Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 41 - The Killer

Chapter 41 - The Killer

"Congratulations, Yna! You get married na pala!" Bati sa kanya ni Mrs. Corpuz sa muling pagbabalik niya sa trabaho. "And it's Daniel Dhanes." May kakaibang kislap ang mata nito.

Natatawa naman siyang tumango lamang.

"So it's impossible for you to write that story so I just asked Shine to do it for you." Ani nito sabay kindat sa kanya.

"Yun nga po sana ang sadya ko ngayon sa inyo.." Biglang seryoso niyang wika dito. Napatitig naman ito sa kanya.

"We're planning to get married in the church so can we just please wait for that before you release the news about our marriage?" Pakiusap ni Yna dito na lihim niyang ipinapanalangin na pumayag ito.

"You mean, we have to keep it first as a secret?" Seryosong tanong nito.

"Not really, Ma'am..but let's say..it's about waiting for the right time?" Nakangiti niyang ani.

Masaya si Yna na napapayag niya ang boss na itago muna ang tungkol sa private wedding nila ni Daniel.

"Cheers!" Masayang ani ni Jerry habang masaya silang nakaupo sa bar kasama sina Shine, Teddy ay Gian. Panay naman ang pagpahatid ni Gian ng luha sa mga mata. Alam ni Yna na ito ang unang-unang masasaktan dahil sa almost 10 years na panunuyo nito sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Hey, hindi ka ba masaya para sa kin, Gian?" Nakangiting ani niya dito.

"Ofcourse, I am happy for you." Umiiyak pa rin nitong wika.

"I know you'll find your one true love soon." Bulong niya dito na ikinangiti nito.

Maya-maya ay tumugtog ang masiglang musika at nagkayayaan sina Shine na magsayaw. Sinamantala niya ito para matawagan si Daniel na abala sa pagte-taping ng panibago nitong pelikula.

"Honey, can you make it here tonight?" Medyo pinalakas niya ang boses para marinig nito.

"I am sorry babe, may naka-sched akong interview ngayon. Nadala mo na ang gamit mo sa condo?" Tukoy nito sa usapan nilang paglipat niya sa condo ng lalake.

"Yes, honey. Dun na ako didiretcho ng uwi mamaya." Sabi naman niya.

"That's great. I miss you. Bawi na lang ako sa'yo mamaya. Prepare yourself." Panunukso nito. Napatawa naman siya sa sinabi nito.

"I will. I love you. Bye." Paalam niya dito.

"I love you a hundred times. Ingat sa pag-uwi, my dear wife." Malambing naman nitong tugon.

"Yna!!! Come here!!!" Sigaw ni Shine mula sa dance floor at kumakaway sa kanya. Masaya naman siyang luapit sa mga ito at nakisayaw. Lingid sa kaniyang kaalaman ay mga matang nakasunod sa kanya.

Inihilata niya ang likod sa malambot na higaan ni Daniel. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napangiti siya sa isiping mula sa araw na iyon ay ganap na siyang asawa ng lalake at kasama nitong titira sa condo nito.

Agad siyang nagshower at sinuot ang niregalong pantulog ng ina nito. Lihim siyang namula sa isiping tila tinutukso niya ang lalake suot ito dahil masyado itong revealing. Napailing siya sa naglalaro sa kanyang isipan. Tiningnan niya ang cellphone ngunit wala pang text ang lalake kung pauwi na ito.

Napangiti siya ng marinig na may nagbubukas ng pinto. Siguradong si Daniel na iyon.

"S-sino po ka'yo? Ano pong kailangan n'yo?!" Nagsimulang bumalot ang matinding takot sa buong katawan ni Yna ng iluwa ng pinto ang isang naka-bonet na lalake. Alam niyan hindi si Daniel iyon. Palihim niyang idinayal ang numero ng lalake sa kanyang cellphone na hawak niya sa kanyang likuran.

Napatili siya ng ilabas nito ang matulis na patalim.

"Daniel, help me!!!" Malakas niyang sigaw habang tumatakbo paakyat sa hagdan ngunit agad na nahila ng lalake ang kayang buhok kaya nabitawan niya ang cellphone. Nagawa naman niyang kumuha ng lakas at sinipa ito. Napaluhod ito sa sahig na sinamantala iyon ni Yna upang makatakbo palabas ng condo. Wala na siyang pakealam kung halos hubad na siya. Ang mahalaga ay makatakas siya sa kung sinumang gustong pumatay sa kanya.

"Yna!!!" Sigaw naman ng utak ni Daniel habang pinapaharurot ang motor. Halos paliparin na niya ito ng marinig ang sigaw ng babae. Alam niyang nasa panganib ito.

"God, please..'wag nyo po hayaang may masamang mangyari sa asawa ko." Lihim niyang panalangin kasabay ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Alam niyang hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang mangyayari dito.

Bago pa man niya maipreno ang motor dahil sa pagbabago ng kulay ng ilaw ng traffic light ay binulaga siya ng isang matulin na kotse. Huli na para iwasan niya ito.