga pala si Yuan Rocket, mag bebente kwatro na ako sa susunod na buwan, ang nais ko lang naman ay makapasok sa industriyang kung saan magagamit ko ang talento ko sa pagsusulat at pagkuha ng litrato katulad ng aming ama noong hindi pa malala ang kanyang sakit.
Isa akong mass communication student, last na taon ko na ito, dahil kada taon isang semester ako nahinto upang may pang tustos kay forrest at dahil ron tumutulong na din ako sa pagbebenta ng kung ano ano sa palenke o sa mga schoolmates ko. Ngayon kay Forest na lang ako kukuha ng aking lakas sa araw araw.
"Ms. Yuan Rocket!" sigaw ng secretary ng HR, kaya dali dali naman ako pumasok sa kwarto kung saan nakatanggap ako ng napakabuting balita.
"Maari ka na magsimula bukas, paki ayos na lang ang mga sumusunod" giit ni mam na nag interview sakin.
Kahit isa lang ako sa mga PA ng isang magaling na researcher sa programa, Malaki na ang maitutulong nito sa aking pag aaral at sa araw araw namin na magkapatid, dali dali akong umuwi para maibalita ko ito kay Forest.
Nakasakay na ako ng jeep at nasa kalagitnaan ng traffic ng muling naisip ko ang mukha ni kuyang gwapo, gusto ko rin ito ikwento kay Forest dahil mahilig din naman iyon sa gwapo. Ngayon nga lang muli ako nagkainterest sa lalaki magmula non pinagbawalan ako ng itay na, hindi isaulo ang paghahanap ng kabiyak saka na lang pagtapos ni Forest sa pag aaral. Tila ba mahika na lang ba, na nawala ang atraksyon ko sa iba, pwera na lang ang kanina.
"Pasensya ka na tay, crush lang naman yun, paghanga lang iyon tay, hindi ko naman aasawahin" wika ko sa aking isipan at parang tanga na nakangiti sa mga taong nasa jeep kaya napapalingon ang iba sa akin, akala siguro nila na baliw na ako
Papalapit na ako sa aming bahay, kung saan nadatnan ko si Forest na nagwawalis sa aming labasan. Sa unang pagkakataon humawak ng walis ang aking kapatid
"ATEEEEEEEEEEEEEE!!!!1" sigaw ng bruha akala mo naman may mas magandang balita siyang sasabihin
"Oh bakiit?" yung expression ko na parang walang exciting para di gaano masaya at marami kaming tsismosang kapitbahay
"Ate may balita ako sayo, alam ko matutuwa ka kasi di mo to na achieve"napaisip ako sa sinabi ng loka loka na to.
Hmmm ano nga ba hindi ko na achieve noong hayskul ako?
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw naming dalawa na pati mga ibon naistorbo sa kanilang pag tambay. Pumasok kami sa loob ng bahay at doon ituloy ang kwentuan namin na magkapatid dahil sa sigaw naming, malamang nilingon na kami ng mga tsismosa naming na kapitbahay baka nga nasa isip na nil ana buntis na isa sa amin.
"Ate!!! Ateee!!" hingal na hingal pa si siya na magkwento eh!
"Alam mo ba ate, katatapos lang magcompute ng grades si sir, ang alam ko hindi ko ito makukuha dahil wala tayo pangregalo sakanila, katulad ng nangyari sa iyo. Pero matapang si sir pinaglaban niya ako at ang ating mala mmk na story" ani ni Forest
Gulat na gulat ako sa narinig ko dahil wala naman kami nabanggit sakanya ng itay noong ako'y nag aaral pa lamang. Akala ko ang sasabihin ng loka ay ang sumali ng Ms. Bayabas, pangarap ko sumali noon ng mga paligsahan sa kagandahan kagaya na lamang ng Ms. Bayabas. Kasi huling nag Ms. Bayabas kinukuha nila bilang artista, at bilang isang mahirap na nangangarap iyon ang naiisip ko upang maiahon ang aking pamilya sa kahirapan. Beauty with a bit brain naman ang ate Yuan noh?!
"Ate ngayon ako ang school Valedictorian ng Bayabas National High School, wala man sina inay at itay meron naman akong ateng wonder Yuan" niyakap ako ni Forest
"Alam mo, given na sa ating maganda pero matalino, baka nagmana ka na kay itay" pa joke ko pero naluluha na din ako, dahil sa kabila ng paghihirap naming ay meron naman ipinagbubunga.
"Forest, may trabaho na bukas ang ate" ani ko
Lumaki ang mat ani Forest sa sinabi ko, mas lalo pa tuloy siyang lumuha, at ayun nga dalawa na kaming umiiyak habang yakap yakap naming ang litrato ng aming magulang.