Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 70 - Counterfeit

Chapter 70 - Counterfeit

Chapter 66: Counterfeit

Emmanuel's Point of View 

  Pareho na kaming nakaupo ngayon sa lamesa nung kapatid ng kaisa-isang Vivien Villafuerte na si Haley Miles Rouge. Ayon sa mukha ng batang ito, it seems she's already done for. Humph. How pathetic. This is what happened when you're attached to people around you. 

  Kaya madali kayong mamatay lahat, eh. 

Dito ko siya pinapunta sa hotel restaurant, sa pinakamataas na palapag para isang akyatan na lang ang gagawin ko mamaya upang makaakyat sa rooftop. Nandoon 'yung helicopter na sakyan namin pag nagawa ko ang kaunting plano.

Puro mga tables ang makikita sa paligid, white chair and table sheets 'tapos Red Carpet. May piano doon sa pinaka gilid. Mayroon ding stage sa kanan na bahagi, at chandeliers. Ito 'yung madalas mong makita sa mga luxury restaurant hotel. 

Inilipat lipat ng batang ito ang tingin sa kaliwa't kanan na parang alerto na ino-obserbahan ang paligid. Nanliit nang kaunti ang tingin ng mga mata ko. May dalawa akong naiisip kung bakit siya ganito kung umarte. 

  Maaaring dahil aware siya sa mga tao sa Black Rock Organization kaya natatakot siya na baka mamaya ay may nagmamasid sa kanya't kunin siya--kung saan hindi naman siya nagkakamali dahil na sa harapan na 'yung kinatatakutan niya. O kaya naman sadyang nakakuha siya nang malaking impact ng trauma kaya lahat ng pwede niyang makita sa paligid ay delikado sa paningin niya. 

  Sa madaling salita, takot ang pumapangibabaw kaya hindi siya mapakali sa inuupuan niya. 

  "Haley, calm down. You're safe here." Pagkampante ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagkikilos niya't umayos nang upo.

  Yukong pumaharap ng tingin ang babaeng ito sa akin. "Ano 'yung dahilan at pinapunta n'yo pa ako rito at hindi na lang sa E.U.?" Tanong niya gamit ang kanyang malalim na boses, kasabay ang pag-angat niya ng tingin sa akin ang bigla kong pag-alala sa mata ni Vivien Villafuerte na minsan ng tumama ng diretsyo sa aking mga mata.

  Madalas siyang nakasuot ng puting maskara-- silang lahat ng mga tao sa White Stone Organization ngunit hindi ipagkakaila na siya lang sa organisasyon nila ang mayroong mata na hinding hindi mo makakalimutan dahil sa paraan ng pagtingin niya. Ang nakamamatay, malamig, at walang buhay na asul niyang mata. 

 

  Magkaiba sila ni Haley Miles Rouge ng paraan ng pagtingin pero parehong-pareho sila ng hugis ng mata, hindi kataka-taka na kambal niya nga itong na sa harapan ko maliban na lang sa magkaiba rin sila ng kulay ng mata. 

 

  "Bakit hindi sa E.U.?" Ulit ko sa kanyang tanong at ngumiti. 

Matapos kong malaman na nakawala ang guro na ginawa naming bihag, nagpasya akong umalis sa unibersidad na pinapasukan ng babaeng ito (Haley) dahil mas mahihirapan ako kung mananatili ako roon. I honestly could at least get a student as a hostage to scare those shitty police off but it would mean that I will catch more attention to danger. Masyadong hassle. Eh, kung aalis na lang ako roon lalo na't kulang na ako sa tao ngayon, wala ako masyadong iisipin. 

  Pagkatapos lang naman nito. Aalis na ako sa lugar na 'to para magpakalayo layo. Ayos na rin naman ang mga papeles ko para makalabas ng Pinas. Pwede akong mabigyan ng parangal ng organisasyon sa ibang bansa saka ako magsimula ng panibago roon. Huwag lang talaga akong bibigyan ng misyon dito sa Pinas. 

  At hindi pwedeng malaman ng kabilang grupo na marami sa mga tao ko ang nawala! Hindi pwede! Nakakahiya! Aalis ako rito! Aalis ako! 

  Pasimple akong kumagat sa ibabang labi. 

  However, before I leave the place. I must kill her twin sister in a slowly manner para maramdaman ko naman 'yung lasa ng tagumpay kapagka lumapit siya mismo sa akin. 

I have to provoke her anger and make her go out of control so that I could easily kill the most dangerous assassin of White Stone Organization. Mahina ang tao kung pinapairal nila masyado 'yung emosyon nila dahil hindi sila makakapag-isip nang maayos.

  Sa pagkakaalala ko, dahil sa pagsagip niya sa kambal niya na ito (Haley), halos mabigyan na nila ng sugat si Vivien Villafuerte. 

Hehh, who would've thought that b*tch has a soft side when we're talking about with her sister? 

That weakness will only put her to risk. I'm grateful with the intel that I got from a trusted member of the organization. 

  Kung hindi dahil sa kanya, hindi namin malalaman 'yung tungkol sa background information ni Vivien Villafuerte. Laking tulong talaga nung Memoircor na 'yon. 

 

 

  Saka hindi pwedeng mabuhay si Vivien. Kung mananatili siyang buhay, mas magiging delikado siya. Ah, tama! Kung masisigurado kong mapapatay ko ang babaeng 'yon, katatakutan din ako ng mga tao sa organisasyon. Wala ng magtatangkang lumapit sa akin para gawin ang gusto nila nang dahil lang sa sila ang mataas. 

  Pumasok sa utak ko 'yong paraan ng pambubugbog nila sa akin gayun din sa mga bata ko noon habang nakalinya ng ngisi ang labi nila. 

Hindi ko mapigilan ang hindi mapakuyom. Sisiguraduhin ko sa inyo na yuyuko kayo sa akin! 

 

  "Sir?" Tawag sa akin ng babaeng na sa harapan ko dahilan para tumikhim ako't muli siyang nginitian. 

  "Gusto mo ba sa E.U. tayo mag-usap?" Tanong ang binigay ko sa tanong niya. Wala siyang karea-reaksiyon doon. Umangat lang ang ulo niya para mas makita ako. 

  "You should give me an answer instead of a question." Pamimilosopo niya kaya humagikhik ako. 

  "Sabagay." Pagsang-ayon ko sa kanya at lumingon sa glass mirror upang makita ang labas. "Pero hindi ba't makakapag-isip ka nang maayos kung ire-relax mo 'yong sarili mo kahit sandali? Lalo na't ngayon ka lang naman nakalabas ulit mula sa ilang araw na pagkulong mo sa kwarto mo." Tanong ko noong makalingon ako sa kanya. Nakatingin din siya sa labas ng glass wall bago niya inilayo ang tingin. 

  Lumingon siya sa kaliwang bahagi at ibinalik ang tingin sa mga kamay na nasa kandungan niya. "You think you could actually help me with this? Besides, I don't really need help from someone who don't even know me nor my situation. You don't even know what was going on and I have no reason to tell you even if you want to." She says, in a boldly manner. 

  Palihim akong nairita sa kung paano siya umarte. 

  "Relax, hindi mo naman din kailangang sabihin kung ano 'yang nangyayari sa 'yo kung ayaw mo pa." Panimula ko at matamis siyang nginitian. "Pero kung ako sa 'yo, sasabihin mo. Hindi rin maganda 'yung nagkikimkim ka dahil baka mamaya kung mapaano ka, isipin mo na lang 'yung mga magulang mo--" 

 

  "I get it, I know." Mabilis niyang sagot, bumaba lang ang talukap ng mata ko ngayong pinagmamasdan ko ang matapang niyang mukha. 

Tinaas niya ang kaliwang kilay. "But you've got time to stick your nose in to my business, not all teachers would actually waste their time to do that." She got sharp tongue. 

  Inangat niya ang manggas nung sleeve niya para tingnan ang wrist watch niya. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. "Ayoko rin ng special treatment kaya dapat ba nandito ka pa? Hindi ka ba mauuna sa E.U.?" 

  Inilipat ko ang tingin sa isa kong kasamahan na nandoon sa gilid. Tumango siya senyales na handa na 'yung pinapagawa ko kaya muli kong ibinaba ang tingin sa babaeng ito na nakatingin lang din sa akin. "Hindi mo ba alam? Nakabalik na 'yung adviser mo." Nakita ko ang kaunting pamimilog ng mata niya pero ibinalik din niya sa dati. "Substitute teacher lang ako sa E.U. kaya sabihin nating day off ko ngayon? Kasi ihahanap pa ako ng bakante." Obviously, I lied. 

Parating na ang pakunwaring waiter tulak tulak ang serving cart. "Have you ate your breakfast already?" Tanong ko habang sinusundan ang tingin sa pagkain na inihanda sa amin. 

  "Kumain na ako." Sagot niya. 

  Tumango ako. "Tamang tama, light lang talaga itong in-order ko for our breakfast, samahan mo muna akong kumain dahil namamayat ka na rin." Mahirap kang hiwain kung masyado kang matigas. "Magpataba ka ka kahit papaano." Dagdag ko. 

  Wala siyang sinabi at dikit-kilay lamang niya akong tiningnan na parang sinususpetsahan niya ako. Tinawanan ko siya nang kaunti. "You don't need to look at me like that. Don't worry, It's my treat." Huminto na sa gilid namin 'yung serving cart. 

  "What is it that you really want? Hindi naman siguro ako pumunta rito para kumain lang ng umagahan kasama ka, tama?" Tanong niya na ipinagtaka ko naman. Sa tingin ba niya, may iba pang dahilan kung bakit ko siya pinatawag dito? 

  Binuksan na ang takip nung pagkain kaya bumungad sa amin ang Veggie Tacos Soup gayun din ang cha-a namin. Ang isa sa inumin ay may halong paralysis drug, balak kong ipainum ang cha-a sa kanya upang hindi ako mahihirapan kung susubukan man niyang magpumiglas sa akin mamaya. 

  Pasimple kong sinulyapan ang CCTV sa gilid ng ceiling. Kung saan-saan ito tumututok upang tingnan ang mga customer na narito sa floor na ito. 

Pinaasikaso ko na sa dalawang bata ko ang pwedeng gawin sa mga empleyado sa control room para hindi masyadong mahirap gumalaw kung sakaling matumba ang babaeng ito sa inuupuan niya. 

Masyadong nakakairita kung maraming mata ang nakatingin. 

  Mabuti na lang ay madali na lang 'yong sa kitchen dahil walang naka-attached na CCTV doon. 

  "Hmm? Hindi ka ba pumunta rito hoping for something to talk about?" Panimulang tanong ko na ikinakunot-noo niya. 

 

  "What are you talking about?" Pagmamaang-maangan niya. 

  "You kept on saying that you don't need any help but you're here because actually want someone to listen to you." Wika ko na nagpabuka sa kanyang bibig. Figured, all those words that came out in her mouth was just a bluff. 

  Naging seryoso na ang mukha niya. Namagitan din sa amin ang katahimikan kaya kinuha ko ang cha-a ko para uminum. 

Napatingin din ako sa cha-a ng babaeng 'to, hinihiling na sana galawin na niya. 

  "I get it," Biglang tugon niya kaya napatingin ako sa kanya. "I'll tell you then." Dugtong niya na siyang nagpalinya ng ngiti sa labi ko. "But I don't think you'll believe me." 

  Ibinaba ko ang cha-a ko. "Magkakaganyan ka ba kung puro kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Huwag ka mag-alala, kung ano man 'yan. Susubukan kitang tulungan. Hindi ka naman natutulungan ng mga pulis sa problema mo, hindi ba?" Mas nagsalubong ang kilay niya kaysa kanina. "Pero kumain ka rin muna para hindi lumamig 'yung pagkain mo. Maaga pa naman." Kinuha ko na rin ang kutsara ko para simulan ang pagkain ko. 

  Pumikit siya sandali at huminga nang malalim bago kunin ang kutsara niya. Nung kumuha siya ng sabaw sa bowl niya, tinitigan niya na muna iyon na parang nag-aalanganing isubo. "What's the matter?" Tanong ko sa kanya. 

  Tiningnan niya ako sa mata, sobrang lalim no'n kaya kumunot nang kaunti ang noo ko. 

Umiling siya pagkatapos. "Nothing." Isinubo na niya ang pagkain, namangha sa naging lasa nito kaya nginitian ko siyang muli. 

  Ilang minuto noong magsimula na siyang magkwento. "I have a twin sister," Panimula niya noong makaupo nang tuwid at noong matapos siyang makailang subo sa Veggie Tacos Soup niya. 

 

  "Ah, twin sister… That's new, eh?" Nagkunwari pa akong nagulat. 

  Tumango siya. "Yeah. She's cheerful, and jolly." Paninimula niya pagkwento kung ano ang kambal niya na malayong malayo sa inaasahan ko. 

Cheerful and jolly? That monster? 

  Pero kung sabagay, if we're talking about her childhood, it's possible. But I just couldn't imagine it. 

  Nagku-kwento lang siya habang hindi ko maiwasan na tingnan ang baso ng cha-a niya. Hindi pa rin niya 'yon ginagalaw. "Nawala siya ng ilang taon, pero ngayong bumalik siya… Nagbago siya, at kayo may kasalanan…" Hindi ko narinig 'yung mga huli niyang sinabi kaya napataas-kilay ako pero hindi na ako nagtangka na ipaulit dahil wala naman akong pakielam. 

  "Ibig mong sabihin, buhay talaga ang kambal mo na inaakala mong patay? Tama ba?" Tanong ko at isiningit ang cha-a niya. "Ah, nga pala, Haley. Baka lumamig din 'yung cha-a mo, inumin mo na." Singit ko kaya kinuha niya nga gaya ng sabi ko. 

  Tumango siya sa aking tanong kanina bago niya idinikit ang labi sa baso niya. Na sa bunganga na niya ang laman nung cha-a kaya napangisi na ang labi ko. Huli na nung malaman ni Haley Miles Rouge ang dahilan sa likod ng malapad kong pagngisi. 

  Nabitawan niya ang baso niya.

*****