Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 72 - Moribund

Chapter 72 - Moribund

Chapter 68: Moribund 

Haley's Point of View 

  Buhat buhat ako na parang isang sako ng isang lalaki habang paakyat kami ngayon sa rooftop kung saan, arinig ko na naghihintay na ro'n 'yong helicopter na aming sasakyan. 

  Kahit ang sakit sakit ng ginawa sa akin nung Emmanuel na 'yon mula sa pagkakasikmura niya sa akin kanina, sinubukan ko pa ring lingunin ang may dala sa akin. 

  "Saan n'yo ako balak dalhin?" Nanghihina kong tanong dahilan para lumingon ang lalaki sa akin at dikit-kilay akong tiningnan. 

  "Silence." Malalim ang paraan ng pagkakasabi niya at dahil na rin siguro sa takot, hindi na ako sumagot pa. 

Nakaakyat na kami sa taas, lumabas para marating ang rooftop saka bumungad sa amin ang napakalakas na hangin na nanggagaling sa malakas na pag-ikot ng elesis. Nandoon na nga sa gitna ang helicopter. Nakaandar na ang makina at handa ng lumipad. Mukhang kami na lang ang hinihintay. Sh*t. 

  "Let's go." Aya nung kasamahan nung lalaking may hawak sa akin saka ako dali-daling isinakay sa helicopter na iyon. Wala itong pinto at open lang kaya pwede pa rin akong makatakas habang hindi pa umaangat. 

  Kaya nung ibinaba ako sa loob nung helicopter, tangka ko pang tumakbo't tumalon pero nahuli rin nila ako't walang awa na tinuhuran sa sikmura. Muli nanaman akong naglabas at napaubo ng dugo saka napaluhod at padapang bumagsak sa simento. Nung imulat ko ang mata ko, nanlalabo't naninilim na ang paningin ko. 

  Kinuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay rito… 

Flashback: 

  Sa confinement room sa W.S.O. 

Paalis na si Lara no'n para bumalik sa bahay nang tawagin ko siya. "Ilabas mo 'ko rito! Isama mo 'ko. Susubukan kitang tulungan!" 

  Huminto siya sa paglalakad saka niya ako nilingunan nang kaunti. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang gilid ng kanyang mata. "Tutulungan?" Ulit niya sa aking binanggit na nagpalunok sa sarili kong laway. Humarap siya sa akin bago siya naglakad palapit kung nasaan ako. Matalim at napakalamig ng mga asul niyang mata na pati ako, nakakaramdam ng kakaibang takot. 

May mata siya na isang tingin mo lang, parang kaharap mo na 'yung kamatayan. 

  Ganoon 'yung pakiramdam kapag tititigan mo nang matagal 'yung asul niyang mata. 

  Ipinatong niya ang kanan niyang tuhod sa pagitan ng mga hita ko't gumapang palapit sa akin. She leaned towards my face, tinitigan niya akong maigi. The next thing she did, idinikit niya sa chin ko ang front sight ng baril niya na hindi ko namalayan ay naglabas na pala siya. Kinuha niya iyon mula sa poketa na nakatago sa mga hita niya. Pumabilog ang bibig ko habang namumuo ang malamig kong pawis sa katawan.

  Idinikit niya ang noo niya sa akin at mas binigyan pa ako nang nakamamatay na tingin. Tila parang huminto ang pagpintig ng puso ko, at kahit alam kong kapatid ko ang na sa harapan ko ngayon, hindi mawala-wala sa utak ko ang katanungang ito. 

  Why are we so different even though we are twins?

"May kawala ka ba kapag natutukan ka na ng baril?" Malamig niyang tanong habang nanginginig lang ang mata kong nakatingin sa mata niyang kasing lamig ng yelo. "Ano ang laban mo kapag ipinutok ko na ang bala? Hailes?" 

End of Flashback: 

  "Krr…" Alam ko naman, eh. Alam kong wala akong laban… 

  Naramdaman ko ulit ang pagbuhat ng isa sa kanila. Pahagis din nila akong ipinasok sa helicopter na parang isang basura. 

Tumama rin 'yung ulo ko sa matigas na bagay kaya mas lalong nandilim ang paningin ko. Medyo nararamdaman ko rin ang kaunting hilo. 

  Ramdam ko ang pag-angat namin sa ere, kaya wala na akong nagawa kundi manatili sa pwesto ko't hindi gumalaw. At hangga't maaari ay sinusubukan ko ring manatiling gising, hindi ako pwedeng matulog na lang dito ng wala akong nagagawa… 

  Kung hahayaan ko silang magawa 'yung plano nila, edi parang wala ring saysay 'yung nagawa ng kapatid ko para sa akin. 

  Tumatama ang buhok ko sa mukha ko dahil sa sobrang lakas ng hangin. 

"Ngh." Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Unang tumambad sa akin 'yung isang bagay na nakasabit sa may bandang sinturon nung nakaupong lalaki-- isang bomb grenade. Nagpupunas siya ng baril niya na parang riffle kung tatawagin habang iyong isa naman ay naglalagay ng iilang bala sa magazine ng Ak-47 niyang mukhang laruan. 

  Humph. Nagawa ko pang manglait, ano? 

  Inilipat kong muli ang tingin sa nakasabit sa sinturon nung lalaki. Huminga nang malalim at pinakiramdaman ang hangin na bumabangga sa balat ko. 

Natawa rin ako sa kaisipan na parang sa ilang ulit na dumaan sa akin 'yung disgrasya parang ngayon ko lang talaga yata makikita 'yung kamatayan. 

 

  Wala naman siguro akong pagsisisihan, ano? 

 

  "Sino ito?" Rinig ko mula sa harapan, mukhang 'yung piloto yata ng helicopter na ito ang naririnig ko. "Bomba? Saan?" 

  Na-alarma naman ang dalawang lalaki na nagdala sa akin dito. "Hoy, ano raw 'yon?" 

  Lumingon ang piloto sa gawi nung dalawang lalaki. "Hindi ko sigurado, pero may nagsabit daw ng bomba sa ilalim." 

  Napatayo ang may hawak ng riffle gun. "Ano?! Bakit hindi mo kasi tiningnan?!" Hindi makapaniwalang tanong nito na may pagalit na tono. "At sino ba 'yang kausap mo?!" 

  Lumingon ako nang kaunti sa piloto. Hawak niya ang headset niya nang pumaharap ang kanyang tingin. "Roxas Steffenson?" Patanong na sambit nung piloto kaya unti-unting namilog ang mata ko. 

 

  Roxas? 

  Muling lumingon ang piloto sa gawi namin. "Sinasabi niyang pakawalan daw 'yung bihag." Tukoy sa akin. "Ihihinto raw niya 'yung timer nung bomba." 

  Inilipat ko naman ang tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Ibinaba niya ang tingin ng mga mata niyang galit na galit sa akin at sinipa ang aking mukha na mabilis ko namang hinarangan ng mga kamay ko. 

  Pero ramdam ko ang sakit ng likod ng aking palad. 

  "He's lying! He's from W.S.O. kaya baka gawa gawa lang niya 'yung sinasabi niya para pakawalan 'tong babaeng 'to!" Turo niya sa akin. 

  "T-Tingnan daw natin 'yung ilalim." Nauutal at ninenerbyos na sabi nung piloto. At gaya nga nung sabi, tiningnan nga nila ang ilalim ng sakay sakay naming helicopter. Ang tumingin no'n ay 'yung isa pang kasamahan nila na naglalagay ng bala kanina sa Ak-47 niya. 

  Dumungaw ito habang hawak lang siya nung isa bilang pag suporta na hindi mahulog. "F*ck! Mayroon ngang bomba! At…" Umangat na 'yong lalaki. "Isang minuto't iilang segundo na lang bago sumabog!" 

  "Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong nung may hawak na riffle gun. "Hahayaan rin ba niyang mamatay 'tong babaeng 'to?" Tukoy niya sa akin at bigla akong nilingunan. Kaya ako naman itong unti-unting ring inilipat ang tingin sa kanya. 

Wala ng buhay ang mata niya pero inilinya rin niya ngisi sa kanyang labi. "Tutal, papatayin ka rin naman ni Boss, ba't hindi na lang ako ang gumawa no'n sa'yo?" Lumapit siya sa akin saka niya ako pasakal na binuhat sa leeg. 

Humawak ako sa mga mabibigat, maugat niyang kamay na sinasakal ako para lang mabuhat ako na parang wala lang. Malaki rin kasi ang katawan niya gayun dina ng mga braso niya.

  Dinala niya ako sa labas ng helicopter kaya pagwang gewang ako nang dahil na rin sa lakas ng hangin. "Ackk… Ngh…" 

  "Hoy! Magagalit si Boss kung pinangunahan mo siya--" Pinutol siya nung nananakal sa akin. 

  "F*ck off! Wala na tayong pagpipilian! Gagamit tayo ng parachute, alangang isama pa 'tong babaeng 'to?!" Kita sa sintido niya 'yung paglabas ng ugat niya sa galit habang nakalingon sa kasamahan niya. 

  Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin habang unti-unti na akong nauubusan ng hininga. Inuubo na rin ako dahil sa pagkakapos hininga. 

  He smirked at me before he threw me out. Kaya ngayon ay mabilis akong nahuhulog paibaba. Sa hindi malamang dahilan, isa-isang lumitaw sa utak ko 'yung mga mukha ng mga taong mahahalaga sa kin. Lalo na 'yung mga matatamis nilang ngiti ang mas nakikita ng utak ko. Naririnig ko na rin ang iba't ibang boses na nangagaling sa mga kaibigan at pamilya ko kaya nakaramdam ako nang matinding kalungkutan. 

  Ganito ba talaga kapag mamamatay ka na? O sadyang mahilig lang talaga akong umalala ng mga bagay-bagay? 

  Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, tanging ang mga ulap lamang ang nakikita ko sa ngayon habang bumabagsak ako.

It's no use, huh? It seems that this is the end for me. 

But... What will happen if I die here? Magiging okay kaya ang lahat? Magiging ligtas kaya sila Mama? Si Lara? Sila Mirriam? Si Reed? Siguro naman oo, 'di ba? Kaso paano kung hindi? Paano kung pagkatapos nito, hindi pa pala tapos? 

Saan ako pupunta? Saan ako dadalhin? Saan ako pupulutin kapag nahulog ako rito? Kapag talagang namatay nga ako? 

No, I don't want to think about it. 

  Inangat ko ang kanan kong kamay na parang may inaabot ako sa itaas. Tulala lang din akong nakatitig sa kawalan, hindi namalayan na lumuluha na pala ako. 

  No one knows the answer, no one does. That's why, I don't want to. I don't want to die… Not here. 

"God, I wanna live. That's what I truly feel. Will you help me?" 

*****

Related Books

Popular novel hashtag