Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 35 - The Ambush

Chapter 35 - The Ambush

Natagpuan nga ni Yna ang sarili kasama ang iba pang mga reporters sa malaking bulwagan napagdarausan ng press conference ni Daniel. Abala ang lahat ng mga media doon sa pagaayos ng kani-kanilang camera at microphones. Mabigat sa loob na hinanap niya ang pangalan ng istasyon nila sa mga label ng mga upuan. Lalo siyang nakaramdam ng kaba ng makita na nasa pinakaharap ang kanyang upuan katapat ng pwesto na pupuntahan ni Daniel.

Maya-maya pa ay dumating na ang kampo nito. Napukaw ang atensyon niya sa personal assistant ng lalake na mahigpit na nakapulupot ang braso sa braso ng lalake na pumipilantik pa ang bewang na lalo pang pinaseksi sa suot nitong hapit na mini-dress. Kita niya ang pagsulyap ni Daniel sa gawi niya kasabay ang pagsalubong ng kanilang mga mata. Maliwanag ang mukha nito at maaliwalas. Inalis nito ang tingin sa kanya saka kinawayan ang lahat ng media.

Walang tigil ang mga camera maging ang mga katanungang isa-isang binabato ng mga reporters. Isa lamang katanungan ang pinapahanda sa kanila at alam ni Yna na kailangan niyang gamitin ang pagkakatong ito upang makabawi sa istasyon dahil sa halos isang buwan niyang pagli-leave.

"Daniel, we're very excited to watch your film kasi ito ang first action movie mo hindi ba?" Paguumpisa ng reporter na malapit sa tabi niya.

"That's right." Nakangiting sagot nito habang panay ang sulyap sa kanya. Pilit naman ang pag-iwas niya tingin dito.

"How's Kim as your partner?" Pagpapatuloy ng tanong nito na pinapatungkulan ang katambal nitong artista na si Kim Jacinto na katabi nito sa upuan na lalong pinatingkad ang kagandahan dahil sa suot na pink floral dress.

"Well, I enjoy every moment of the taping because of Kim. She's very professional at napakabait na tao." Paliwanag ng lalake ng nginitian ang katabing artista.

"Pwede kayang mauwi ang on-screen romance ninyo sa tunay na buhay?" Tanong naman ng katai niyang reporter. Alam niyang siya na ang susunod na magtatanong dito at hindi maitago ang kanyang kaba.

Sandaling nag-isip ang lalake kasabay ng pagtawa ng dalawang artista.

"Who knows? We're both single naman." Sagot na lalake na ikinataas ng kilay niya. Naghiyawan ang mga reporters na halata ang kilig sa sinabi ng lalake. Napabuga sa hangin si Yna saka sumulyap sa lalake na nakatitig pala sa kanya. Kita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito na tila nanunudyo. Isang mapang-asar na ngiti din ang binigay niya dito. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo.

"This is Miss Yna Reyes from the ABM News Network…" Pag-uumpisa niya. Namayani ang katahimikan. Napalitan ng seryosong mukha ang mga katabi niyang reporters ng marinig ang pangalan ng istasyong nagpasimula ng kontrobersya sa lalake at nagbigay ng bahid sa career nito.

Nakipaglaban ng titigan si Yna sa lalake na nakangiti pa rin na hindi pinansin ang madilim niyang mukha.

"I was the sole survivor of the ambush that killed my two correspondents four months ago.." Pagpapatuloy niya. Kita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Maging ang manager nitong si Herman at nagsimulang bumulong sa katabing babae. Maririnig din ang bulung-bulungan sa paligid.

"Until now, we are waiting for result of the investigation." Pagpapatuloy niya.

"So what do you want to ask, Miss Reyes?" Matatag na tanong sa kanya ng lalake na lumamlam ang matang tumunghay sa kanya.

"Have you cleared yourself out of the case?" Diretchong tanong niya. Akmang sasagot ang lalake ng kunin ng manager nitong si Herman ang mikropono.

"Ahm..I just want to inform everybody na ang press conference na ito ay intended lamang sa movie ni Daniel…" Pagputol ng bading sa usaping sinisimulang ungkatin ni Yna.

"I think my question is still related to the movie because I would like to know how you manage his busy schedule in the taping and the cases filed against your agency? I believe the success of this film lies in your true motive. Dahil may kaso pa kayong hinaharap, I am sure makakaapekto iyon sa magiging rating ng pelikula. I am just concern." Seryosong paliwanag niya. Napaawang ang bibig ng bading na tila hindi makahanap ng mga salita pang sasabihin.

"Thank you for your concern, Miss Reyes. I believe my loyal fans out there knows me well..that I will not let myself be involved in such issues." Mahinahong pagsalo ni Daniel sa manager nito.

Ngunit ang pagtatanong na iyon ni Yna ang naghudyat para sa iba pang mga reporters na mag-ungkat ng iba pang issues na kinasasangkutan ng aktor at ng agency nito. Kita niya ang inis sa mukha ng manager ng lalake habang ang aktor ay nakangiti pa rin at pilit na dinadala ang sarili sa napakaraming kontrobersya na pinupukol ngayon sa kanya.