Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 45 - My Wife

Chapter 45 - My Wife

Natagpuan ni Daniel ang sarili sa address na ibinigay ni Herman. Matapos mai-park ang kotse ay nagsimula na siyang humakbang palapit dito. Sa bawat paghakbang niya ay tila unti-unti ng bumabalik ang mga piraso ng nakaraan sa kanyang isipan.

"Would you tell me, Miss Yna Reyes, who give you permission to enter into my house and look into my things?" Galit na tanong niya dito na lalo pang humigpit ang kanyang pagkakayapos sa balingkinitang katawan nito.

"Let me go!" Pasigaw na ani nito saka napapikit ng mas lalo pang niyang inilapit ang kanyang katawan.

"I can sue you of sexual harassment!" Pagpatuloy ng singhal nito sa kanya. Nagpumiglas ito ngunit mas malakas siya.

Napilitan ng pag-aalala ang kanyang mukha ng makita ang pagtulo ng luha sa mata nito.

"You will sue me? Huh?! Sino ba ang dapat na kasuhan sa ating dalawa?!" Balik nitong tanong niya.

"I'm sorry." Nanghihina ang tinig na wika ng babae saka ito dahan-dahang tumayo at inayos ang sarili.

Napabuga naman siya sa hangin saka seryosong tumunghay sa kanya na tila naiinip sa kaniyang paliwanag.

"I'm just so obsessed in solving this case." Pagtatapat nito sa kanya.

Sarkastikong napatawa ang lalake.

"So you are again telling me I'm the one behind the death of those reporters?!" Inis na tanong niya sa babae.

"I will not let you get out unless you do me a favor.." May langkap na pananakot na ani niya kasabay ang kakaibang naglalaro sa isip niya.

Kinakabanahan naman ang babaeng napatingin sa kanya.

"Wh-at?" Nanginginig na tanong nito.

"Go with a date with me." Kasabay ang nakaloloko niyang ngiti.

"Apo?!" Gulat na salubong sa kanya ng matanda ng halos basagin na niya ang pinto sa pagkatok. Kailangan niyang makita si Yna. Kailangan niyang humingi ng sorry dito at muling magmakaawang tanggapin siya muli ng babae sa kanyang buhay.

"Lola? What are you doing here? Where is Yna?" Gulat na tanong ni Daniel ng ang matanda ang iluwa ng pinto. Dirediretcho siyang pumasok doon at mabilis na iginala ang paningin.

"Yna! Yna!" Malakas niyang pagtawag. Akmang hahakbang siya paakyat ng hakdan ng pigilan siya ng matanda.

"Calm down, apo. She's at work. At 'wag kang maingay dahil baka magising si Sean!" Nag-aalalang saway sa kanya ng matanda.

"Who's Sean? Oh no! She probably found another guy?" Sa isiping iyon ay tila nakaramdam siya ng panghihina. Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata at napaupo siya sa sahig. Nag-aalala naman siyang tinunghayan ng kanyang lola.

"This is my fault. I did not recognize her! I did not recognize her, La!" Umiiyak niyang sambit na tila batang nakahilig sa braso ng matanda.

"It's alright apo. Don't blame yourself. Walang may kasalanan sa mga pangyayari. Ang mahalaga naalala mo na ang lahat.." Pag-aalo ng matanda. "Naalala mo na nga ba ang lahat?" Pagtatanong nito sa kanya. Nag-angat siya ng paningin at sinalubong ang nagaalalang tingin ng lola. Tumango lamang siya dahil hindi niya kayang sabihin ang emosyong kanya ngayong nararamdaman. Gusto niyang ilabas lahat ng luha na dapat ay kanyang iniluha sa loob ng isang tanong kinalimutan niya ang minamahal na asawa na naghihintay sa kanya.